You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 18: Pagbuo ng Career Plan Gamit ang Goal Setting
at Action Planning Chart
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat : Vivien Fajilagutan-Vinluan
Editor : Perlita M. Ignacio, RGC, Ph. D
Tagasuri : Josephine Z. Macawile
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 18
Pagbuo ng Career Plan Gamit ang Goal
Setting at Action Planning Chart
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Modyul
para sa araling Pagbuo ng Career Plan Gamit ang Goal Setting at Action Planning
Chart
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ukol sa Pagbuo ng


Career Plan Gamit ang Goal Setting at Action Planning Chart!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
MELCS: Naisasagawa ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga
minimithing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
batay sa pamantayan sa pagbuo ng Career Plan gamit ang Goal Setting at Action
Planning Chart.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

A. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagpaplano sa kasalukuyan para sa


kinabukasan;

B. Napahahalagahan ang mga pamantayan sa pagbuo ng Career Plan gamit ang


Goal Setting at Action Planning Chart; at

C. Nakagagawa ng Goal Setting at Action Planning Chart.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Piliin at bilugan
ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat patlang sa pangungusap.

1. Ito ay tumutukoy sa mga bagay o nais makamit sa panandaliang panahon lamang


A. Goal C. Long Term Goal
B. Layunin D. Short Term Goal
2. Pinakamabisang proseso upang mapag-isipan nang mabuti ang mga gawain o
istratehiya na magdadala sa isang tao patungo sa kaniyang layunin sa buhay.
A. Goal Setting C. Paggawa ng misyon
B. Goal Changing D. Pagtupad sa Layunin
3. Sa paggawa ng Action Planning Chart, kinakailangang isaalang-alang ang
pamantayan ng SMART. Ano ang ibig sabihin ng SMART?
A. Smart,Measurable, Alert, Reliable, Time bound
B. Specific, Manageable, Alert, Reliable, Time bound
C. Smart, Manageable, Attainable, Relevant, Time bound
D. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time bound
4. Ito ay isang talaan para sa mga hakbang o gawain na kailangang kumpletuhin
upang makamit ang mga layunin na itinakda.
A. Action Plan C. Short Term Goal
B. Goal Setting D. Action Planning Chart
5. Tumutukoy sa tiyak at malinaw na hakbangin o layunin sa buhay
A. Smart C. Relevant
B. Specific D. Attainable
BALIK-ARAL
Naaalala mo pa ba ang nakaraang aralin? Sa pamamagitan ng gawain sa
ibaba, tingnan natin kung ito ba ay iyong natatandaan.

Panuto: Kulayan ng asul ang kahon na naglilinang ng mga kasanayan,


pagpapahalaga, talento at mga kakayahang makatutulong sa pagtatagumpay sa
pinaplanong buhay, negosyo o hanapbuhay

Mahalaga na malaman mo ang mga kakayahang makatutulong sa


pagtatagumpay sa buhay, negosyo o hanapbuhay.

ARALIN

Pagmasdan ang dalawang larawan na nasa ibabang bahagi. Lagyan ng tsek


ang larawan na nagpapakita ng maayos na pagpaplano sa buhay.
Ang maayos, maganda at matagumpay na hinaharap ay dapat
pinagpaplanuhan sa kasalukuyan. Anuman ang hangarin sa kinabukasan,
makabubuting pag-isipan ito ngayon pa lamang.

Tingnan ang larawan na nasa ibaba. Lagyan ng ang mga larawan na


maaari mong makamit sa panandaliang panahon lamang at lagyan naman ng
ang mga larawang makakamit mo sa pangmatagalang panahon.

Ang pagpaplano ay dapat na magsimula sa pangmadaliang layunin (short term


goal) na tumutukoy sa mga bagay o nais makamit sa panandaliang panahon lamang
at pangmatagalang layunin (long term goal) na maaaring makamit pagkalipas ng
mahabang panahon.
Paano nga ba magkakaroon ng realidad ang mithiin natin sa buhay? Ito man
ay short term goal o long term goal. At ano ang pinakamahusay na paraan upang
maiwasan ang mga hamon o problema upang matupad ito? Ang sagot ay ang
paggawa ng Goal Setting at Action Planning Chart.
Ang goal setting ay pinakamabisang proseso upang mapag-isipan nang
mabuti ang mga gawain o istratehiya na magdadala sa isang tao patungo sa
kaniyang layunin sa buhay. Sa pagbuo nito, kinakailangang gumawa ng Action
Planning Chart. Ito ay isang talaan para sa mga hakbang o gawain na kailangang
kumpletuhin upang makamit ang mga layunin na itinakda.
Sa paggawa ng Action Planning Chart kailangang isaalang-alang ang mga
pamantayan ng S.M.A.R.T.

Specific (Tiyak)
•Tumutukoy sa tiyak at malinaw na hakbangin o
layunin sa buhay

Measurable (Nasusukat)
•Nasusubaybayan ang pagsulong sa pagtatamo ng
mithiin.

