You are on page 1of 15

7

Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay

Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikapitong Baitang


Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan– Modyul 3: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Panreiyong Direktor: Tolentino G. Aquino


Pangalawang Panrehiyong Direktor: Ronald D. Castillo
Pinuno ng SLMD: Arlene A. Niro

Manunulat Marla Joy P. Opolencia


Tagalapat Ray-an T. de Leon, HT I Karen Ann C. Calauad, HT I
Jerome C. Caaya

Tagasuri Ria R. Peralta, P I Ray-an T. de Leon, HT I


Ma. Cecilia T. Balgua, P II Percipal N. Bristol, ASP 2
Karen Ann C. Calauad, HT I Abraham T. Toledo, HT I
Sisa C. Carolino Jenril Q. Caasi
Alfredo C. Andres

Tagapamahala Ruth C. Caalaman, EdD Mariela N. Calima, EdD, P IV

Pansangay na Tagapamahala

Pansangay na Tagapamahala, OIC Ely S. Ubaldo, CESO VI


PangalawangTagapamahala Marciano U. Soriano Jr., CESO VI
Punong Tagamasahid Pansangay, CID Carmina C. Guiterrez, EdD
Tagamasid Pansangay, LRMDS Michael E. Rame, EdD
Tagamasid Pansangay, Lalaine C. Rosario, EdD
Edukasyon sa Pagpapakatao Cielito Fe Angeles, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office I Pangasinan


Department of Education-SDO Pangasinan I
Office Address: Alvear St,. East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075) 522-2202
Email Address: pangasinan1@deped.gov.ph

i
7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay

ii

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay dinisenyo at inilathala upag magsilbing gabay sa pagtul0ng sa


mga mag-aaral na makamit ang mga pamantayang itinakda ng K to 12 Kurikulum
Kagawaran ng Edukasyon.

Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang magtatagumpay ang mag-aaral sa


kanyang malayang pagkatuto at paggawa ng mga gawaing ayon sa kanyang
kakayahan, bilis at oras. Nilalayon din nitong matulungan ang mag-aaral na malinang
ang mga kasanayang pang-21 siglo.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mga bahagi ng modyul na ito:

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


layunin ng aralin sa modyul na ito.

Subukin Sa bahaging ito, tatayahin ang kaalaman


mo sa aralin na ito.

Balikan Sa bahaging ito, may pagsasanay o


balik-aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ipakikilala sa iyo ang


ang bagong aralin sa pamamagitan
ng isang gawain.

Suriin Sabahaging ito, may maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

iii Isaisip
Sa bahaging ito, pagtitibayin ang
iyong pang-unawa sa tinalakay na aralin.

Isagawa Sa bahaging ito, tutulungan kang maisalin


ang natutunan mo sa mga sitwasyon o
reyalidad ng buhay.
Pagyamanin Sa bahaging ito, pagtitibayin ang iyong
pagpapahalaga sa tinalakay na aralin.

Tayahin Sa bahaging ito, susukatin ang antas ng


iyong pagkatuto sa layunin ng aralin.

Susi sa Pagwawasto Sa bahaging ito, makikita ang mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Sa bahaging ito, makikita ang


talaan ng lahat ng pinagkuhanan
sa paglinang ng modyul na ito.

iv

Alamin
Sa mga naunang modyul natutuhan mo na ang pagkilala sa sarili
ay gabay sa pagtupad ng mga tungkulin tungo sa pagpapaunlad ng sarili.
Nakilala mo ang mga angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon
ng Pagdadalaga/Pagbibinata. Natuklasan mo ang iyong mga mga talento,
kakayahan at kahinaan, mga hilig (Interests), at mga tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata. Gamit ang mga kaalaman dito nakagawa ka ng
mga angkop at makatotohanang pagtatakda ng mithiin sa iba’t ibang
aspekto ng iyong buhay.

Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay


gabay sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa
buhay at matupad ang mga pangarap EsP7PB-IVd-14.3

Subukin
Panuto: Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot sa sumusunod na
pagsusulit. Basahing mabuti ang mga panuto.

