You are on page 1of 12

Grade 8

Activity Sheets
Quarter 1 Week 1
Pangalan:
Baitang/Pangkat:
Petsa: _______________ Total Score:

“Ang pamilya Bilang Natural na Institusyon”


Kasanayang Pampagkatuto at Kodigo: Natutukoy ang mga gawain o

LE
karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong
impluwensiya sa sarili. (EsP8PB-Ia-1.1)
Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at
pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o
napapanood. (EsP8PB-Ia-1.2)

Konsepto:
Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo?
SA
R
Totoo ba, kung ano ang puno, siyang bunga? Ganito ang sinasabi ng
FO

matatanda kapag ang isang anak ay nakagagawa ng mga bagay na


nagbibigay batik sa ngalan ng pamilya.
Sa pagtunghay mo sa mga susunod na gawaing nakapaloob sa araling
ito, umaasa akong higit mo pang mapahahalagahan ang tungkuling
T

ginagampanan ng pamilya sa paghubog ng iyong pagkatao.


Ang modyul na ito ay sadyang binuo ngayong pandemyang dulot ng
O

COVID-19 upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon


sa Pagpapahalaga 8 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular.
N

Ayon sa Mariam Webster na diksyunaryo, ang institusyon ay pangkat


ng mga tao na inaalagaan at minamahal sa loob ng mahabagng panahon.
Ang pamilya ay tinaguriang natural na institusyon dahil likas ang
pagmamahal at pag-aaruga na ibinigay sa bawat miyembro nito.
Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing
institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

1
lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong
pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng
kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng
edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Mga magulang ang unang guro
kaya’t napakamahalaga na maturuan ng tama ang mga anak na siyang
huhubog sa pagkatao nito.
Ang pamilya ang nagbibigay sa iyo ng impluwensiya sa buhay na
dala-dala mo hanggang sa pagtanda. Dito ka natututong magmahal at

LE
minahal, ang iyong pag-uugali ay nakabase sa kung anung klaseng mga
magulang ang nagpalaki sa iyo. Dito mo rin nararanasan ang mga bagay na
humuhubog sa iyongf pagkatao.

dahilan: SA
Ang pamilya ay natural na institusyon dulot ng mga sumusunod na

1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga na kung saan ang maayos na


R
paraan ng pag-iral at pamumuhay ay sa ugnayan nakabatay
2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng
FO

nagpakasal.
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang
pundasyon ng lipunan.
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
T

5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa


panlipunang buhay
O

6. Ang pamilya ang may panlipunan at pampolitikal na gampanin.


7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon,
N

paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng


pananampalataya

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

2
Gawain I
Gaano Ka Natuto?

A. Lagyan ng  ang mga pahayag na inaakala mong nagdudulot ng

mabuting pagsasamahan at pagtutulungan sa pamilya at  kung hindi.

____1. Pagbigay ng magulang ng suhol sa mga anak kapag nagtrabaho sa


bahay.
____2. Pagiging masunurin ng anak sa payo ng magulang.

LE
____3. Pagiging mag-best friend ng magkakapatid.
____4. Pagkakaroon ng family council o pag-uusap ng pamilya upang lutasin
ang mga suliranin.

SA
____5. Pagkain ng sabay-sabay.
____6. Pagdarasal ng pamilya nang sama-sama sa takda at regular na oras.
____7. Kawalan ng pakialam sa isa’t-isa ng magkakapatid.
____8. Pagtatawagan ng may paggalang sa isa’t-isa.
____9. Pagsisimba tuwing Linggo.
R
____10. Paghiwalay at pagsasarili ng anak pagsapit ng ika-18 taong gulang.
FO

Gawain 2: Pagbabalik-Tanaw Sa Aking


Panuto: Balikan mo ang mga panahon kung saan mayroon kang
mahalagang natutuhan dahil sa impluwensya ng iyong pamilya. Iguhit sa
itaas ng bawat baytang ang mga simbolo o stick figure na naglalarawan ng
T

iyong alaala tungkol sa mga tao at mga pangyayari. Maaari itong negatibo o
positibo. Simulan ang baytang mula sa unang panahong iyong maaalala.
O

Pagkatapos, ikuwento ang mga karanasan mo. Ilagay ito sa isang boung
papel o bond-paper.
N

11
Media type:Vector
10
9
Image ID: 102124337
Copyright:Zdenek

8
7
Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

3
Halimbawa: Edad 7- Magkakasama ang aking pamilya sa pagiging positibo
sa pagharap ng mga suliranin sa buhay, at lagi kong naririnig na sinasabi
ng aking ama at in ana walang bibitaw, basta’t samasama at may pananalig
sa Poong maykapal ay malulutas ang mga problema at malalampasan ito.
Sa aking pamilya ko natutunan ang pagtutulungan,pananalig sa Diyos,
magmahal at minahal, kaya, ipinagmalaki ko ang aking pamilya sa buong
mundo.

