You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

MINDORO STATE COLLEGE OF AGRICULTURE AND TECHNOLOGY


Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Masusing banghay-arali sa Filipino 7


Nobyembre 26, 2018, 1:00-2:00 ng hapon
Pagbabagong Morpoponemiko

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakikilala ang iba’t ibang uri ng pagbabagong morpoponemiko
b. naipaliliwanag ang pagkakaiba ng mga uri ng pagbabagong morpoponemiko;
c. nakapagbibigay halimbawa sa bawat uri ng pagbabagong morpoponemiko;
d. nakilalahok ng may kasiglahan sa mga at talakayan at gawain.

II. Paksang – aralin


Paksa : Pagbabagon Morpoponemiko (Wika)
Sanggunian : Gabay sa Guro Baitang 7 Ikatlong Markhan
Pahina : 70-71
Awtor : Rowena del Castillo et, al.
Kagamitan : Laptop, Powerpoint Presentation, Marker, Manila paper,
Cartolina, Pentelpen, Yeso

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing mag-aaral


A. Pang-araw-araw na gawain
a. Panalangin
Magsitayo ang lahat!
Mary Ann, pakipangunahan ng
panalangin sa araw na ito.
(Magsisistayo ang mga mag-aaral)
Panginoon maraming salamat po sa
araw na ito. Nawa’y ingatan nyo po
kami kasama ng aming mga mahal sa
buhay na naiwan sa aming mga
tahanan. Ito po ang aming samo’t
dalangin sa pangalan ni Hesus . AMEN!
b. Pagbati
Magandang hapon sa inyong lahat!
Magandang hapon din po Sir Castillo!

c. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsiupo pakipulot ng mga
kalat at basurang nakikita nyo sa
inyong paligid at pakiayos din ng linya
ng inyong mga upuan.
(pupulutin ang mga kalat at aayusin
ang linya ng upuan.)
d. Pag-alam sa liban
Sino ang liban sa araw na ito? Meron
ba? Sir wala po!

e. Pagwawasto ng takdang aralin


Pakipasa ng inyong mga takdang aralin (ipapasa ng mga mag-aaral ang
Republic of the Philippines
MINDORO STATE COLLEGE OF AGRICULTURE AND TECHNOLOGY
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Masusing banghay-arali sa Filipino 7


at akin itong mamarkahan. kanilang mga takdang aralin)

f. Pagbabalik- aral
Marlyn Anne ano ang iyong
natatandaan sa nakaraang aralin
natin?
Sir, ang atin pong pinag-aralan kahapon
ay patungkol sa pokus ng pandiwa.

Magaling!

Ano naman ang inyong natatandaan?


Maaari mo bang ibigay at isa-isahin
ang mga pokus ng pandiwa?

Sir, sir may 7 pokus po ng pandiwa. Ito


ay ang Layon, Kagamitan, Ganap,
Direksyunal, Tagatanggap, Sanhi,
Tagaganap.
Napakahusay!

Fiona, ano pa ang iyong natatandaan


sa nakaraan nating pinag-aralan? Sir natatandaan ko rin po ay ang
pandiwa po ay salitang nagsasaad ng
kilos sa isang pangungusap. At base po
sa pandiwang ginamit duon po natin
mauri ang mga pokus ng pandiwa.
Mahusay!
Lubos nga ninyong nauunawaan ang
ating napag-aralan.

B. Pagganyak
Magkakaroon tayo ng isang gawain na
tatawagin natin BUUAN NA!. Ipapangkat
ko kayo sa 6 na grupo. Bibigyan ko kayo ng
isang lobo bawat pangkat at sa loob nito
ay may lamang letra na kinakailangan
ninyong mabuo sa loob ng 5 minuto. Ang
unang pangkat na makatatapos sa gawain
ay ang siyang panalo. Maliwanag ba ang
aking tinuran. Opo sir!

(Bubuuin ang mga sumusunod:


1. ASIMILASYON
2. PAGPAPALIT PONEMA
3. METATESIS
4. PAGKAKALTAS NG PONEMA
5. PAGLILIPAT DIIN
6. REDUPLIKASYON
C. Paglalahad
Batay sa ating gawain ano kaya ang inyong
napansin Mary Ann? Sir, Napansin ko po na ang aming mga
nabuong letra ay may kinalaman sa
Pagbabagong Morpoponemiko.
Republic of the Philippines
MINDORO STATE COLLEGE OF AGRICULTURE AND TECHNOLOGY
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Masusing banghay-arali sa Filipino 7

Mahusay!

Pero bago natin talakayin ang susunod


nating paksa ay alamin muna natin ang Layunin
ating layunin sa araw na ito. Fiona, Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-
pakibasa ng ating layunin. aaral ay inaasahang:
a. nakikilala ang iba’t ibang uri ng
pagbabagong morpoponemiko
b. naipaliliwanag ang pagkakaiba
ng mga uri ng pagbabagong
morpoponemiko;
c. nakapagbibigay halimbawa sa
bawat uri ng pagbabagong
morpoponemiko;
d. nakalalahok ng may kasiglahan
sa mga at talakayan at gawain.

Maraming salamat!
Ngayon nga ay ang paksa natin ay ang
“Pagbabagong Morpoponemiko”.