1. Ang pagkakaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay


isang mabuting giya.
a. Tama, dahil ito ay batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya
b. Tama, dahil ito ay propesyon
c. Mali, dahil ang PPMB ang gagabay sayo sa pagpili ng mali
d. Wala sa nabanggit

2. Ano ang ibig sabihin ng kredo?

a. Bokasyon
b. Misyon
c. Kabuluhan ng iyong buhay
d. Tamang Direksyon

3. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?

a. Sarili
b. Sarili, lipunan, kapuwa
c. Kapuwa
d. Sarili, simbahan, at lipunan

4. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa


buhay ng kapangyarihan kung:

a. Nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga


b. Nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian
c. Nagagampanan nang balance ang tungkulin sa pamilya, trabaho at
komunidad.
d. Kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa
e.
5. Alin sa sumusunod, ang hindi dapat isaalang-alang sa pagbuo ng
PPMB?

a. Ano ang layunin ko sa buhay?


b. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
c. Ano ang mga nais kong marating?
d. Ano ang gusto kong mangyari sa aking lipunan?

6. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Pahayag sa


Buhay?

a. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang ang pagpapasiya

a. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na


1

nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa iyong buhay


b. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili
c. Ito ay Gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa

7. Sino ang may akda ng The Seven Habits of Highly Effective Teens

a. Sean Covey
b. Fr. Jerry Orbos
c. Shawn Covet
d. Aristotle

Aralin
PERSONAL NA PAHAYAG SA
1 MISYON SA BUHAY

8. Upang maging positibo ang tingin sa Gawain, kailangang ____________

a. Iwasan itong gawin


b. Hintayin na gawin ito ng iba
c. Hanapin ang pakinabang mula ditto
d. Huamanap ng tutulong sayo

9. Alin sa sumusunod ang epekto ng pagkakaroon ng negatibong


saloobin sa isang Gawain?

a. Mas madaling natatapos sa Gawain


b. Nagiging mahirap gawin ang Gawain
c. Nalilinang an gating hilig sa ibang Gawain
d. Nakapglilingkod sa kapuwa

10. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na


gamitin ito ng SMART. Ano ang kahulugan nito?

a. Specific, Measurable, Artsitic, Relevance, Time Bound


b. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
c. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
d. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound

Alam mo na ba ang direksyong tinatahak mo sa buhay? Naitanong mo na


ba ito sa iyong sarili kung saan ka patungo? Mahalagang sigurado ang tao sa
landas na kaniyang tinatahak. Ito ang susi na makatutulong sa kaniya upang
makamit ang kaniyang layunin sa buhay. Sa modyul na ito, magkakaroon ka ng
gabay sa tamang pagpapasya. Ito ang nagsisilbing kasangkapan upang marating
niya ang kaniyang nais puntahan

Balikan

Alalahanin ang isa o dalawang malaking pagpapasiyang ginawa mo. Isulat ang
maikling deskripsyon ng suliranin o sitwasyon na nangngailangan ng
pagpapasiyang ito gayundin ang pasiya na iyong napili o ginawa. Sa huling
kolum, isulat ang naging resulta.

Sitwasyon/Suliranin Pasiya Resulta

Suriin
Personal na Pahayag sa Misyon sa Buhay
(Personal Mission Statement)

Isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya


ang pagkakaroon ng personal na pahayag ng layunin sa
buhay o personal mission statement. Ayon nga kay Sean
Covey sa kanyang aklat na The Seven Habits of Highly
Effective Teens, “Begin with the end in mind.”

Kung sa simulapa lang


3
ay alam na natin ang
gusto nating mangyari sa ating buhay,hindi na magiging mahirap para sa
atin ang mga mahahalagang pagpapasya sa buhay.

Sa pagbuo mo ng Personal na Pahayag sa Misyon sa Buhay, maaaring


isaalang-alang ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang layunin ko sa buhay?


2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Ano-ano ang mga benepisyong maaari kong makuha at paano ito
makatutulong sa akin at sa ibang tao?
5. Ano-ano ang mga magiging balakid na maaaring harapin?
6. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa
aking buhay?

Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kanyang


aklat:

1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan


na may halaga sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo. Maaring ang mga ito
na ang gamitin mong pahayag ng iyong personal na layunin sa buhay.
2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng labinlimanng
minuto ay isulat mo ang anomang nais mong isulat tungkol sa iyong
misyon. Huwag kang mag-abalang magsala ng mga ideya o itama ang mga
pagkakamali dito. Matapos ang labinlimang minuto ay maari mo na itong
salain at itama ang mga pagkakamali sa bararila o gramatika. Sa loob
lamang ng 30 minuto ay nakapagsulat ka na ng iyong pahayag ng layunin
sa buhay.
3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar
kung saan ka maaaring mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahon ang
paggawa ng iyong layunin sa buhay sa anomang paraang makatutulong sa
iyo.
4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan ang
perpektong pagkakasulat ng layunin sa buhay. Hindi naman ito isang
proyekto sa isang asignatura na kinakailangan ng marka ng guro. Ito ay
personal mong sekreto. Ang mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo.
Itanong sa iyong sarili, “Ako ba’y naniniwala sa aking isinulat?” Kung
masasagot mo ito ng oo, ay mayroon ka ng pahayag ng layunin sa buhay.