LE
Tanong:
1. Ano ang naging saloobin mo sa ginawang pagbabalik-tanaw sa mga
karanasan ng iyong pamilya?

SA
2. Paano nakaaapekto sa iyong buhay ang mga karanasan iyong
natamasa kasama ang kinagisnang pamilya?

Gawain 3: (Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na yellow pad o


intermediate o bond paper) Gaano mo kakilala ang iyong pamilya?
R
Sundin ang bilang ng panuto na nasa loob ng sapot ng gagamba
FO

upang maisalarawan mo ang iyong pamilya.


Panuto:
1. Isulat ang pangalan ng miyembro ng pamilya.
2. Sa tapat ng pangalan, isulat ang relasyon mo sa kanya.
T

3. Isulat ang naging impluwensya niya sa iyo.


O
N

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

4
Tanong:
1. Paano mo masasabing ang impluwensiya mula sa iyong kinagisnang
pamilya ay may malaking dulot sa paghubog ng iyong pagkatao?
Pangatuwiran.

Gawain 4: Pagsasabuhay! ( Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na


yellow pad o intermediate paper o bond paper)

LE
Panuto: Isulat mo sa kaukulang kolum ang mga hinihinging kasagutan.
Sundan ang halimbawang ibinigay.Magbigay ng tatlo bawat kolum.
Magagandang Mga impluwensya ng Paraan kung paano ito

SA
bagay na iyong pamilya na sa babaguhin/ pauunlarin
natutuhan mo sa palagay mo ay nararapat
iyong pamilya baguhin/ nararapat
pang paunlarin
R
Pagsisimba ng sama- Sisimulan ko sa aking
Halimbawa: sama. Dahil sa sarili, yayayain ko ang
FO

Pagiging masinop kaabalahan sa pag-aaral aking kapatid na


at maparaan. at sa trabaho, wala ng magdasal kami, kung
panahon ang aming makikita ito ng aking
pamilya na sama-samang mga magulang, maaalala
manalangin nila ang dati naming
T

ginagawa.
O

Tanong:
N

1. Batay sa iyong mga naisulat sa bawat kolum, alin ang masasbi mong
pinakamagandang bagay na iyong natutunan mula sa iyong pamilya?
Bakit?

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

5
Gawain 5: Maraming pagpipilian.
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot at
bilugan 0 isulat sa sagutang papel.
1. Ang masaya at maayos na pamilya ay hindi ligtas sa mga sigalot o
suliranin. Nakararanas din sila nito, ang kaibahan lamang nila ay:
a. Pinababayaan na lamang nila itong lumipas.
b. Tinatalakay ito ng harapan at nang walang pananakit ng
damdamin.

LE
c. Tinatawanan lamang nila ang suliranin.
d. Hindi nila ito pinag-uusapan.
2. Ang paglilingkod sa loob ng isang pamilya ay:

SA
a. Taos-pusong ibinibigay.
b. Obligasyong sinusunod ng lahat.
c. Panuntunan ng pamilya.
d. Sapilitang ipinautupad sa lahat.
3. Ang pagbibigay ng quality time sa mga anak ay nangangahulugang:
R
a. Lahat ng oras sa maghapon.
FO

b. Hindi pagtatrabaho upang makapiling ang anak.


c. Pagbabasa ng mga kuwento at pakikipaglaro sa anak.
d. Pagpapadama ng pagmamahal at pag-aaruga sa anak.
4. Tinatawag na unang guro ng mga anak ang magulang dahil:
a. Sa kanila unang natututuhan ng bata ang mga kasanayan at
T

pagpapahalaga.
b. Ang ipinakikitang halimbawa ng magulang ang siyang ginagaya ng
O

mga anak.
c. Sila ang nagtuturo ng tamang pagkilos sa mga anak.
N

d. Sila ang unang nagturong bumasa at bumilang.


5. Walang magic na pormula sa pagmamagulang dahil magkakaiba ang
magulang sa paraan ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak. Alin
sa mga sumusunod ang makatutulong sa mahusay na
pagmamagulang?
a. Iasa sa guro ang pagtuturo sa mga anak.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

6
b. Humingi ng gabay at maging mabutinghalimbawa sa mga anak.
c. Hayaan nalang ang mga anak sa kanilang gusto upang hindi ito
magtampo.
d. Ipaubaya ang pag-aalaga ng mga anak sa kinilang lola at lolo kasi
mas may karanasan sila.

