You are on page 1of 8

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division of Cebu Province

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)


Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang: 7
Antas: Sekundarya Markahan: III Linggo: 3

MELCS: Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga


halimbawa ng mga ito
Kowd ng Kompetensi: EsP7PB-IIIc-10.1

Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa Hirarkiya


ng mga Pagpapahalaga ni Max Scheler
Kowd ng Kompetensi: EsP7PB-IIIc-10.2

Pangalan: ________________________ Seksyon: _______ Petsa: ________

Paaralan: __________________________ Distrito _________________________

A. PAGBASA/TALAKAYAN

Bilang isang nagbibinata o nagdadalaga, ano-ano ang itinuturing mong


mahalaga sa iyo? Tama ba ang iyong pinahahalagahan? Ito yung mga katanungan
na marahil magkakaiba-iba ang kasagutan ng bawat isa. Gayunpaman, mahalaga
na maunawaan mo kung paano husgahan ang antas ng isang pagpapahalaga.
Marahil, may mga pagkakataon na mayroong mga tao na magkakapareho
ng mga bagay-bagay na pinapahalagahan subalit sa kung gaano ito kahalaga sa
kanila ay nananatiling magkaiba ang bawat isa.
Bago lubusang maintindihan ang hirarkiya ng pagpapahalaga, unawain mo
na nating mabuti ang mga pamantayan sa pagpapasiya ng antas nito. Ayon kay
Scheler may Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga.

Una, ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito kailanman
mababago ng panahon (timelessness or ability to endure). Halimbawa, Ang
paggastos ng pera upang ibili ng aklat ay mas mataas kaysa sa ipambili ito ng
pagkain. Mas tumatagal ang kaalaman na makukuha sa aklat kaysa sa kasiyahan
ng pisikal na katawan dahil sa pagkain.
Ikalawa, Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung sa kabila ng
pagpasalin-salin nito sa napakaraming henerasyon, napananatili ang kalidad nito
(indivisibility). Halimbawa, ang pagpapahalaga ng materyal na bagay ay lumiliit
habang nahahati ito, ngunit ang pagpapahalaga sa karunungan ay hindi
nababawasan kahit pa mahati ito o ipamahagi sa napakaraming tao.
Ikatlo, mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba
pang mga pagpapahalaga. Ito ay nagiging batayan ng iba pang mga
pagpapahalaga. Halimbawa, ang pagpapahalaga ng materyal na bagay ay lumiliit
habang nahahati ito, ngunit ang pagpapahalaga sa karunungan ay hindi
nababawasan kahit pa mahati ito o ipamahagi sa napakaraming tao.
Ikaapat, may likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga at ang lalim
ng kasiyahang nadarama sa pagkamit nito. Sa madaling salita, mas malalim ang
kasiyahan na nadama sa pagkamit ng pagpapahalaga, mas mataas ang antas nito.
Halimbawa, mas malalim ang kasiyahan ng pagsali sa isang prayer meeting kaysa
sa paglalaro ng basketball (depth of satisfaction).
Ikalima, ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito
nakabatay sa organismong nakararamdam nito. Hindi naging hadlang ang
kapansanan ng isang tao upang siya ay makatapos ng pag-aaral. Ang kaniyang
pagnanais na magtagumpay sa kaniyang larangan ay higit na mataas kaysa sa
kaniyang pisikal na kapansanan.

HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA

Banal

Ispiritwal

Pambuhay

Pandamdam

1. Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values). Itinuturing na nasa


pinakamababang antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang
nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao. Kasama dito ang pagbibigay-halaga
sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain,
tubig, damit, tirahan at iba pang teknikal na mga pagpapahalaga. Kasama rin sa mga
pagpapahalagang ito yaong mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ng
isang tao, katulad ng mamahaling alahas, magarang sasakyan o mamahaling mga bag
at sapatos na labis na hinahangad ng ilang mga tao.

2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values). Ito ay mga pagpapahalagang may


kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being). Halimbawa, mahalaga sa tao
ang makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito ang makapagpapabuti sa kaniyang
pakiramdam. Ang kumain ng masustansiyang pagkain upang matiyak na siya ay
malusog at hindi magkakasakit. Mahalaga sa atin na may makausap na taong
mahalaga sa atin upang mabawasan ang ating kalungkutan. Ang lahat ng nabanggit ay
mga bagay na pinahahalagahan ng tao upang masiguro niya ang kanyang kaayusan at
mabuting kalagayan.

3. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values). Maituturing na mas mataas


ang pagpapahalaga nito kaysa sa dalawang unang nabanggit. Ang pagpapahalagang
ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng
mas nakararami. May tatlong uri ang pagpapahalagang ito ayon sa aklat na Problems
of a Sociology of Knowledge na isinulat ni Max Scheler:
a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values)
b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)
c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of full cognition of
truth)
4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values). Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng
mga pagpapahalaga. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit
ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos. Ang
pagkilos tungo sa kabanalan ang katuparan ng kaganapan hindi lamang ng materyal
na kalikasan ng tao kundi maging ng kaniyang ispiritwal na kalikasan.

B. MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1 MAHALAGA SA AKIN

Ayusin mo ang mga larawan ayon sa antas ng pagpapahalaga mo dito.


Simulan sa mababang halaga (1) hanggang sa pinakamahalaga (12). Isulat ang
iyong paliwanag kung bakit ganito ang paraan ng pagsasaayos mo ng mga
larawan at ang iyong mga batayan.
Mga Bagay Paliwanag at Batayan ng Pagranggo

10

11

12

Pagsasanay 2 ANTAS KO-TUKUYIN MO

Panuto: Tukuyin mo kung anong antas ng pagpapahalaga ang ipinapakita


sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahon. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Pandamdam B. Pambuhay C. Ispiritwal D. Banal

Halimbawa:

A. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na pinapahalagahan ng tao na tumutugon sa luho


o karangyaan.

____1. Ito ang nasa pinakamababang antas ng pagpapahalaga.

____ 2. Ito tinaguriang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga ni


Scheler.

____ 3. Ang pagpapahalagang ito ay may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay.

____ 4. Ang pagpapahalagang ito ay kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang


kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
____ 5. Ito ang pagpapahalagang para sa kabutihan ng mas nakararami.

____ 6. Ito ay tumutukoy sa pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa tao.

____ 7. Sa antas ng pagpapahalaga na ito, ang pagkilos tungo sa kabanalan ang siyang
katuparan ng kaganapan.
____ 8. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga bagay na tumutugon sa
pangunahing pangangailangan ng tao.

____ 9. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga bagay na tumutugon sa


pangangailangan ng katawan ng tao.

____ 10. Si Waren ay maagang nag-asawa. Dahil dito, hindi siya nakapagtapos ng pag-
aaral at umaasa lamang sa suporta ng kanyang mga magulang na
nagtratrabaho sa ibang bansa. Wala na siyang ginagawa kundi ang lumabas
kasama ang kanyang mga kaibigan para uminom at magsugal. Nasa anong
antas ang pagpapahalaga ni Waren.
____ 11. Si George ay isang mayamang negosyante. Ginamit nya ang kanyang yaman
sa pagtulong sa mga batang lansangan. Ipinamamahala niya ang kanyang
negosyo sa kanyang mga katiwala. Nakahanda siyang tumulong sa kanila
nang walang hinihinging kapalit. Nasa anong antas ang pagpapahalaga ni
George?
____ 12. Walang ibang ninanais si Apple sa buhay kundi ang maging kontento at
mamuhay ng payapa. Kapag napagod siya sa kanyang trabaho ay
nagbabakasyon siya at nagliwaliw. Maingat din siya sa pagpili ng kanyang
mga kinakain upang masiguro na napananatili niyang malusog ang kanyang
pangangatawan. Nasa anong antas ang pagpapahalaga ni Apple?

C. PAGTATAYA

Panuto:
1. Gumawa ka ng sarili mong hagdan ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng
pagpapahalaga ni Max Scheler.
2. Magbigay ng mga halimbawa ng iyong pagpapahalaga ayon sa antas
nito: PANDAMDAM, PAMBUHAY, ISPIRITWAL, BANAL.
3. Maaari kang gumuhit o gumupit ng mga bagay na sisimbolo ng iyong
pinapahalagahan at idikit ito sa iyong ginawang hagdan.
4. Pagkatapos, sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Pamantayan ng Pag-iiskor:

Pamantayan Iskor
Ideya at Nilalaman - (Angkop ang mga ideya sa hinihinging 15
impormasyon)
Makatotohanan – (Makatotohanan at may realidad ang 10
ibinigay na mga halimbawa)
Malikhain – (Malikhain ang pagkagawa) 5
Kabuuan 30
Pamprosesong tanong:

A. Aling antas sa iyong hagdan ng pagpapahalaga ang marami kang


pagpapahalagang naibigay? Alin ang may kaunti?
B. Ano ang sinasabi nito tungkol sa iyong mga pagpapahalaga?
C. Masasabi mo bang nasa mataas na antas ang iyong pagpapahalaga?
Kung Oo, patunayan. Kung hindi, bakit?

