You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Mindoro State College of Agriculture and Technology


Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

MasusingBanghay-Aralinsa ESP 7
Biyernes, Nobyembre 23, 2018
1:00-2:00 at 3:00-4:00n.h.

I. Layunin

Sa pagtataposngaralin, angmga mag-aaral ay inaasahang:


a. naiisa-isa at napaliliwanag ang mga panlabas na salik na nakakaimpluwensya sa isang kilos
tungo sa paghubog ng pagpapahalaga;
b. nakapagsasadula ng iba’t ibang sitwasyon tungkol sa mga salik na
nakakaimpluwensya sa pagkilos ng tao; at
c. naiuugnay ang mga panlabas na salik na nakakaimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng sariling karanasan.

II. Paksang-Aralin

a) Paksa: Panlabas na Salik na Nakakaimpluwensya sa Paghubog ng Pagpapahalaga


b) KagamitangPampagtuturo: pantulong-biswal, pisara, aklat
c) Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 7, pahina 57-73

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang-araw-araw na Gawain
a) Panalangin
Magsitayo ang lahat. _________
(pupunta sa unahan ang mag-aaral na tinawag)
pangunahan mo ang panalangin sa hapong ito.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Santo…….. Amen.

b) Pagbati

Magandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon din po!

c) Pagsasaayos ng Klase

Bago kayo magsiupo ay pulutin muna ang


kalat sa ilalim ng upuan at mangyari
lamang na pakiayos ng inyong mga upuan. (lilimutin ang mga kalat at isasaayos ang mga
upuan)
Maaari na kayong umupo ng tahimik. (uupo ng tahimik)
d) Pag-alam sa Liban
Mayroon bang liban sa araw na ito? Wala po!
Mabuti!

e) Pagwawasto ng Takdang-Aralin
Noong huli nating pagkikita ay hindi
ko kayo binigyan ng takdang aralin

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

kaya tayo ay magpapatuloy.

f) Pagbabalik-Aral
Noong nakaraan ay tinalakay ang moral na
birtud. At ang moral na birtud ay may
kinlaman sa pag-uugali ng tao. Ano-ano (Magtataasan ng kamay)
ang iba’t ibang moral na birtud? Magbigay
ng isa. Karunungan po!
Pagtitimpi po!
Ano pa ?
Oo tama, ano pa bukod sa karunungan at Katatagan po!
pagtitimpi?
Magaling! Batid kong natuto kayo sa
nakaraang aralin.

B. Pagganyak/Motibasyon
Bago natin bagtasin ang ating aralin sa
hapong ito ay magkakaroon muna tayo ng (Bibilang ang mga mag-aaral ng isa hanggang apat)
pangkatang gawain. Papangkatin ko kayo
sa tatlo. Bumilang ng isa hanggang tatlo. 1,2,3,….

(Matapos ang pagbibilang)


(pupunta sa kani-kanilang pangkat)
Pumunta na kayo sa inyong pangkat.

Narito ang panuto para sa ating gawain.  Mayroong nakahandang sobre na nakatago
Pakibasa _______________. sa loob ng silid-aralan na ito. Maaaring
nasa pader o sa ilalim ng upuan.
 Kailangan na makakita ang bawat pangkat
ng tig-dadalawang sobre.
 Sa loob ng sobre ay nakapaloob ang gupit-
gupit na larawan.
 Kapag ang lahat ng pangkat ay mayroon ng
dalawang sobre, kailangang mabuo ang
mga larawan sa loob lamang ng limang
minuto.
Malinaw ba ang gagawin?

Opo!
Wala na bang katanungan?

Wala na po!
Kung wala na, ay umpisahan na ang
paghahanap ng sobre!
(Maghahanap ng sobre)

Mayroon na ba ang lahat ng pangkat ng


dalawang sobre?
Mayroon na po!
Kung gayon ay simulan na ang pagbuo sa
mga larawan. Ang oras nyo ay mag-
(bubuin ang mga larawang nakuha sa sobre)
uumpisa na.

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

Ang pangkat na makakatapos sa pagbuo ay


sisigaw ng ahoo! Ahoo! bilang tanda na
Opo! Ahooo! Ahooo!
sila ay tapos na.

(Ididikit na sa pisara ang mga larawan)


Maaari nyo nang idikit sa pisara ang mga
larawang inyong nabuo.

C. Paglalahad
Mahusay! Ang inyong pinakita at batid
kong nasiyahan kayo sa ating ginawa.
Ano ang inyong naramdaman matapos ang Nasiyahan po, ang saya pong maghanap ng mag
aktibiti natin? sobre at magbuo ng ginupit-gupit na larawan.

Ayan, maging ako ay nasiyahan rin.


