You are on page 1of 9

Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino

Baitang 09

I. LAYUNIN
A. Pamantatayng Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
kondisyong panlipunan bago at pagkatapos isulat ang
akda.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang pagsasadula
tungkol sa kondisyon ng lipunan bago maisulat ang
akda.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1. Nailalarawan ang mga kondisyon bago at
matapos isulat ang akda. F9PB-IVa-56
2. Naibabahagi ang sariling damdamin
patungkol sa kondisyon ng lipunan noon.
3. Naiisa-isa ang mga kondisyong panlipunan sa
kasalukuyang panahon.

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: Kondisyong Panlipunan
b. Sanggunian: YouTube, Google, Pinterest
c. Kagamitan: Laptop, TV,
d. Kasanayan: Pakikinig, panonood, pagsasalita, kritikal na pagsusuri

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain (3 minuto)
1. Pagbati

Magandang umaga. Magandang umaga rin po aming guro.

2. Panalangin
Tumayo at tayo’y manalangin. (Tatayo ang lahat at magdarasal.)
(Tatawag ng isang mag-aaral upang -Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos, Espiritu,
pangunahan ang panalangin.) Santo. Amen.

Bago umupo ang lahat mangyaring (Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang mga upuan
pakipulot ang mga basura sa inyong at pupulutin ang mga basura sa paligid)
paligid at paki ayos ang hanay ng inyong
mga upuan.

Paalala sa lahat upang maging mabisa at


maayos ang daloy ng ating talakayan,
sundin natin ang mga alituntunin tulad ng;

3. Pag-alam ng liban sa klase

May lumiban ba ngayong araw?

(Itatala ng guro kung sino ang mga


lumiban sa mga lalaking mag-aaral at *Sasabihin ng mag-aaral kung sino ang liban sa
gayundin sa mga babaeng mag-aaral) klase.

4. Paglalahad ng mga alituntunin sa


loob ng silid-aralan

Upang mas maging mabisa ang daloy ng


ating talakayan ay mabuting sundin ang
mga alituntunin ng ating silid-aralan.
1. Itaas ang kamay kung nais sumagot o
may nais sabihin o linawin.
2. Ugaliing manahimik at irespeto kapag
may nagsasalita.
3. Iwasan ang paggamit ng telepono
kung hindi naman kinakailangan sa
ating asignatura.

5. Pagbabalik-aral (2 minuto)
Bago tayo tumungo sa ating panibagong
aralin, atin munang balikan ang tinalakay
natin noong huli nating talakayan sa
pamamagitan sa pagbuo ng puzzle.

1. Sino ang sumulat ng nobelang Noli 1.


Me Tangere? J
2. Sino ang kaibigan ni Rizal ang O
nagpahiram sa kaniya ng pera upang S
maipalimbag ang Noli Me Tangere? E
3. Isa ito sa mga aklat na nagging 2. R 3. B
inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat M A X I M O V I O L A
ng Noli Me Tangere. Anong aklat ito? Z B
A L
L I
Y
A

B. Pagganyak (5 minuto)
Gawain: “SURIIN NATIN”
Ang guro ay tatawag ng mag-aaral upang
i-roll ang dice, bawat side ng dice ay
mayroong mga larawan na dapat suriin ng
mga mag-aaral

*Pagka-adik sa bawal na gamot o droga

Integrasyong NDEP *Pagnanakaw


*Pang aangkin ng Tsina sa West Philippine sea

Integrasyon sa E.S.P

*Pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae

*Pagmamahal sa pamilya

Integrasyong GAD

Integrasyon sa E.S.P

C. Paglalahad ng Aralin (2 minuto)


1. Paglalahad ng layunin
(Babasahin ng mga mag-aaral ang mga
layunin)
1. Nailalarawan ang mga kondisyon
bago at matapos isulat ang akda.
F9PB-IVa-56
2. Naibabahagi ang sariling damdamin
patungkol sa kondisyon ng lipunan
noon.
3. Naiisa-isa ang mga kondisyong
panlipunan sa kasalukuyang panahon.

Diagnostic Assessment (Paunang Pagtatasa)


Susubukin ng guro ang paunang kaalaman ng mga
mag-aaral patungkol sa paksa.

Panuto: Piliin ang titik ng tamanag sagot. Gawin ito


sa kwaderno.
1. B

Ang pamilya ni Maria ay lumipat ng tirahan


sa bansang Tsina. Sa ilang buwan niya roon
ay nakaranas siya ng hindi magandang
pagtrato sa kadahilanang isa siyang
Pilipino.

1. Anong kondisyong panlipunan ang


ipinapakita sa talata? 2. C
a. Pagkakait ng mga karapatang pantao
sa mga Pilipino.
b. Deskriminasyon sa mga lahi.
c. Kawalan ng pagkakapantay-pantay sa
mata ng batas.
d. Karahasan sa mga kababaihan.

