You are on page 1of 16

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION – REGION III


SCHOOLS DIVISION OFFICE – CITY OF MALOLOS

MARCELO H. DEL PILAR NATIONAL HIGH SCHOOL


Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan / School ID: 300751 / www.marcelodelpilarnhs.com
E-mail: marcelohdelpilarnhs@gmail.com / Tel. No. 795-5343

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9


(IKATLONG MARKAHAN)

MODYUL 9: KATARUNGANG PANLIPUNAN

EsP9KP-IIIc- 9.1 Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang


panlipunan.
Week 1 EsP9KP-IIIc- 9.2 Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang
panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan.
EsP9KP-IIId- 9.3 Napatutunayan na may pananagutan ang bawat
mamamayan na ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya.
Week 2
EsP9KP-IIId- 9.4 Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o
pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.

A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?


Sa mga nagdaang aralin, natutunan mo na mahalaga ang pagsisikap ng bawat tao sa
pagkamit ng kabutihang panlahat sa lipunan. At isa sa mga mga nararapat pagsikapan upang
makamit ito ay ang pagsasabuhay ng mga moral na pagpapahalaga na magpapatatag sa lipunan.
Pangunahin sa mga moral na pagpapahalagang ito ay ang katarungang panlipunan.

Katarungang Panlipunan

Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapwa, lalo na sa


mga kritikal na sitwasyon sa buhay. Ito ay dahil ang tao ay panlipunang nilalang o umiiral na
kasama ang ibang tao. Matutugunan lamang ang pangangailangang ito kung may nabubuong
ugnayan sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin – isang ugnayang dapat na pinamamayanihan
ng katarungan.

Kahulugan ng Katarungan

Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kaniya. Ayon kay Dr. Manuel B.
Dy, Jr., ito ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung kaya, ang tuon ng katarungan ay
ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa pagkiling sa sariling
interes. Ano naman ang nararapat sa kapwa? Ito ay ang pagpapahalaga sa kaniyang hindi
malabag na espasyo ng kaniyang pagka-indibidwal – ang kaniyang dignidad bilang tao. Ang
pagkatao ng tao ay isang katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang.

Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng tao. Bakit mo kailangang maging makatarungan


sa iyong kapwa? Ito ay hindi lamang dahil ikaw ay tao kundi dahil ikaw rin ay namumuhay sa
lipunan ng mga tao. Ang pagiging makatarungan ay minimum na pagpapakita mo ng pagmamahal
bilang tao na namumuhay kasama ang iba. Halimbawa, ang paninira sa ibang tao ay isa ring
paglapastangan sa iyong sariling pagkatao.

Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng
kilos- loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal. Ang kilos- loob na isang makatuwirang
pagkagusto ay magpapatatag sa iyong pagiging makatarungang tao. Sa pamamagitan ng pagiging
makatarungan, sinusunod mo ang Likas na Batas Moral.

Makatarungang Tao

Ayon kay Andre Comte – Sponville (2003), isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo
ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapwa. Isinasaalang – alang mo rin
ang pagiging patas sa lahat ng tao. Itinatalaga mo ang iyong sarili para rito sa kabila ng
napakaraming hindi patas na sitwasyon na maaaring nararanasan mo at maaaring minsan ay
ikaw rin mismo ang may gawa. Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang katapusang
laban dahil sa katotohanang mahirap kalabanin ang mismong sarili.

Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan

Ang mahalagang prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng bawat isa


anumang ugnayan mayroon ka sa iyong kapwa. Bilang tao, karapatan ng bawat isana mabuhay
at mamuhay nang hindi hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba. Kung nilalabag ang
karapatang ito, mawawalan ng katarungan.

Nagsisimula sa Pamilya ang Katarungan

Sa pamilya, una mong naranasan ang mga bagay – bagay na nagbibigay sa iyo ng
kamalayan tungkol sa katarungan. Dito, unti – unti kang nagkakaroon ng kakayahan na
mauunawaan kung ano ang katarungan. Dahan – dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa
paggabay ng iyong mga mahal sa buhay. Mula nang mahubog ang iyong konsensiya, natutuhan
mo na ang katarungan at kawalan ng katarungan ay hindi nakadepende kung nahuhuli ka ng
iyong mga magulang o ng iyong kapatid sa iyong mga nagawang pagkakamali. Hindi rin ito
nakabatay sa mga patakaran na sinsabi ng iyong mga nagawang pagkakamali. Nauunawaan mo
sa tulong ng iyong mga karanasan na nagiging makatarungan ka kapag iginagalang moa
ng mga karapatan ng iba at isinasaalang – alang moa ng kabutihang panlahat.

