You are on page 1of 44

DAILY LESSON LOG Paaralan LOOK 2ND INTEGRATED SCHOOL Baitang/ Antas 7

(Pang-araw-araw na Guro LAURO P. ATIENZA JR. Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras NOV. 7-11,2022 Markahan Ikalawa
(MONDAY AND TUESDAY)

I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isip at kilos-loob.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng angkop na pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos- loob.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. EsP7PSIa-5.1
Isulat ang code 2. Nasusuri ang kakayahan ng tao bilang natatanging nilalang sa pamamagitan ng pagsulat ng islogan.
ng bawat kasanayan 3. Napahahalagahan ang kakayahan ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng isip at kilos -loob.

II. Nilalaman Modyul 5: Isip at Kilos-loob


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 54-55


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 120-121


Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

1
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Mga Larawan mula sa internet, LCD projector, laptop
Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang A. Magbalik-tanaw sa mga nakalipas na araling tinalakay tungkol sa Pagkilala at Pamamahala sa mga
aralin at pagsisimula ng Pagbabago sa Sarili. Tumawag ng 3 mag-aaral upang magbahagi ng kani-kanilang mga natutuhan sa
bagong aralin. mga nakalipas na talakayan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

B. Basahin at unawain ang paunang pagtataya. Isulat sa notbuk ang titik ng tamang sagot. (gawin sa loob
ng 10 minuto) (Reflective Approach)

1. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang
nagpapahinga.
d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang
kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin.

2. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng


pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at
panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando
ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa
pagkakataong ito?

2
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito
para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa
ng akuin ang pagkakamali.
c. Walang anumang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos
para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit

3. Ang sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:


a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatuwiran.
c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.

4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?


a. Mag-isip
c. Magpasya
b. Umunawa
d. Magtimbang ng esensya ng mga bagay

5. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatuwiran – kilos-loob:


a. Kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
b. Kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. Kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. Kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang
nadarama.

6. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:

3
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga
magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay.
maging malusog at makaramdam.
d. Tama, dahil katulad ng tao ay nangangailangan din silang
alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.

7. Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang .


a. Kabutihan
b. Kaalaman
c. Katotohanan
d. Karunungan

8. Paanong tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at
pamimili
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan.

9. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:


a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
d. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.

4
10. Ang tao ay may tungkuling , ang isip at kilos-loob.
a. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
b. Kilalanin, sanayin at gawing ganap
c. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
d. Wala sa nabanggit

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
2. Nasusuri ang kakayahan ng tao bilang natatanging nilalang sa pamamagitan ng pagsulat ng islogan.
3. Napahahalagahan ang kakayahan ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng isip at kilos -loob.

B. Mula sa inihandang PowerPoint Presentation, ipakikita ng guro ang iba’t ibang larawang kahalintulad
ng larong 4-pic-1-word. Pipili ang guro ng mag-aaral na huhula sa mga clues sa larawang ipinapakita sa
slide. Ang mga salitang kailangang hulaan ay may kaugnayan sa paksang tatalakayin. Pagkatapos hulaan
ang salita, sagutan ang sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist
Approach)

5
1. Ano ang pagkakatulad ng tatlong nasa larawan?
2. Ano ang pagkakaiba ng tatlong ito?
3. Alin sa tatlong ito ang nakahihigit sa lahat? Ipaliwanag.

C. Pag-uugnay ng mga Mula sa mga nabuong salita sa katatapos na gawain, tuklasin ang kakayahan ng tao, hayop at halaman gamit
halimbawa sa bagong aralin ang sumusunod na talahanayan. Gawin ito sa notbuk at sagutin ang gabay na katanungan. (gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
KAKAYAHA
N
TAO HAYOP HALAMAN
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

1. Alin sa sumusunod na nilikha ng Diyos ang may pinakamaraming kakayahang naitala?


2. Ano ang iyong masasabi tungkol sa tao, hayop at halaman bilang nilikha?
3. Paano nakahihigit ang tao sa hayop at halaman?

D. Pagtalakay ng bagong Muling magpapakita ang guro ng mga larawan gamit ang PowerPoint Presentation, tumawag ng mag-
konsepto at paglalahad ng aaral upang suriin ang ipinapakitang mensahe ng larawan gabay ang sumusunod na tanong. (gawin sa
bagong kasanayan #1 loob ng 5 minuto)(Reflective Approach)

6
1. Kung ikaw ang lalaking ito, ano

ang tugon mo sa paalala?


2. Ano kaya ang tugon ng aso sa paalalang ito?
3. Ano ang pagkakaiba ng pagtugon ng lalaki at ng aso sa paalala? Bakit?
4. Ano ang taglay ng tao upang maunawaan at sundin niya ang paalalang ito?

E. Pagtalakay ng bagong Muling magpapakita ng larawan sa slides ang guro. Dalawang mag-aaral ang pipiliin para sumagot sa mga
konsepto at paglalahad ng gabay na tanong at magbahagi ng kanilang saloobin o opinyon sa mga larawang ipakikita. (gawin sa loob ng
bagong kasanayan #2 5 minuto) (Reflective Approach)

7
1. Ano ang pagkakaiba ng lalaki at ng unggoy sa kanilang ginawa?
2. Ano ang taglay ng tao upang maunawaan ang kanyang ginawa?
3. Ano ang palatandaang ang tao ay may isip?
4. Ano ang palatandaang ang tao ay may kilos-loob?
5. Kung gagawin ng tao ang nasa larawan, natatangi pa rin ba siya? Patunayan.

F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Tungo sa Formative (Reflective Approach)
Assessment) 1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili bilang natatanging nilalang? Ipaliwanag.
2. Bilang tao, paano mo ipapkikita ang pagiging natatanging nilalang? Magbigay ng halimbawa.
3. Bilang tao, bakit dapat gamitin ng tama ang isip at kilos-loob ng tao sa lahat ng pagkakataon?
Ipaliwanag.

