You are on page 1of 3

WEEK 3 (MELC 5-6)

GAWAING PAGKATUTO
Kagalingan sa Paggawa

Panimula (Susing Konsepto)

Wow, ang ganda naman niyan! Ang galing ng pagkakagawa! Sino ang gumawa? imported ba o gawa sa
atin?

Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng sapat na kasanayan at


angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at layunin sa paggawa. May mga partikular na
kakayahan at kasanayan na kailangan sa paggawa. Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay
isang salik na dapat isaalang-alang, ngunit hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang
produkto o gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao.

Ayon kay Pope John Paul II (1981) sa kanyang isinulat na “Laborem Exercens”, ang paggawa ay mabuti sa
tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan niya ang kanyang responsibilidad sa sarili, kapwa at sa
Diyos. Ito ang magtutulak sa kanya upang magkaroon ng “kagalingan sa paggawa”.

Mga katangiang dapat taglayin upang maisabuhay ang “Kagalingan sa Paggawa”.

1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga.

a. Kasipagan – Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawain o tapusin ang isang gawain na walang
pagmamadali at buong pagpapaubaya. Ang produkto o gawaing likha ng isang taong masipag ay bunga
ng kahusayan at buong pagmamahal sa ginawa.

b. Tiyaga –

Ito ay pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid.

Isinasantabi niya ang mga hadlang sa paggawa ng isang produkto o gawain gaya ng pagrereklamo,
pagkukumpara ng gawain sa iba, at pagdadahilan.

Ang likha ng taong may kaglingaan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at gabay na kaniyang
nakukuha sa ibang tao.

c. Masigasig –

Ito ay pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto o siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o


produkto. Ang atensiyon o oras niya ay nakatuon lamang sa produkto o gawaing kaniyang lilikhain.

d. Malikhain –

Ang produkto o gawaing lilikhain ay hindi bunga ng panggagaya kundi likha ng mayamang pag-iisip.

Orihinal, bago at kakaiba ang produkto.


Madaling nakikilala at natatanggap ang isang produkto o serbisyo kapag bago itosa panlasa ng tao.

e. Displina sa Sarili –

Ang taong may disiplina sa sarili ay nalalaman ang hangganan ng kaniyang ginagawa at may paggalang sa
ibang tao. Maari niyang isantabi ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao.

2. Nagtataglay ng mga Kakailanganing Kasanayan

a. Pagkatuto Bago ang Paggawa –

Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano nagabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto.

b. Pagkatuto Habang Ginagawa –

Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang
pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang
maisagawa ang proyektong napili at mga posibleng kahaharaping problema at solusyon sa mga ito.

c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang Gawain –

Ito ay yugto ng pagtataya sa nagiging resulta o kinalabasan ng gawain. Sa puntong ito, malalaman mo
ang mga kilos at pasiya na dapat panatilihin at baguhin.

3. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos –

Ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan ay
kung ito ay naayon sa kalooban ng Diyos.

Kung ang paggawa o produkto ay ginawa bilang paraan ng pagpuri at pasasalamat, pagbubutihin mo
ang lahat at ang balik ay pagpapala mula sa Diyos.

Gawain 1: Talasalitaan
Punan ang hinihinging salita batay sa katanungan sa bawat bilang.
1. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na walang pagmamadali
at buong pagpapaubaya. K_ _ I_ _ _ _ N
2. Pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o
produkto. _ A_ IG_ _ _ G
3. Orihinal at bago ang produkto, bunga ng mayamang pag-iisip at maging iba at kakaiba. _
A_ I_ HA_ _
4. Isinulat ni Pope John Paul II noong taong 1981. L_ _ OR_ _ E_ _ RC_ _ S
5. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid. _ I_ A_
A
6. Paglikha ng isang bagay na maaaring makaapekto sa ating mga kapwa tao. P_G_ _W_
7. Nalalaman ang hangganan ng kanyang ginagawa at may paggalang sa ibang tao. _IS_ _L_
_A_ AS_ _ I_I

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga pagpapahalaga ang naisabuhay mo na at kailangan mo pang malinang?
2. Ano-anong mga hakbang ang iyong gagawin upang ito ay maisakatuparan?
Gawain 2: Tama o Mali
Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa. Isulat sa
patlang ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi.
1. __________ May mga partikular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa paggawa.
2. __________ Ang paggawa ay mabuti sa tao sapagkat naisasakatuparan niya ang kanyang
tungkulin sa sarili lamang.
3. __________ May apat na katangian sa kagalingang paggawa.
4. __________ Ang mga pagpapahalagang kasipagan, tiyaga at disiplina sa sarili ay nagsisilbing
gabay upang gumawa ng mga dekalidad na produkto o serbisyo.
5. __________ Ang isang bagay na hindi pinag-iisipan ay magbubunga ng kagalingan sa
paggawa
6. _________ Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng
sapat na kasanayan at angking kahusayan.
7. _________ Ang kagalingan sa paggawa ay hindi nasusukat ayon sa maayos na
pagsasakatuparan ng mga hakbang na dapat isaalang-alang sa paggawa.
8. _________ Hindi lamang ang pagkakaroon ng propesyon o kursonng natapos ang kailangan
upang makagawa ng isang produkto o gawaing mag-aangat bilang tao.
9. _________ Ang damdaming ‘di nakakaramdaman ng pagod at pagkabagot sa anumang
gawain ay resulta ng kagalingan sa paggawa.
10. _________ Ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang humuhubog sa
kaniya lamang para huwag harapin ang pagsubok

Gawain 3: Malikhaing Isip


Gamit ang iyong malikhaing pag-iisip, dugtungan ang mga guhit sa loob ng mga kahon upang
makabuo ng isang larawan ng kahit na anong bagay

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga isinaalang-alang mo bago dugtungan ang mga guhit?
2. May mga hakbang ka bang sinunod upang magkaroon ng kalidad o kagalingan ang ginawa
mong pagdugtong sa mga guhit sa bawat kahon? Ano-ano ito?
3. Ano ang kahalagahan ng pagiging malikhain upang magawa nang maayos ang isang gawain at
makalikha ng kakaibang produkto?
Gawain 5: Pagpapaliwanag
Ipaliwanag ang kasabihang” Hard Work is the Key to Success”

You might also like