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga magulang mo sa paghubog ng iyong


pagiging makatarungan. Iminumulat ka nila sa katotohanang may karapatan at tungkulin ka
bilang tao hindi lamang sa pamilya kundi pati na rin sa lipunan. Ginagabayan ka nila upang
mapahalagahan at maisabuhay mo sa iyong pang – araw – araw na ugnayan sa kapwa ang mga
karapatan at tungkuling ito. Samakatuwid, sa tulong ng iyong mga magulang, nagsisimula ka
na magkaroon ng mapanagutang ugnayan sa iyong kapwa na daan patungo sa pagiging
makatarungan.

May apat na aspeto na mahalagang pagtuunan mo ng pansin sa pagsasanay na magiging


makatarungan bilang tao sa loob ng inyong pamilya upang mahubog sa iyo ang katarungan. Narito
ang mga aspektong titingnan mo sa iyong sarili:
1. Ipinaaalala ba palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangan mong gawin ang mga
makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba? Ginagabayan ka ba nila upang maiwasan mo ang
hindi makatarungang gawain?
2. Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapwa? Kaugnay nito,
tinutulungan ka ba nila na sanayin ang iyong sarili tulad ng paghiram ng isang bagay na
pagmamay- ari ng iyong kapatid kung gusto mong gamitin ito?
3. Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkakaiba – iba ng mga sirkumstansya ng iba’t ibang tao lalo na
ang mga nakapaligid sa iyo?
4. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at pagsasaayos ng iyong
mga pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa iba?

Ang apat na aspekto na pagsasanay na ito ay ginagamitan ng iyong isip at kilos – loob.
Ang una at ikaapat na mga punto ay mga pagsasanay ng iyong kilos – loob, ang ikatlong punto ay
iyong isip at ang ikalawang punto ay ang pagsasanay ng iyong isip at kilos – loob.

Ang Moral na Kaayusan Bilang Batayan ng Legal na Kaayusan ng Katarungan

Ang batas sibil ay nararapat na nakababatay sa batas moral. Ang mga legal na batas ay
kailangang nakaangklasa moralidad ng kilos. Kung hindi, ang legal na kaayusan ay mawawalan
ng kahulugan. Ihinihiwalay kasi ito sa moral na kaayusan. Mahalagang malaman na ang legal na
batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas. Ang legal na kaayusan ay nararapat na
maging tulay ng moral na kaayusan sa lipunan.

Ang batas moral ay maituturing na isang panloob na aspekto ng katarungan. Ang batas
sibil ay ang panlabas na aspekto nito. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao ay para sa
batas.” Kung kaya, ang sistemang legal ng lipunan ng Pilipinas ay nararapat na nagbibigay ng
proteksyon sa karapatang pantao ng bawat mamamayan nito. Sa mata ng batas, ito ay nararapat
na walang mahirap o mayaman, mahina at makapangyarihan. Sa batas, lahat ay pantay –
pantay.

Katarungang Panlipunan

Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay.


Umiiral ito kung tinatanggihan ng mga mamamayan ang pandaraya, pangungurakot, hindi
makatarugang pagpapasweldo at iba pang mga sitwasyon. Isinasaalang – alang ng katarungan
ang ugnayan ng bawat isa sa lipunan. Mabisang paraan ito upang mapangalagaan at mapanatili
ang kabutihang panlahat. Hindi lamang ito nakatatak sa Saligang Batas ng ating bansa kundi ito
ang siyang isinisigaw ng ating bayan sa kasalukuyan nitong kalagayan.

Ayon kay Dr. Dy, ang katarungang panlipunan ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng
tao sa kaniyang kapwa kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan. Ang kapwa ay personal o
interpersonal na ugnayan mo ibang tao. Samantala, ang kalipunan (socius) ay ang ugnayan ng
tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon. Magkaiba,
ngunit hindi magkahiwalay ang kapwa at kalipunan. Ang kalipunan ay para sa paglilingkod sa
kapwa.

Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang


kapwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan. Inilalagay nito sa ayos ang panlipunang ugnayan ayon
sa kraytirya ng pagsunod sa batas. Isinasaalang – alang din nito ang mga panlipunan,
pampolitikal at pang – ekonomiyang aspekto ng tao, mga problema ng lipunan at mga maaaring
solusyon ng mga ito tungkol sa kabutihang panlahat. Ilan sa mga katangian ng katarungang
panlipunan ay ang mga sumusunod: paggalang sa karapatan ng bawat tao, paglampas sa
pansariling interes, at pagsasaalang – alang sa kabuuang sitwasyon upang tunay na makamit ang
kabutihang panlahat.

Mga Kaugnay na Pagpapahalaga

Ang mga pagpapahalaga na kaugnay sa katarungang panlipunan ay; dignidad ng tao,


katotohanan, pagmamahal, pagkakaisa, at kapayapaan.

Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa dignidad ng tao. Ang bawat tao ay may
dignidad hindi dahil sa kanyang pag – aari, posisyon sa lipunan, o mga nakakamit sa buhay,
kundi dahil sa kaniyang pagkatao. May dignidad ang tao dahil may halaga siya. Dahil mahalaga
ang tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa kaniya. Sa ganitong pagkakataon. ang
katarungang panlipunan ay nakatuon sa kabutihan ng tao. Samakatuwid, ang mga istraktura
ng lipunan ay nabubuo at nararapat na umiiral para sa kabutihan ng lahat ng tao.