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Magtala ng limang halimbawa ng mga dapat gawin para lubusang magamit ng tama at magawa ang tunguhin ng
araw-araw na buhay isip at kilos-loob. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1.
2.
3.
4.
5.

H. Paglalahat sa aralin Natatangi kang tao na nabubuhay sa mundong ito. Wala kang katulad at hindi ka naulit sa kasaysayan.
Tawagin mang ito ay isang talinghaga subalit ito ay totoo. Sa madaling salita ikaw ay
espesyal, mayroon kang taglay na kakayahan na siyang nagpapabukod-tangi sa iyo.

I. Pagtataya ng aralin Sumulat ng islogan tungkol sa paksang “Tao: Natatanging Nilalang na May Isip at Kilos-Loob.” (gawin sa
loob ng 15 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:

8
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
Kabuuan 100%

J. Karagdagang gawain para sa Gumawa ng diyagram ng kakayahan ng tao, hayo at halaman. Suriin at sumulat ng iyong repleksyon ukol dito.
takdang aralin at remediation Humanda sa pagbabahagi.
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa
remediation?

9
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nanang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
Prepared by:
Checked by:
Lauro P. Atienza Jr. MA. CRISTINA V. JUGUILON, Ed. D NEIL OMAR GAMOS
Teacher I School Head Master Teacher I

10
DAILYLESSONLOG Paaralan Baitang/ Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo Petsa/Oras Markahan Ikalawa
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isip at kilos-loob.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng angkop na pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos- loob.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
Isulat ang code ng bawat EsP7PSIa-5.2
kasanayan
2. Nakabubuo ng pasya batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos -loob sa pamamagitan mga ibinigay
na sitwasyon o pangyayari.
3. Nakababatid ng kahalagahan ng pagsusuri ng sitwasyon bago magsagawa ng isang
pagpapasya.

II. Nilalaman Modyul 5: Isip at Kilos-loob


A. Sanggunian
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 56-57
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

11
2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 122-123
Kagamitang Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa


portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Video Clip mula sa Internet https://www.youtube.com/watch?


v=pDex_Uy5q5M https://www.youtube.com/watch?v=kNtNNVbyGIw
https://www.youtube.com/watch?v=Bskmw7XyuRY
https://www.wattpad.com/59243518-isip-at-kilos-loob-inspired-by-values-
subject?utm_source=web&utm_medium=facebook&utm_content=share_reading
LCD projector, laptop, Manila paper, marker

III. Pamamaraan

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at Tatawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang natutuhan sa nakalipas na gawain hinggil sa
pagsisimula ng bagong aralin. mga naitalang dapat gawin para lubusang magamit ng tama ang isip at kilos-loob.
Magbigay ng mga halimbawa ng mga sitwasyong nagpapakita ng kakayahan ng taong makapag- isip at
magpasya para sa kanyang sarili at kapwa. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Nasusuri ang isang pasyang ginawa bataysa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.

12
2. Nakabubuo ng pasya batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos -loob sa pamamagitan mga ibinigay
na sitwasyon o pangyayari.
3. Nakababatid ng kahalagahan ng pagsusuri ng sitwasyon bago magsagawa ng isang
pagpapasya
B. Gamit ang Wall of Knowledge na nakasulat sa Manila paper at nakapaskil sa pisara, isusulat ng bawat
mag-aaral ang mahahalagang konsepto tungkol sa isip at kilos-loob na tinalakay ng nakaraang araw.
Tumawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective/Constructivist Approach)

WALL OF KNOWLEDGE

ISIP AT KILOS -LOOB

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa A. Panoorin ang 3 video clips ukol sa pagpapasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
bagong aralin Mula sa napanood, ilagay ang iyong sarili sa sitwasyon sa pamamagitan ng pagpuno sa speech balloons
gabay ang sumusunod na pahayag at mga tanong. Isulat ang sagot sa notbuk at tumawag ng tatlong mag-
aaral na magbabahagi. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach/Integrative
Approach)
1. Isulat sa loob ng speech balloon ang dapat isipin sa sitwasyon.

13
b. Isulat sa loob ng speech balloon ang sasabihin o gagawin sa sitwasyon

1. Tugma ba ang isinulat mong dapat isipin at sabihin o gawin sa ibinigay na sitwasyon?
2. Dapat bang laging tugma ang iyong iniisip sa iyong gagawin? Ipaliwanag.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Wattpad mode!


paglalahad ng bagong kasanayan #1 Basahin ang isang kuwentong tungkol sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob at pagkatapos ay sagutin
ang inihandang katanungan batay sa kuwentong binasa. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
Approach)
Isip at kilos-loob
ni Ishen10
MGA TAUHAN:

Yuki Lim dela Vega

14
Gregorio dela Vega
Sandra Lim
Yanna dela Vega
Lhoida Lim
Donya Mexy dela Vega
Alexander Lim
Isaac dela Vega
Larah Espinosa
Emily Jane Santos

Narration:

May dalawang pamilyang may magkaibang estado sa buhay. Ang mga dela Vega na siyang nagmamay-
ari ng isang Hacienda, isang Academia at may napakaraming negosyo. Samantala, ang mga Lim ay siyang
kabaligtaran sa buhay ng mga dela Vega. Sa di-inaaasahang pagkakataon, ang dalawang pamilyang ito ay
pinagtagpo ang landas. Ano kaya ang mangyayari? Tunghayan po natin ang isang dula kung saan naipakikita
ang tamang paggamit at pagsasabuhay ng tunay na kahulugan ng isip at kilos-oob.

