You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION XI
DIVISION OF DAVAO DEL NORTE
DATU BALONG NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA
FILIPINO 7

KOMPETENSI: F7PN-IIIh-i-16 Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan at


tagpuan sa napakinggang maikling kuwento.

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang bawat mag-aaral ay:
1. Nailalahad ang ibat ibang katangian ng tauhan at tagpuan na nasa akdang Pork
Empanada at ng katangian ng mga taong naninirahan sa lugar ng San Isidro .
2. Naihahambing ang katangian ng tauhan at tagpuan sa kwentong Pork
Empanada at ang mga tao at lugar ng San Isidro.
3. Naibabahagi ang mga katangian ng taong nakatira sa lugar, mga magagandang
tanawin at produkto nito.
II. PAKSANG-ARALIN:
a. Lunsarang teksto: Pork Empanada
b. Sangggunian: filipino 7 learner module
http://www.ethnicgroupsphilippines.com/people/ethnic-groups-in-the-
philippines/manobo-dibabawon/
c. Kagamitan: sipi ng akda, mga larawan
III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN:
PAGGANYAK:
SURIIN ANG LARAWAN:
Itanong: ano ang katangian ng mga nasa larawan?

B. PAGHAHAWAN NG SAGABAL: Ilagay ang mga salita sa mga ginupit na papel at


hayaang hanapin ng mga mag-aaral ang pares nito at ipagamit ito sa payak na
pangungusap.
1. HUMIHIMPIL- humihinto
2. SINABUNAN- pinagalitan
3. RAKET- trabaho
4. BINUBULYAWAN- sinigawan
5. PAGSUNGAW- pagsilip
C. PAGTALAKAY
Gawain : pagbabasa ng akdang Pork Empanada ni Tony Perez (Palitang
Pagbabasa)
PAGSUSURI: Pangkatang gawain
Unang Pangkat: Pagguhit sa pangunahing tauhan sa akda batay sa
ibinigay sa akda na katangian nito.
Ikalawang pangkat: Pagpapalahad sa kilos o gawi , iniisip at damdamin
ni Butotoy bilang kuya.
Ikatlong pangkat: Ipaliwanag ang katangian ng lalakit babaeng
bumibili ng empanada, ilarawan ang iba pa nilang katangian, at
kung ano ang naging epekto nila kay Bototoy.
Ikaapat na pangkat: Ilarawan ang weytres sa kaniyang puwesto sa
Frankies. Ipaliwanag ang iba pa niyang katangian at ang sarili
niyang problema at pinagdaraanan.
Ikalimang pangkat: Ilarawan ang mga sitwasyon sa kuwentong
nakahahadlang kay Bototoy na makapagipon ng Php21.00.
Ipaliwanag kung paano nilagpasan ni Bototoy ang mga ito.

D. PAGLALAHAT:
Paggawa ng masining na wakas gamit ang gabay pangyayari na: Ano
kaya ang naging epekto kina Bototoy na naghirap siya na makahanap
ng pera para lang makabili ng katakam-takam na Pork Empanada at
binigyan lamang sila ng masungit na weytress na papanis na empanada?

E. PAGLALAPAT
Ilalarawan ang mga katangian ng taong nakatira sa lugar, mga magagandang
tanawin at produkto maging ang hanapbuhay at naibabahagi ang mga
katangian nito bilang bahagi ng isang munisipalidad ng San Isidro. (Pangkatang
gawain)

Pamantayan sa pagmamarka:
1. Nailahad nang buong husay at may kalinawan ang mga katangian ng bawat
larawan.
2. Akma at wasto ang mga salitang ikinabit sa mga larawan bilang pagbibigay
ng katangian.
3. Ang katangian at pagpapaliwanag ay nakatuon lamang sa larawan na
nakaangla sa pangkat.
4. Paggamit ng wasto at tamang bantas at pagkakaayos ng salita.(syntax and
punctuation)
5- napakahusay ay maayos ang pagkalahad, wasto ang bantas
4- mahusay ang pagkalahad, pero kulang ng isang katangian mula sa pamantayan
3-di gaanong mahusay at kulang ng dalawang katangian mula sa pamantayan.
2- di mahusay at kulang ng tatlong katangian mula sa pamantayan.
1-hindi wasto ang ginawang paglalarawan ng katangian.

Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3

Pangkat 4 Pangkat 5 Pangkat 6

IV. EBALWASYON
Gumawa ng venn diagram at ihambing ang tauhan at tagpuan sa kwentong Pork
Empanada at ang mga tao at lugar ng San Isidro

Tao at lugar sa ------------ ------------ Tauhan at


San Isidro tagpuan sa
------------ ------------ Pork Empanada
------------ ------------
------------ --------

V. KASUNDUAN:
Gumawa ng isang Photo essay tungkol sa buhay ni Butotoy at ilagyan ang kaakit-akit na
wakas.

Pamantayan:
1. Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa photo essay at maganda ang
pagkagawa ng sariling wakas.
2. Tama at angkop ang mga pangyayari sa photo essay.
3. Pagkamalikhain at masining na output.
4. Malinis at naunawaan ang photo essay.

5- napakahusay ay maayos ang pagkalahad ng photo essay at paglagaay ng wakas.


4- mahusay ang pagkalahad, pero kulang ng isang katangian mula sa pamantayan
3-di gaanong mahusay at kulang ng dalawang katangian mula sa pamantayan.
2- di mahusay at kulang ng tatlong katangian mula sa pamantayan.
1-hindi wasto ang ginawang photo essay.

Inihanda ni:
IAN REY Z. ROSILLO
TEACHER-1

Ipinasa kay:
GNG. AMPARO MAY LONTOK
Filipino Facilitator

You might also like