You are on page 1of 7

Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Ikalawang Markahan

1. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?


a. Katotohanan
b. Kumilos o gumawa
c. Pandama
d. Umunawa
2. Sa pamamagitan ng kilos-loob, ano ang nahahanap ng tao?
a. Kaalaman
b. Kabutihan
c. Karunungan
d. Katotohanan
3. Ang sumusunod ay katangian ng isip MALIBAN sa:
a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran
c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
4. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng tao sa paggamit ng isip at kilos-loob?
a. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
b. Sanayin, paunlarin, at gawing ganap
c. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
d. Wala sa nabanggit
5. Analohiya: Isip: Kapangyarihang mangatwiran- kilos-loob: _________________
a. Kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
b. Kapangyarihang pumili, magpasya, ay isakatuparan ang pinili
c. Kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. Kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
6. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa tunguhin ng kilos-loob?
I. Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan
II. Ang tunguhin ng kilos-loob ay pag-unawa
III. Ang tunguhin lamang ng kilos-loob ay ang kasamaan
IV. Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaring pilitin ng tao na gawin ang Mabuti
a. I
b. II
c. III
d. IV

7. Si Joy ay madalas mapagalitan ng magulang dahil sa katigasan ng ulo. Gabi-gabi na siyang halos
makauwi at hindi pa tumutulong sa mga gawaing bahay. Ano kaya ang nararapat na gawin ni Joy?
a. Makinig sa magulang at umuwi ng maaga
b. Mag muni sa sarili at pagsikapang maging mabuti
c. Hayaan ang magulang at ipagwalang bahala ang mga payo nila
d. Isapuso at isa-isip ang mga payo ng magulang at iwasan ang mga bagay na ayaw nila
8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang tamang gamit at tunguhin ng isi at kilos-loob?
I. Ang hindi pakikinig ni Kent sa anyaya ng kanyang mga kaibigan na magcutting-classes
II. Ang pagdaan ni Kristel sa tamang tawiran at overpass kahit na nahuhuli na siya sa kanyang
klase
III. Ang pakikinig sa payo ng kaibigan na itapon na lamang ang supot ng pagkain kahit saan dahil
walang makitang basurahan
IV. Wala sa nabanggit
a. IV
b. III
c. I
d. I, II
9. Habang nanonood ng telebisyon si Jayson ay napansin niya ang kaniyang ina na umupo sa sala at tila
napagod sa paglilinis ng bahay. Mayroon pang mga plato na hindi pa nahugasan sa kusina. Alin kaya
ang mabuting gawin ni Jayson sa pagkakataong ito?

a. Sabihan ang ina na magpahinga muna at magboluntaryong maghugas ng pinggan


b. Ipagpatuloy ang panonood ng telebisyon at sabihan ang ina na manood muna.
c. Aakuin ang mga natirang gawain subalit uunahin muna ang panonood.
d. Ibibili ng snacks ang ina upang mapawi ang pagod

10. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tamang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
MALIBAN sa:
I. Ang paggawa ni Zoren ng kanyang mga takdang-aralin kahit hindi makasama sa lakwatsa ng
kanyang mga kaibigan
II. Ang pagsasabi ni Francis sa totoo sa kanyang mga magulang kahit na ikagalit pa ng mga ito
III. Ang pagbibigay ni Cris ng mas maraming oras sa mga kaibigan kaysa sap ag-aaral
IV. Ang hindi pagsauli ni Reycha sa sobrang sukli sa tindahan
a. III, IV
b. I, II
c. II, III
d. IV
11. Si Boboy ay madalas nakikipag-away sa kanyang bunsong kapatid. Hinsi sila magkasundo kahit sa maliit
na bagay. Madalas sumasama ang loob ng kanilang ina kapag nakikita niya ang kanilang pagtatalo. Ano
kaya ang makatwirang magagawa ni Boboy?
a. Intindihin nalang ang kapatid
b. Iwasan na makasama ang kapatid
c. Pagsikapang pakitunguhan ng maayos ang kapatid
d. Alamin ang dahilan ng hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang hindi na ito maulit
12. Iwasan na makasama ang kapatidAng tamang pagtugon ni Albert sa paalalang “Bawal Umihi Dito”
kumpara sa kanyang alagang aso ay nagpapatunay lamang na:
a. Si Albert ay isang natatanging nilikha sa mga taglay nito na nakakapabukod-tangi sa kanya
b. Mahal ni Albert ang kanyang aso kaya hinahayaan niya ito na umihi kahit saan
c. Ang aso ni Albert ay bukod-tangi sa lahat
d. Wala sa nabanggit

