You are on page 1of 5

WEEK 5 (MELC 9-10)

GAWAING PAGKATUTO
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa
Naimpok
Panimula (Susing Konsepto)
. • Kahit anong bagay at anumang larangan ang ating gagawin, kailangan natin ang
kasipagan.
• Kung walang sipag ang isang tao, wala siyang matatapos.
Ano ang kasipagan?
• Ito ang pagsisikap na gawin at tapusin ang isang gawain nang may kalidad.
• Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kanyang
pagkatao.
Palatandaan ng Kasipagan

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi


nagmamadali sa kanyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng
kanyang gawain. Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya ang kanyang buong kakayahan, lakas
at panahon upang matapos niya ito ng buong husay.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng
kasipagan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyang
puso sa kaniyang ginagawa- ibig sabihin, naroroon ang kaniyang malasakit. Hindi lamang niya
ito ginagawa upang basta matapos na lamang kundi sinisigurado niyang may kalidad ito
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang
gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya. Ito ay ginagawa niya ng maayos at kung minsan
ay higit pa na kung minsan maging ang gawain ng iba ay kanyang ginagawa.
Hindi na kailangang pang utusan o sabihan bagkus siya ay mayroong pagkukusa na gawin ang
gawain na hindi naghihintay ng anumang kapalit.
Ano ang katamaran?
• Ito ang kabaligtaran ng kasipagan. Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng
gawain. Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang
pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
Ano ang pagpupunyagi?
• Ito ang pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin at mithiin sa buhay.
• Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok nang may kahinahunan at hindi
nagrereklamo.
• Ito ay makatutulong upang magtagumpay ang isang tao. Sa kabila ng mga balakid ay
hindi siya dapat panghinaan ng loob at kinakailangan niyang magpatuloy at maging matatag.

Ano ang pagtitipid?


• Ito ang hindi paggasta ng pera nang walang saysay.
• Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana kundi
upang higit na makapagbigay sa iba.
• Dapat maunawaan na kailangan na maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa
kung ano ang mayroon ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.
Ano ang pag-iimpok?
• Ito ay paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.
• Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa tama
upang huwag itong mawala.

Kahalagahan ng pag-iimpok
1. Proteksyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay
ng tao. Mahalaga na may emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang
makabangon mula rito.
2. Hangarin sa buhay. Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay ay bahagi ng ating
kaganapan sa buhay.
3. Pagreretiro. Mahalagang nag-iipon para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay
kakayanin mo pa ang magtrabaho. Kailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at
hindi opsiyonal. -Francisco Colayco
Panuto
Basahin, suriin at unawaing mabuti ang bawat inihandang gawain.
Gawain 1: Maramihang Pagpipili
Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
_____ 1. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroongkalidad.
b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at negatibo sa isang gawain.
c. Nakatutulong ito sa tao sa kanyang pakikipagrelasyon sa kanyang gawain, kapwa at lipunan.
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili,
mahabang pasensiya, katapatan at disiplina.
_____ 2. Si Jonelle Adrian ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kanyang mga gawain
at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaann sa
kasipagan ang taglay ni Jonelle Adrian?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa.

_____ 3. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may
kalakip na pagtitiis at determinasyon.
a. Kasipagan
b. Katatagan
c. Pagsisikap
d. Pagpupunyagi
_____ 4. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na
makapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok
b. Pagtitipid
c. Pagtulong
d. Pagkakawanggawa

_____ 5. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay
Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro
b. Para sa mga hangarin sa buhay
c. Para maging inspirasyon sa buhay
d. Para sa proteksyon sa buhay
Gawain 2:Pagkilala
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
__________ 1. Ang pagsisikap na gawin at tapusin ang isang gawain nang may kalidad.
__________ 2. Ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
__________ 3. Ang pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin at mithiin sa buhay.
__________ 4. Ito ang hindi paggasta ng pera nang walang saysay.
__________ 5. Paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.
Gawain 3: Tama o Mali
Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang
pahayag at MALI kung ito ay nagsasaad ng maling pangungusap

__________ 1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela.


__________ 2. Sumakay lagi kapag may pupuntahan, malayo man o malapit.
__________ 3. Mas matipid na bumili sa mall kaysa sa mga palengke.
__________ 4. Orasan ang paggamit ng mga appliances, kung hindi naman ginagamit ay patayin
ang mga ito.
__________ 5. Huwag nang bumili ng mga imported na mga gamit, tangkilikin ang sariling atin.

Gawain 4: Kaya Mo Yan


Pagnilayan ang awit ng Orient Pearl na may pamagat na “Pagsubok”

Isip mo'y litong-lito


Sa mga panahong nais mong maaliw
Bakit ba bumabalakid
Ang iyong mundong ginagalawan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Sulirani'y di mapigilan
Itanim mo lang sa 'yong pusong
Kaya mo yan...

[Chorus:]
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko... at 'yong labanan
Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na Siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang nagdurusa

At hindi lang ikaw ang lumuluha


Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan...
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko... at 'yong labanan
Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na Siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha

[Chorus:]
[Instrumental]
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan...
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko... at 'yong labanan
Huwag mong isuko... at 'yong labanan
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong isuko ang laban

Pamprosesong Tanong:
Ano ang masasabi mo sa awitin? Kung hihimay-himayin mo ang bawat linya nito, ano ang
kahulugan nito para sa iyo?

Gawain 5: Pagsasabuhay
1. Gumawa ng chart at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw-araw at kung
ito ay natutupad nang may kasipagan at pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang kung
paano mo ito isasagawa.
2. Gumawa ng daily log na nagpapakita ng iyong gawain.

Mga Gawain Natupad ba ang mga Gawain na may Kasipagan at Pagpupunyagi


Oo/ Hindi
1.
2.
3.
4.
5.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong gawain? Naging masaya ka ba?
2. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili? Alin sa mga katangian ang iyong tinataglay?
3. Ano-ano ang indikasyon ng taong masipag, mayroong pagpupunyagi at mayroongpagtitipid?
Ipaliwanag.

You might also like