You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Ikatlong Markahan
Modyul para sa
Sariling Pagkatuto 3

Mga Hadlang at Paglabag sa


Katarungang Panlipunan
MGA INAASAHAN

Matapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan ang mag-aaral na:

a. naunawaan ang mga hadlang sa katarungang panlipunan;

b. nahinuha ang mga paglabag sa katarungang panlipunan; at

c. naisagawa ang mga paraan upang itaguyod ang katarungang panlipunan.

ARALIN
Madalas tayong tanungin, “Ano ang pangarap mo sa buhay?” Sabi nga libre
ang mangarap, kaya mangarap ka. Ngunit mas maganda kung tayo ay gagawa ng
pagpapasya at pagkilos upang abutin natin ang ating mga pangarap. Sa ating
bansa, ano ang iyong pangarap? Napakasarap maging pangarap para sa ating bansa
ang ganap na katarungang panlipunan. Gayunpaman, kailangan nating
maunawaan ang mga humahadlang upang hindi natin makamit nang lubusan ang
katarungang panlipunan.
Ano ang mga hadlang sa katarungang panlipunan? Tulad nang natutunan natin,
sa Modyul 1, ang katarungang panlipunan ay ang pagbibigay nang nararapat sa
ating kapwa batay sa kanyang dignidad bilang isang tao. Ngunit ang mga
sumusunod na katangian ay hadlang kung bakit hindi natin makakamit ang
katarungang panlipunan:

1. Pagiging Makasarili – Kapag hindi tayo malaya mula sa pagkiling natin sa


sariling interes, hindi kailanman matutupad ang katarungang panlipunan.
Dahil laging may paglalaban sa pagitan ng kapakanan ng ibang tao at ng
sarili nating interes, at ang laging pipiliin ng taong makasarili ay ang
kanyang sariling kapakanan lamang. Kung
magkagayon hindi niya naibibigay ang nararapat sa
kanyang kapwa dahil ang inuuna niya lagi ay ang
kanyang sarili.

2. Pagiging Sakim- Ito ay may kaugnayan din sa


pagiging makasarili ngunit mas malala ito sapagkat
ito ay may pagnanasa na maangkin at makuha ang
mga bagay-bagay kahit hindi na nya kailangan o
kahit hindi na para sa kanya. Wala siyang pakialam
kung
ang kanyang kapwa ay masaktan o mawalan basta siya ay magkaroon ng

kanyang ninanasa kahit sa anumang paraan.

3. Pagiging Mangmang – Ang kawalan ng tunay na kaalaman sa halaga ng tao


at mga bagay sa kanyang paligid ay nagiging dahilan para hindi maibigay ang
tamang pagpapahalaga rito. Ang isang butil ng diyamante ay tatapakan lang
ng isang taong mangmang o walang alam tungkol sa diyamante at sa halaga
nito.

4. Pagiging Mayabang – Ito ang pinagsama-samang katangian ng mga naunang


tatlong hadlang. Ang taong mayabang ay nagnanais na unahin ang kanyang
sarili. Ginagamit niya ang kanyang mga nakamit na mga bagay upang
pasikatan ang ibang tao. Dahil mangmang siya sa kahalagahan ng ibang tao,
tanging sariling kahalagahan lamang ang gusto niyang makita ng ibang tao.
Kaya, sa halip na igalang ang karapatan ng ibang tao, ang gusto niya ay
ibigay ng ibang tao ang kanyang sariling karapatan kahit natatapakan na
niya ang ibang tao.

