You are on page 1of 2

Department of Education

Division of Bulacan
Bulihan High School
Bulihan Centro, Plaridel Bulacan
Ikalawang Sumatibong Pagsusulit sa EsP-9
Ika-apat Markahan

Pangalan:__________________________________________________________________ Petsa:____________
Baitang at Pangkat: _________________________________________________________ Iskor:_____________
PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang MK kung may katotohanan ang ipinapahayag ng pangungusap at WK
kapag walang katotohanan. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
1. Lahat ng tao ay may kanya- kanyang talento na ipinagkaloob ng Diyos.
2. Ang mga magulang mo ay may ginintuang tinig kung kaya sinubukan mo ring kumanta at ito’y iyong pinaghusay at sumali ka sa choir ng
inyong simbahan.
3. Mahiyain ka, kung kaya ayaw mong sumali sa mga presentasyon sa inyong simbahan kahit alam mo namang kayang - kaya mo namang
sumayaw.
4. Hindi mahalaga ang pinag-aralan, ang importante ay madiskarte ka sa buhay para umasenso.
5. Ang taong alam ang talento, hilig, mithiin, kasanayan, at pagpapahalaga ay maaaring magkaroon ng katuparan ang kanyang misyon sa
buhay.
6. Ang talento mo ay hindi mahalaga kaya ito ay itago mo na lang.
7. Kung ikaw ay palakaibigan, popular at responsable, mahilig makipagtalakayan o interaksiyon, ikaw ay pwedeng maging journalist, pari, o
guro at iba pa.
8. Ang kasanayan (skills) ay mahalagang salik upang maintindihan mo ang kukuning track sa Senior High.
9. Gumaya na lang sa kaibigan kung ikaw ay nalilito sa nais mong pipiliing kursong bokasyonal.
10. Mahalaga na sumangguni sa nakatatanda kung ikaw ay naguguluhan sa kukuhaning track sa Senior High.
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ito ay TAMA o MALI
1. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay ay ginagawa ng iyong magulang para iyo.
2. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung
paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay.
3. Sa paglikha ng Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay, hindi makatutulong na magkaroon ka ng personal assessment sa iyong
kasalukuyang buhay.
4. Simulan mo ang paggawa sa iyong PPMB sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong ugali at mga katangian.
5. Ang iyong mga pinahahalagahan ay hindi mahalagang pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay.
6. Ang pagsulat ng PPMB ay hindi madalian o nabubuo lamang sa ilang oras. Ito ay kailangan mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na
panahon.
7. Sabi nga sa isang kataga, “All of us are creators of our destiny.” Ibig sabihin, sila ang lilikha ng ating patutunguhan.
8. Ang PPMB ay maaaring magbago o mapalitan dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa
kaniyang buhay.
9. Nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay walang kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang
kahulugan niya bilang isang tao.
10. Kung ang isang tao ay mayroong PPMB, mas malaki ang posibilidad na magiging mapanagutan siya upang makapagbahagi sa pagkamit
ng kabutihang panlahat.

You might also like