Kumusta na?
Naisakatuparan mo ba nang maayos ang mga Gawain sa paksang ito?

LE
Kung oo, binabati kita!
Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin

SA
Tandaan Mo!
Ang pamilya ang pinkaunang yunit ng lipunan ,may impluwensiya sa buhay mo sa
paghubog ng buong pagkatao mo at dito ka natututong magmahal at minahal na maari
mo ring ibahagi sa magiging pamilya mo at sa kapwa mo.
R
FO
T
O
N

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

7
Rubrik para sa Gawain 2:
Pamantayan 20 puntos 15 puntos 10 puntos
Ideya/Nilalaman Ang Paggawa ng Ang Paggawa ng Medyo malayo
nilalaman ay nilalaman ay di sa hinihinhi
angkop sa gaanong ng panuto
hinihingi ng naaangkop sa basta’t may
panuto , at hinihingi ayon sa naipasa.
mahusay ang pag panuto , at
-oorganisa ng kulang sa
mga ideya. kahusayan ang
pag -oorganisa ng

LE
mga ideya.
Malikhain Mahusay at Di-gaanong Di maganda
malinis tignan mahusay at di- ang ginawang
ang ginawang malinis tignan simbolo at
simbolo o stick ang ginawang medyo nagulo

SA
figure at simbolo o stick ngunit
nakukuha ang figure at di- nakapagpasa
atensiyon ng nakukuha ang at
manonood o atensiyon ng mapapansing
mambabasa. manonood o pinaghirapan
mambabasa. ang ginawa..
R
Aral sa buhay Ang mga Ang mga Ang mga
impluwensiyang impluwensiyang impluwensiya
naisulat mula sa naisulat mula sa isinulat ay di
FO

pamilya ay pamilya ay di- kapupulutan


kapupulutan din gaanong ng aral
ng aral ng iba na kapupulutan ng pawang
maaaring aral ng iba. katuwaan
maisabuhay na lamang at
makatutulong sa walang
pagpapaunlad ng naidulot na
T

pagpapakatao. pagbabago sa
buhay.
O

(20 puntos_Pinakamahusay, 15puntos-Mahusay 10puntos- may naipasang gawain)

Rubrik para sa Gawain 3/4:


N

Pamantayan 10 puntos 8 puntos 5 puntos


Nilalaman Ang makikita sa Di-gaanong Malayo ang
nilalaman o naaangkop ang nilalaman o
konsepto ay nilalaman o konsepto sa
naaayon sa konsepto sa hiningi ng
hiningi ng hiningi ng panuto at di
panuto,at panuto at may kapupulutan ng
aral.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

8
kapupulutan ng kunting aral na
aral. mapupulot..
Organisadong Organisado at Di-gaanong Kulang sa
ideya/Malikhain maayos ang organisado at di- pagiging
pagkakasunod- gaanong maayos organisado at di
sunod ng mga ang maayos ang
pangyayari at pagkakasunod- pagkakasunod-
ideya na sunod ng mga sunod ng mga
kagigiliwan ang pangyayari at pangyayari at
ginawa. ideya na di ideya at di
masyadong kagigiliw-giliw
kagigiliwan ang ang ginawa.

LE
ang ginawa.
Angkop na wika Ang ginamit na Ginagamitan ng May mga mali sa
wika ay hiram na mga salitang ginamit
Filipino/Tagalog salitang banyaga na di angkop sa
at tama ang at balarila ng

SA
Pagbuo ng mga pangkaraniwan Filipino at
pangungusap na ang ginawa. pangkaraniwan
nakaaantig sa ang ginawa.
damdamin ng
mambabasa.
(10 puntos- Pinakamahusay 8 puntos-Mahusay 5 puntos-may naisagot)
R
FO
T

Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikawalong baitang, Modyul para sa Mag-
O

aaral,unang edisyon,2013
Project Ease Module
N

https://www.coursehero.com

Risa Mae C. Binag Jelian Laranjo-Almazan


Manunulat Tagalapat
Digos City National High School Digos City National High School

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

9
Answer Key

Para lamang sa Guro (Gumamit ng hiwalay na papel)

 10.

 9.

LE
 8.

 7.

SA
 6.

 5.

 4.
5.b
 3.
4.a
R
3.d  2.
2.a
 1.
FO

1.b
Gawain 4: Gawain 4:
T
O

Risa Mae C. Binag Jelian Laranjo-Almazan


Manunulat Tagalapat
N

Digos City National High School Digos City National High School

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like