-~UNANG ARAW NG KLASE SA WILFORD ACADEMY~


Yuki: Best! Dito tayo!
Larah: Oy, Best! Kumusta ka?
Yuki: Okay lang. Mabuti nga at nakapasa ako sa scholarship exam.
Larah: Talaga Best? Proud na proud na talaga ako sa iyo!
Yuki: Ano ka ba! Oh, ikaw?
Larah: Okay lang! Ang ate ko na nasa abroad ang nagpapa-aral sa akin. Yuki:
Oh, talaga? Mabuti naman!
Larah: Oo nga, eh! (~KKKKKRRRIIINNNNGG~)Naku best! Tara na! Nag-bell na!

15
Yuki: Oh, sige Best! ( tatayo at makakabangga sina George at Emily) Emily:
Owwww.What a mess!!!
George: You bitch! How dare you!
Yuki: Naku! Sorry! Hindi namin sinasadya.
Emily : Tatanga-tanga kasi!
Larah: Baka ikaw ‘yung tanga! ( bulong sa sarili)
Emily: Anong binubulong-bulong mo dyan!?
George: You must pay for this! Hindi ninyo ba alam kung gaano kamahal ‘ tong damit ko?! It cost more
than your life!
Larah: Oh?! Talaga! Pero sorry... Hindi kasi kami nagtatanong!
Yuki: Larah! ( saway ) Sorry talaga!
George: Hah! Sorry? Anong magagawa ng sorry mo, hah! (sabay tulak)
Emily: Naku girl! Hayaan mo na lang sila! Kawawa naman. Mga DUKHA AT MAHIHIRAP, EH!
George: Okay, fine! I’ll consider you! Paano naman kasi!? Mga Dukha AT MAHIHIRAP, Eh! Mas
naghihikahos pa sa daga!
Emily: Why do dukha people exist in this world? Hahahaha....
George: Tara na nga girl! Nasasayang ang beauty ko sa mga HAMPAS-LUPA! (sabay walk-out) Larah:
Naku! (naiinis) ‘Yung baklitang yun at haliparot na babae! Sarap itapon sa Bermuda
Triangle!
Yuki: Ikaw naman kasi! Pinatulan pa!
Larah: Hay! Ewan ko sa iyo Yuki. Tara na nga. ( pumasok na nga sila sa loob ng klase) Emily:
Owwww! Look who’s here! Hah! Merong mga COMMONERS!
George: Nandito pala ang mga POOR! Psshh! Guys! Ingat kayo at baka mahawaan kayo ng mga
DUKHA! Hahaha....( nagtawanan ang klase)
Larah: Para namang alam niya kung anong meaning ng VIRUS!!! Yuki:
Larah! (saway)
Larah: OK, fine! (buong maghapon ay nilalait-lait ng buong klase ang dalawa)
~SA PAG-UWI NG YUKI SA BAHAY~

16
Yuki: Nandito na po ako!
Xander: Ano ba naman ito Lhoida! Walang Ulam? Bwiset na buhay! Lhoida: Eh,
kasi naman...‘yung pera para sa pagkain ay pinangsugal mo.. Xander: At ako pa
ang sinisisi mo! Hah! ( sabay hablot sa buhok)
Lhoida: Hindi naman sa ganoon Xander!..
Yuki: Nay! Tay! Tama na po!
Xander: Bwiset! At ikaw namang bata ka! Kaysa puro pag-aaral, magtrabaho ka! Aral-aral! Wala ka namang
mapapala diyan! (sabay labas)
Lhoida: Pagpasensyahan mo na ang tatay mo...
Yuki: Opo!
Sandy: NAAYYYYY!!!!
Lhoida: (nagmamadali) Oh! Bakit anak?
Sandy: Mainit! Paypayan mo ako nay! Hindi ako makapag concentrate sa pagte-text ko! Yuki:
Sandra! (saway)
Sandy: Bakit?? Angal ka??
Lhoida: Okay lang anak! Sige, magbibihis ka na lang..
Yuki: Sige po...
Yuki: Haay! Nakakapagod! Ang sakit ng ulo ko! ( buntong- hininga) Ano ba ang ginawa ko, hah!
Wala naman, ah! Bakit! Bakit nangyayari ‘tong mga problemang ito sa akin ( sinipa ang lata) Larah:
Hindi mawawala ang problema mo kahit sipain mo pa ang lahat ng lata sa mundo?!!!
Yuki: Larah! A-anong ginagawa mo dito?
Larah: Nagdadala ng magandang balita ! Oh, ito!
Yuki: Ano ‘to?
Larah: Eh, di’ papel?
Yuki: Alam ko! Anong magandang balita sa papel na ito?
Larah: Try mo daw basahin. Basahin mo na.
Yuki: Tss... DELA VEGA MANSION.......LOOKING FOR A PART-TIME HOUSEMAID!
WAHHHHH!!!! BEST! LOVE YOU A LOT!

17
Larah: Love you ...Pero best, hindi madali ‘tong papasukin mo....
Yuki: Kung hindi ko ‘to gagawin.......Paano na lang kami? Si tatay walang trabaho. Si nanay maliit
lang ang kita sa paglalabandera. Idagdag mo pa ‘yung spoiled brat na si Sandra! Sa tingin mo?
Maiisip ko pa ang hirap Best?
Larah: Bilib na talaga ako sa iyo best! Ang bait mo! Basta! Tandaan mo.Palagi akong nandito sa tabi mo..
Yuki: Thank you Best! ( sabay yakap)
Yuki at Larah: (nagkaharap) fighting!!! (at nagtawanan)

~ SA LOOB NG BAHAY~
Yuki: Nay! May maganda akong balita !
Sandy: Hoy, ate! Wala ng mas gaganda pa kaysa sa akin no’!! Xander:
Mabuti.... Mabuti.... Mabuti..
Lhoida: Eh.. Anak.. Paano ang pag-aaral mo?
Xander: Kahangalan Lhoida! Aral-aral.. Bakit? Nakakain ka ba sa pag-aaral?
Lhoida: P-pero...
Yuki: Okay lang po nay.. Pagsasabayin ko na lang po.
Lhoida: Anak.....(Nginitian lang ni Yuki ang ina)

~SA MANSION~
+++ Nagtrabaho si Yuki sa bahay ng mga Dela Vega. Palagi naman siyang inaapi ni George++++ ( habang
nagtatrabaho si Yuki)
George: Hoy, Dukha! Ipaghanda mo nga kami ng pagkain. Yuki:
Opo!
Yanna: George! Wag ka ngang ganyan kay Yuki! Ang bastos mo!
George: Bakit ate Yanna? Dukha naman talaga sya ah! I’m just stating the Fact! Yanna: ‘Wag
mo na lng patulan ‘yang baklang yan! Hoy! GREGORIO! HALIKA DITO!
George: Loka ka! Don’t you ever call me with that name! Call me George!