Makakamit din ang katarungang panlipunan sa tulong ng isang pagpapahalaga – ang


katotohanan. Sa paghahanap ng katotohanan, kinakailangang tingnan ang kabuuan ng isang
sitwasyon. Ang katotohanan bilang isang isang pagpapahalaga ay mag – uudyok sa iyo na handa
mong ibigay ang iyong buong sarili dahil ito ay may kabuluhan sa iyong buhay at sa buhay ng
iyong kapwa. Kaya, ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay hindi isang simpleng opinyon
lamang dahil hindi mo maitataya ang iyong pagkatao at buhay para sa isang opinion lamang. Ang
katotohanan sa puntong ito ay ang pag – unawa na may iba pang apektado sa sitwasyon, hindi
lamang ikaw. Inuunawa at pinagninilayan ang sitwasyon upang makita ang katotohanang
nakakubli rito. At upang matugunan ang pangangailangan ng katarungang panlipunan,
kailangan mong makipag – usap at makipagdiyalogo sa iba pang sangkot sa sitwasyon.

Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal. Ang katarungan ay


walang kinikilingan dahil gabay nito ang diwa ng pagmamahal na likas sa tao. Sa pagmamahal
ang iyong kapwa ay isang kaibigan o maaari ring ituring mo siya na isang kapatid. Kung mawawala
ang pagmamahal, paano na ang tao? Ano ang mangyayari sa katarungan? Ang katarungan ay
maaaring mauwi sa simpleng legalismo na ibig sabihin ay pagiging parang isang bulag kung saan
sunud – sunuran na lamang ang tao sa batas. Kaya, ang pagmamahal bilang isang pagpapahalaga
ay isang aktibong pagkalinga sa kapwa na nagpapaunlad sa kaniyang mga kakayahan bilang tao.
Ito ay nangangahulugang sama – samang pagkilos ng mga institusyon ng lipunan upang makabuo
ng sistemang susuporta sa pagpapaunlad ng pagkatao ng tao. Ang pagmamahal ay siyang puso
ng pagkakaisa.

Sa iyong ugnayan sa kapwa at sa kalipunan, makabubuting tahakin mo ang landas ng


katarungan at pagmamahal lalo na para sa mga mahirap at mahina tungo sa pagkakaroon ng
kapayapaan. Ang pagmamahal ay magbubunga ng kapayapaan sa pamama gitan ng mapayapang
paraan at hindi ng sandatahan. Ang kapayapaan ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng
kaguluhan o sa pagkakaroon ng parehong kaparangyarihan ng mga bansa. Ang kapayapaan ay
ang pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa panlipunang kaayusan ng katarungan. Muli, kailangan
dito ang paggalang sa dignidad ng tao at ang palagiang pagsasanay na maisabuhay ang diwa ng
pagkakaisa upang maitaguyod ang kabutihang panlahat. Ang kapayapaan ay bunga rin ng
pagmamahal. Ang kapayapaan ay bunga rin ng pagmamahal, ang pinakamataas na antas ng pag
– iral ng katarungan.

Sa huli, maitataguyod mo ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagbibigay mo


sa iyong kapwa ng nararapat sa kaniya. Ito ay tanda ng paggalang mo sa kanyang dignidad bilang
tao. Ang pagiging makatarungan sa kapwa tao ay nagsisimula at sinasanay sa pamilya. Ibinabatay
ang makatarungang ugnayang ito sa moral na kaayusan ng lipunan. Pinatitibay ang pag – iral ng
katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga kaugnay na mga
pagpapahalaga na daan tungo sa kabutihang panlahat.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
(IKATLONG MARKAHAN – SAGUTANG PAPEL MODYUL 9)
NAME: __________________________________ PANGKAT: _________ PETSA: ___________

Gawain 1
Panuto: Mula sa iyong pagkatuto sa babasahin, punan ng mga angkop na salita ang pangungusap
sa ibaba upang mabuo ang Batayang Konsepto. Matapos sagutin ang batayang konsepto ay
sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang katarungang panlipunan ay maitataguyod sa pamamagitan ng iba’t ibang pagpapahalaga:


_____________, ______________, _______________, ___________________ at
____________________. Ang pagiging makatarungan sa iyong kapwa ay nagsisimula at
sinasanay sa _________________. Pinagtitibay ang pag – iral nito sa pamamagitan ng
___________ ng mga kaugnay na mga pagpapahalaga na daan tungo sa __________________.

