You are on page 1of 11

Ikaapat na Markahan – Modyul 10

Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko


Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko
Paunang Salita

Paano ka nagpapasiya? Tama ba na humingi ng tulong sa iba kung ikaw ay magpapasiya. Ano ba
ang iyong mga batayan para ikaw ay makagawa ng isang mabuti at tamang pasiya? Alam mo ba ang
daang iyong tinatahak ay tama? Saan ka kaya dadalhin ng iyong mga pagpapasiya sa buhay?

Bawat isa ay may karapatang magpasiya ayon sa kanyang kagustuhan subalit mahalaga rin na
ang desisyon o pasiya na iyong gagawin ay para sa ikabubuti ng iyong kinabukasan at para matupad ang
layunin mo sa buhay. Ang iyong pagpapasiya ay hindi lamang para sa sarili subalit kailangan mo rin isipin
ang iba.

Sa modyul na ito mauunawaan ng mag-aaral ang kahalagahan ng personal na pahayag sa misyon


ng buhay tungo sa pagkamit sa iyong pangarap. Ano ano ang mga hakbang.

Pamantayan sa Pangnilalaman

 Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mabuting pagpapasiya

Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (Personal Mission
Statement) batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya.

Kasanayang Pampagkatuto:

 naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri ng buhay;


 nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa tamang
pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap

Tiyak na Layunin

 Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng mabuting pagpapasya

➢ Nakakabuo ng Personal na Pahayag ng mabuting pagpapasiya

➢ Napapahalagahan ang pagkakaroon ng mabuting pagpapasya sa pagkamit ng layunin o misyon sa


buhay.
Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat ito sa
patlang.

1. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?

A. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagpakumbaba.


B. Upang masanay sila sa maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya.
C. Upang hindi sila lumaking hindi maruning magpahalaga sa perang Kanilang pinaghirapan.
D. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon
siya.

2. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na


pagpapahalaga maliban sa:

A. pagtanggap B. pagmamahal C. katarungan D. pagtitimpi

3. Ang sumusunod ay makatulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:

A. pagtitiwala B. pagtataglay ng katarungan

C. pagkakaroon ng ganap na kalayaan D. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga

4. Ano ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya?

A. Katanungan B. Pagpapahalaga C. Panahon D. Kilos-loob

5. Nakita mo ang iyong kapatid na naglalaro lang ng Mobile Legend at hindi sinasagutan ang kanyang
modyul. Paano mo siya kokomprontahin?

A. Sasabihin ko sa kanya na dapat unahin niya ang pagsagot sa kanyang modyul para maipasa niya ito sa
takdang araw.
B. Sasabihin ko san a kanya na uupakan ko siya kung hindi matapos sa takdang araw ang pagsagot ng
kanyang modyul
C. Sasabihin ko sa kanya na sagutin muna ang modyul bago maglaro
D. Sasabihin ko sa kanya na sisirain ko ang kanyang Cellphone kung hindi niya sasagutan ang kanyang
mudyol.

6. Isa itong mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya.

A. edukasyon B. karunngan C. kasabikan D. personal na pahayag ng layunin sa buhay

7. Bakit mahalaga ang mabuting pagpapasya?

A. Dahil ito ang ating magiging gabay. B. Dahl ito ay parte na sa buhay ng tao.
C. Dahil ikaw ay obligadong pasya D. Lahat ng nabanggit

8. Paano mo malalaman na tama ang iyong pagpapasya?

A. Kung maganda at masaya ka sa kinalabasan nito.


B. Kung ikaw ay hindi nagtagumpay
C. Kung sumama ang loob mo dahil sa ginawang pagpapasya
D. Lahat ng nabanggit
Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

9. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon kang pakiramdam na maari pagsisihan mo ang
iyong pasya, Kailangan mong

A. Huwag mag-agam-agam dahil desisyon mo yan.


B. Gawin lamang lang ang magpapasya sayo.
C. Gawin lamang ang magpapasya sa nakakarami kahit labag sa kalooban mo.
D. Pag-aralan muli ang iyong pasya na may kalakip na panalangin at ibayong pagsususi.

10. Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay magpapasya?

A. Manalangin para humingi ng gabay upang matimbang mo ang tamang pasyang gawin.
B. Magbakasyon upang makapag-isip.
C. Humingi ng payo sa iba at isipin ang ikabubuti ng lahat .
D. Lahat ng nabanggit

Mapa ng Aralin

Ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay o


Personal Mission Statement

Mga paraan na iminungkahi ni Sean


Covey sa kanyang aklat

 Mangolekta ng mga kasabihan o motto.


 Gamitin ang paraang tinawag na “Brain
Dump”.
 Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-
iisip.
 Huwag labis na alalahanin ang pagsulat
nito.

Ang mapa ay nagpapakita ng kabuoan ng araling, Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko.
Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

Modyul 10: Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

Mga Nilalaman

Pagganyak

Gawain: “Katangian ng buhay ko!”