18
Yanna: Ok Gregorio! (lalong nainis si George) (habang gumagawa ng pagkain) Donya Mexy:
Oh! Ija! Mukhang masarap yan ah….
Yuki: Ay! Donya Mexy! Kayo po pala…
Donya: I just want to thank you for being so loyal to us…
Yuki: Wala po ‘yun! Mababait naman ho kayo!
Donya: As a reward …. Here….
Yuki: Cellphone????? Pero Donya…. Hindi ko po ito matatanggap….
Donya: Tanggapin mo ‘yan or sisante ka!
Yuki: S-salamat po….
Donya: Oh! Sige …. Ipagpatuloy mo ‘yang ginagawa mo….. Yuki:
Salamat po ulit….

~AFTER A WHILE~
Yuki: Don Sir Isaac…..Magandang gabi po….
Don: Magandang gabi din…..
Yuki: Sandwich po!
Don: Ay salamat…. Ahmmmm …Yuki!
Yuki: Po!
Don: Tungkol sa Exam …. You got the highest score…. Congratulations!….
Yuki: Salamat po….

~SA KUSINA~
George: So….. You’re seducing my family? ....
Yuki: Hah? Wala akong alam sa sinasabi mo…
George: Liar! Maghanda ka sakin!
Yuki: P-pero….
George: (walk out)

19
~SA BAHAY NINA YUKI~
Yuki: Magandang gabi po….
Xander: Anong maganda sa gabi! Pera! Dali!
Yuki: I-ito po….
Yuki: Magandang gabi ‘nay…
Lhoida: Magandang gabi din….
Sandy: Paypay nay!
Yuki: Ito po nay…. Pinagtabi ko po para sa inyo!
Lhoida: Naku! Sa iyo na ‘yan…
Yuki: Hindi po…. Para sa inyo talag ‘yan….
Lhoida: Salamat dito… Hinahanap ka pala ni Larah….
Yuki: Sige po… Pupuntahan kop o siya…
~LARAH at
YUKI~ Yuki: Best!
Larah: Oh, Best! Kumusta?...
Yuki: Ok lang… pagod…
Larah: Ano ba talaga?
Yuki: Pwede both??? Hahahah .. (usap-usap)
Larah: Sabay tayo bukas!
Yuki: Oh! Sige ba!
Larah: Sige! Kitakits!
Yuki: Bye! (Sabay unat!) Hay… makapagpahinga na nga…
~KINABUKASAN~
Larah: Tara!
Yuki:Tara!
( BOOOGGSSHHH)
Emily: Bulag ba kayo!
Larah: Try ninyo nga magpa-check –up! Hahahah…

20
George: Ang laki ng daan… nabangga ninyo pa kami!
Yuki: Kahit pa isang kilometro pa ang lawak ng daanan at kung pakalat-kalat ang mga salot! Sisikip talaga
‘to! Ang lawak at ang laki kasi ng sungay ninyo….hahahahhahahhah…

~SA KLASE~
Lahat: Good morning Professor Sir Isaac!
Prof: Good morning! Take your sits…. Ok, Listen! Our new topic is all about isip at kilos-loob …..
What these things mean???
Georgio: Matteo do??
Lahat: Hahahahhahahahhahahahhah….
George: So what???? Gwapo naman talaga siya!
Prof: Stop it Gregorio! We are in the class… Itigil mo ‘yang kalandian mo! Kakahiyaan ka! GET
OUT!
Emily: Girl wait!
Larah: Buti nga sa baklitang ‘yan! Blehhhh!:p Yuki:
pfffttt.. tigil mo yan Larah!
George: Humanda ka Yuki! Matitikman mo ang kamandag ng isang dela Vega!
Emily: Tama ka girl! The revenge of the beautiful one….Bwahahahahahha …( evil laugh)

~SA SABUNGAN~
Pare 1: Oh! Pare! Pusta ka???
Xander: Oo naman…
Pare1: Mabuti naman at papusta-pusta ka lang…
Xander: Anong ibig mong sabihin?
Pare 1: Balita sa bayan na inaapi ng mga dela Vega ang anak mo! Hindi mo alam?
~SA BAHAY~
Xander: Lhoida!
Lhoida:Oh, Bakit?

21
Xander: Alam mo bang inaapi ng mga dela Vega ang anak natin?
Lhoida: Ano?! Walang hiyang dela Vega nay an! May tinatago pa lang kademonyohan! Xander:
Susugurin ko mga bwiset nay an!
Lhoida: Sasama ako!
Sandy: Sama din ako Nay….
~SA MANSION~
Larah: Best! Nabalitaan ko na susugod daw ang mga magulang mo dito! Yuki:
Ano?? Bakit??
Larah: Di ko a-…!
George: DUKHA! You freak! Walang hiya ka!( sinabunutan ni George si Yuki) Xander:
Hoy! Itigil nyo yan! ( Sinuntok si George)( dumating ang mga dela Vega) Don: Anong
kaguluhan ‘to?!
Donya: Oh my! SON!
George: M-mommy….
Yanna: George! Ikaw ba ang nagpasimuno ng kaguluhang ito! George:
NO! It’s not me!
Emily: Yah right!
Don: Bakit kayo nandito Xander?
Xander: Nabalitaan naming inaapi daw ninyo ang anak ko! Donya:
Ano? Hindi yan totoo!
Yanna: Totoo po Mommy!
Don: What do you mean?
Yanna: Palagi ko pong naabutan na inaaway ni George si Yuki! Don:
Totoo ba ‘to George?
George: Po?? O-op…….h-h-hin….. (yumuko)
Donya: I can’t believe you did it George!
George: Sorry Mommy….
Yanna: Kay Yuki ka mag-sorry….