1. Ano ang katarungan? Bakit nangangailangan ng panloob na kalayaan ang pagtataguyod nito?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
2. Paano magiging makatarungan ang tao? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
3. Bakit nararapat na ibinabatay sa batas na moral ang batas legal? Ipaliwanag. Ipahayag ang
pagsang- ayon o pagtutol: Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat kolum. Kumpletuhin ang bawat pahayag na hinihingi ng
bawat kolum.

Ako ay isang makatarungang tao Mapapanatili ko ito sa pamamagitan


dahil… ng…

Halimbawa: Iginagalang ko ang Pagpapatuloy ng paggawa ng mga


kalakasan at kahinaan ng aking mga mabubuting bagay na itinuro ng aking
kamag – aral. magulang sa akin.

1.

3.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
(IKATLONG MARKAHAN)

MODYUL 10: KAGALINGAN SA PAGGAWA

EsP9KP-IIIa-11.1 Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o


kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kaakibat ang
wastong paggamit ng oras para rito.

Week 1 EsP9KP-IIIa-11.2 Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng


kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kasama
na ang pamamahala sa oras na ginugol dito.

EsP9KP-IIIb-11.3 Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa


paggawa at paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang
maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at
Week 2 mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kanyang kaloob.

EsP9KP-IIIb-11.4 Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na


mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala
sa oras.

A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Sa mga nagdaang aralin, naunawaan mo ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng


paggawa. Nalaman mo na ito ay daan upang makamit mo ang iyong kaganapan bilang tao. Sa
modyul na ito, inaasahang maunawaan mo na hindi sapat ang paggawa lamang. Mahalagang
laging isaalang – alang ang kalidad ng serbisyong ibinigay o produktong ginawa upang gawi ng
bawat kabataan ang kagalingan sa paggawa.

Kagalingan sa Paggawa

Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng sapat na


kasanayan at angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at layunin sa paggawa. May
mga partikular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa paggawa. Ang pagkakaroon ng
propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat isaalang – alang, ngunit hindi lang ito ang
kailangan upang makagawa ng isang produkto o gawaing mag – aangat sa iyo bilang tao.

Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito
naisasakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapwa at sa Diyos. Ang kagustuhang
maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kagalingan sa
paggawa.

Ang mga Katangian ng Kagalingan sa Paggawa

1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga. Ang isang matagumpay na tao ay may tiyak na


pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin ang anomang pagsubok na pagdaraanan
sa pagkamit ng mithiin. Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay niya upang
gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad. Ang produktong kanyang lilikhain ay
bunga ng kasipagan, tiyaga, pagiging malikhain at pagkakaroon ng disiplina sa sarili.
a. Kasipagan. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang
buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa. Ang produkto o gawaing likha ng isang taong
masipag ay bunga ng kahusayan at buong pagmamahal na ginagawa.
b. Tiyaga. Ito ay pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.
Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo, at gabay na
kaniyang nakukuha sa ibang tao.
c. Masigasig. Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Ang atensyon o oras niya ay nakatuon lamang
sa produkto o gawaing kanyang lilikhain.
d. Malikhain. Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi
ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba. Dapat ay orihihinal, bago at kakaiba ang produkto.
e. Disiplina sa Sarili. Ang taong may disiplina ay alam ang hangganan ng kanyang
ginagawa at mayroon siyang paggalang sa ibang tao. Maari niyang isantabi ang pansariling
kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao. Ang kagalingan ng gawain o produkto ng taong may
disiplina sa sarili ay sa ikabubuti ng lahat.

2. Nagtataglay ng mga Kakailanganing Kasanayan. Bukod sa mga kasanayan sa basic


literacy (pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig, pagsasalita), mahalaga rin ang mga
kasanayan sa pagkatuto na may tatlong yugto – Ang Pagkatuto Bago ang Paggawa, Pagkatuto
Habang Ginagawa at Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain (Morato, 2007)
a. Pagkatuto Bago ang Paggawa. Tumutukoy sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa
pagbuo ng isang gawain o produkto. Binubuo ito ng mga kasanayan sa:
• Pagbuo ng layunin
• Paglalarawan ng mga indikasyon ng mga inaasahang kalalabasan (outcomes)
• Pagbuo ng mga angkop na konsepto na magpapaliwanag sa gawain
• Pagtukoy ng paraan o istratehiya sa paggawa batay sa konseptong binuo
• Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin
• Pagtukoy sa mga tutulong sa pagsasagawa ng gawain
• Pagtatakda ng kakailanganing panahon upang isagawa ang gawain
b. Pagkatuto Habang Ginagawa. Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiyang maaaring
gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala
ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong napili at mga posibleng
kahaharaping problema at solusyon sa mga ito.
c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawin. Ito ang yugto ng pagtataya kung ano ang naging
resulta o kinalabasan ng gawain. Sa yugtong ito malalaman mo ang mga posibleng kilos,
pagpapasya na dapat baguhin at panatilihin.