13. Habang naglalakad si Anton papuntang canteen, nakita niya ang kaklase niyang si Nina na sinabunutan
at minura ng hinihinalang grupo ng gang sa paaralan, walang nagawa si Nina dahil nag-iisa lang siya at
marami ang myembro na nanakit sa kaniya. Kung ikaw si Anton, ano kaya ang gagawin mo?

b. Sugurin ang grupo na nanakit sa kaklase


c. Isumbong agad sa guwardiya ng paaralan
d. Bumalik sa classroom at ipagwalang-bahala ang nakita
e. Awatin ang grupo at samahan si Nina na humingi ng tulong sa adviser
14. Inanyayahan si Mika ng kaniyang kaibigan na lumiban muna sa klase upang pumunta sa kanilang
bahay dahil Birthday ng ina nito. Ikinatwiran ng kaibigan niya na okay lang lumiban dahil araw naman
ng Biyernes at para sa kaniya hindi gaanong seryoso ang klase. Subalit, naalala ni Mika na magbibigay
ng pasulit ang guro nila sa ESP at Math sa araw na iyon. Kung ikaw si Mika, ano kaya ang gagawin mo?

a. Sundin ang mungkahi ng kaibigan at sumama dito


b. Tanggihan ang paanyaya ng kaibigan at huwag ding pumasok sa klase.
c. Tanggihan ang kaibigan at pumasok sa klase upang makasali sa pasulit
d. Pumasok sa klase upang magpa attendance at pagkatapos ay lumabas upang pumunta sa bahay ng
kaklase

15. Nahuli ng kanyang guri si Charlie na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nang
ipatawag ng guro ay sinisi ni Charlie ang kaibigan. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na
pangungulit nito at panunumbat. Ano ang nakaligtaan ni Charlie sa pagkakataong ito?
a. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin ang
pagkakamali
b. Walang anumang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang
sarili
c. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili
d. Wala sa nabanggit

16. Ang likas na Batas-Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng
pagkakataon. Anong katangian ng Likas na Batas-Moral ito?
a. Di nagbabago
b. Obhektibo
c. Unibersal
d. Walang hanggan
17. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-
Moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Di nagbabago
b. Obhektibo
c. Unibersal
d. Walang hanggan
18. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang hindi nagbabago ang pagkatao ng tao?
a. Di nagbabago
b. Obhektibo
c. Unibersal
d. Walang hanggan
19. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang umiiral at mananatiling iiral? Ito ay walang katapusan at
walang hanggan.
a. Di nagbabago
b. Obhektibo
c. Unibersal
d. Walang hanggan
20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
I. Ang Batas Moral ay likas sa tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama
II. Lahat ng kilos ng tao ay may kakambal na pananagutan
III. Ang tao ay hindi perpekto kaya normal lang ang magkamali
IV. Lahat ng nabanggit
a. IV
b. II, III
c. I
d. I, III
21. Alin sa mga sumusunod ang MALI tungkol sa konsensiya?
I. Sa tulong ng konsensya, nakilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa
II. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana’y
isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa
III. Sa pamamagitan ng konsensiya naiintindihan ng tao na siya ay hindi perpekto, dahil ditto likas
sa kanya ang magkamali
IV. Gamit an gknosensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at
tama o nagawa nang di-maayos o mali
a. III
b. I, IV
c. I, II, III
d. I, II, IV
22. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakatugma sa mga uri ng konsensiya?
I. Isinauli ni Allyza ang sobrang sukli sa tindahan kahit wala siyang baon
II. Pagtago ni Erick sa totoong nangyari sa kanyang inay na nahulog ang kanyang kapatid nang
utusan siyang bantayan ito habang naglalaba ang kanyang ina
III. Pagtanggi ni Kient na inoffer ng kanyang kaklase na kodigo sa kanilang exam kahit na hindi
siya nakapag-aral
IV. Pag-iwas ni Albert sa kanyang mga barkda na mag-inuman pagkatapos ng klase kahit na
ikaglait pa ng mga barkada nito
A. Tama B. Mali
a. A (Tama)- I, III, IV
b. B (Mali)- I, II, III
c. A (Tama)- II, IV
d. B (Mal)- I, II
23. Si Bernard ay naging saksi sa isang karumaldumal na pangyayari sa kanilang kapitbahay. Sa tuwing
naaalala niya ang pngyayari, labis ang kaniyang pagkabalisa dahil inuusig siya ng kaniyang konsensiya.
Ano ang pinakamakatarungang gawin niya upang maibsan ang pagkatakot at labis na pagkabagabag?