2. Ang sumusunod ay mga kondisyong 3. D


panlipunan bago isulat ang Noli Me
Tangere. Alin ang hindi kabilang?
a. Sapilitang pagpapatrabaho ng walang
sahod.
b. Paghahari ng mga prayle.
c. Nagkaroon ng matatag na samahan
ang mga Pilipino.
d. Marami ang mga tiwaling opisyal

3. Ang sumusunod ay mga kondisyong


panlipunan matapos isulat ang Noli Me
Tangere. Alin ang hindi kabilang?
a. Naging pantay-pantay ang pagtingin at
ang karapatang pantao ay nanumbalik.
b. Natutong lumaban ang mga Pilipino.
c. Nailabas ang mga kabuktutan ng mga
opisyal.
d. Paghahari ng mga prayle. 4. B

Si Mang Tonyo ay inakusahang


nagnakaw sa kaniyang amo. Subalit
walang katotohanan ang paratang na
iyon. Ang anak mismo ng kaniyang
amo ang kumuha ng pera.
Napagbintangan lamang siya, ngunit
dahil kapos sa buhay ay walang nagawa
ang pamilya ni Mang Tonyo. 5. B
4. Anong kondisyong panlipunan ang
ipinapakita sa talata?
a. Marami ang mga tiwaling opisyal.
b. Kawalan ng pagkakapantay-pantay sa
mata ng batas.
c. Nabuksan ang kamalayan ng mga
Pilipino.
d. Karahasan.

5. “Nagkaroon ng matatag na samahan ang


mga Pilipino” saang panahon umiral ang
kondisyong panlipunan na ito?
a. Bago
b. Matapos
c. Kasalukuyan *Kahirapan, korapsyon, pagtaas ng mga bilihin, ang
d. Hinaharap pag-angkin ng bansang China sa West Philippine
Sea, hindi pantay na batas, at marami pang iba.

D. Pagtatalakay (20 minuto)


Kondisyong Panlipunan – ito ay tumutukoy sa
kalagayan ng lipunan, mga kinakaharap na
suliranin ng lipunan, at mga pagbabago sa
lipunan.

(Tahimik na manonood ang mga mag-aaral)


Batay sa nararanasan natin ngayon, ano-ano
ang mga kondisyon ng ating lipunan sa
kasalukuyang panahon? *Opo

Integrasyon sa Araling Panlipunan

Mahusay!

Ngayon ay may panonoorin tayo patungkol sa


kondisyon ng lipunan bago at matapos isulat
ang Noli Me Tangere.

Naunawaan po ang ating pinanood?

Magaling! Kung gayon ay magkakaroon tayo


ng pangkatang gawain.

E. Pagsasanay (6 minuto)
Gawain: “TRICK OR TREAT”
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang
pangkat. Ang bawat grupo ay may kalayaang
pumili ng kalabasa ngunit kailangang mag-
ingat sa pagpili maaaring trick or treat ang
nakapaloob sa kalabasa. Kapag trick ang
nakuha ay magkakaroon ng bawas sa kanilang
kasalukuyang puntos kapag treat ang nakuha
ay kailangang masagutan o mahulaan kung
anong kondisyong panlipunan ang makikita sa
larawan.

o Ang pagkakaroon ng ‘di matatag na kolonyal.


o Marami ang mga tiwaling opisyal.
F. o Ang pagkakait ng mga karapatang pantao sa
mga Pilipino.
o Ang kawalan ng pagkakapantay-pantay sa
mata ng batas.
o Karahasan sa mga kababaihan at mga
kabataan.
o Deskriminasyon sa mga lahi.
Paglalahat ng Aralin o Ang paghahari ng mga prayle.
1. Ano-ano ang mga kondisyong panlipunan o Sapilitang pagpapatranaho ng walang sahod.
bago isulat ang Noli?

o Natutong lumaban ang mga Pilipino.


o Nabuhay ang nag-aalab na puso ng mga
Pilipino.
o Nabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino.
o Nagkaroon ng matatag na samahan ang mga
Pilipino.
o Nailabas ang mga kabuktutan ng mga opisyal
noong panahon ng mga Espanyol.
o Naging pantay-pantay ang pagtingin at ang
2. Ano-ano ang kondisyong panlipunan
matapos isulat ang Noli? karapatang pangtao ay nanumbalik.

(Magbabahagi ang mga mag-aaral ng kani-kanilang


damdamin tungkol sa kondisyon ng lipunan bago at
matapos isulat ang akda)

(Magbabahagi ang mga mag-aaral ng kani-kanilang


karanasan bilang isang mag-aaral)

3. Ano ang naramdaman ninyo habang


tinatalakay ang kondisyong panlipunan
bago at matapos isulat ang akda?