Paano nalalabag ng mga tao ang katarungang panlipunan? Ang mga hadlang
na nabanggit ay nagbubunga ng paglabag sa katarungang panlipunan. Halimbawa,
ang paglabag ng mga nasa pamahalaan o may kapangyarihan ay katiwalian o
kurapsyon. Ang pambubulsa sa kaban ng bayan ng mga tiwali ay
nangangahulugan ng bilyonbilyong piso na proyekto o serbisyo ang hindi naibibigay
sa taumbayan. Nalungkot at nainis tayo sa mga ginawa ng ilang mataas na
opisyales sa pondo ng Philhealth. Dahil sa kanilang kasakiman, kinakamkam nila
ang mga ari-arian o pera na hindi naman sa kanila at hindi naman nila kailangan.
Sa kanilang pagkamal o pagkuha ng maraming bagay para sa kanilang sarili, hindi
nila namamalayan na may naapi na sila at napagkakaitan ng nararapat na
matanggap nila bilang isang tao.

Ngunit hindi lang ito totoo sa may kapangyarihan, maaari din ang ordinaryong
mamamayan ay makalabag sa
katarungang panlipunan. Dahil rin sa
pagiging makasarili at sakim, maaaring
magnakaw ang kahit sinoman. Sa
paaralan lamang, kapag may naiwang
cellphone o wallet na may pera, minsan o
madalas, hindi na ito maibabalik sa may-
ari dahil pinagnasaan at inangkin na ng
iba. Gayon din

http://www.thelariatonline.com/cellphone -theft-in-school-is-getting-out-of-hand/ dahil sa


pagiging mangmang sa kahalagahan ng ibang tao, maaari ding makagawa ng
diskriminasyon sa kanilang kapwa. Muli sa paaralan, ang pambu-bully ay
nangyayari dahil hindi naigagalang ang kahalagahan ng kanyang kamag-aral
at nagbubunga ito ng pananakit sa damdamin, isip o sa katawan.

Anu-ano ang mga paraan upang maitaguyod ang katarungang


panlipunan? Kailangang mapagtagumapayan ang mga hadlang na ito at maiwasan
ang paglabag sa katarungang panlipunan. Ito ang mga sumusunod na paraan
upang mataguyod natin nang sama-sama ang katarungang panlipunan:

1. Pagkiling sa Likas na Batas Moral. Tayo ay binigyan ng Diyos ng kakayanang


maunawaan ang mabuti sa masama. Gamit ang ating isip, puso, kilos-loob at
konsensya, piliin natin palagi kung ano ang moral - ang pagawa ng mabuti at
tama.

2. Paghahanap sa Katotohanan. Upang malabanan natin ang kamangmangan,


kailangan natin ng edukasyon. Huwag tayong mag-aral para sa grado lamang,
kundi mag-aral tayo para makamit ang katotohanan.

3. Pagpapasya na Maging Tapat sa Isip, Salita at Gawa. Sabi nga, “Kakambal ng


sinungaling ang magnanakaw.” Hindi naibibigay ang nararapat sa kapwa kapag
may nagsisinungaling at nagnanakaw. Kaya “Honesty is still the best policy”.

4. Paggalang at Kababaang-loob. Upang maiwasan ang diskriminasyon, kailangan


matutunan nating igalang ang iba’t ibang tao. Ito ay pagkilala ng ating
pagkakapantay-pantay sa dignidad. Kailangang labanan sa sarili ang
pagmamataas sa kapwa.

5. Pagmamahal sa Kapwa. Ito ang pinakamahalagang paraan na dapat nating


gawin upang maitaguyod ang katarungang panlipunan. Dahil kapag tayo ay
nagmamahal sa kapwa, laging ang kapakanan ng iba ang inuuna natin at
pansamantala nating sinasakripisyo ang sarili nating interes sapagkat nagiging
masaya tayo na makitang napabuti ang ibang tao.

Ang katarungang panlipunan ay isang magandang kalagayan ng lipunan na


dapat pangarapin ng bawat tao sa buong mundo lalong-lalo na dito sa ating bansa.
Ngunit huwag lang natin itong gawing isang pangarap lang na nakakulong sa ating
imahinasyon, kundi tayo ay kumilos at gawin natin ang mga paraang ito upang
makamit natin ang katarungang panlipunang pinapangarap nating lahat.

You might also like