A. Panuto: Itala ang iyong mga positibong katangian na iyong nakikita sa iyong sarili na magagamit mo sa
pagkamit ng iyong personal na misyon sa buhay. Pagkatapos, pumili ng isang katangian na gustong –
gusto mo at isulat sa loob ng ulap. Ipaliwang ito kung bakit ito ang iyong napili.

A. Mga Positibong Katangian:

1. ______________________________________________________

2. ______________________________________________________

3. ______________________________________________________

4. ______________________________________________________

5.______________________________________________________

B.

Ipaliwanag

Isulat sa loo bang katangiang


____________________________________ inyong napili

___________________________________

________________________________________

_________________________________________

________________________________________________
Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

Explore

Basahin at unawain:
Ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay o Personal Mission Statement

Isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya ang pagkakaroon ng personal na pahayag
ng layunin sa buhay o personal mission statement. Ayon nga kay Sean Covey sa kanyang aklat na The
Seven Habits of Highly Effective Teens, “Begin with the end in mind.” Kung sa simula pa lang ay alam na
natin ang gusto nating mangyari sa ating buhay, hindi na magiging mahirap para sa atin ang mga
mahahalagang pagpapasya sa buhay.

Ang pahayag ng layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o


kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Para itong balangkas ng iyong buhay.
Iba’t iba ang paraan ng pagpapahayag ng mission statement o layunin sa buhay. Ang iba ay mahaba; ang
iba naman ay maikli. Ang iba ay awit; ang iba ay tula. Ang iba naman ay ginagamit ang kanilang paboritong
salawikain o kasabihan bilang pahayag ng layunin sa buhay.

Ayon pa kay Covey (1998) ang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa
isang punong may malalim na ugat. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na
lumalago. Kailangan natin ang matibay na makakapitan upang malampasan ang anumang unos na
dumarating sa ating buhay. Walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ay nagbabago. Maaariing
ngayon ay mayaman kayo, bukas naman ay naghihirap; mahal ka ng nobyo mo ngayon bukas may mahal
na siyang iba. Maraming bagay na hindi natin mapipigil.

Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kanyang aklat:

1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan na may halaga sa iyo at
tunay na pinaniniwalaan mo. Maaring ang mga ito na ang gamitin mong pahayag ng iyong personal na
layunin sa buhay.

2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng labinlimanng minuto ay isulat mo ang
anumang nais mong isulat tungkol sa iyong misyon. Huwag kang mag-abalang magsala ng mga ideya o
itama ang mga pagkakamali dito. Matapos ang labinglimang minuto ay maari mo na itong salain at itama
ang mga pagkakamali sa bararila o gramatika. Sa loob lamang ng 30 minuto ay nakapagsulat ka na ng
iyong pahayag ng layunin sa buhay.

3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar kung saan ka maaaring
mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahon ang paggawa ng iyong layunin sa buhay sa anumang
paraang makatutulong sa iyo.

4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan ang perpektong pagkakasulat
ng layunin sa buhay. Hindi naman ito isang proyekto sa isang asignatura na kinakailangan ng marka ng
guro. Ito ay personal mong sekreto. Ang mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo. Itanong sa iyong
sarili, “Ako ba’y naniniwala sa aking isinulat?” Kung masasagot mo ito ng oo, ay mayroon ka ng pahayag
ng layunin sa buhay.
Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

Explain

Gawain: “Ako sa Hinaharap!”

Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makita ang iyong sarili sampung taon buhat ngayon,
ano ang iyong nakikita? Gawin ito sa pamamagitan ng talatang sanaysay. Gawing gabay ang rubriks sa
ibaba.

Ako sa Hinaharap

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagwawasto ng Sanaysay na Gawain

PAMANTAYAN DESKRIPSYON 5 ISKOR


Wasto, makatotohanan at
Nilalaman nakakahikayat ang mga ideya,
mensahe at opinion na isinulat sa 5
sanaysay.

Madaling maunawaan ang mga


Kaangkupan pangungusap at ideya na
naaangkop sa mga gabay na tanong 3
at temang ipinagagawa.

Nakakapukaw ng atensyon ang


Pagkamalikhain ginawang sanaysay at
magkakarugtong ang mga ideya. 2

Kabuuan 10

B.

Gawain: “Ang Direksyon ng buhay ko.”

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay? Ipaliwanag

2. Bakit mahalagang magkaroon ng direksyon ang buhay ng tao? Ipaliwanag.

3. Bakit mahalaga ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

4. Sa iyong palagay, makakatulong ba ang pagbuo mo ng Personal na Misyon sa buhay upang malinaw sa
iyo ang karera o kurso na iyong pipiliin? Paano? Pangatwiranan ang sagot. Mga Sagot:

NEMCO CORE VALUES- CLIRE

COMMITMENT= One must strive hard to realize his/ her potential as an individual, a lifelong
learner and a responsible citizen.

Extend
Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

Gawain: “Misyon ng Buhay ko”.

Panuto: Ngayon naman ay gumawa ka ng isang pagninilay tungkol sa iyong natutunan sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa iyong journal.

