You are on page 1of 20

Government Property

NOT FOR SALE


9
Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 14
Nakasusulat ng Iskrip ng Mock Trial
Tungkol sa Tunggalian ng mga Tauhan
sa Akda

Department of Education ● Republic of the Philippines


Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 4- Module 14: Nakasusulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa
tunggalian ng mga tauhan sa akda

First Edition, 2020


Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a
condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V

Development Team of the Module

Author: Meneleo D. Tumampil


Evaluators/Editors: Ruth B. Casinillo, Ruth A. Patricio
Illustrator and Layout Artist:

Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Shambae Alonto Usman, Ph.D, CESO


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
e-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

ii
9
Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 14

Nakasusulat ng Iskrip ng Mock Trial


Tungkol sa Tunggalian ng mga Tauhan
sa Akda

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by select


teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of the Department
of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education-Iligan City Division at iligan.city@deped.gov.ph or Telefax:
(063)221-6069.
We value your feedback and recommendations

Department of Education ● Republic of the Philippines


iii
This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 1
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 4
Balikan ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 4
Suriin ……………………………… 5
Pagyamanin ……………………………… 7
Isaisip ……………………………… 7
Isagawa ……………………………… 7
Buod ……………………………… 9
Tayahin ……………………………… 10
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 11
Sanggunian ……………………………… 12

iv
This page is intentionally blank
Modyul 14
Nakasusulat ng Iskrip ng Mock Trial Tungkol
sa Tunggalian ng mga Tauhan sa Akda

Pangkalahatang Ideya

Matapos mong pag-aralan ang mga konsepto at pagpapangkat ng mga salita


ayon sa antas at pormalidad ng mga gamit nito, dadako naman tayo sa isang
makulay at kabigha-bighaning buhay ng isa sa pangunahing tauhan ng nobelang
Noli Me Tangere ng Pilipinas.
Naglalaman ang modyul na ito ng isang tsapter mula sa nasabing Nobela na
siyang pag-aaralan at gawing lunsaran upang makabubuo ka ng isang iskrip. Ang
mga natututunan mong mga tunggalian ng mga tauhan sa Nobela at ang mga
kaugnayan nito sa tunay na mga pangyayari sa kasalukuyang panahon ay gagamitin
mo sa pagbuo ng nasabing iskrip.

Nilalaman ng Modyul
Maipapamalas mo sa modyul na ito ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
binasang akda. Makabubuo ng isang iskrip na gagamitin sa pagsulat ng isang Mock
Trial o Kunwa-kunwaring paglilitis. Makatutulong din ito upang maunawaan at
mapahalagahan ang akdang panitikan ng bansang Pilipinas maging ang kaugnayan
nito sa kulturang Asyano.

Alamin

Ano ang Inaasahan Mo?

1. Nakasusulat ng iskrip ng mock trial tungkol sa tunggalian ng mga tauhan sa


akda;
2. Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga tunggalian ng mga
tauhan sa nobelang Noli Me Tangere;

Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pampanitikan.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
2
Subukin

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan at isulat sa patlang ang


tamang sagot.
A. Kilalanin kung Tama o Mali ang salitang may salungguhit. Isulat ang
tamang sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
___________ 1. Isa sa mga tauhang gaganap ng mahahalagang papel sa mock trial
ay ang hukom, klerk, at alagad ng batas.
___________ 2. Pagpapabatid ng prosesong isasagawa sa loob ng hukuman ay isa
sa paghahanda ng mock trial.
___________ 3. Bago ang paglilitis kailangan ang isulat ang mga dapat sabihin
___________ 4. Pagtiyak na ang lahat ng kaganapan ay maayos na naisasagawa
___________ 5. Pag-iwas sa pagbibigay ng sariling opinyon o palagay

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot ayon sa hinihiling.


1. Siya ang naghanda ng isang piging bilang pasasalamat sa mahal na birhen para
sa maluwalhating pagbabalik ni Crisostomo galing Europa.
a. Kapitan Tiago b.Tenyente Guevarra c.Padre Damaso d.Elias
2.Ang kalye sa Binondo, na tinatawag ngayong Juan Luna, kung saan matatagpuan
ang bahay ni Kapitan Tiago.
a. Anluwage b. San Diego c.San Juan d.Europa
3.Ilang taong namalagi si Crisostomo sa Europa para mag-aral?
a.10 taon b.5 taon c.7 taon d.8 taon
4.Ikinuwento niya kay Crisostomo kung bakit namatay ang ama nito, gayundin ang
pagkakapiit nito.
a. Kapitan Tiago b. Padre Sibyla c.Laruja d. Tenyente Guevarra
5.Sa hapunan, hinamak niya ang mga ginawa at naranasan ni Crisostomo sa
Europa.
a. Padre Salvi b.Padre Sibyla c.Donya Victorina d.Padre Damaso
6.Ang tawag sa magkabilang dulo ng mesa.
a. upuan b. kabisera c. dulo d. magkabilaan
7. Ano ang parte ng manok ang nakuha ni Padre Damaso na syang nagpapasidhi ng
kanyang pagkainis kay Crisostomo Ibarra?
a. Pitso b.leeg at pakpak c.paa ng manok d. ulo ng manok
8. Ito ay isang manuskrito na isinulat ni Crisostomo tungkol sa kung paano
nakasama sa kasiyahan ng hapunan ang isang leeg at pakpak ng manok.
a. Mi ultimo Adios b. Estudios Coloniales c. Noli Me Tangere d. Coloniales
9. Siya ang nagbigay suhestyon na dapat maupo si Padre Damaso sa kabilang dulo
ng mesa dahil siya ang matagal nang kaibigan ni Kapitan Tiago at siya din ang
kumpesor ng pamilya nito
a. Padre Sibyla b. Don Tiburcio c. Kapitan Tyago d. Laruja
10. Ang nararamdaman ni Padre Damaso kay Crisostomo Ibarra dahil sa nag-iinit
nitong talakayan.
a. kasiyahan b. inggit c. takot d. inis