Ang mga yugto o hakbang na ito ay magsisilbing susi sa pagtupad ng iyong layuning makagawa
ng isang mahusay na produkto o serbisyo. Ang kagalingan sa paggawa ay nasusukat ayon sa
maayos na pagsasakatuparan ng mga hakbang na dapat isaalang – alang sa paggawa.

Ang sumusunod na mga katangian ay makatutulong din upang magkaroon ng matalinong pag –
iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa. Ang mga ito ay ipinamalas ni
Leonardo da Vinci, ang itinuturing na pinakadakilang henyo sa lahat ng panahon (Gelb, 1998).

1. Pagiging Palatanong (Curiosita). Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na alamin
ang mga bagay – bagay sa kaniyang paligid. Marami siyang tanong na hinahanapan niya ng mga
sagot. Hindi siya kuntento sa simpleng sagot o mababaw na kahulugan na kanyang narinig o
nabasa. Ang pagtatanong at pagbubuo ng problema (questioning and posing problems) ay isa sa
labing – anim na Gawi ng Isip (Habits of Mind) na mahalagang linangin sa mga kabataan, ayon
kay Costa at Kallick (2000).
2. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupuyagi (Persistence) at ang
Pagiging Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali (Dimostrazione). Ito ang pagkatuto sa
pamamagitan ng mga di malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at
maiwasang maulit ang anumang pagkakamali. Dahil sa mga karanasang ito, natututo ang isang
tao na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa muli.

3. Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang


Magbigyang – buhay ang Karanasan (Sansazione). Ito ang tamang paggamit ng mga
pandama, sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao. Ang kakulangan ng bahagi nang katawan
ay hindi hadlang upang isakatuparan ang tunguhin.

4. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato). Ito ay pagiging bukas sa


pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay, mga bagay na hindi pamilyar, mahirap alamin o
ipaliwanag, o may higit sa isang interpretasyon o kahulugan. Ang pagiging bukas ng isip sa mga
sitwasyong walang katiyakan ay mahalaga sa pagpapalabas ng pagkamalikhain ng isang tao.

5. Ang Paglalapat ng Balanse sa Sinig, Siyensa, Lohika at Imaginasyon (Arte/ Scienza). Ito
ay pagbibigay – halaga nang may balance paghahanap sa kagandahan (beauty) at katotohanan
(truth) gamit ang sining (art) at siyensya (science)

6. Ang Pananatili ng Kalusugan at Grace, Poise (Corporalita). Ito ang tamang pangangalaga
katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman. Kasama
dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na pwedeng makasama sa katawan.

7. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay – ugnay ng Lahat ng Bagay (Connessione). Ito ay


pagkilala at pagbibigay – halaga na may kaugnayan lahat ng bagay at mga pangyayari sa isa’t –
isa. Ayon sa Law of Ecology, “Everything is connected to everything else.” Ang mga halaman ang
nagbibigay ng oxygen sa lahat ng uri ng mga hayop kasama ang tao. Sa kabilang banda, tao at
hayop naman ang naglalabas ng carbon dioxide na gagamitin ng mga halaman sa paggawa ng
pagkain.

Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa ay


kakaiba, may kalidad at kagalingan ay kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos at iniaalay
bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa Kaniya. Ang paggawa ng mabuti at may kahusayan
ay may balik na pagpapala mula sa Diyos.

Sa pamamagitan ng mga kaalamang ito, mapatunayan na nag paggawa ay may kagalingan


kung naisa – alang – alang at nasasagot ang mga tanong na:
1. Ito ba ay pinag – isipang mabuti?
2. Nasunod ba ang mga hakbang na dapat gawin?
3. Bunga ba ito ng malalim na pag – iisip?
4. Nagagamit ba ang mga talent at kasanayang ipinagkaloob ng Diyos?
5. Nagamit baa ng aral ng buhay na natutuhan mula sa karanasan?

Maituturing na mga mahalagang kraytirya ang mga tanong na ito upang masabi na ang
paggawa ay may kagalingan o kalidad. Paano mo naipamamalas ang mga kasanayan at
katangiang nabanggit sa iyong paggawa upang malinang sa iyo ang kagalingan?
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
(IKATLONG MARKAHAN – SAGUTANG PAPEL MODYUL 10)
NAME: __________________________________ PANGKAT: _________ PETSA: ___________

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod sa kuwaderno.

1. Bakit mahalagang isaalang – alang ang mga katangian at kasanayang nabanggit?


Pangatwiranan
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
2. May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kasanayang nabanggit sa babasahin?
Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
3. Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Anong mahahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa mga nagdaang gawain at
aralin? Gabay ang mga tanong sa ibaba, isulat ang iyong sagot sa kahon.

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
PERFORMANCE TASK

Panuto: Sundin ang mga alintuntunin at maging malikhain sa pagsagawa ng performance task.
Maaaring gumamit ng isang ekstrang papel para isagawa ang task na ito.

