You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa
Naimpok
Suriin
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok
Sa bahaging ito ay inaasahang mas lalawak ang iyong kaalaman tungkol sa ating aralin. Ano nga ba ang
kahulugan ng kasipagan? Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na
mayroong kalidad. Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili,
mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina, at kahusayan na kung saan malaki ang maitutulong nito ng tao sa
kanyang relasyon sa kanyang gawain, sa kaniyang kapwa at sa kanyang lipunan.
Ang kasipagan ay tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao. Nagagamit niya ito sa
mabuting pakikipagrelasyon niya sa kaniyang kapwa at mula sa kasipagan na taglay niya ay makakatutulong siya sa na
mapaunlad ang bansa at lipunan na kanyang kinabibilangan.
Ang katamaran ay kabaligtaran ng kasipan. Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o
trabaho.Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay. Ang mga sumusunod ay ilang palatandaan na taong
nagtataglay ng kasipagan;
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa – Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginawa.
Sinisuguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng kanyang gawain. Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya
ito nang buong kakayahan, lakas at panahon upang matapos niya ito nang buong husay.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal – Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan ay nagpapakita ng
pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyan puso sa kanyang ginagawa ibig sabihin, naroon ang
kaniyang malasakit. Hindi lamang niya ito ginagawa upang basta matapos na lamang kung hindi sinisugurado niyang
may kalidad nito.
3. Hindi umiwas sa anumang gawain - Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay
nakaatang sa kaniya. Ito ay ginagawa niya nang maayos at kung minsan ay higit pa na maging ang gawain ng iba ay
kaniyang ginagawa. Hindi na niya kailangan pang utusan o sabihan bagkus siya ay mayroong pagkukusa na gawin
ang gawain na hindi nag hihintay ng anumang kapalit.
Bilang kabataan ay dapat mong ipakita sa lahat ng oras ang iyong kasipagan. Ngunit palagi mong tatandaan na sa
isang gawain ay tiyak na makakaramdam ka ng hirap, pagod ng katawan at isipan. Mas masarap matapos sa isang
gawain kung ito ay lubos mo na pinaghirapan. Basahin at damhin mo ang isang tula na ito na tiyak na kapupulutan mo
ng aral.

Ano kaya ang iyong naging kaisipan matapos mo na basahin ang tula? Kahit anong bagay at larangan ang ating
gagawin kailangan natin ang kasipagan. Kaakibat ng sipag ang tiyaga kung wala ang mga ito mahihirapan ka umunlad
sa buhay.
Kapatid ng kasipagan ang pagpupunyagi. An pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maabot o makuha mo ang iyong
kayunin o mithiin sa buhay. Ito ang kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon. Ito ang
pagtanggap sa mga hamon o pagsubok na may kahinahuna at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy na pagsubok na mga
gawain hanggat hindi Nakakamit ang mithiin. An pagpupunyagi ay mahalagang katangian na makatutulon upang
magtagumpay ang isang tao. Sa kabila ng balakid at mga problema na kaniyang Susuungin ay hindi siya dapat
panghinaan ng loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at maging matatag.
Isang malaking pagsubok ang ating naranasan, panahon na pandemya na kinagula ng lahat, isang iglap nabago
ang sistema ng pamumuhay ng lahat ng tao sa apat na sulok n mundo. Halo–halong damdamin, kaisipan ang
ipinamalas ng mga tao. Maraming buhay ang nabago. Maraming tao ang nahirapan. Sabi nga nila “Mahirap ang buhay
kaya kailangan ang pagtitipid.”
Ang salitang pagtitipid ay naunawaan ng maraming tao ngayon maging mahirap man o mayaman. Ang pagtitipid ay
ang maaring ipakita sa iba’t ibang paraan. Upang lubos mong maunawaan ay narito ang ilang paraan na nagpapakita
ng pagtitipid lalo nasa panahon ngayon.
1. Mag isip, huwag gumastos ng pera kung hindi naman kailangan.
2. Matutong makuntento kung ano ang mayroon ka
3. Tumulong sa pagtitipid sa inyong bahay, iwasan ang masyadong ang pagkunsumo.
4. Bilhin at gumastos lamang na talagang kailangan sa araw-araw
5. Kung kakayanin ang mag impok, magtabi ng pera kahit paunti-unti
Nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi kung ang isang tao ay hindi kayang nmapamahalaan nang wasto ang
kanyang pinaghirapan.Kaya nga,kung ang isang tao ay magtitipid ay mapamamahalaan niya nang tama ang kaniyang
naimpok. Ang pag–iimpok ay paraan upang makapagtabi o makapag-ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.
Ang salapi ay pinagpaguran upang kitain, kung kaya kailangan na gastusin ito sa tamang paraan. Ayon sa Teorya
ni Maslow, The Hierachy of Needs, ang pera ay makatutulong sa tao na,maramdaman ang kaniyang seguridad sa
buhay lalo nasa hinaharap.Kung kaya’t dapat pahalaga pahalagahan ang iyong naipon. Sapagkat hindi napupulot ang
pera, hindi ito napipitas o napupulot. Ang pera ay pinagpapaguran na kitain. May mga dahilan bakit dapat mag-impok
ang isang tao;
a. Proteksyon sa buhay – maraming hindi inaasayahang pangyayari o nangyayari sa buhay tao lalo nasa panahon
natin ngayon. Pagkakasakit, kalamidad, pagreretiro at biglaang pagkawala ng trabaho. Kailangan ng tao ang
kahandaan at proteksyon upang maitawid ang mga hindi inaasahang pangyayari.
b. Hangarin sa buhay- Ang tao ay nag-iimpok dahil sa iba’t ibang dahilan at hangarin. Para sa edukasyon ng anak,
para sa pagkakaroon ng mga gamit na nais, para sa inaasam na sariling bahay o maaring sa gustong pang gawin
sa buhay. Mahalaga na matamo ito bilang bahagi ng kaganapan sa buhay.
Parang isang langgam na nagpapakita ng kasipagan, pagpupunyagi at pag-iimpok. Sa tag-araw ay buong sipag na
nag-iipon ng pagkain para kung dumating ang tag-ulan ay kampante na sila at hindi magugutom dahil buong sipag
silang nag ipon at naghanda. Tayo rin bilang tao ay dapat mag-ipon habang tayo ay malakas upang makamtan natin
ang magandang bukas.
Pagyamanin
Panuto: Isulat sa tsart ang sariling pakahulugan sa mga salitang nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Kasipagan Pagpupunyagi Pagtitipid

Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik K kung may katotohanan ang isinasaad ng mga pahayag at WK kung sa
palagay mo ito ay walang katotohan at magbigay ng maikling paliwanag bakit ito ang iyong sagot. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.
_______1. Ang tula na patungkol sa KASIPAGAN ay magsisilbing inspirasyon para sa kabataan
_______2.“Tagumpay ay nakakamit kapag ang tao ay masikhay"_____________________
_______3. Kung may hirap, may ginhawa_______________________________________
_______4. Magdasal palagi at humingi ng awa sa Diyos. ___________________________
_______ 5. Kung may mamanahin ka naman sa iyong mga magulang , hindi mo na kailangan pa ang mahirapan sa
pag-aaral.

You might also like