Bago tayo magpatuloy sa ating pagtalakay
ay narito muna ang dapat ninyong makamit
sa pagtatapos ng ating talakayan.

(ipapakita ang layunin at tatawag ng mag-


aaral upang basahin ang mga layunin)
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
Pakibasa ng ating layunin. inaasahang:
a. Naiisa-isa at napaliliwanag ang mga
panlabas na salik na nakakaimpluwensya
sa isang kilos tungo sa paghubog ng
pagpapahalaga;
b. Nakapagsasadula ng iba’t ibang
sitwasyon tungkol sa iba’t ibang salik na
nakakaimpluwensya sa pagkilos ng tao; at
c. Naiuugnay ang mga panlabas na salik na
nakakaimpluwensya sa paghubog ng
pagpapahalaga sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng sariling karanasan.

Maraming salamat, iyan ang mga layunin


na nais kong makamit ninyo sa pagtatapos
ng ating aralin.
Ito po ay mga salitang naglalarawan.
D. Pagtalakay
Noong nakaraan ay tinalakay ang moral na
birtud. Ngayon naman ay dadako tayo sa
panlabas na salik na nakakaimpluwensya
sa paghubog ng pagpapahalaga. Para sa
ating masiglang pagtalakay ay
magkakaroon muli tayo ng pagkatang
gawain.bumalik kayo sa inyong mga (Babalik sa kanlang pangkat)
pangkat kanina.

Mayroon akong inihandang larawan dito,


Minions, Pikachu at Stitch. Sa likod nito ay
may mga nakatagong papel na naglalaman

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

ng inyong gagawin. Isusulat sa ibibigay


kong manila paper ang mga ideya na
inyong nabuo base sa pagkakaunawa nyo
sa mga paksang inyong makukuha.
Matapos na isulat ay pipili kayo ng isang Opo!
kinatawan para magpaliwanag sa unahan.
Maliwanag ba ng gagawin?
Wala na po!
Wala na bang katanungan?
(Pipili sa mga karakter)
Kung wala na ay pumili na kayo ng inyong
karakter
(Uumpisahan na ang gawain)
Umpisahan na ang gawain.

Tapos na baa ng lahat? Opo! Tapos na po!


Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa anak- hindi
Pangkat isa, maaari nyo nang ipresenta ang lamang itinuturing na pundasyon ng lipunan kundi
inyong ginawa. pundasyon ng pagkatao ng isang indibidwal.
Guro at Tagapagturo ng Relihiyon- siya ang
makatutulong sa isang bata upang mas mapalawak
ang kanyang isip at maunawaan ang kaniyang
kakayahang makalap ng karunungan, upang
magamit ito para lamang sa katotohanan at
kabutihan.

Magaling! Ang susunod na pangkat naman. Mga Kapwa Kabataan- dahil sa dumadaan ang
Making ang lahat. isang kabataang katulad mo sa yugtong emosyonal
at panlipunang pagbabago, nagiging masidhi ang
inyong pagnanais na taggapin ka lalo na ng iyong
kapwa kabataan.
Pamana ng Kultura at Impluwensya ng Kapaligiran
o lipunan- kailangang isaisip na ang tunay na
kahalagahan ng pamana ng kultura ay ang
pagkakaroon ng mataas na antas panlipunang
pagbabago na nakamit dahil sa paghubog ng
kaisipan upang humanap ng karunungan at
katotohanan at sa pagsasanay ng kilos-loob na
piliin ang mabuti, isabuhay ang birtud at iangat ang
batas moral.
(Magbibigay ang mga mag-aaral ng halimbawa ng
Mahusay ang inyong paliwanag. Ngayon maylapi)
naman ay pakinggan natin ang ikatlong
pangkat
Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan – isa sa
pangunahing karapatan ng tao ay ang matugunan
ang kaniyang mga pangangailangan. Kailangan nya
ng sapat na nutrisyon, damit, matitirhan, gamut,
pahinga at iba pa. ito ay may kaugnayan sa
impluwensya ng kapaligiran.
Medya- hindi naman maisasantabi ang magandang
dulot nito para sa tao, sa mabils na uri ng buhay.
Mahalagang ang tao ay nakakaalam. Ngunit sa
kabilang bahagi ng kagandahan nito ay ang

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

panganib na nakakaimpluwensya sa isang bata lalo


na yaong mga iresponsableng naipahayag ng
medya.

1,2,3,1,2,3 Hoooooo Yessssss!


Magaling ang inyong ginawa. Bigyan nyo
ang bawat isa ng hooooo yesssss clap.

