You are on page 1of 8

MANGARAP KA!

Maraming nagsasabi na libre lang raw ang mangarap. Kaya


nga kung mangangarap ka, itodo mo na.
Tiyak na may mga pangarap ka sa buhay. Ang mga pangarap
na ito ay sinisimulan mo nang tuparin.
Ang pangarap ay kakaiba sa panaginip. Ang panaginip ay
nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog.
Kapag nagising ka na, natatapos din ito.
Hindi rin pagpapantasya ang pangarap. Ang pantasya ay
likha ng malikhaing isip. Ito ay ang pagbuo ng mga sitwasyon o
pangyayari ayon sa iyong kagustuhan.
Ang pagpapantasya ay ginagamit ng marami upang takasan
ang kanilang mga problema.
Lumilipas ang panahon kaya dapat kung mayroon kang
pangarap ngayon, umpisahan mo nang magplano upang
maisakatuparan ito. Tandaan mo na ang taong may pangarap
ay:
1. Handang kumilos upang maabot ito
2. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap- Hindi
siya nagdududa na matutupad niya ang mga ito. Maging
positibo sa buhay.
3. Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga
pangarap
4. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya
niyang gawing totoo ang mga ito
Bilang tao ang katuparan ng ating pangarap ay nakatali sa
ating pinipiling bokasyon. Nakasalalay dito ang pagtatamo ng
tunay na kaligayahan. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o
propesyon o negosyo. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain
na naayon sa plano ng Diyos sa atin. Sabi nga ng iba, ito ang
iyong “calling” sa buhay.
Ang Pangarap at Pagtatakda ng Mithiin
Sa ngayon, ang unang hakbang na kailangan mong gawin ay
ang pagtukoy sa iyong mga pangarap at pagpapasya kung alin
sa mga pangarap na ito ang, sabi nga ng After Image band,
“itatanim sa puso” bilang iyong mga mithiin sa buhay.
Ang “goal” o mithiin ay ang tunguhin o pakay na iyong nais na
marating o puntahan sa hinaharap. Ang mithiin ang
magbibigay ng direksyon sa iyong buhay. Ang pagkamit nito
ang magbibigay ng saysay sa iyong buhay. Kaya mahalaga
ang pagiging mapanagutan sa pagpili ng iyong mithiin.
Ang mga Pamantayan sa Pagtatakda
ng Mithiin
Upang magkaroon ng higit na pag-unawa sa pagtatakda ng
mithiin, alalahanin ang mga sumusunod na mga praktikal na
pamantayan.
Tiyak
Nasusukat
Naaabot
Angkop
Mabibigyan ng Sapat na Panahon
May Angkop na Kilos
Ang Pangmadalian at
Pangmatagalang Mithiin

Hindi lamang sapat na itakda ang mithiin kundi dapat ito ay


itakda sa parehong hangganan: pangmadalian at
pangmatagalan. Tandaan:
 Ang pangmadaliang mithiin (short-term goal) ay maaaring
makamit sa loob ng isang araw, isang linggo, o ilang buwan
lamang.
Ang pangmatagalang mithiin (long-term goal) ay maaring
makamit sa loob ng isang semestre, isang taon, limang taon o
sampung taon.
Mga Hakbang sa Pagtatakda ng Mithiin

Narito ang mga hakbang sa pagkamit ng itinakdang mithiin.


1. Isulat ang iyong itinakdang mithiin
2. Isulat ang takdang panahon ng pagtupad ng iyong mithiin
3. Isulat ang mga inaasahang kabutihang maidudulot mula sa
itinakdang mithiin at sa paggawa ng plano para rito
4. Tukuyin ang mga maaaring maging balakid o hadlang sa
pagtupad ng iyong mga mithiin
5. Isulat ang mga maaaring solusyon sa mga balakid o hadlang
na natukoy

You might also like