You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IKAAPAT NA MARKAHAN
Quarter: 4 Week: 3 Day: 2 Activity No.: 6
Pamagat ng Gawain: Pansariling Pagtataya
Kompetensi: Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay EsP9PK-IVc-14.2
Layunin: Naisaalang-alang ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng
pansariling pagtataya o personal assessment.
Sanggunian: Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Taguinayo Jr. and Luisita B.
Peralta. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 9.
Valenzuela City: Bloombooks Inc.

Copyright: For Classroom use ONLY


DepED owned materials

KONSEPTO:
Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon a ng
pansariling pagtataya o personal assessment sa iyong kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay
magiging kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos. Narito ang mga dapat
isaalang-alang sa pansariling pagtataya.

1. Suriin ang iyong ugali at katangian.


2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.
3. Tipunan ang mga impormasyon.

Sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay, ito dapat ay nakatuon sa kung ano ang nais
mo na mangyari sa mga taglay mong katangian at kung paano makakamit ang tagumapy gamit
ito. Masasagot nito ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang layunin ko sa buhay?


2. Anu-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maari mong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?

Mga Tanong:

1. Sa paanong paraan nakakatulong ang pansariling pagtataya sa paglikha ng PPMB?


Nakakatulong ang sariling pagtataya sa paglikha ng PPMB dahil dito malalaman mo
kung ano ang iyong nais na gawin batay sa iyong mga kakayahan at pagpapahalaga...
2. Anu-ano ang mga posibleng mga katanungan na magagamit sa pagbuo ng PPMB?
Ano ang layunin ko sa buhay?
Anu-ano ang aking mga pagpapahalaga?
Ano ang mga nais kong marating?
Sino ang mga tao na maari mong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?

You might also like