Bilang Kapitan ng isang Barangay na namumuno at nagpapanatili ng pagsasaayos ng kanyang


nasasakupan ay gagawa ka ng isang Action Plan (plano ng pagsasabuhay) para masulusyunan sa
munting paraan ang mga pamilyang dumaranas ng kahirapan sa panahon ng pandemiya.
Ipapakita mo sa iyong gagawing Action Plan kung anu ano ang mga programa na maaaring
maitulong mo sa iyong Barangay o sa mga mamamayan na iyong nasasakupan bilang positibong
pagganap sa iyong tungkulin sa paghahangad ng kabutihang panlahat.

Gayahin ang format na ito:

Action Plan: _____________________________________

Balangkas na Oras Layunin Gawain Kagamitan Mga Kalahok Remarks

Inaasahang Itinalagang
petsa petsa

Rubric sa Pagganap
Puntos
Kriteriya
4 3 2 1

Komprehensibo Naipaliwanag ng Hindi gaanong Hindi Walang


ang ginawang mabuti ang naipaliwanag ng naipaliwanag ng naipaliwanag
paliwanag sa konsepto mabuti ang mabuti ang ng mabuti sa
Konsepto konsepto konsepto konsepto

Tugma at Lahat ng Mayroong 1-2 Mayroong 3-4 na Hindi tugma


Organisado ang konseptong simbolo na hindi konsepto na hindi at hindi
mga ginamit na ginamit sa tugma at hindi tugma at hindi organisado
Konsepto presentasyon ay organisado sa organisado sa ang lahat
tugma at presentasyon presentasyon konseptong
organisado ginamit sa
presentasyon

Malikhain ang Nakita ang Nakita ang Hindi nakita ang Hindi
paggawa ng pagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain nakagawa ng
Konsepto sa kabuuan ng ngunit hindi sa ginawang malikhaing
presentasyon at gaanong presentasyon presentasyon
tunay na nakapupukaw ng
nakapupukaw ng pansin ang
pansin ang presentasyon
kabuuan ng
presentasyon

Naibahagi sa iba May patunay ng May patunay ng Walang kalakip Walang


ang kaniyang pagbabahagi at pagbabahagi na patunay ng kalakip na
ginawa at nakagawa ng ngunit walang pagbabahagi patunay ng
nakagawa ng detalyadong ulat nagawang ngunit may pagbabahagi
ulat ukol rito ukol dito detalyadong ulat detalyadong ulat at walang
ukol dito ukol dito detalyadong
ulat ukol dito
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
(IKATLONG MARKAHAN)

MODYUL 11: KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID,


AT WASTONG PAMAMAHALA SA NAIMPOK

EsP9KP- IIIe-12.1 Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag,


nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang
naimpok.
Week 1 EsP9KP- IIIe-12.2 Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos
nang pinaghandaan, ayon sa pamantayan at may motibasyon sa
paggawa
EsP9KP- IIIe-12.3
Napatutunayan na:
a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain
na naaayon sa
itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling
Week 2 pagkatao, kapwa, lipunan at bansa
b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi
tungo sa pagtupad ng itinakdang mithiin.
EsP9KP- IIIe-12.4 Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang
upang matupad ang itinakdang gawain nang may kasipagan at
pagpupunyagi.

A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Masipag ka ba? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Paano kung ang isang tao ay hindi
magtataglay ng ganitong katangian, ano kaya ang mangyayari sa kanyang buhay?
Natuklasan mo ang kahalagahan sa kagalingan sa paggawa. Ito ay nagsisilbing instrumento
upang ang sarili ay maiangat at mapaunlad ang ekonomiya ng isang bansa. Ang isang tao na
nagpapakita ng kagalingan sa paggawa ay makapagtatapos ng isang produkto o gawain na may
kalidad.
Sa modyul na ito, mas lalo kang bibigyan ng sapat na pagkaunawa sa mga katangian na
dapat taglayin ng isang manggagawa. Sa pamamagitan nito, matutulungan ka hindi lamang
upang mapaunlad ang bansa na iyong kinabibilangan.

Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok

Kasipagan

Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawain o tapusin ang isang gawain na


mayroong pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. Ito ay
tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili,
mahabang pasensiya, katapatan, integridad, disiplina, at kahusayan na kung saan malaki ang
maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapwa, at sa
kaniyang lipunan.

Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kaniyang
pagkatao. Nagagamit niya ito sa mabuting pakikipagrelasyon niya sa kanyang kapwa at mula sa
kasipagan na taglay niya ay makatutulong siya na mapaunlad ang bansa at lipunan na kaniyang
kinabibilangan.

Palatandaan ng Taong Nagtataglay ng Kasipagan

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa


kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan ay
nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyang puso sa kaniyang
ginagawa – ibig sabihin naroroon ang kaniyang malasakit. Hindi lamang niya ito ginagawa upang
basta matapos na lamang kundi sinisigurado niyang may kalidad ito.