Aralin Pamagat ng Aralin


Pagsulat ng Iskrip ng Mock Trial Tungkol sa

1 Tunggalian ng mga Tauhan sa Akda

Balikan

Natutunan mo sa nakaraang araling tinalakay ang kategorya at antas ng mga


wika ayon sa pormalidad maging ang gamit ng mga ito sa pakikipagtalastasan.
Sagutin ang mga sumusunod batay sa iyong natutunan.
Isulat sa patlang na nakalaan bago ang bilang ang wastong sagot sa mga
sumusunod na pahayag o tanong.

___________1. Antas ito ng wika na itinuturing na pamantayan sapagkat ito ay kinikilala,


tinatanggap at ginagamit sa karamihang nakapag-aral sa wika. Ito ay karaniwang ginagamit
sa paaralan at iba pang pangkapaligirang intelektwal.
____________2. Ito ang uri ng salita na karaniwang palasak sa pang-araw-araw na
pakikisalamuha at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
___________ 3. Sa pormal na uri ng salita, ginagamit ito sa mga lathalaing babasahin at
nasa anyong literal ang pagpapakahulugan nito.
____________4. Ang mga salitang kaibigan, security guard, nanay, tatay, pandemya,
maganda, ay halimbawa ng anong antas ng wika?
____________5. Pinakamababang antas ito ng wikang di-pormal at kadalasan itong
ginagamit ng mga pangkat ng iilang tao lamang. Tinatawag din itong Salitang Kalye.

Tuklasin

Gawain 1 Pansinin ang larawan sa ibaba at sagutin ang sumusunod na mga


katanungan
https://tl.cathedralcollege.org/defenderte-en-la-corte-12870 https://www.google.com/search?
q=larawan+na+nasa+korte+&tbm=isch&ved=2ahUKE
wjIlYze7JbwAhULJqYKHfuWAxgQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+na+nasa+korte+&gs_lcp

4
Gabay na Tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
_________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2. Nakaranas ka na ba sa iyong buhay na ikaw ay nangatwiran. Maglahad ng
isang sitwasyon?
_________________________________________________________________
________________________________________________________________.
3. Bakit mahalaga ang Mock Trial? Paano nakatutulong ito sa pagkatuto ninyong
mga mag-aaral?
_________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Suriin

Buod ng Nobelang Noli Me Tangere

Kabanata III
Ang Hapunan
Dumating ang mga panauhing naimbitahan para sa isang hapunan. Isa-isa
itong nagsitungo sa hapag-kainan.
Dahil sa mainit na talakayan na nangyari, galit na galit parin si Padre
Damaso. Pinagsisipa niya ang mga silyang nakaharang sa dadaanan niya.
Habang papalapit sa hapag-kainan sina Pare Sibyla at Don Tiburcio ay masinsinan
naman ang kanilang pag-uusap. Galit na galit naman si Donya Victorina dahil
natapakan ng Tenyente ang laylayan ng kanyang saya.
Sa may kabisera umupo si Crisostomo Ibarra habang ang dalawang Kura
naman ay inaalok sa isa’t isa kung sino sa kanila ang uupo sa magkabilang dulo
nito.
Para kay Padri Sibyla, si Padri Damaso dapat ang maupo doon dahil siya ang
matagal nang kaibigan ni Kapitan Tiago at siya din ang kumpesor ng pamilya nito.
Hindi sumangayon si Padre Damaso. Sa halip, iginiit niya na si Padre Sibyla ang
nararapat na umupo doon dahil siya ang kura sa lugar an iyon. Uupo na sana si
Padre Sibyla nang napansin niya ang tinyente na nagkunwa na iaalok ang upuan
dito. Tumanggi naman ang tinyente sapagkat umiiwas siya na mapagitnaan nang
dalawang pari.
Tanging si Crisostomo Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan
Tiyago pero magalang naming tinanggihan nito ang alok ng binata at sinabing
huwag siyang alalahanin nito.
Sinimulan ng idulot ang pagkain sa hapag-kainan. Ang galit na galit na
damdamin ni Padre Damaso ay nadagdagan nang ihain ang tinola. Nagpupuyos ang
galit nito ng mapatapat sa kanya ay puro upo, leeg at pakpak ng manok habang kay
Crisostomo Ibarra ay ang masasarap na parte ng manok.
Habang kumakain, nakipag-usap naman si Crisostomo Ibarra sa mga katabi
na malapit sa kanya. Sinagot nito si Laruja sa mga tanong na maging siya’y nawala
ng pitong taon sa bansa ngunit kalianma’y
5 di nito nakalimutan ang bayang
sinilangan. 5
Subalit siya pa anya ang nakalimutan dahil sa masaklap na sinapit ng ama na
5
si Don Rafael Ibarra, wala man lang nakapagsabi sa kanya.

