You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Mataas na Paaralan ng Pili
La Paz, Pawili, Pili, Camarines Sur
January 29, 2020
Masusing Banghay Aralin
Ibong Adarna- Ang mag anak ni Haring Fernando
Ika-Pitong Baitang

I.Mga Layunin:
Habang at pagkatapos ng ng limampung minutong talakayan, hindi bababa sa 75% ng
mga mag-aaral ay inaasahang;

a. naiisa at nailalarawan ang katangian ng mga pangunahing tauhan sa saknong


(7-27) “Ang Mag Anak ni Haring Fernando”;
b. naiuugnay sa tunay na buhay ang mensaheng nais ipabatid;
c. nakagagawa ng isang salawikain o kasabihan tungkol sa magulang o pamilya.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Ibong Adarna : saknong (7-27): Ang Mag-anak ni haring Fernando
b. Oras na nakalaan sa aralin: 50 minuto
c. Sanggunian: Obra Maestra, Ibong Adarna, Filipino 7
d. Mga kagamitang pampagtuturo at pampagkatuto: laptop, projector, Powerpoint
presentation, pisara, tsok, mga kagamitang biswal , larawan, bolpen at papel.
e. Konsepto: Ang pag-ibig o pagmamahal ay makapangyarihan. Ito ang dahilan kung
bakit nabubuhay ang tao. Nagiging marangal ang tao sapagkat ang tanging nasa isip
npiya ay makagawa ng kabutihan para sa minamahal at sa kapwa. Ayaw niyang masira
ang kanyang pagkatao sapagkat masasaktan ang kanyang mga minamahal sa buhay.
f. Kakayahang dapat linangin sa mag-aaral: Pagsasalita, pakikinig, pagsusuri sa
binasang teksto, pagbabasa, malalim na pang-unawa sa binasang teksto at pag-uugnay ng
awit na binasa sa tunay na buhay.
g. Integrasyon sa mga Asignatura: Edukasyon sa Pagpapahalaga at Pagpapakatao,
matematika at ICT.
h. Halagang pangkatauhan: Disiplina at Kooperasyon
i. Metodolohiya: 4A’s na dulog (Aktibiti, Analisis, Abstraksyon, Aplikasyon)

III. Proseso ng Pagkatuto:

Pasunod-sunod Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


na Gawain
A. Panimula
1. Pagbati Magandang umaga sa
ating lahat!
Magandang umaga rin po!

2. Panalangin Maaari na bang


tumayo ang lahat
para sa panalangin?
Hannah, pamunuan.
Tayo po ay manalangin…

3.Pagpapanatili
ng kalinisan at
kaayusan.
Bago maupo ang
lahat mangyari
lamang na ayusin ang
inyong mga upuan sa
tamang linya at
pulutin ang mga
nakakalat sa ilalim ng
inyong upuan.
4. Pagtatala ng (Aayusin ang mga upuan
Liban at pupulutin ang mga kalat
Kalihim, maaari mo at uupo na.)
bang itala ang mga
liban sa klase sa araw
na ito?
Wala po!
Mahusay kung
ganoon!

5. Pagpapasa o
pagwawasto ng
kasunduan.
Sa aking
pagkakatanda
mayroon akong
inwang kasunduan?
Ibigay nyo saakin at Opo!
ako ang magwawasto
mamaya.

6. Pagbabalik
Aral
Sino sainyo ang
makapagbibigay ng
paksang tinalakay
natin sa huling
pagkikita?

Tungkol sa pagkakaiba ng
awit at korido.

Maraming salamat!

Sino ang
makapagbibigay ng
mga katangian ng
awit at korido?
Ang korido walong pantig
sa bawat taludtod sadyang
para basahin hindi awitin.
Awit-may labindalawang
pantig sadyang para
awitin. Inaawit sa tanging
pag titipon.
Maraming salamat!
B. Pagganyak Bigyan natin ng isang
bagsak ang bawat isa.

(papalakpak ang mga


mag-aaral)

Bago natin simulan


ang paksang
tatalakayin sa araw
na ito. Mayroon
muna tayong
papanooring isang
bidyo. Mangyari
lamang na manood
tayo ng tahimik.
C. Paglalahad (Magsisimula na ang mga
ng Aralin mag-aaral sa panonood)
Ano ang nakita nyo
sa bidyo?
(magbabahagi na ang
piling mag-aaral)

Sa tingin nyo may


kaugnayan kaya ang
bidyong inyong
napanood sa paksang
tatalakayin natin
ngayon? Maaaring mayroon po!

Maraming salamat!
Ang paksang ating
tatalakayin sa araw
na ito ay may
kaugnayan sa
bidyong inyong
napanood. Sapagkat
ang paksang ating
tatalakayin ay ang
Ibong Adarna
saknong (7-27) o ang
mag anak ni Haring
Fernando.

Sino sainyo ang may


ideya sa nasabing
paksa?
Sige Rjay!
Marahil ito ay
naglalarawan sa kung
anung klaseng pamilya
mayroon si Haring
Fernando.
D. Paglalahad Maraming salamat!
ng Layunin Bigyan ng isang
bagsak.

Ngunit bago ang


lahat, dahil bago ang
ating tatalakayin ay
bago rin ang ating
layunin o pukos na
dapat matamo sa
araw na ito.

Basahin mo nga,
Anna. I.Mga Layunin:
Habang at
pagkatapos ng ng
limampung minutong
talakayan, hindi bababa sa
75% ng mga mag-aaral
ay inaasahang;

a. naiisa at
nailalarawa
n ang
katangian
ng mga
pangunahin
g tauhan sa
saknong
(7-27)
“Ang Mag
Anak ni
Haring
Fernando”
;
b. naiuugnay
sa tunay na
buhay ang
mensaheng
nais
ipabatid;
c. nakagagaw
a ng isang
salawikain
o
kasabihan
tungkol sa
magulang o
pamilya
E. Paghawan ng Maraming salamat!
Sagabal Tayo ay mag
tutulong-tulong
upang matapos ang
mga layunin na
nabanggit.