a. Itago nalang sa sarili


b. Ipagsabi sa mga kapitbahay
c. Hayaan na lang na malaman ng mga tao
d. Ipagbigay alam sa mga may kinauukulan ang nakita

24. Inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung piso ang sukling
ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ring iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang
kinita ng iyong ama sa pamamasada. Ano kaya ang pinamakamabuti mong gawin sa sitwasyong ito?
a. Isasauli ko ang sobrang sukli na ibinigay sa akin
b. Pagkakamali ng tindera ang nangyari kaya hindi ko isasauli ang sukli
c. Hindi ko ninakaw ang pera kaya hindi ako makukonsensiya kahit hindi ko ito ibalik
d. Sa susunod na lang na pagbili ko ibabalik ang pera. Maari ko muna itong gamitin para may
baon ako
25. Lumaki si Ricardo sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya
ang maraming pagkakataon na kailangan niyang matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil
ditto, madalas siyang sumangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga
batayan sa pamimili ng tama at Mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensiya ang inilalapat
ni Ricardo?
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensiya
b. Ipagpapaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam
c. Isabuhay ang mga moral na alintuntunin. Nalilinang ang konsensiya sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alintuntunin upang maging sensitibo ang konsensiya sa
pagkilala sa Mabuti at masama
26. Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si Summer ay nagtapat sa iyo na lalayas siya sa bahay nila
dahil sa problema sa kaniyang pamilya. Dahil sa matalik kayong magkaibigan, ipinagkatiwala niyang
ipagtapat sa iyo kung saan siya pupunta. Subali’t mahigpit ang bilin niya na huwag itong sabihin sa iba
lalo na sa kaniyang mga magulang. Kinabukasan, pumunta ang nanay niya sa inyo at humingi sa iyo ng
tulong. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihan ko ang in ani Summer na bigyan siya ng panahon para makapag-isip
b. Mas pahahalagahan ko ang pagkakaibigan naming ni Summer. Hindi ko sasabihin sa ina niya
kung nasaan siya
c. Sasabihin ko sa in ani Summer na tama si Summer sa kanyang desisyon dahil magulo ang
kaniyang pamilya
d. Dahil menor de edad si Summer, may obligasyong moral at legal ang kaniyang ina upang
pangalagaan siya. Sasabihan ko ang in ani Summer kung saan siya matatagpuan
27. Ang Kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _____________
a. Dignidad
b. Isip
c. Kilos-loob
d. Konsensiya
28. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang Kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang
kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito.
Ano ang kahulugan nito?
a. Ang hantungan ng kilos ay itinakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa
paggamit ng kanyang Kalayaan.
b. Ang Kalayaan ng tao, katulad ng kilos-loob ay nakabatay sa dikta ng isip.
c. Malaya ang taon gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikula na bagay o kilos.
d. Lahat ng nabanggit
29. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa Kalayaan?
a. batas-moral
b. dignidad
c. Isip
d. Konsensiya
30. Ano ang tunay na Kalayaan?
a. Ang pagbigay ng tulong sa kapwa mabuti o masama man ang kahihinatnan.
b. Ang tunay na Kalayaan ay hindi nakabatay sa Likas na Batas Moral.
c. Ang paggawa ng kabutihan.
d. Wala sa nabanggit
31. Alin sa mga sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng Kalayaan.

I.Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili at ang kabutihang panlahat.