3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain
lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya. Ito ay ginagawa niya ng maayos at kung minsan ay higit
pa na maging ang gawain ng iba ay kaniyang ginagawa. Hindi na niya kailangan pang utusan o
sabihan bagkus siya ay mayroong pagkukusa na gawin ang gawain na hindi naghihintay ng
anomang kapalit.

Mahalaga na taglayin ng isang tao ang kasipagan sapagkat isa itong susi sa
magandang kinabukasan. Ang pagiging masipag ay magbubunga ng mas maraming biyaya sa
mga taong nagtataglay ng ganitong katangian.

Lahat ng tao ay naghahangad ng magandang buhay. Ito ay hindi lamang para sa ating
mga sarili, kundi pati na rin sa ating minamahal sa buhay. Kung mas maganda o magiging sagana
ang ating buhay mas magkakaroon pa tayo ng higit na pagkakataon na makapagbigay o tumulong
sa ating kapwa. Mahalaga sa tao ang maging masipag upang siya ay mayroong maabot o marating
na magandang bukas. Kung ang isang nilikha ng Diyos ay masipag na gumawa ng kabutihan
makakamit niya ang buhay na walang hanggan. Lagi nating tandaan na ang kasipagan sa
paggawa nang may kabutihan ang magpapaunlad sa ating bayan.

Ang kabaligtaran ng kasipagan ay katamaran. Ito ay hindi dapat taglayin sapagkat ito
ay pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ang katamaran ang pumipigil o
humahadlang sa tao upang siya ay magtagumpay. Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng
gawain. Hindi pa niya ito nasisimulan ay umaayaw na siya. Palagi niyang nararamdaman ang
kapaguran kahit kaunti pa lamang ang kaniyang nagagawa. Kadalasan, hindi niya natatapos nang
maayos ang isang gawain. Kung kaya’t dapat na puksain natin ang katamaran at huwag itong
bigyan ng puwang sa ating kalooban sapagkat wala itong maidudulot na maganda sa ating
kinabukasan.

Bilang kabataan ay dapat lagi mong ipakita sa lahat ng oras at pagkakataon ang
iyong kasipagan sa iyong gawain. Ngunit lagi mo ring tatandaan na sa isang gawain ay tiyak na
makararamdam ka ng hirap, pagod ng katawan at isipan, mga pagsubok at mabibigat na problema
ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay hindi dapat sumuko sapagkat ang pagsuko ay
karuwagan.

Pagpupunyagi

Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o


mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon. Ito ay
pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy
na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit ang mithiin.

Ito ay isang mahalagang katangian na makatutulong upang magtagumpay ang isang


tao. Sa kabila ng mga balakid at mga problema na kanyang susuungin ay hindi siya dapat
panghinaan ng loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at maging matatag.

Pakatandaan, pagaktapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi ay darating


ang umaga, at pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa. Ibig sabihin lamang nito ay gaano
man ang iyong pagdaraanang hirap sa iyong gawain ay pagsumikapan mo itong mabuti sapagkat
darating ang araw na malalasap moa ng kaligayahan at tagumpay na dulot nito.
Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok

Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na


hindi lamang mamuhay nang masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na
makapagbigay sa iba. Ito ay hindi paggasta ng pera nang walang saysay. Sapagkat dapat mong
mahalin ang bunga ng iyong ginawang pagsisikap at pagtitiyaga.

Dapat mong maunawaan ng bawat isa na kailangan na maging mapagkumbaba at


matutong makuntento sa kung ano ang meron ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng
pagtitipid. Laging isaisip na hindi makukuha ng kaligayahan sa mga materyal na bagay lamang.
Ito ay hindi mahahanap sa labas ng ating sarili sapagkat matatagpuan ito sa ating kalooban.

Nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng isang tao kung hindi niya


napapamahalaan nang wasto ang kaniyang mga pinaghirapan. Kaya nga, kung isang tao ay
magtitipid ay mapamamahalaan niya nang tama ang kaniyang mga naimpok. Ang pag – iimpok
ay paraan upang makapagsave o makapag ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.

Bakit kailangan na mag – impok ng pera?

Ayon sa Teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs, ang pera ay makatutulong sa tao
na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap. Kung kaya’t dapat
pahalagahan an gating mga naipon. Sapagkat hindi napupulot ang pera, hindi ito mapipitas sa
mga puno, o di kaya hindi ito nalalaglag mula sa langit. Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain
ito. Kaya kinakailangan lamang na gastusin sa tama upang huwag itong mawala. Ayon sa isang
financial expert na si Francisco Colayco, mayroong tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-
impok ang tao.

1. Para sa proteksyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay
ng tao tulad na lamang ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng trabaho o pagkabaldado. Kung
sa hindi inaasahang pagkakataon ay mangyari ito, kailangan na ang tao ay nakahanda at
mayroong magagamit na emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon
mula dito.