Kailangan ang personal na pahayag ng layunin sa buhay upang panatilihing


matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay. Kailangan ito
upang bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.

Pagyamanin

4
Panuto:

1. Bumuo ng Personal na Pahayag ng misyon sa buhay.


2. Ito ay dapat nagtataglay ng S.M.A.R.T
3. Maging malikhain sa pagbuo nito
Isagawa

Ipaliwanag ang sumusunod na paglalarawan ng proseso ng mabuting


pagpapasya batay sa mga natalakay. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga
paliwanag.

TAYAHIN

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot sa sumusunod na


pagsusulit. Basahing mabuti ang mga panuto.

1. Ang pagkakaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay


isang mabuting giya.

a. Tama, dahil ito ay batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya


b. Tama, dahil ito ay propesyon
c. Mali, dahil ang PPMB ang gagabay sayo sa pagpili ng mali
d. Wala sa nabanggit

2. Ano ang ibig sabihin ng kredo?

a. Bokasyon
b. Misyon
c. Kabuluhan ng iyong buhay
d. Tamang Direksyon

3. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?

a. Sarili
b. Sarili, lipunan, kapuwa
c. Kapuwa
d. Sarili, simbahan, at lipunan

4. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa


buhay ng kapangyarihan kung:

a. Nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga


b. Nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian
c. Nagagampanan nang balance ang tungkulin sa pamilya, trabaho at
komunidad.
d. Kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa

5. Alin sa sumusunod, ang hindi dapat isaalang-alang sa pagbuo ng


PPMB?
a. Ano ang layunin ko sa buhay?
b. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
c. Ano ang mga nais kong marating?
d. Ano ang gusto kong mangyari sa aking lipunan?

6. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Pahayag sa


Buhay?

a. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya

b. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na


nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa iyong buhay
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili
d. Ito 6 ay Gawain
tungo sa
paglilingkod sa kapuwa.

7. Sino ang may akda ng The Seven Habits of Highly Effective Teens

a. Sean Covey
b. Fr. Jerry Orbos
c. Shawn Covet
d. Aristotle

8. Upang maging positibo ang tingin sa Gawain, kailangang ____________.


a. Iwasan itong gawin
b. Hintayin na gawin ito ng iba
c. Hanapin ang pakinabang mula ditto
d. Huamanap ng tutulong sayo

9. Alin sa sumusunod ang epekto ng pagkakaroon ng negatibong


saloobin
sa isang Gawain?

a. Mas madaling natatapos sa Gawain


b. Nagiging mahirap gawin ang Gawain
c. Nalilinang an gating hilig sa ibang Gawain
d. Nakapglilingkod sa kapuwa

10.Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na


gamitin
ito ng SMART. Ano ang kahulugan nito?

a. Specific, Measurable, Artsitic, Relevance, Time Bound


b. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
c. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
d. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound

7
Balikan
Nasa guro ang pagpapasya kung
tama
Isagawa
Nakadepende sa guro ang
pagmamarka
TAYAHIN
Tuklasin SUBUKIN
1. A
Ang pagwawasto ay base sa 1. A 2. C
kasagutan ng 2. C 3. D
mga mag-aaral. 3. D 4. A
4. A 5. D
5. D 6. D
6. D 7. A
7. A 8. C
Isaisip
8. C 9. B
Ang guro ang magpapasya 9. B 10. B
kung tama 10. B
ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:
Dy Jr., M. B., Gayola, S., Leaño, M., Brizuela, M. J., & Querijero, G. E. (2013).
Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City.

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Gabay


sa Pagtuturo. Pasig City, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon

Miranda, A. G., Bontia, M. T., Valdez, J. K., Rafal, J. V., Arnedo, P. J., Jornales, J.,
et al. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao. Mga Mudyol para sa Mag-aaral.
Pasig: FEP Printing Corporation.

Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Nicolas, M. V., & C.Marte, N. (2013). Edukasyon
sa Pagpapakata. Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Sekondarya. Manila: Rex Bookstore, Inc.

You might also like