Attainable (Naaabot)
•Ang isang mithiin ay makatotohanan, magagawa at
maabot

Relevant (Naaangkop)
•Gumawa ng isang mithiin na naaangkop sa iyong
edad at kakayahan

Time-bound (May itinakdang panahon)


•Nararapat na may takdang panahon ang pagkatupad
ng mithiin upang hindi masayang ang pagsusumikap.

Mga bahagi ng isang Action Planning Chart


1. Malinaw na layunin o mithiin na nais makamit
2. Mga istratehiya o hakbang na kailangang isagawa upang maabot ang layunin
3. Petsa kung kailan gagawin at kung kailan makakamit ang layunin o mithiin

MGA PAGSASANAY
Gawain 1: Action Planning Chart
Panuto: Isulat sa kahon sa ibaba ang iyong mga mithiin at mga istratehiya upang
matupad ang iyong layunin sa buhay.

Ano ang iyong mithiin (Goal)? Istratehiya o Balangkas ng Mga Itinalagang


Hakbangin (Action Plan) petsa
1. Sa Minimithing 1.
Karera 2.
3.
2. Sa Pag - aaral 1.
2.
3.
3. Sa Pamilya 1.
2.
3.
4. Sa Sarili 1.
2.
3.
GAWAIN 2: Hagdan ng Pangarap!

Panuto: Bilang kabataan katulad mo, magbigay ng mga hakbangin kung paano mo
matutupad ang iyong mga mithiin, Isulat sa bawat hakbang ng hagdanagan.

GAWAIN 3: Short Term o Long Term Goal


Panuto: Isulat ang STG kung ito ay Short Term Goal at LTG naman kung ito ay
tumutukoy sa Long Term Goal.

_______ 1. Pagkakaroon ng kotse

_______ 2. Makakuha ng mataas na marka

_______ 3. Makabili ng bahay at lupa

_______ 4. Magkaroon ng maganda at maayos na sariling pamilya

_______ 5. Makapagtapos ng Junior High School


PAGLALAHAT

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang salita na bubuo sa pangungusap at isulat ito
patlang.

layunin action nakalista

mithiin hakbangin masusubaybayan

Sa pamamagitan ng ____(1)____ Planning Chart, ________(2)______ natin ang


ating pag-unlad patungo sa ating layunin. Dahil ____(3)____ dito ang lahat ng mga
____(4)____ na kailangan natin upang makumpleto ang plano natin sa paggawa ng
ating ____(5)____

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Isulat sa hot air balloon ang mga pamantayan na iyong gagawin upang
matupad ang iyong pangarap
PANAPOS NA PAGSUSULIT

CROSSWORD PUZZLE
Panuto: Hanapin at salungguhitan sa crossword puzzle ang mga salitang
naaangkop sa sinasabi ng talata.

1. Ito ay tumutukoy sa takdang panahon na inilaan upang matupad ang


iyong pangarap. ____________________
2. Tumutukoy sa tiyak at malinaw na hakbangin o layunin sa buhay
_____________________
3. Ito ay tumutukoy sa pagka-angkop ng edad at kakayahan sa iyong
mithiin. ______________________
4. Nasusukat at nasusubaybayan ang pagsulong sa pagtamo ng mithiin.
________________________
5. Ang isang mithiin ay makatotohanan, magagawa at maaabot.
________________________
Paunang Pagtataya
1. D 2. A 3. D 4. D 5. A
Balik-Aral
Mga larawang dapat lagyan ng kulay asul
Mga Pagsasanay
Sariling sagot
Paglalahat
Sariling sagot
Pagpapahalaga
1. Action 2. Masusubaybayan 3. Nakalista 4. Hakbangin
5. Mithiin
Panapos na Pagsusulit
1. Time bound
2. Specific
3. Relevant
4. Measurable
5. Attainable
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
https://favpng.com/png_view/teacher-and-student-parent-child-clip-art-png/gHNWTLmz
https://www.amazon.com/Foxtop-Non-Ticking-Decorative-Colorful-
Classroom/dp/B01GDU2SS2
https://www.pinterest.ph/pin/306737424621768409/
https://in.pinterest.com/pin/811703532818109862/
https://www.techfunnel.com/martech/impact-of-social-intelligence-on-marketing/
https://attitudebooks.org/
https://www.shutterstock.com/search/mobile+legends
https://www.pngwave.com/png-clip-art-nguyz
https://www.uihere.com/free-cliparts/laptop-laptop-notebook-png-image-1333203
https://shopee.ph/DEPED-MEDAL-5CM-GOLD-i.63687076.1978208252
https://favpng.com/png_view/pictures-of-graduating-graduation-ceremony-graduate-
university-student-clip-art-png/mHRjqtwH
https://www.i-rite.com/wp-content/uploads/2016/12/5.png
https://www.pngarts.com/files/4/Modern-House-Free-PNG-Image.png
https://www.askiitians.com/iit-jee-physics/general-physics/measurement-of-length/
https://paintestimating.com/setting-goals-and-getting-organized-for-the-new-year/be-specific/
https://www.youtube.com/watch?v=XpKvs-apvOs&t=301s
https://www.netclipart.com/isee/ioxJxT_hot-air-balloon-black-and-white-hot-air/

You might also like