You are on page 1of 2

Summative Test 2nd Quarter

Pangalan: __________________________________________ petsa: _____________

Grade & section: _________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan na nasa ibaba. Bilugan ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1) Isang istraktura na nagdadala ng tubig sa mga malalayong distansya.
A. Arch B. Dome C. Aqueduct D. Colesseum
2) Mataas na antas ng pamumuhay sa panahon ng Roman Republic.
A. counsul B. plebian C. diktador D. patrician
3) Ang isang dayuhang sundalo na nagsisilbi lamang para sa bayad at walang katapatan sa Roma.
A. plebian B. diktador C. patrician D. Mercenary
4) Isang taong nahalal upang mamuno sa Roman Republic para sa isang maikling panahon sa oras ng kagipitan
A. Emperador B. Counsul C. Hari D. Diktador
5) Ano ang pinagbabatayan sa batas ng Roma?
A. Pagkamakatarungan C. hindi pagkakapantay-pantay
B. Paghihiganti D. kapangyarihan
6) Alin sa mga pangkat ang higit na naka impluwensya sa panitikan at arkitektura ng mga Roman?
A. Babylonians B. Egyptians C. Greeks D. Persians
7) Bakit bumuo ng Republika ang mga Romano?
A. Para hindi sila kontrolado ng hari
B. Upang ang bawat isa ay maaring maging isang mamamayan
C. Upang ipag tanggol ang kanilang sarili
D. Upang ang mga hukom ay maaaring gumawa ng batas
8) Sino ang dalawang pangunahing tauhan sa kwento ng Sinaunang Rome?
A. Bill & Ted B. Zeus & Hera C. Ronulus & Roman D. Romulus & Remus
9) Alin sa mga emperador ang nais na ibahagi ang kapangyarihan sa senado? Siya ay nakilala na komokontrol sa panahon ng Pax
Romana?
A. Caligula B. Augustus C. Diocletian D. Julius Caesar
10) Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
A. nagkaroon ng krises pang-ekonomiya
B. pagsalakay ng mga tribong barbarian
C. mahirap ipagtanggol ang imperyo dahil sa laki
D. kinumbinsi ng agham ang mga tao na ang daigdig ay patag at sila’y mahuhulog din sa dulo.
11) Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kabihasnang Maya sa pagsamba
ng kanilang mga diyos. Ano ang ibig sabihin ng halach uinic?
A. tunay na lalaki B. tunay na kakaiba C. tunay na pinuno D. tunay na tagapaglingkod
12) Ano ang dahilan ng paghina ng ekonomiya at kabuhayan ng kabihasnang maya?
A. Mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya.
B. May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto.
C. Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan ng mga lungsod-estado.
D. Pagkawala ng sustansiya ng lupa. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot ng suliranin sa suplay ng pagkain.
13) Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?
A. Dahil marami ito sa kanilang lugar. C. Dahil ito ay nagsisilbing pampalasa sa kanilang mga pagkain.
B. Dahil ito ay ginagawa nilang gamut. D. Dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.
14) Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito?.
A. Nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara
B. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop
D. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng
mga Arab sa Sahara
15) Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa
pagsira ng daigdig. Ano ang kadalasang ginagawa ng mga Aztec para mapasaya ang kanilang mga diyos?
A. Nag-aalay ng tao. B. Nag-aalay ng hayop. C. Nagsasagawa ng ritwal. D. Nagkakaroon ng piyesta.
16) Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ng mga Polynesin ang kanilang mana maliban sa isa?
A. Dapat ay mag-alay ng dugo ng hayop sa kanilang diyos
B. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang karaniwang tao.
C. Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod.
D. Bawal ang mga kalalakihan na makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana.
17) Ang kabihasnang ito ay tanyag sa kanilang malawak at maayos na kalsada at rutang patubig ng mga lungsod-estado.
A. Aztec B. Inca C. Maya D. Olmec
18) Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa pulo ng Pacific ay Animismo.
B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan.
C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.
D. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana.
19) Ano ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Songhai?
A. Mahihina ang mga pinuno. C. Kakulangan sa mga malalakas na kawal
B. Kakulangan sa makabagong armas. D. Maliit lamang ang nasasakupang teritoryo.
20) Marami ang naging dahilan ng pagbagsak ng sibilisasyong Mayan. Alin sa sumusunod ang HINDI kasali?
A. Epidemya B. Natural na kalamidad C. Pagpasok ng dayuhan D. Hindi pagsunod sa kanilang pinuno
21) Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang
pangunahing layunin ng Krusada?
A. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano C. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
B. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe D. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simabahang Katoliko
22) Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari, kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa
serf?
A. Itinuturing silang natatanging sector sa lipunan.
B. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
D. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.