22
Xander: Sorry anak… Kung ako sana ang nagtrabaho … Hindi ka na sana naghirap. Patawarin mo ako
anak….
Sandy: Sorry din ate… kung marunong lang sana ako umintindi …di ka sana nasasaktan… Lhoida:
Sorry din anak … di ko naisip na maari kang maghirap… patawarin mo ako..
Yuki: ‘Wag po kayo mag-sorry… wala po kayong kasalanan (Group hug family Lim)
Don: Sorry din Yuki! Naging pabaya kami…. Hindi naming inakala na inaapi ka na pala ni George. Donya:
Sorry din….
George: Sorry …. Naging halimaw ako sa’yo…
Yuki: Sorry din…
Larah at Emily: Sorry…(Group hug)

-Nagagamit ang isip at kalooban ng isang tao sa paggawa ng tama para sa pamilya, kaibigan at sa sarili.-
~WAKAS~

Sagutan ang sumusunod na katanungan:


1. Sino- sino ang mga tauhan? Paano sila nagkakaiba-iba? Ilarawan.
2. Paano nagamit ang isip at kilos-loob sa kuwento? Magbigay ng mga sitwasyon na kung saan ito ay
nagamit at ipinakita.
3. Sa iyong palagay, tama ba ang paggamit nina Gregorio o George, Xander, Sandy, Lhoida, Emily sa
kanilang isip at kilos-loob? Patunayan ang iyong sagot.
4. Sa iyong palagay, sino sa mga tauhan ang gumamit ng tama sa kanilang isip at kilos-loob?
Patunayan.
5. Bakit kaya nagkakataong tama at wasto ang iniisip mong gawin subalit iba ang iyong ginagawa?
Ipaliwanag.
6. Ano ang dapat mong gawin para maituwid ang hindi tamang ginawa?
7. Paano mapapangangatawanang gawin ang mga mabuting bagay na iyong iniisip?

23
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Gamit ang PowerPoint Presentation, ipakikita ng guro ang talahanayang may nakalahad na sitwasyon. Ang
paglalahad ng bagong kasanayan bawat mag-aaral ay magsasagot ng mga sitwasyong ito sa kanya-kanyang notbuk.
#2
Ang sumusunod na sitwasyon ay karaniwang kinakaharap ng isang kabataang katulad mo. Sakaling
mangyari ang parehong sitwasyon sa iyo, paano mo ito haharapin? Itala ang sariling isip at kilos-loob sa
ibinigay na sitwasyon. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist
Approach)
Sitwasyon Sariling isip at kilos-loob
1. Sinabi ng iyong kaibigan sa iyo na 1.
hindi siya papasok sa paaralan ng
tanghali dahil gusto nitong mag
computer at hindi ito alam ng
kanyang magulang.
2. Nagpasya kang manood ng tv kagabi 2.
dahil doon hindi ka nakapag-review.
Kinabukasan, nagbigay ng pagsusulit
ang iyong guro at sinabihan ka ng iyong
matalik na kaibigan na komopya sa
kanya dahil magkaibigan naman daw
kayo at
nakapag-review siya.
3. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili ng 3.
suka sa tindahan. Hindi napansin ng
nanay mo na napasama sa perang Php 20
ang Php 500 nito. Noong panahong iyon
ay gusto mong sumama sa outing ngunit
wala
kang pera at ayaw ng iyong nanay

24
na bigyan ka ng pera.

F. Paglinang sa Kabihasahan Think-Pair-Share: Humanap ng kapwa mag-aaral o kaibigang pagbabahagihan ng iyong ginawa. Tatawag
(Tungo sa Formative ang guro ng ilang magkapareha upang magbahagi sa klase. Sagutan ang katanungan.
Assessment)
Paano mo nagagamit ang iyong isip at kilos-loob sa mga sitwasyong ibinigay?
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Collaborative Approach)

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Ang guro ay magbibigay ng mga sitwasyon. Pipili ng isa sa mga sitwasyon ang tatawaging mag- aaral at
araw-araw na buhay ipaliliwanag ang sariling pagpapasya. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Mga
sitwasyon:
1. May nakita kang nagtapon ng basura sa hindi dapat na lugar. Pero takot kang pagsabihan ito dahil mas
matanda ito sa iyo. Ano ang iisipin mo at gagawin mo?
2. Nakita mong binu-bully ng iyong kaklase ang isa mo pang kaklase. Ngunit ang iyong kaklase na
binu-bully ay siyang nang-bully sa iyo noon. Ano ang iisipin mo at gagawin?
3. Dahil sa mahaba ang pila sa cashier ng school, sinabihan ka ng kapatid mong panganay na sumingit
sa pila para makaagap kayo ng uwi. Ano ang iisipin at gagawin mo?
4. Napansin mong may kodigo ang iyong kaklase habang nagsasagot kayo ng inyong pagsusulit.
Lumapit siya sa iyo at sinabing pakokopyahin ka na lang niya para hindi ka magsumbong.
Ano ang iisipin at gagawin mo?
5. Pinagalitan ka ng iyong ina sa hindi mo paggawa sa inutos niyang gawaing bahay dahil
maghapon kang naglalaro sa labas. Ano ang iisipin mo at gagawin?
6. Habang kumakain ka nang masarap mong meryenda sa silid –aralan, nakita mo ang iyong
kinaiinisang kaklase na hindi kumakain dahil wala pala itong baon. Ano iisipin mo at gagawin?

