You are on page 1of 1

1.

Ang pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan at iba pang aspeto
ng pamumuhay ay malinaw na makikita sa kasaysayang naitala ng mga arkeologo. Ang mga kasangkapan
ng mga sinaunang tao ay nagmula sa mga magagaspang na bato, sa pinakinis na bato, hanggang sa
dumating ang lata at naging bakal na. Ito ay bunga ng malikhaing pag-iisip ng mga sinaunang ta. Ang
pamumuhay naman nila ay nagsimula sa pangangaso, palipat-lipat ng tirahan hanggang sa natuto silang
mamalagi sa isang lugar, natutong magtanim, mag-alaga ng hayop at humabi hanggang sa natutunan
nilang makipagkalakal.

2. Ang mga sinaunang tao ay matatalino at mapamaraan sapagkat nagawa nilang mabuhay sa loob ng
mahabang panahon ng walang kahit na anumang pormal na pag-aaral sa mga bagay-bagay. Lahat ng
kanilang mga naimbento ay bunga ng personal nilang karanasan sa pang-araw-araw na pakikipag-
ugnayan at pakikipaglaban sa mga likas na yaman at suliranin na galing mismo sa kapaligirang
pinamumuhayan. Masasabi ko na, talagang matibay ang kagustuhan ng mga sinaunang tao na mabuhay
dati kahit wala silang kahit na ano, kahit damit, permanenteng tahanan at maging pagkain.

You might also like