4. Ano-ano ang mga kondisyong panlipunan


na nararanasan mo bilang mag-aaral?

G. Paglalapat (Differentiated Instruction,


Multiple Intelligence)
Ang mga mag-aaral ay may kalayaang pumili
ng pangkat na naaayon sa kanilang interes o
hilig.

Pangkat 1: “LINGGWISTA”
Ang mga mag-aaral sa pangkat na ito ay
bubuo ng isang kasabihan o quotation tungkol
sa kondisyon matapos isulat ang Noli.

Pangkat 2: “MATH WIZARD”


Ang guro ay magbibigay ng code na siyang i-
aanalisa ng mga mag-aaral at pagkatapos ay
ipaliliwanag ang kataga o salitang nabuo.

_ _ NA_ NA _A_A_I _I _ _ S_
_I_A_

1. 9(7)-19 =
2. 5(9) =
3. 6(7)+12 =
4. 4(3) =
5. 12(7)-30 =
6. 25+8 =
7. 56-13 =
8. 24(1) =
9. 17(5)-51 =
10. 3(5) =
11. 6(5)+12 =
12. 11(5) =
13. 32-1 =

Integrasyon sa Mathematics

Pangkat 3: “I-GUHIT MO”


Ang mga mag-aaral sa pangkat na ito ay
guguhit ng isang simbolo patungkol sa
pagkakaisa ng bawat Pilipino matapos isulat
ang Noli. Ipaliwanag kung anong
nirerepresenta ng simbolo.

Pangkat 4: “ARTISTAHIN”
Ang mga mag-aaral sa pangkat na ito ay
gagawa ng pagsasadula na nagpapakita ng
pagkakaisa ng bawat Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
ORGANISASYON – Lohikal na nailahad 30%
ang mga kaisipan ayon sa pagkakasunod-
sunod.
NILALAMAN – Nailalahad ang 25%
pinakamahalagang saligan, layunin at
kahalagahan.
MENSAHE – Malinaw at impomatibo 25%
PAGKAMALIKHAIN – Orihinal at akma 20%
sa paksa
KABUUAN 100%

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay mga kondisyong panlipunan matapos isulat ang Noli Me Tangere. Alin ang
hindi kabilang?
a. Naging pantay-pantay ang pagtingin at ang karapatang pantao ay nanumbalik.
b. Natutong lumaban ang mga Pilipino.
c. Nailabas ang mga kabuktutan ng mga opisyal.
d. Paghahari ng mga prayle.

2. “Nagkaroon ng matatag na samahan ang mga Pilipino” saang panahon umiral ang kondisyong
panlipunan na ito?
a. Bago
b. Matapos
c. Kasalukuyan
d. Hinaharap
Ang pamilya ni Maria ay lumipat ng tirahan sa bansang Tsina. Sa ilang buwan niya roon ay
nakaranas siya ng hindi magandang pagtrato sa kadahilanang isa siyang Pilipino.

3. Anong kondisyong panlipunan ang ipinapakita sa talata?


a. Pagkakait ng mga karapatang pantao sa mga Pilipino.
b. Deskriminasyon sa mga lahi.
c. Kawalan ng pagkakapantay-pantay sa mata ng batas.
d. Karahasan sa mga kababaihan.

4. Ang sumusunod ay mga kondisyong panlipunan bago isulat ang Noli Me Tangere. Alin ang
hindi kabilang?
a. Sapilitang pagpapatrabaho ng walang sahod.
b. Paghahari ng mga prayle.
c. Nagkaroon ng matatag na samahan ang mga Pilipino.
d. Marami ang mga tiwaling opisyal

Si Mang Tonyo ay inakusahang nagnakaw sa kaniyang amo. Subalit


walang katotohanan ang paratang na iyon. Ang anak mismo ng kaniyang
amo ang kumuha ng pera. Napagbintangan lamang siya, ngunit dahil kapos
sa buhay ay walang nagawa ang pamilya ni Mang Tonyo.

5. Anong kondisyong panlipunan ang ipinapakita sa talata?


a. Marami ang mga tiwaling opisyal.
b. Kawalan ng pagkakapantay-pantay sa mata ng batas.
c. Nabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino.
d. Karahasan.

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Magsaliksalik tungkol sa mga karakter ng Noli Me Tangere at kung ano ang sinisimbolo nila
sa nobela.

Inihanda ni:
MARJORIE G. BONGAT
Pre-Service Teacher

Sinuri ni:
MONALIZA M. PAITAN
Guro sa Filipino 9

Namasid nina:
JOMARIE B. PAJARILLO FREDERICK B. RAQUEL
Subject Area Coordinator Dalubguro I

Pinagtibay ni:
AILEEN C. SINDAC
Punonggguro II

You might also like