D. PAGYAMANIN

Panuto: Batay sa ginawa mong sariling hagdan ng pagpapahalaga, magbigay


ng isang sitwasyon kung saan ang mga bagay na tinuturing mong
pinakamababa ang antas ng pagpapahalaga mo nito ay umaangat.

Halimbawa:

Dati, ang pagkakaroon ng motor ay nasa antas ng pandama dahil ito ay isang
luho lamang. Subalit dahil sa pagkakaroon ng pandemya, ang pagkakaroon ng
motor ay nasa pambuhay na antas na ng pagpapahalaga.

SANGGUNIAN:

Dy, M. Jr. et. al, Edukasyon sa Pagpapakatao, Department of Education-Instructional Materials


Council Secretariat (DepEd-IMCS), 2013

Mga larawang ginamit:

https://www.google.com/search?q=kasuotan&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=YvoO20EkP2sTbM%2
52CgM1DnaNOUUMwXM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kR1tShAn
GamCTdcMSuUOxRMq0sh0A&sa=X&ved=2ahUKEwjKwc3FltLuAhXTEnAKHdYQAVEQ9QF6BAgM
EAE#imgrc=YvoO20EkP2sTbM&imgdii=z2LQsKVM9ZtOBM

https://www.google.com/search?q=ispiritwalidad+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjvl5vkmNLuAhUKy
5QKHedhD3wQ2-cCegQIABAA#imgrc=_ rjpidQ7lQNXCM&imgdii= OGyYwoOdemJYUM

https://www.google.com/search?q=banal+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiN4bL-
mNLuAhWkw4sBHZzgBSEQ2-cCegQIABAA&oq=banal+clipart&gs_lcp =CgNpbWc
QAzIECAAQQzoCCAA6BggAEAcQHlCjgQ1YqYYNYO6TDWgAcAB4AYAB4QKIAf8HkgEHMC40LjA
uMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=LfAcYM2WCKSHr7wPnMGXiAI#imgrc
=8PDxl1R1v6HrsM&imgdii=drGK04wtsnjDNM

https://www.kindpng.com/picc/m/213-2138156_scales-justice-png-clipart-free-download-united-
nations.png

https://www.google.com/search?q=money+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjitfyNntLuAhV-
xosBHUhoA0gQ2-cCegQIABAA&oq=money+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzI
HCAAQsQMQQzIECAAQQzIHCAAQsQMQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCABQ6B
BY-BVgoRloAHAAeAGAAewDiAGHCZIBCTAuMS4xLjEuMZ
gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=i_UcYKLEO_6Mr7wPyNCNwAQ#imgrc=p2
SoW2k2_ZSanM&imgdii=gg_A9ehRPYiWIM

Inihanda ni Iwinasto ni

MARIEGIL G. CABRAS LORIEMAR B. VILLARIZA


EsP Writer Quality Evaluator

Sinuri ni

JANE O. GURREA
Education Program Supervisor - EsP

GABAY

Para sa Tagapagdaloy

Bilang isang tagapagdaloy inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang Self Home Learning Task na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan
silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa Self Home Learning Task na ito.

Para sa Mag-aaral

Ang Self Learning Home Task na ito ay sadyang ginawa upang mabigyan ka
ng pagkakataon na matuto kahit ikaw ay wala sa silid aralan. Layunin nitong
matulungan kang makamit ang isang makabuluhang pagkatuto sa iyong sarili
at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Para sa Magulang/Home Tutor

Bilang isang magulang o home tutor ay katulong ka ng mga guro at ng


kagawaran sa pagkamit at pagbigay ng isang makahulugang pagkatuto ng mga
bata kahit sila ay nasa bahay lamang. Inaasahan sayo na gabayan at hikayatin
ang mag-aaral na gawin ang mga pagsasanay sa Self Learning Home Task na
ito nang buong katapatan.
Pagsasanay 2
1. A
2. D
3. B
4. D
5. C
6. A
7. D
PAGTATAYA 8. A
PAGYAMANIN Pagsasanay 1
Maaaring magka-iba- 9. B
Maaaring magka-iba- Maaaring magka-iba-
iba ang kasagutan ng iba ang kasagutan ng iba ang kasagutan ng
10. A
mga mag-aaral mga mag-aaral mga mag-aaral
depende sa kanilang depende sa kanilang 11. C depende sa kanilang
karanasan pinahahalagahan. pinahahalagahan.
12. B
SUSI NG PAGWAWASTO

You might also like