1. Bakit kailangan ko na bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

2. Ano ang kahalagahan nito sa aking buhay? Isulat mo ito sa nakalaang talaan sa ibaba.

Panuto: Bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay bilang mag-aaral batay sa mga hakbang ng
mabuting pagpapasiya. Isulat ito sa malinis na bondpaper at gumamit ng pangkulay at dekorasyon. Gawing
gabay ang rubriks sa ibaba. Narito ang halimbawa sa ibaba.

Ang aking misyon bilang isang mag-aaral ay magsikap at magtiyaga para sa ikauunlad ng aking
sarili at tagumpay ng aking mga pangarap. Hangad kong mapalabong ang aking angking talento at galing
upang maging sandata ko para malampasan ang anumang hamong haharapin sa pag abot ng aking mga
minimithi. Kasabay nito ang pangarap kong maiahon ang aking pamilya sa hirap ng buhay. Ang
pagmamahal ko sa pamilya at pananampalataya sa Panginoon ang aking inspirasyon at lakas upang mas
lalong magsumikap na magtagumpay.
Sa huli, naniniwala ako na upang makamit ang lahat ng ito, pagkakaroon ng tamang edukasyon at
tiwala sa sarili ang susi para maabot ito.

Misyon sa buhay ni Aileen Gwyneth Madaje


Mag-aaral ng Dawa-Dawa National High School

Rubriks sa Pagmamarka

Rubriks sa Pagmamarka 5 puntos 3 puntos 2 puntos


Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

Napakahusay at Mahusay na nailahad Kailangan pang


Paglalahad ng impormasyon detalyado ang ang impormasyon. paghusayan ang
pagkalahad ng mga paglalahad ng
impormasyon. impormasyon.

Gramatika Napakatama ang Tama ang Nangangailangan pa


gramatikang ginamit sa gramatikang ginamit ng pagsasanay sa
kabuuan ng talata sa kabuuan ng talata gramatika

Pagkakasulat ng mga Napakaayos Maayos ang Kailangan pang


impormasyon pagkagamit sa mga pagkagamit sa mga paghusayan ang
salita, baybay, bantas at salita, baybay, bantas paggamit ng bantas at
ng malaking titik. at ng malaking titik. baybay.
Kabuuan

Evaluate

Panuto: Sa iyong talaarawan sumulat ng isang replekasyon o pagninilay tungkol sa iyong natutunan sa
nasabing aralin sa pamamagitan sa pagsagot sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa malinis na
bondpaper.

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng misyon sa buhay?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano ang dapat gawin upang maisakatuparan ang misyong ito?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, kailangan ba ng tao ng magkaroon ng misyon sa buhay


hanggat maaga?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_

Pagbubuod
Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

 Ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay o Personal Mission Statement


 “Begin with the end in mind.” Ayon nga kay Sean Covey sa kanyang aklat na The Seven Habits of
Highly Effective Teens Kung sa simula pa lang ay alam na natin ang gusto nating mangyari sa ating
buhay, hindi na magiging mahirap para sa atin ang mga mahahalagang pagpapasya sa buhay.
 Ang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong may malalim na
ugat. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago.
 Mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kanyang aklat
 Mangolekta ng mga kasabihan o motto.
 Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”.
 Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.
 Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito.

Huling Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang
patlang bago ang bilang.

_____1. Siya ang nagsabi na ang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang
punong may malalim na ugat

A. Covey B. Clovey C. Clooney D. Looney

______2. Ang mga sumusunod ay mga mungkahi ni Covey maliban sa:

A. Mangolekta ng mga kasabihan o motto.

B. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump

C. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito.

D. Huwag magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip

______3. Ito ay isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya.

A. PPMB B. PPNP C. PPM D. PPP

_____ 4. Ito ay ang hangarin ng tao sa kanyang buhay na magdadala sa kanya sa kaganapan.

A. Misyon B. Bokasyon C. Propesyon D. Tamang direksyon

______5. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao?

A. Upang siya ay hindi maligaw B. Upang matanaw niya ang hinaharap

C. Upang mayroon siyang gabay D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan

_____6. Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay
MALIBAN sa isa:

A. Sukatin ang mga kakayahan B. Suriin ang iyong ugali at katangian

C. Tipunin ang mga impormasyon D. Tukuyin ang pinapahalagahan

_____7. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan

A. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.


Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko
B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan

C. Tama,sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay

D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Magkakaproblema kung babaguhin pa.

______8. Anong kataga ang naakasaad sa librong seven habits of highly effective people ni Covey?

A. Begin with the end in mind B. Begin with the end in mine

C. Beg with the end in mind D. Wala sa nabanggit

______9. Ano ang kasingkahulugan ng kredo?

A. Tula B. Panalangin C. Motto D. Awit

_____10. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?

A. Sarili, simbahan at lipunan B. Kapwa, lipunan at paaralan

C.Paaralan, kapwa at lipunan D. Sarili, kapwa at lipunan

Talasanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral pahina 97- 120 Slideshare

Covey, Sean; “Habit 2: Begin With the End in Mind”; The 7 Habits of Highly Effective Teens; (1998): 105-
130

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral pahina 232- 247

You might also like