Professional Documents
Culture Documents
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
QUARTER 1–MODULE 6
Ang Kahalagahan ng
Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng
Pamilya
1
MODYUL 6: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng
Pamilya
UNANG BAHAGI
Mahalagang matutuhan at sanayin sa loob ng pamilya ang uri ng komunikasyong makapagpapaunlad
sa ating pagkatao sapagkat ito ang magpapatatag dito. Ito ang kinakailangan nating maunawaan tungkol sa
komunikasyon sa pamilya, nang sa gayo’y maging mapanagutan tayo sa paggamit ng kakayahang ito. Ang
komunikasyon ay maaaring makapagbigkis at maaari ding magdulot ng pagkawatak-watak. Paano na lamang
kung sa pamilya pa lamang ay hindi maayos ang daloy ng komunikasyon? Paano ito makaaapekto sa ugnayan
ng mga kasapi ng pamilya? Sa pakikipagkapuwa? Sa pagbuo ng komunidad?
Inaasahang sa pamamagitan ng pag-aaral mo ng modyul na ito masasagot mo ang tanong na ito at sa
huli’y maipaliliwanag mo ang sagot sa mahalagang tanong na: Bakit mahalaga ang komunikasyon sa
pagpapatatag ng pamilya?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa:
3.3. Nahihinuha:
a. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak na nagbibigay-daan sa
mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at birtuwal na uri ng komunikasyon
ay nakakapagpaunlad ng pakikipagkapwa.
c. Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay nakatutulong sa angkop at maayos na
pakikipag-ugnayan sa kapwa. (EsP8PB-lf-3.3)
3.4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa
pamilya. (EsP8PB-lf-3)
2. Ang mali o magkaibang pananaw. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkakaiba,
nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kung titignan ng isa na higit siyang tama at higit siyang magaling,
maaaring hindi sila magkaunawaan lalo na kung mararamdaman ng taong kausap na siya ay minamaliit o
hinahamak.
3. Pagkainis o ilag sa kausap. Mayroong mga taong tila namimili ng kausap. Kapag pakiramdam nila na wala
sila sa kondisyong makipag-usap, hindi sila kumikibo. May mga taong umiiwas na makipag-usap lalo na kung
pakiramdam nila ay wala sa katwiran ang kausap.
3
4. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin. Iniisip minsan ng tao na
magdaramdam o diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin kaya nananahimik na lamang siya o kaya’y
nagsisinungaling sa kapuwa.
1. Pagiging mapanlikha o malikhain (CREATIVITY). Kailangang gamitin ng tao ang kaniyang talino at
malikhaing isipan sa pagtuklas ng mabuting paraan ng pagpapahayag ng kaniyang sasabihin. Maghintay ng
tamang panahon at ng wastong lugar at itaon din na nasa magandang pakiramdam ang sarili at ng
kakausapin. Kung may dinaramdam naman ay maghunos-dili at ilagay muna sa kondisyon ang sarili,
gayundin ang kahaharapin.
2. Pag-aalala at malasakit (CARE and CONCERN). Magkaroon ng malasakit at galang sa kausap sinuman o
anuman ang kaniyang katayuan o nalalaman. Kahit na bata, katulong sa bahay o pulubi ang kausap, isiping
mayroon kayong pantay na dignidad at karapatan. Kahit itinuturing na mababa ang kanilang kalagayan sa
lipunan, humingi ng paumanhin sa kanila kung nasaktan mo ang kanilang damdamin.
5. Lugod o ligaya. Ang kaligayahan o lugod ng isang tao sa pakikipag-usap ay nakakaakit sa pagtitiwala ng
kaharap. Ang masayang tao ay nakagaganyak sa kapuwa na makipagpalagayang-loob, magtiwala at maging
bukas sa pakikitungo. Kailangan maging masigla sa pakikipag-usap lalo na sa kabiyak.
4
IKALAWANG BAHAGI
Gawain I
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pagpapahayag tungkol sa komunikasyon ng pamilya. Hanapin
sa loob ng ulap ang tamang sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra lamang sa sagutang papel.
Dr. Manuel Dy
Pag-aalala o malasakit
Martin Buber
lugod o ligaya Ivan Pavlov
Komunikasyon
_____1. Siya ang nagbanggit ng mga sanhi, dahilan o hadlang sa komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa
at kung paano mapabuti ang komunikasyon.
______2. Isang Psychologist na nagsabi na ang komunikasyon ay posible lamang sa pagitan ng mga tao.
______3. Ayon sa kaniya, ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng tao ay tinatawag na diyalogo.
______4. Nagsabi ng “Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao.”
______5. Magkaroon ng malasakit at galang sa kausap sinuman o anuman ang katayuan o nalalaman.
______6. Nagsisimula sa sining ng pakikinig.
______7. Ang masayang tao ay nakagaganyak sa kapuwa na makipagpalagayang-loob, magtiwala at maging
bukas sa pakikitungo. Kailangang maging masigla sa pakikipag-usap lalo na sa kabiyak.
______8. May mga tao na pinipili ang manahimik kaysa magsalita ng masakit sa kapuwa. Matipid sila sa
pananalita.
______9. Sa pakikipag-usap, huwag hanapin ang sariling katangian sa kausap, manatiling tapat lalo na sa
mag-asawa.
______10. Mayroong mga taong tila namimili ng kausap kapag pakiramdam nila wala sila sa kondisyong
makipag-usap, hindi sila kumikibo.
5
Gawain II
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong sariling konsepto sa aralin. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng komunikasyon sa loob ng pamilya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Paano natin mapananatili ang pagkakaroon ng mabuting komunikasyon sa loob ng ating pamilya?
Pangatwiranan ang sagot at magbigay ng mga halimbawa.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
6
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Dy, M. (2011) Ang tao bilang panlipunan ang nilalang at pakikipagkapwa. Panayam noong Pambasang
Pagsasanay ng mga Tagapagsanay ng mga Guro sa 2010 Secondary Education Curricullum Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon
Tolentino, R. et al (2005) Gabay sa pamilya. Pasay City: Paulines Publishing House
Friedman, M. (1960) Martin Buber: The Life of dialogue harpers New York prepared for Religion on-line by Ted
and Winnie Brock. Retrieve from religion.online.org February 13,2013
7
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 1
Division of Pangasinan II
Binalonan
Gawain A.1
Panuto: Suriin ang tsart sa ibaba at punan ang hinihingi ng bawat hanay. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Mga suliranin sa komunikasyon sa pamilya bunsod ng Mga magagawa ko upang matugunan ang mga ito
pagbabago sa modernong panahon bilang isang responsableng anak at mag-aaral
1. 1.
2. 2.
3. 3.
8
Gawain A.2
Panuto: Basahing mabuti at unawin ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Hanapin ang tamang sagot sa mga
naibigay na pagpipilian sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.
1. Komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita.
2. Ang impormasyon ay naibabahagi sa pamamagitan ng larawan o simbolo na maaaring kumatawan sa salita.
3. Mabuti sa magkakasambahay ang pagkakaroon ng sama-samang usapan at pagpapalitan ng kuro-kuro o
magkaroon ng masayang balitaan at pagbabahaginan ng karanasan.
4. Ang masayang tao ay nakagaganyak sa kapuwa na makipagpalagayang-loob, magtiwala at maging bukas
sa pakikitungo.
5. Ang mga impormasyon ay naibabahagi sa pamamagitan ng kilos o galaw.
PAMANTAYAN NG PAGGAWA
Kabuuang Puntos---------------------------- 25