II.Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya at gamitin ang Kalayaan
upang itama ang anumang pagkakamali.
III.Kung ang pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral.
IV.Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya at hayaan na lamang
ang pagkakamali.
a. IV b. I c. I, II d. I, II, III
32. Nasaktan ni Sheena ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya ang kanyang
sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa kanyang ginawa. Dahil ditto siya na mismo ang
gumawa ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa ito ay nangangahulugan na siya ay
mapapahiya at masasaktan. Ayon kay Esteban, alin sa mga uri ng palatandaan ng mapanagutang
paggamit ng Kalayaan ang ipinakita ni Sheena?
a. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang kabutihang panlahat
(common good)
b. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya at gamitin ang
kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali
c. Kung ang pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas-Moral
d. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya at hayaan na
lamang ang pagkakamali
33. Pinilit ni Jake ng kanyang mga barkada na lumabas ng silid-aralan para maglakwatsa habang sila ay
gumagawa ng activity ng kanyang guro at mg akaklase. Ngunit kahit anong pilit ng mga ito ay ayaw
sumama ni Jake. Para sa kanya hindi tama ang gusting gawin ng kanyang mga kaklase. Alin sa mga
palatandaan ng mapanagutang paggmait ng Kalayaan ang ipinapakita ni Jake?
a. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya at gamitin ang
Kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali
b. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya at gamitin ang
Kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali
c. Kung ang pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas-Moral
d. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya at hayaan na
lamang ang pagkakamali
34. Ano ang dignidad?
a. Ito ay nangangahulugang karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kapwa
b. Ito ay ang ibat-ibang katayuan ng tao sa buhay
c. Ito ay ang hindi pagkakapantay ng tao
d. Lahat ng nabanggit ay tama
35. Alin sa mga sumusunod ang HINDI konsepto ng Dignidad ng tao?
a. Paggalang
b. Pagkakaiba
c. Pagkakapantay
d. Pagpapahalaga
36. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Sa sandaling nalabag o niyapakan ang knayang karapatang pantao
b. Kapag may nakalalamang sa iyong mga talento at kakayahan
c. Kapag siya ay nagging masamang tao
d. Wala sa nabanggit
37. Ano ang pinamakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
a. Magiging Malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili
b. Mapapanatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng Karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o
makasasama sa ibang tao
38. Ayon kay Prof. Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang
kanyang kapwa MALIBAN sa:
I. Paggalang ng sariling buhay at buhay ng kapwa
II. Pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos
III. Pakikitungo sa kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo
IV. Wala sa nabanggit
a. III
b. II
c. I, II, III
d. IV
39. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
d. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang Karapatan na dumadaloy mula rito
40. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya
c. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili
d. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng
buhay
41. Si Lando ay may nakitang bata sa gilid ng kalsada. Ang bata ay madumi at nangangayat sa dahilan na
hindi na ito nakakakain ng tama. Si Lando ba ay may kabutihang dala na nagbibigay halaga sa bata?
Bakit?
a. Oo, dahil binigyan nya ng Karapatan at paggalang ang kanyang kapwa
b. Oo, dahil sa kanya binigyan nya ng pag-asa ang bata
c. Oo, dahil masayahing bata si Lando
d. Oo, dahil siya ay mabuting tao
42. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit hindi pantay-pantay ang mga tao?
I. Dahil gusting isabuhay ng Diyos ang pagiging mapagbigay at Mabuti ng tao sa kanyang kapwa
II. Dahil nais ng Diyos na matanggap ng bawat indibidwal ang kaniyang mga pangangailangan
mula sa kaniyang kapwa
III. Dahil may pinapaboran ang DIyos
IV. Lahat ng nabanggit
a. I, II
b. IV
c. III
d. II
43. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad MALIBAN sa:
a. Igalang ang sariling buhay at buhay kapwa
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo
44. Paano mapanatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa
kanilang pagkilala
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kung di sa karangalan
bilang tao
45. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na
tumatanda na
b. Isang pilantropong lagging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng
kanyang tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
46. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng kawalan ng Kalayaan?
a. Palaging pagliban sa klase
b. Pag-aaral ng Mabuti
c. Pagababarkada
d. Pagbibisyo
47. “Babala: Bawal Magtapon ng Basura dito”. Ang dalang plastic ng softdrinks ay itinapon ni Pedro sa
mismong lugar na may babala. Sa palagay mo, anong uri ng Kalayaan ang knayang nagging tugon?
a. Pagnais o di-pagnais
b. Kalayaang tumukoy
c. Kalayaang panlabas
d. Hindi Malaya
48. Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hanggat siya ay nabubuhay
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga

You might also like