E. Paglalahat
Ano nga muli ang anim na salik na (Magtataasan ng kamay)
nakakaimpluwensya sa paghubog ng Ang anim na salik na nakakaimpluwensya sa
pagpapahalaga? paghubog ng pagpapahalaga ay ang
1. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa anak
2. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
3. Mga Kapwa Kabataan
4. Pamana ng Kultura at Impluwensya ng
Kapaligiran o lipunan
5. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan
6. Medya

Mahusay! Patunay lamang iyan na kayo ay


nakikinig nang maayos sa ating talakayan.

F. Paglalapat
Ngayon ay magkakaroon muli tayo ng
pangkatang gawain. Bumalik sa dating
grupo. Sa pagkakataong ito ay
magkakaroon naman tayo ng maikling
dula-dulaan na nagpapakita ng iba’t ibang
sitwasyon patungkol sa iba’t ibang salik na
nakakaimpluwensya sa pagkilos ng tao.
Pumili ng isang kinatawan bawat pangkat
upang bunutin ang salik na kanilang
itatanghal. Bibigyan ko lamang ng pitong
minuto para maghanda. At para sa
pagmamarka, narito ang krayterya.

Pamantayan sa Pagmamarka
Presentasyon 15
Nilalaman 15
Disiplina sa Paghahanda 5
Pagpapahalaga sa Oras 5
Kooperasyon ng Miyembro 5
KABUUAN 45 puntos
Opo!

Malinaw ba ng gagawin?

Kung wala na ay magsimula na kayo.


Maaring magtanong sa akin kung mayroon
mang hindi malinaw.

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

Wala na bang katanungan tungkol sa ating


tinalakay ngayong araw? Wala na po!

Para patunayan kung talagang kayo ay


natuto ay magkakaroon tayo ng pagsusulit.

VI.Ebalwasyon
Mayroon akong ibibigay sa inyo. Sagutan
ng maayos ayon sa hinihingi ng bawat
bilang at piliin lamang ang titik ng tamang
sagot na nasa itaas ng sagutang papel.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak


B. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
C. Mga Kapwa Kabataan
D. Pamana ng Kultura at Impluwensya ng
Kapaligiran at Lipunan
E. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan
F. Medya

_______1. Ang pamilya ay hindi lamang


itinuturing na pundasyon ng lipunan kundi A
pundasyon ng pagkatao ng isang
indibidwal.
_______2. Isa sa may pinakamalakas na F
imluwensya sa isang kabataan.
_______3.Dahil sa mga pagbabagong dulot
ng modernong panahon, may ilan na
nakakalimutan ang moral na pamantayan.
D
_______4. Karapatan ng tao na matugunan
ang kaniyang pangunahing
pangangailangan. E
_______5.Makatutulong sa bata upang mas
mapalawak ang karunungan upang
magamit ito sa katotohanan at kabutihan. B
_______6. Nakatutulong upang mas
mapataas ang iyong tiwala at
pagpapahalaga sa iyong sarili. C
_______7. Kailangan na maging maingat at
metatag ka na labanan ang masamang
impluwensya dulot ng kapwa mo kabataan. C
_______8. Pangmatagalan ang
impluwensya sa isang bata na mahalin ang
katotohanan at isabuhay ang mga
pagpapahalaga ng isang gurong nagtuturo
at nagsasabuhay ng magandang
halimbawa. B
_______9. Labis na kahirapan at
karangyaan.
_______10. Sila ang nagsisilbing guro sa E
ating tahanan.

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

A
Tapos na bang magsagot lahat? Ngayon ay
sasagutan na natin.

V. Pagpapahalaga
Matapos nating mapag-aralan ang mga
salik. Ano ang epekto nito sa iyong sarili?
Sino ang maaaring magbahagi?
(Magbabahagi ng sariling karanasan)
Ano ang maaari nyong gawin upang
magkaroon ng mabuting pasya at kilos sa
gitna ng nagtutunggaliang mga salik?
Dapat po ay maging mapanuri at matalino sa
pagpili. Kailangan pong pag-isipang mabuti at
manindigan po sa pasya at kilos.
Mahusay! Batid ko na talagang naunawaan
ninyo ang kahalagahan na malaman ang
panlabas na salik na nakakaimpluwensya
sa paghubog ng pagpapahalaga.

VI. Kasunduan
Magsulat ng maikling sanaysay tungkol sa
inyong pangarap na ng dalawang talata na
may tig-lilimang pangungusap lamang.
Isulat sa isang buong papel. Malinaw baa
ng takdang-aralin? Opo!

Kung gayon, Maraming salamat at paalam


na sa inyong lahat! Salamat po at paalam na rin po!

Inihanda ni:

JIZZA S. MACAGALING
Gurong Nagsasanay
Tinala ni:

G. CHRISTIAN PANALIGAN
Gurong Tagapamatnubay

Bb. JOAN F. POLITICO


STS, Filipino

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence

You might also like