23) “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil ditto, hinangad ng lahat ang
proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
B. Ang sistemang Piyudalismoo ay sagot sa kahirapan ng mga tao
C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro
D. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghahangad ng proteksyon
24) Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng
kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy?
A. Tumutukoy ito sa kapangyarihan political ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
B. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.
C. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong panahong Medieval.
D. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahan.
25) Bukod sa paglakas ng impluwensya ng simbahang Katoliko, ano ang isa sa mahalagang kaganapan sa Europe sa Panahong
Medieval?
A. Ang pagkakatatag ng Holy Roman Empire
B. Nang mahirang si Pepin the Short bilang hari nga mga Franks
C. Nang pinag-isa ni Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman
D. Nang makoronahan si Charles the Great bilang emperador ng Banal na Imperyong Romano.
26) Sa Sistemang Piyudalismo sa Panahong Medieval, ano ang pinakamahalang anyo ng kayamanan sa kontinente ng Europe
A. Lupa B. Ari-arian C. Ginto at pilak D. Salapi at kayamanan
27) Sa Guild System ng Panahong Medieval, saan napabilang ang mga artisan, karpentero, at mga sastre?
A. Craft guild B. Merchant guild C. Knight guild D. Handicraft guild
28) Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Romano. Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 CE?
A. Charlemagne B. Charles Martel C. Clovis D. Pepin the Short
29) Alin sa sumusunod ang Hindi kasali sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?
A. Ang Holy Roman Empire C. Ang pamumuno ng mga Monghe
B. Ang paglunsad ng mga Krusada D. Ang paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusiyon sa Gitnang Panahon
30) Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ano ang kanilang sistema ng kalakalan?
A. Barter B. Pag-aalipin C. Salaping barya D. Pagpapakasal sa anak bilang kabayaran
31) Alin sa mga sumusunod anf kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europe?
a. Kardinal b. Papa c. Pastor d. Presidente
32) Siya ang nagbigay-diin sa Petrine Doctrine
a. Papa Leo the Great b. Papa Gregory I c. Papa Gregory II d. Wala sa nabanggit
33) Si ______________ ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari sa Panahong Medieval. Pinamunuan niya ang “Holy Roman
Empire” na sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Roman.
a. Charles the Great b. Cyrus the Great c. Pepin the Short d. Wala sa nabanggit
34) Ano ang pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga Krusada?
a. Upang makapaglakbay ang mga Europeo sa Gitnang Asya
b. Upang maging lalong makapangyarihan pa ang Imperyong Romano
c. Upang maipalaganap ang relihiyon ng Kristiyanismo sa iba pang panig ng daigdig
d. Upang sakupin ang mga teritoryong inangkin ng mga Muslim
35) Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may magandang naidudulot ng pag-unlad ng mga bayan?
a. nakatulong ito sa paglago ng kalakalan c. nakatulong ito sa pagbibigay ng suporta sa mga mananakop.
b. nakatulong ito sa pagsalakay sa mga karatig-bayan d. Wala sa nabanggit.
36) Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalakay ng ng mga tribung barbaro, naging kanlungan
ng mga tao ang?
a. Monasteryo b. Simbahan c. Pamahalaan d. Lahat ng nabanggit
37) Namuhay ang mga Monghe sa mahigpit na alituntunin ng?
a.Monasteryo b. Simbahan c. Pamahalaan d. Lahat ng nabanggit
38) Ang ___________ ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong secular katulad ng hari ay pinakakalooban ng mga simbolo sa
pamumuno katulad ng singsing sa obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan.
a. symbolism b. pagbibigay-pugi c. investiture d. wala sa mga nabanggit
39) Sino ang anak ni Charles Martel na hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo?
a. Charles the Great b. Cyrus the Great c. Pepin the Short d. Wala sa nabanggit
40) Ang ikaapat na Krusada na inilunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga Krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng
Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay ideneklarang _____________.
a. traydor sa bayan b. kabalyero c. suwail sa pamahalaan d. excomunicado
41) Ito ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe.
a. Ginto b. Pilak c. Lupa d. Palamuti
42) Tawag sa ipinagkakaloob na lupa sa vassal.
a. Fief b. Homage c. Ransom d. Wala sa nabanggit
43) Ito ang tungkulin ng vassal kung ang mabihag ang kanilang Lord sa digmaan.
a. Fief b. Homage c. Ransom d. Wala sa nabanggit
44) Ano ang naging dahilan ng pagkakatatag ng Piyudalismo?
a. Dahil sa madalas na pagsalakay ng mga barbaro, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon.
b. Dahil sa mga makasariling pinuno.
c. Dahil gusto ng mga mamamayan na magkaroon ng malayang pamumuhay.
d. Dahil ayaw na nila na pamunuan pa sila ng hari.
45) Ano ang kinahihinatnan ng mahinang uri ng pamumuno?
a. Sila ay sinalakay ng mga barbaro. c. Sila ay napasakamay ng mga mananakop
b. Humiwalay sa pamumuno ng hari ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain. d. Wala sa nabanggit.
46) Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo. Alin sa mga sumusunod ang napapabilang dito?
a. Pari b. Kabalyero c. Serf d. Lahat ng nabanggit
47) Ang mga Vikings na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng
Kristiyansimo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na?
a. Morman b. Normandy c. Denmark d. Paris
48) Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at pagpapalawak ng mga bayan, isang makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Ano ang
tawag sa mga taong ito?
a. Serf b. Dugong bughaw c. Bourgeoisie d. Panginoong-maylupa
49) Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pag-unlad ng mga kabayanan?
a. Bagong teknolohiya sa pagtatanim c. Bagong pamamaraan sa pagtatanim
b. Paglakas ng kalakalan d. Wala sa nabanggit
50) Ang isang mangangalakal ay maaaring magdeposito ng salapi sa isang lungsod. Ang deniposito niya ay maaaring niyang kolektahin sa
ibang lungsod. Bakit mas pinili ng mga tao noon na gamitin ang uri ng sistema ng pagbabangko?
a. Dahil mas nakakaayang tingnan at panoorin.
b. Dahil mas ito ang patok sa kanilang lipunan na kanilang kinabibilangan.
c. Dahil sa ganitong paraan mas nagiging ligtas ang paglipat ng salapi.
d. Dahil sa ganitong paraan mas komportable ang mga negosyante.

You might also like