You are on page 1of 3

WEEK 6 (MELC 11-12)

GAWAING PAGKATUTO
Pamamahala sa Paggamit ng Oras

Panimula (Susing Konsepto)


“Oras na!!!!!...... Time na!”
“Time is gold” sabi nila
Ano ang oras para sa iyo? Ano ang pananaw mo sa paggamit ng oras? Bakit kaya nasabi
ng karamihan na “time is gold”
Pamamahala sa Paggamit ng Oras
• Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala sa tao. Tayo ay ginawang katiwala ng Diyos sa
maraming bagay - isa na rito ang oras.
• Bilang katiwala, may tungkulin tayo na gamitin ang oras na may pananagutan sapagkat
ito ay HINDI na maibabalik kailanman.
• Ang oras ay di tulad ng salapi na maaring ipunin.
• Ang pamamahala sa oras ay ang kakayahan sa epektibo at produktibong paggamit nito
sa paggawa. Ito ang pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin sa isang tiyak na gawain.
• Sa pamamagitan ng pamamahala sa paggamit ng oras tataas ang pagkamabisa at
kagalingan sa paggawa.
Pagtatakda ng Tunguhin sa Paggawa
1. Specific (Tiyak). Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang
iyong nais na mangyari sa iyong paggawa.
2. Measurable (Nasusukat). Dapat pagnilayan kung ito ba ay tumutugma sa iyong mga
kakayahan sapagkat kung hindi ay HINDI mo rin ito maisasakatuparan.
3. Attainable (Naaabot). Ang tunguhin mo ay makatotohanan, maabot at mapanghamon.
4. Realistic (Makatotohanan). Mahalagang tingnan ang kaangkupan ng iyong gawain sa
pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa at timbangin kung ito ay higit na makakabuti.
5. Time Bound (Nasusukat ng Panahon). Kailangan na magbigay ng takdang panahon
kung kailan mo maisasakatuparan ang iyong tunguhin.
Pangangasiwa o Pamamahala ng Oras
• Pagsisimula sa Tamang Oras – ang bawat gawain ay kailangang simulan sa itinakdang
oras.
• Pamamahala sa Pagpapabukas (Mañana habit) – ang mañana habit ay ang puwang mula
sa oras na binabalak mong gawin ang isang bagay at sa aktuwal na oras ng paggawa.
Makabubuting alamin ang mga sirkumstansiya at mga dahilan ng iyong pagpapabukas nang sa
gayun ay
mapamahalaan mo ito.
• Prayoritasyon – ito ang pagtatakda kung anong mga gawain ang dapat gawin at tapusin sa
takdang oras. Sa pamamagitan nito, mapamahalaan mo
ang paggamit ng iyong oras at matupad ang iyong mga tunguhin.
Mga Hakbang sa Pangangasiwa ng Oras
• Pagtukoy sa iyong layunin na magbibigay ng direksiyon sa nais mong matupad.
Magplano para sa iyong buhay. *
• Pagtukoy sa kung ano ang iyong pangangailangan sa kinahaharap na gawain.
• Pagtasa sa mga gawain. Kung ito ay malawak, simulan sa pinakamaliit na gawain. Ang
pagsisimula sa pinakapayak at madaling gawain ay makapagdudulot ng kasiyahan o sense of
achievement.
Mga Hakbang sa Pangangasiwa ng Oras
• Pag-aayos ng mga kongkretong hakbang o plano ng pagkilos upang matapos nang
maayos. Magtakda ng araw kung kailan tatapusin ang gawain. Iwasang malihis sa ibang gawain.
Mag-focus.
• Gumawa. Itakda ang oras. Gantimpalaan ang sarili sa tuwing may natatapos na gawain.
• Tasahin kung nagawa ang nararapat gawin. Maging matiyaga at kapakipakinabang. Huwag
susuko.

Pamamahinga at Paglilibang at Pagkakawanggawa


• Ang paglalaan ng oras para sa pamamahinga at paglilibang at pagkakawanggawa, pagkatapos
ng iyong paggawa ay magbibigay balanse
sa iyong buhay. Magbibigay-daan ang mga ito na magkaroon ka ng panahon para sa iyong sarili,
pamilya at kapwa.

Gawain 1: Maramihang Pagpipili


Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
_____ 1. “Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito?
a. Maswerte ang tao dahil binibigyan siya ng oras.
b. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
c. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at ipinagkakatiwala ito sa kanya.
d. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng kanyang
kapwa at ng bansa.
_____ 2. Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras
sa anumang aspekto?
a. Pamamahala ng oras.
b. Nagagawa ang lahat na gawaing bahay.
c. Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan.
d. Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura.
_____ 3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
a. Mapabibilis ang paggawa.
b. Magkakaroon ng sense of achievement.
c. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa.
d. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
_____ 4. Si John Andrei ay nagsisikap na gawing “On time” ang “Filipino time.” Alin sa
sumusunod niyang ginagawa ang nagpapakita nito?
a. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay.
b. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawing ito.
c. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay.
d. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtatasa.
_____ 5. Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpapabukas-bukas?
a. Tutok sa prayoridad.
b. May nabuo na tunguhin ng gawain.
c. Ginagawa agad ang gawain kahit hindi ito nagugustuhan.
d. Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa.
Gawain 2. Tama o Mali.
Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay
nagsasaad ng wastong pangungusap, MALI kung ito ay nagsasaad ng maling pangungusap.
_____ 1. Ang oras ay kaloob ng Diyos na ipinagkakatiwala sa tao.
_____ 2. May tungkulin ang tao na gamitin ang oras ayon sa kanyag nais.
_____ 3. Ang oras ay tulad ng salapi na maaring ipunin.
_____ 4. Ang pamamahala sa oras ay ang kakayahan sa epektibo at produktibong paggamit nito
sa paggawa.
_____ 5. Ang pagsisimula sa pinakapayak at madaling gawain ay makapagdudulot ng kasiyahan.
Gawain 3: Pagkilala
Kilalanin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________ 1. Ang tunguhin mo ay makatotohanan, maabot at mapanghamon.
__________ 2. Kailangan na magbigay ng takdang panahon kung kailan mo maisasakatuparan
ang iyong tunguhin.
__________ 3. Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais na
mangyari sa iyong paggawa.
__________ 4. Mahalagang tingnan ang kaangkupan ng iyong gawain sa pagtugon sa
pangangailangan ng iyong kapwa at timbangin kung ito ay higit na makakabuti.
__________ 5. Dapat pagnilayan kung ito ba ay tumutugma sa iyong mga kakayahan sapagkat
kung hindi ay HINDI mo rin ito maisasakatuparan.

Gawain 5: Tamang Oras


Gamit ang talahanayan, tukuyin mo ang iyong sariling paraan ng pamamahala sa paggamit mo
ng oras. Gawing batayan ang mga ginagawa mo sa nagdaang mga araw o buwan.
-Mga Gawain Paraan ng
-Paggamit ng Oras
-Dahilan Napamahalaan ang Oras
-Naidudulot sa Akin at sa Iba
Pamprosesong tanong:
1. Ayon sa iyong talahanayan, paano mo pinamahalaan ang paggamit ng iyong oras? Ipaliwanag.
2. Ano ang natuklasan mo sa iyong paraan ng pamamahala ng paggamit ng oras? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang tukuyin ang paraan ng pamamahala sa paggamit ng oras?

Repleksiyon
Panuto: Isulat ang iyong repleksiyon batay sa napag-aralan sa araling ito, at mga gawaing
inihanda at natapos mong sagutin.
Sa araling ito natutunan ko na

You might also like