You are on page 1of 3

GAWAING PAGKATUTO

Katarungang Panlipunan
Panimula (Susing Konsepto)

Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapwa, lalo na sa mga
kritikal sa sitwasyon sa buhay. Ito ay dahil ang tao ay panlipunang nilalang o umiiral na kasama ang ibang
tao. Matutungunan lamang ang pangangailangang ito kung may nabubuong ugnayan sa atin at sa mga
taong nakapaligid sa atin – isang ugnayang dapat na pinamamayanihan ng katarungan.

Kahulugan ng katarungan

Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr,
ito ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung kaya, ang tuon ng katarungan ay ang labas ng
sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa pagkiling ng sariling interes. Batay naman kay
Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng
nararapat sa isang indibidwal. Ang kilos-loob na isang makatuwirang pagkagusto ay magpapatatag sa
iyong pagiging makatarungang tao. Sa pamamagitan ng pagiging makatarungan, sinusunod mo ang Likas
na Batas Moral. Ito ay ang pagpapahalaga sa bawat indibidwal ang kaniyang dignidad bilang tao. Ang
pagkatao ng tao ay isang katotohanang nangangailangang ng ating pagkilala at paggalang. Halimbawa
ang paninira sa ibang tao ay isa ring paglapastangan sa inyong sariling pagkatao.

Makatarungang Tao

Ano ang isang makatarungang tao? Ayon kay Andre ComteSponville (2003), isa kang
makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng
kapuwa. Isinasaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat ng tao, mahirap man o mayaman, maitim
man o maputi, sikat man o hindi.

Pangunahing Prinsipyo sa Katarungan

Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang magkapitbahay, magkaklase, o magka


opisina kung hindi sila umaasa, walang kompetisyon o hindi nang-aagrabyado sa isa’t isa. Bilang isang
tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi hinahadlangan o pinaghihimasukan ng
iba basta naayon sa batas at walang taong masasaktan. Mahalagang tandaan na ang pangunahing
prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng bawat isa anumang ugnayan mayroon ka sa
iyong kapwa.

Nagsisimula sa Pamilya ang Katarunagan

Sa pamilya, unang maranasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa
katarungan. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga magulang mo sa paghubog sa iyong
pagkatao, konsensya, katapatan, ugali at pagkamakatarungan. Mauunawaan mo sa tulong ng iyong
karanasan sa loob ng tahanan ang pagiging makatarungan. Halimbawa, ang paggalang mo sa karapatan
ng iyong mga kapatid o ibang tao at isinasaalang-alang mo ang kabutihang panlahat at hindi ang
pansarili lamang.

Ang Moral na Kaayusan Bilang Batayan ng Legal na Kaayusan ng Katarungan.

Bakit ginagawang batayan ng legal na kaayusan ang moral na kaayusan? Kung titingnan nating
mabuti ang tanong na ito ayon sa tunay na diwa ng pagpapakatao, ang batas sibil ay nararapat na
nakababatay sa batas moral. Ibig sabihin, ang mga legal na batas ay kailangang nakaangkla sa moralidad
ng kilos. Kung hindi, ang legal na kaayusan ay nawawalan ng kahulugan. Inihihiwalay kasi ito sa moral na
kaayusan. Mahalagang malaman mo na ang legal na batas ay isang panlabas na anyo ng moral na batas,
ang legal na kaayusan kung gayon ay nararapat na maging tulay ng moral na kaayusan sa lipunan.
Kaugnay ng pahayag sa itaas, ang batas moral ay maituturing na isang panloob na aspekto ng
katarungan. Ang batas sibil ay ang panlabas na aspekto nito. Sabi nga, “ang batas ay para sa tao at hindi
ang tao para sa batas”.

Kung kaya, ang sistemang legal ng lipunan ng Pilipinas ay nararapat na nagbibigay ng proteksyon
sa karapatang pantao ng bawat mamamayan, mahirap man o mayaman, mahina at makapangyarihan.
Mahalagang maging makatarungan sa lahat at sumunod sa batas moral na umiiral sa bansang Pilipinas.

Panuto: Basahin, suriin at unawaing mabuti ang bawat inihandang gawain.

Gawain 1: Paghubog ng Katarungan

May apat na aspekto na mahalagang pagtuunan mo ng pansin sa pagsasanay sa loob ng iyong pamilya
upang mahubog sa iyo ang katarungan. Narito ang mga aspektong titingnan mo sa iyong sarili. Sagutin
ang mga tanong ayon sa iyong karanasan sa inyong tahanan.

1. Ipinaaalala ba palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangang mong gawin ang mga
makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba? Ginagabayan ka ba nila upang maiwasan mo ang
hindi makatarungang gawain? Magbigay ng halimbawa.
2. Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapwa? Kaugnay nito,
tinutulungan ka ba na sanayin ang iyong sarili tulad ng paghiram ng isang bagay na pagmamay-
ari ng iyong kapatid kung gusto mong gamitin ito?
3. Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkakaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng iba’t ibang tao lalo na ang
mga nakapaligid sa iyo?
4. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at pagsasaayosng iyong mga
pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa iba?

Gawain 2: Batas at Katarungan

Panuto: Magtala ng limang (5) batas o alituntunin na makatutulong sa pagkamit ng katarungang


panlipunan.

BATAS NA UMIIRAL SA BUONG BANSA (Halimbawa: Bawal ang pagbili ng boto tuwing eleksyon.)

You might also like