Meron ba sa inyo ang may ideya


patungkol sa Pagbabagong
Morpoponemiko? Sir, ang pagbabagong
morpoponemiko po ay pagbabago
Marco, may ideya ka ba? sa isang morpema.

Sir, pagabago po ng karaniwang


Magaling! salita o morpema na naapektuhan
Catherine, ano naman ang ideya mo? sa impluwensya ng kaligiran nito.

Mahusay!

Morpema – ang tawag sa pinakamaliit


nayunit ng salitang nagtataglay ng
kahulugan. Halimbawa, sa salitang
doktora, makabuluhan ang ang a kahit
na isang titik lamang, ito ay dahil sa
nangangahulugan iyon ng kasariang
pambabae, dahil ang doktor ay
nangangahulugang kasarian ng lalaki.
Ang morpoloji ay pag-aaral ng mga
morpema na isang wika at ang
pagbubuo ng mga ito sa salita.
.

Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang


pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa
tatlong pangkat. Gagawa kayo ng isang
malikhaing biswal na kung saan ito ang
Republic of the Philippines
MINDORO STATE COLLEGE OF AGRICULTURE AND TECHNOLOGY
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Masusing banghay-arali sa Filipino 7


gagamitin ninyo upang ipakita ang inyong
mabubunot na gawain, magbibigay kayo
ng 2 halimbawa sa bawat paksa. Pipili
kayo ng isang kasapi na maglalahad o Opo sir!
mag-uulat ng inyong ginawa. Mayroon
kayong 5 minuto para sa paghahanda at 2
minuto para sa paglalahad. Maliwanag ba
ang aking tinuran?

Narito ang pamantayan ng inyong gawain PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA


na magiging basehan sa pagbibigay ng Nilalaman 20 puntos
inyong marka. Laurence, maaari mo bang Presentasyon 15 puntos
basahin? Kooperasyon 10 puntos
Takdang Oras 5 puntos
KABUUAN 50
PUNTOS

(Magsisimula na ang mga mag-


aaral sa paggawa ng kanilang
Maaari na kayong magsimula ngayon! gawain.)

1. Asimilasyon
Ang unang magpapakita ng kanilang Sir ang amin pong ginawa ay para sa
ginawa ay ang pangkat I at susundan ng kahulugan ng Asimilasyon. Sinasabi po
mga kasunod na pangkat. na ang asimilasyon ay tumutukoy sa
pagbabagong anyo ng morpema dahil
Pangkat I maaari na kayong magsimula. sa impluwensya ng mga katabing tunog
nito.
2 URI NG ASIMILASYON
a. Di-Ganap na Asimilasyon/
Parsyal
Ang ponemang /ng/ ay nagiging
n/o/m o mananatiling /ng/ dahil
sa kasunod na tunog. Kapag
ikinabit sa isang salitang- ugat na
nagsisimula sa /p/ o /b/, ang /ng/
ay nagiging /m/.
Halimbawa:
Pang- + paaralan = pampaaralan
Pang- + bayan = pambayan

Naging /n/ naman ang huling


ponemang /ng/ kung ang
kasunod ay aliman sa mga
sumusunod na ponema :
d/l/r/s/t/.
Halimbawa:
Pang- + dikidik = pandikdik
Pang - + taksi = pantaksi

Mahusay! Bigyan natin sila ng Aling


Dionesia Clap!
b. Asimilasyon Ganap
Republic of the Philippines
MINDORO STATE COLLEGE OF AGRICULTURE AND TECHNOLOGY
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Masusing banghay-arali sa Filipino 7


Pangkat II kayo naman ang magpakita ng Bukod sa pagbabagong
inyong ginawa. nagaganap sa ponemang /ng/
ayon sa puntong artikulasyon ng
kasunod na tunog, nawawalan na
rin ang unang ponemang
nilalapian ng salita dahil ito ay
inaasimila o napapaloob na sa
sinusundang ponema.
Halimbawa:
Pang- + palo – pampalo = pamalo
Pang- + tali – pantali = panali
 May mga salitang maaaring
gamitan ng alinman sa
dalawang uri ng asimilasyon
nakamihasnan nang gamitan
lamang ng asimilasyong ganap.
Halimbawa:
Pang- + kuha=
pangkuha/panguha
Pang- + tabas =
pangtabas/pantabas
Ang mga sumusunod na hindi
ginagamitan ng asimilasyong
ganap.
Halimbawa:
Pang- + bansa = pambansa
Pang- + luto = panluto

Mahusay! Bigyan natin sila ng WOW Clap.


2. Pagkakaltas ng Ponema
Ang amin pong ipapakita ay ang
Ngayon naman ay ang pangkat III. Pagkakaltas ng Ponema  Nagaganap
ang pagbabagong ito kung ang huling
ponemang patinig ng salitang ugat ay
nawawala sa paghuhulapi nito.
Hal.
Takip + -an = takipan = takpan
Sara + -han= sarahan = sarhan
Republic of the Philippines
MINDORO STATE COLLEGE OF AGRICULTURE AND TECHNOLOGY
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Masusing banghay-arali sa Filipino 7

You might also like