Sa aralin natin
ngayon ay may mga
makakasalamuha
kayong mga salita na
maaaring
makasagabal sa
inyong pagbabasa.
Mayroon akong mga
salitang ipapakita at
alamin o bigyang
kahulugan ang mga
ito gamit ang
mathematical
equation.
1. NAPAGLINI
NG
2. MAGILAS
F. Ganap na 3. UYAM
Aralin
4. PANTAS
5. HUNGKAG
1. Aktibiti (Gagawin ng mga mag-
aaral ang naturang
gawain)
Maraming salamat sa
kooperasyon!

Magkakaroon tayo ng
pangkatang Gawain.
Mangyari lamang na
mag hanap kayo ng
kapareha at
pagkatapos gamit ang
kagamitang ibibigay
ng guro gumawa
kayo ng isang
halimbawa ng
salawikain o
kasabihan tungkol sa
magulang o pamilya.
Mayroon lamang
kayong labing limang
minuto para gawin ito
at 3 minuto para
iharap sa klase.
Bago tayo mag
simula narito ang
pamantayan para sa
gagawing aktibiti.
(ipapakita at
babasahin ng guro
ang pamantayan)

Kaangkopan ng
sagot------------- 40%
Orihinalidad-----30%
Disiplina----------10%
Presentasyon-----20%
Kabuuan--------100%

2.Analisis
Naunawaan po ba?
Sino pa ang may iba
pang katanungan? Wala na po!

Simulan na ang
gawain (magsisimula ng gumawa
ang mga mag-aaral)

Simulan na natin ang


pag uulat ng inyong
ginawa.
(maguulat ang mga mag-
aaral)
Bigyan natin ng isang
bagsak ang bawat isa!
Aleng dionesia clap!
(papalakpak ang mga
mag-aaral)
Ngayon naman base
sa inyong mga
ginawa anu ba ang
pagkakaunawa niyo
sa salitang pamilya o
magulang?
(aktibong sasagot at
makikinig ang mga mag-
aaral)
Maraming salamat!
May mga katanungan
pa ba bago tayo mag
simula ng talakayan?
Wala na po!

3. Abstraksyon
Sino-sino ang mga
pangunahing tauhan
sa kuwento?
Ang mga tauhan ay sina
Don Fernando, Donya
Valeriana, Don Pedro,
Don Juan, Don Diego at
ang Ibong Adarna.

Maraming salamat!

Sino ang paborito ng


hari?
Ang paborito ng Hari ay si
Don Juan.

Maituturing ba na
mabuting Hari si Don
Fernando?
Opo dahil mas pinili nya
kung ano ang tama.

4. Aplikasyon

Kung ikaw ang isa sa


mga kapatid ni Don
Juan at kitang-kita
mo na si Don Juan
ang paboritong anak?
Syempre po
makakaramdam ako ng
pagtatampo sapagkat
kapamilya din naman nila
ako.
Maraming salamat!

Ano-ano ang iyong


ginagawa sa oras ng
pangangailangan sa
pamilya at sino ang
iyong tinatakbuhan?
Dinaraan sa taimtim na
pagdarasal at paghingi ng
gabay sa aking mga
magulang.
Paano mo
kahaharapin ang mga
pagkakataong hindi
ikaw ang pinag
tutuonan ng pansin
ng iyong magulang?
Haharapin ko po ito ng
buong tapang at gagawin
na lamang kung ano ang
nararapat at tamang gawin
ng isang anak.
H.
Pagpapahalaga
Ano ang mga
natutuhan mo sa
paksang ating
tinalakay sa araw na
ito?
Natutuhan ko po ang
kahalagahan ng pamilya
sa buhay at kung pano
kakaharapin ang anumang
pagsubok na dumating sa
isang pamilya.
Sino pa ang may
karagdagang ideya?
Sige Ivy!
Nalaman ko din po kung
ano-ano ang pagkakaiba
ng mga tao lalo na ng mga
myembro sa pamilya sa
maraming aspeto ng
buhay.

Maraming salamat!

Ang pagmamahal sa
pamilya ay isa sa
pinakamahalagang
bagay na dapat nating
malaman o gawin
bilang isang anak o
myembro nito. Hindi
tamang tayo ay
maging baluktot sa
pakikitungo sa kanila.

Maliwanag ba?
May mga katanungan
pa?

Opo!
Wala na po!
Kung ganun kumuha
kayo ng sangkapat na
papel at sagutan ang
mga sumusunod.
IV. Pagtataya:

Panuto: Ibigay ang mga sumusunod.


1-3. ibigay ang tatlong magkakapatid na prinsipe.
4. Sino ang nagging paborito ng hari?
5. Sino ang Hari ng Berbanya?

V. Kasunduan:

A. Sanaysay: Ano ang kakayahan mo upang ipalaganap na ang pagmamahal ang sandata
upang lumaking marangal ang isang anak?.

Pamantayan
Kaangkupan ng sagot------------- 40%
Orihinalidad-------------------------30%
Disiplina------------------------------10%
Presentasyon------------------------20%
Kabuuan----------------------------100%

B. Ilarawan ang tagpuan sa kuwentong Ibong Adarna, Ang kahariang Berbanya.

Inihanda ni:
Mariel P. Alano
Gurong Nagsasanay-Filipino 7

Nabatid ni:

Mary France M. Quiniano


Guro I

You might also like