H. Paglalahat sa aralin Ang iniisip at sinasabi ay dapat magkatugma bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang
tama kahit pa alam niya ito. May kakayahan pa rin ang taong mag-isip ng paraan upang
sanayin, baguhin, paunlarin at gawing ganap ang layunin at tunguhin ng isip at kilos-loob nito.
25
I. Pagtataya ng aralin Pangkatin ang klase sa (6) anim at magtalaga sa bawat pangkat ng kaukulang sitwasyong (gamit ang
sitwasyon sa paglalapat sa aralin…) kanilang isasadula na nangangailangan ng pagpapasya gamit ang isip
at kilos-loob. Gamiting gabay sa pagsasadula ang sumusunod na kraytirya. (gawin sa loob ng 10
minuto)(Collaborative Approach)
Kraytirya:
a. Husay ng pagganap- 40%
b. Kooperasyon at Disiplina- 30%
c. Pagkamalikhain (Props, Kasuotan)-30%

Kabuuan 100%

J. Karagdagang gawain para sa Sumulat ng isang pangyayari o karanasan sa iyong buhay na kung saan nagamit mo nang lubos ang iyong
takdang-aralin at remediation isip at kilos-loob. Ilahad kung paano mo ito nagawa at isulat ang sagot sa iyong notbuk. Humanda sa
pagbabahagi sa klase.
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha


ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

26
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

27
DAILYLESSONLOG Paaralan Baitang/ Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ikalawa
IKATLONG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isip at kilos-loob.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng angkop na pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos- loob.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang kanyang mga
Isulat ang code ng bawat pagpapasya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan. EsP7PSIb-5.3
kasanayan 2. Nasusuri ang pagiging bukod-tangi ng tao sa pamamagitan ng presentasyon ng bawat grupo.
3. Nailalahad ang mga sariling ideya at opinyon ukol sa pagiging bukod- tangi ng tao dahil sa
kanyang tinataglay na isip at kilos-loob.

II. Nilalaman Modyul 5: Isip at Kilos-loob


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 58-60


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 126-131


Pang-Mag-aaral

28
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang LCD projector, laptop ,Powerpoint Presentation, notbuk, ballpen
Panturo
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Balikan ang nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagtawag sa tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang
aralin at pagsisimula ng ginawang takdang –aralin. Ibahagi ito sa klase. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
bagong aralin. Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang kanyang mga
pagpapasya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan.
2. Nasusuri ang pagiging bukod-tangi ng tao sa pamamagitan ng presentasyon ng bawat grupo.
3. Nailalahad ang mga sariling ideya at opinyon ukol sa pagiging bukod- tangi ng tao dahil sa
kanyang tinataglay na isip at kilos-loob.

B. BRAINTEASER: Sagutin ang Brainteasers na ipakikita ng guro sa pamamagitan ng PowerPoint


Presentation. (gawin sa loob ng 5minuto) (Integrative Approach)
How many ‘f’s? Finished files are the
FINE POINT result of years of scientific HEAD
It is easy to miss the finer study combined with the _ _ R E A D
points in life. Folks are experience of years.
HEELS
frequently guilty of falling
into this trap.

29
W
O
BELT
W O R D S
D
NO HITTING
S

Sagot:
1. 8 f’s
2. 6 f’s
3. Head over Heels
4. Read Between the Lines
5. No hitting below the belt
6. Cross words
C. Pagkatapos masagutan ang brainteaser, sagutan ang sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)
1. Ano-ano ang iyong ginamit sa pagsagot ng mga teaser na ito?
2. Paano mo ginamit ang iyong isip, puso at kamay at katawan para masagutan mo ang mga ito?

C. Pag-uugnay ng mga Basahin ang tekstong “Tao: Ang Natatanging Nilikha” na nasa Learner’s Module. Pagkatapos basahin,
halimbawa sa bagong papangkatin ang klase sa apat at bumuo ng presentasyon ng paksang tatalakayin at humanda sa pagbabahagi.
aralin (gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)

Pangkat 1: Tao: Natatanging nilalang


Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo: ang halaman, ang hayop at ang tao.
Katulad sa halaman, ang tao ay nangangailangang alagaan upang lumaki, kumilos at

30
dumami. Kumukuha siya ng sapat na sustansya upang makaya niyang suportahan ang sarili. Katulad sa hayop
ang tao ay may damdamin kaya’t siya’y nasasaktan, marahil dahil sa kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot
siya sa kalamidad o sa epekto ng pangyayari na hindi
inaasahan. Nagagalit siya kapag pinakitunguhan nang hindi tama subalit kumakalma sa tuwing pinakitaan ng
pagkalinga. Subalit higit pa sa mga ito ang kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa “wangis
ng Diyos”, kaya nga ang tao ay tinatawag na kanyang obra maestra.

Pangkat 2: Ang Tao ay may Tatlong Mahahalagang Sangkap.


Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya.
Ang mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay lamang ng tao na
nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong
mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o katawan.
 Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may
kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, magalaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan
(intellectual consciousness), konsensya (conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual
memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
 Puso. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sabuong pagkatao ng tao. Nakararamdam
ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa
puso hinuhubog ang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago.
 Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw,
paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng
isang kilos o gawa. Hindi sapat na naiisa-isa ng tao ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, ang
mahalaga ay maunawaan niya kung anu-ano ang gamit ng
mga ito. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang
nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita

31
ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipag-uganayan sa ating
kapwa.

Pangkat 3: Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob.


Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya nang malaya. Ang
kapangyarihan niyang mangatuwiran ay tinatawag na isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at
isakatuparan ang pinili ay tinatawag na kilos-loob. Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng
katotohanan; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa
kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi nagtatapos; ang katotohanan ang
tunguhin ng isip. Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sapaglalarawan ni Santo Tomas de Aquino ay
isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na naaakit sa
mabuti at lumalayo sa masama.
Kung kaya’t ang tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan;
hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama. Nagaganap lamang ang pagpili sa masama
kung ito ay nababalot ng kabutihan at nagmumukhang mabuti at kaakit-akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa
ibinibigay na impormasyon ng isip. Naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin
o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan. Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan
sa tao na gumawa at pumili, kung kaya’t ang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos. Sa
pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti. Ngunit hindi lahat ng mabuti ay
magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao ang pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti
upang ito ang kanyang piliing gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang
sanayin at linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin. Kung hindi, magagamit
ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa pagkamit ng kaganapan ng tao.

Pangkat 4: Ang Bawat Tao ay May Tungkuling Sanayin, Paunlarin at Gawing Ganap ang Isip at
Kilos-Loob.

32
Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang
isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na layunin kung
bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Inaasahang magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at
kilos-loob. Habang marami siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral
o pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang paggamit ng mga
ito. Sa gayon, higit siyang magiging mabuting nilalang na may mabuting kilos-loob. Ang katalinuhan ay
hindi nasusukat sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan, kundi kung paano ginagamit ang kaalaman
upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglingkod sa kapwa at pakikibahagi o
paglilingkod sa pamayanan. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon
sa kanyang kalikasan ang magpakatao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at
karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng
pagkatao.
Source: EsP 7 Learner’s Module p. 126-129

D. Pagtalakay ng bagong Matapos magbahagi ang lahat ng grupo, sagutan ang mga katanungan na batay sa tekstong tinalakay. (gawin sa
konsepto at paglalahad ng loob ng 5 minuto) (CollaborativeApproach)
bagong kasanayan #1 1. Sa anong aspekto naiiba ang tao sa iba pang nilalang?
2. Bakit sinasabi na ang tao ay kahawig ng Diyos?
3. Ano-anong mga katangiang taglay ng tao sa pagiging bukod-tanging nilalang?
4. Paano mo malalaman kung ginagamit mo ng tama ang iyong isip at kilos-loob?

E. Pagtalakay ng bagong Gamit ang mga konsepto sa binasa at tinalakay ng bawat pangkat, punan ang Graphic organizer ng mga
konsepto at paglalahad ng konseptong akma sa bawat patlang. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
bagong kasanayan #2

33
Ang tao ay na nilalang dahil siya ay
may:

Isip na . Kilos -loob na .

Ang gamit ng isip Ang gamit ng kilos- ay


. loob ay .

Ang tunguhin ng isip Ang tunguhin ng


ay . kilos-loob

Kaya, nararapat na , at
ang isip at kilos-loob upang mabigyan ng
halaga ang kakayahang ito ng tao.

F. Paglinang sa Kabihasahan Pagkatapos sagutan ang Graphic organizer, sagutan ang sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)

34
(Tungo sa Formative 1. Paano naipakikita ang kahalagahan ng gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-araw- araw na
Assessment) kilos?
2. Ano ang inaasahang dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikhang may isip at kilos-loob?

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na magbahagi ng sariling karanasang nagpapakita at nagpapatunay sa
araw-araw na buhay katagang “Tao ay bukod-tanging nilalang ng diyos”. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)

H. Paglalahat sa aralin Sadyang natatangi ang tao dahil sa kanyang isip at kilos-loob na taglay. Hindi tayo magiging makatao
kapag hindi natin ginamit sa tama ang kakayahang ito. Malaking gampanin ang kumilos tayo
nang tama bilang isang taong mapanagutan sa paggamit ng isip at malayang kilos -loob

I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng sanaysay na binubuo ng lima o higit pang pangungusap na nagpapaliwanag ng tamang paggamit
ng isip at kilos-loob sa pamamagitan ng tatlong mahahalagang sangkap: Isip, Puso at Kamay o katawan. Isulat ito
sa isang buong papel. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach) Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%

Kabuuan 100%

J. Karagdagang gawain para sa Pumili ng isa sa sumusunod na gawain bilang takdang-aralin. Isulat ito sa iyong notbuk at humanda para sa
takdang-aralin at pagbabahagi.
remediation 1. Magsaliksik ukol sa katangian at kakayahan ng tao bilang bukod-tanging nilalang at bumuo ng
repleksyon ukol dito.
2. Sumulat ng isang kuwento na nagpapakita ng tamang paggamit ng tao sa isip at kilos-loob.

35
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa

36
tulong ng aking punungguro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

37
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo Petsa/Oras Markahan Ikalawa
IKAAPAT NA ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isip at kilos-loob.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng angkop na pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos- loob.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at
Isulat ang code ng bawat kilos-loob. EsP7PSIb-5.4
kasanayan 2. Nakabubuo ng mga hakbangin o paraan para malinang ang paggamit ng tama ng isip at kilos- loob at
pagpapaunlad nito sa pamamagitan ng paggawa ng bookmark.
3. Napahahalagahan ang paggamit ng tama at tugmang isip at kilos-loob sa pamamagitan ng
pagsasabuhay nito .