2. Para sa mga hangarin sa buhay. Ito ang nagiging motibasyon ng iba. Ang mag-impok para sa
hangarin sa buhay na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak, ang magkaroon ng
sariling bahay at magkaroon ng maayos na pamumuhay. Mahalaga na matamo ang mga ito bilang
bahagi ng ating kaganapan sa buhay.

3. Para sa pagreretiro. Hindi lamang kailangan na mag-impok para sa proteksyon sa buhay at sa


mga hangarin sa buhay, mahalagang nag-iipon din para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng
oras ay kakayanin pa ang magtrabaho. Darating din sa kasukdulan ang buhay ng tao na siya ay
magiging matanda at mahina at hindi kakayanin pa na magbanat ng buto.

Ayon pa rin kay Francisco Colayco, kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang
obligasyon at Hindi Optional. Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita ay obligasyon natin sa ating
sarili ang pag-iimpok. Kaya, simulan mo na hanggat maaga. Sapagkat ito ang makapagbibigay ng
masaganang bukas. Tingnan natin ang isang langgam, sa tag-araw ay buong sipag silang nag-
iipon ng pagkain kung kaya’t sa pagdating ng tag-ulan ay kampante na sila na hindi magugutom
dahil matagal na nila itong pinaghandaan. Tayo rin bilang tao ay dapat mag-ipon habang tayo ay
malakas upang makamtan natin ang magandang bukas.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
(IKATLONG MARKAHAN – SAGUTANG PAPEL MODYUL 11)

NAME: __________________________________ PANGKAT: _________ PETSA: ___________

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Sagutin ang sumusunod.

1. Ano ang kahulugan ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong pamamahala sa


naimpok?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga na ito ay taglayin ng lahat ng tao? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
3. Anu – ano ang indikasyon ng taong nagtataglay ng kasipagan, pagpupunyagi, pagiging matipid,
at wastong pinamahalaan ang naimpok?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
4. Paano makatutulong sa tao ang mga katangian na ito lalo na pagdating sa trabaho?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
5. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tao kung hindi niya pinagsikapan na linangin ito sa
kaniyang sarili? Bakit? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
Gawain 2

Panuto:

1. Pagguhit o kaya ay pagdikit ng larawan na may kaugnayan o nagpapakita ng kasipagan,


pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok.

2. Ito ay maaari sa porma ng collage o isang inforgraphic (depende sa kakanyahan at abilidad ng


mga mag – aaral. Maari rin magsama – sama ng mga larawan na sumisimbolo sa ating paksa.
Narito sa ibaba ang isang halimbawa:
PERFORMANCE TASK

Panuto: Sundin ang mga alintuntunin at maging malikhain sa pagsagawa ng performance task.
Maaaring gumamit ng isang ekstrang papel para isagawa ang task na ito.

Ikaw ay naatasan na magbalita ng iyong mga naging karanasan sa iyong buhay dahil sa iyong
aking kasipagan at motibasyon sa pagkamit ng iyong minimithi sa buhay taglay ang kagalingan
sa paggawa. Ikaw ay lilikha ng isang Reflective Journal Writing kung modular learner at virtual
presentation naman kung online learners. Aabot ng 3-4 na minuto ang iyong presentasyon.

PAMAGAT: _______________________________

____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Rubric sa Pagganap
Kriteriya Puntos
4 3 2 1
Komprehensibo ang ginawang Naipaliwanag ng Hindi gaanong Hindi Walang
paliwanag sa Konsepto mabuti ang naipaliwanag ng naipaliwanag ng naipaliwanag ng
konsepto mabuti ang mabuti ang mabuti sa
konsepto konsepto konsepto

Tugma at Organisado ang mga Lahat ng Mayroong 1-2 Mayroong 3-4 na Hindi tugma at
ginamit na Konsepto konseptong ginamit simbolo na hindi konsepto na hindi hindi organisado
sa presentasyon ay tugma at hindi tugma at hindi ang lahat
tugma at
organisado sa organisado sa konseptong
organisado
presentasyon presentasyon ginamit sa
presentasyon

Malikhain ang paggawa ng Nakita ang Nakita ang Hindi nakita ang Hindi nakagawa
Konsepto pagkamalikhain sa pagkamalikhain pagkamalikhain sa ng malikhaing
kabuuan ng ngunit hindi ginawang presentasyon
presentasyon at
gaanong presentasyon
tunay na
nakapupukaw ng nakapupukaw ng
pansin ang pansin ang
kabuuan ng presentasyon
presentasyon
Naibahagi sa iba ang kaniyang May patunay ng May patunay ng Walang kalakip na Walang kalakip
ginawa at nakagawa ng ulat pagbabahagi at pagbabahagi ngunit patunay ng na patunay ng
ukol rito nakagawa ng walang nagawang pagbabahagi pagbabahagi at
detalyadong ulat
detalyadong ulat ngunit may walang
ukol dito
ukol dito detalyadong ulat detalyadong ulat
ukol dito ukol dito

You might also like