II. Nilalaman Modyul 5: Isip at Kilos-loob


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 60-62


Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag- Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 132-136
aaral

38
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Powerpoint Presentation, ballpen, notbuk, LCD Projector, Laptop, Art materials
Panturo
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Tatawag ang guro ng apat na mag-aaral para sagutan ang mga katanungan. (gawin sa loob ng 5 minuto)
aralin at pagsisimula ng (Reflective Approach)
bagong aralin. 1. Ano-ano ang mahahalagang sangkap sa pagiging bukod-tangi ng tao?
2. Ano ang gamit ng isip at kilos-loob?
3. Bakit dapat gamitin natin ang ating isi at kilos-loob sa katotohanan at kabutihan?
4. Paano natin mabibigyang halaga ang kakayahan ng isip at kilos-loob na mayroon tayong mga tao?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at
kilos-loob.
2. Nakabubuo ng mga hakbangin o paraan para malinang ang paggamit ng tama ng isip at kilos- loob at
pagpapaunlad nito sa pamamagitan ng paggawa ng bookmark.
3. Napahahalagahan ang paggamit ng tama at tugmang isip at kilos-loob sa pamamagitan ng
pagsasabuhay nito.
B. Suriin ang tungkulin mo bilang mag-aaral/kapatid/anak/kapwa at higit sa lahat bilang tao.
Ipakikita at ipababasa ito ng guro sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng PowerPoint

39
Presentation. Sa notbuk, gumuhit ng tatlong kolum, ang una para sa kolum ng “ALAM KO”, ang ikalawa
ay para sa kolum ng “GINAGAWA KO” at ang huli ay para sa kolum ng “KATUWIRAN/
PALIWANAG”. Lagyan ng tsek (/) kung alam mo at ginagawa mo at ekis (x) kung hindi para sa una at
ikalawang kolum at pangatwiranan o ipaliwanag ang iyong sagot sa pangatlong kolum.Sagutan ang mga
katanungan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

ALAM KO GINAGAWA KO KATUWIRAN/PALIWANAG

1. Pagtulong sa gawaing bahay.


2. Pag-aaral ng mabuti.
3. Pagiging magalang, mabuti at matapat sa lahat ng oras.
4. Pagiging responsable sa pag-aalaga ng kapatid.
5. Pag-iingat sa mga bagay sa paaralan, bahay at sa iba pang lugar.

1. Batay sa resulta ng iyong ginawa, nagagampanan mo ba ang iyong mga tungkulin bilang tao?
2. May sagot ka bang hindi magkatugma sa alam mo at ginagawa mo? Kung mayroon o wala, maari
mo bang ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, dapat bang magkatugma ang alam mo sa ginagawa mo? Ibigay ang sariling
pagkaunawa.

Suriin ang iyong sarili kung nagagamit mo nang tama ang iyong isip at kilos-loob batay sa mga tungkuling
nakaatang sa iyo.Bilang isang kabataan, isulat mo ang mga alam mong tungkulin mo sa
40
C. Pag-uugnay ng mga pamamagitan ng Talahanayang ipakikita ng iyong guro. Pagkatapos sagutan ang natitirang kolum sa
halimbawa sa bagong pamamagitan ng paglagay ng (/) tsek at (x) kung hindi sa katapat na kolum at ibigay ang iyong natuklasan.
aralin Humanap ng kapareha at ibahagi ang iyong sagot at pakinggan ang feedback ng iyong kapareha sa iyong
gawa. Maaari mo rin itong itala kung nais mo. Humanda para sa pagbabahagi.
(gawin sa loob ng 5minuto)(Reflective Approach)
Tungkulin Alam ko Ginagawa Ko Natuklasan ko

D. Pagtalakay ng bagong Sumulat ng isang pagninilay tungkol sa natuklasan mo sa paggamit mo ng iyong isip at kilos-loob,
konsepto at paglalahad ng nagtugma ba ang dalawang ito? (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective approach)
bagong kasanayan #1 1. Ano-ano ang natuklasan ko sa paggamit ko ng aking isip at kilos-loob?
2. Magkatugma ba ang aking alam sa aking ginagawa?

E. Pagtalakay ng bagong Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng isinulat na pagninilay at pagkatapos ay sagutan ang
konsepto at paglalahad ng sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
bagong kasanayan #2 1. Bakit dapat maging tama, mabuti at nakabatay sa katotohanan ang isip at kilos ng tao?
2. Paano magiging tugma ang iyong isip at kilos-loob?

F. Paglinang sa Kabihasahan Magtala ng limang tungkuling nais mong isakatuparan upang maging tugma ang alam ng isip sa ginagawa ng
(Tungo sa Formative kilos-loob. Tukuyin din ang paraan o hakbang na iyong gagawin. Sa tapat ng bawat paraan ay maglagay ng
Assessment) pitong kolum na kakatawan sa pitong araw na mayroon sa isang linggo. Lagyan ng tsek () ang kolum kung
naisagawa sa naturang araw ang pamamaraan na naitala at ekis (x) kung hindi. Gamitin mong gabay ang
halimbawa sa ibaba. Itala ang mga palalaguin. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

41
Tungkulin na nais Paraan o ARAW
isakatuparan Hakbang na

Linggo
Miyerkules
Lunes

Martes

Biyernes
Huwebes

Sabado
upang maging Gagawin
tugma ang alam
ng isip sa
ginagawa ng kilos-loob
Pumili ng a. Suriin ang
musikang liriko ng
pakikinggan. awitin.
b. Maging
sensitibo sa
idinudulot na
epekto nito
sa
akin.

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Gumawa ng isang bookmark para sa sariling pamamaraan/ hakbangin para maitama/ maging tama, at
araw-araw na buhay magtugma ang iyong sariling isip at kilos-loob. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist
Approach)

H. Paglalahat sa aralin Hindi sapat na may isip at pumipili ng bagay na dapat gawin ang tao. Mahalagang hinahanap ang
katotohanan at ginagawa ang kabutihan. Hindi madali ang prosesong ito. Sa pagsisikap nating gawin ang tama,
walang madaling paraan sa paggawa nito ngunit bilang tao, dapat lagi nating isabuhay ang tama, katotohan,
kabutihan sa isip at gawa para maging ganap ang pagiging mabuting
nilalang.

I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng islogan na binubuo ng sampu hanggang labinlimang salita tungkol sa kahalagahan, pagtatama at
pagtutugma ng isip at kilos-loob. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)

42
Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%

Kabuuan 100%

J. Karagdagang gawain para sa Humanda para sa isang pagsusulit.


takdang-aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

43
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliraninang aking


naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko
guro?

44

You might also like