Dahil sa maraming wikang banyaga5ang alam niya, nalaman ng mga kausap


na maraming bansa na ang narating nito.
Ipinaliwanag din nito na halos magkakatulad ang tema ng kabuhayan, pulitika at
relihyon ngunit nangingibabaw pa rin ang katotohanang nababatay sa kalayaan at
kagipitan gayundin ang ikaginhawa at ikagigipit ng bayan.
Sumambat si Padre Damaso at walang pakundangang ininsulto si Crisostomo
Ibarra.Sinabi ng pare na nag-aaksaya lamang ito ng pera at panahon kung iyon
lamang ang natutunan na kahit mga bata ay alam ang gayun. Nabigla ang lahat sa
sinabing iyon ni Padre Damaso.
Kalmado ang binatang nagpaliwanag at sinasariwa ang mga sandaling
madalas pumupunta sa kanila si Padre Damaso noong bata pa siya upang makisalo
sa kanilang hapag-kainan. Hindi nakaimik ang pare sa tinuran ng binata.
Nagpaalam na si Crisostomo Ibarra dahil may mahalagang dadalawin sa
araw na yaon ngunit pinigilan siya ni Kapitan Tiyago dahil darating si Maria Clara at
ang bagong Kura Paroko ng San Diego ngunit hindi ito nagpapigil at nangakong
babalik kinabukasan.
Ibinulalas ni Padre Damaso ang sama ng loob ng umalis si Crisostomo Ibarra
at binigyang-diin na ang ikinikilos ng binata ay tanda ng masamang bunga ng
pagpapadala ng mga kabataan sa Europa at dapat itong ipagbawal.
Isinulat kaagad ng binata sa isang kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol
sa kung paano nakasama sa kasiyahan ng hapunan ang isang leeg at pakpak ng
manok.
Gawain 2
Sagutin ang mga sumusunod at ipaliwanag ayun sa binasang buod.
1. Paano ipinakilala ni Crisostomo Ibarra ang sarili sa mga panauhin?
Sagot:_________________________________________________________
___________________________________________________________.
2. Ano ang nakatutuwang pangyayaring naganap sa hapag-kainan?
Sagot:_________________________________________________________
___________________________________________________________.
3. Sa iyong palagay, sino sa mga mahahalagang panauhin ng hapunan ang
dapat na maupo sa kabesera ng hapag-kainan? Kung isa ka sa panauhing na
naimbitahan, sino kina Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, Padre Salvi at
Padre Damaso ang gusto mo at karapat-dapat sa pwesto? Bakit?
Sagot:_________________________________________________________
____________________________________________________________.

Gawain 3 Ipaliwanag ang mga sumusunod:


1. Masama ba ang mainggit sa kapwa tao? Bakit?
Sagot:___________________________________________________________
__________________________________________.
2. Ano ang iyong gagawin kapag ikaw ay naharap sa ganoong sitwasyon katulad
kay Padre Damaso?
Sagot:___________________________________________________________
__________________________________________.

6
Pagyamanin

Gawain 4 Gamit ang Graphic Organizer, itala ang mga Sanhi at Bunga ng mga
salitang may kaugnayan sa salitang Inggit sa Kapwa.

SANHI

INGGIT SA
KAPWA

BUNGA

Isaisip

Gawain 5 Sagutin ang mga sumusunod:

1. Sino sa mga tauhan ng ikatlong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere ang lubos
mong hinahangaan? Bakit?
Sagot:______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
2. Paano ka nabago ng mga pangyayaring naganap sa tauhang ito?
Sagot:______________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Isagawa
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Iskrip sa Isang Mock Trial
 Isaliksik ang paksang tatalakayin sa paglilitis upang mas kapani-paniwala ang
mga dayalogo at pangyayari.
 Maaaring balikan ang mga napanood nang teleserye o pelikula na may
eksenang paglilitis.
 Tandaan ang wastong paggamit ng mga salitang angkop sa paglilitis.

7
Unawain Nyo!
Kailangang imulat sa mga mag-aaral ang katotohanan sa buhay kasama na rito ang
mga kaganapan sa paligid upang kayo ay matutong mag-isip, magtimbang-timbang
ng mga pangyayari at magpasya. Ginagamit sa klase ang Mock Trial upang ipabatid
ang mga kaganapan sa loob ng hukuman at maunawaan ng mag-aaral ang sistema
ng pagpapairal ng hustisya sa anumang uri ng paglabag. Sa panahon ng pandemya
ay maari kayong manood ng mga bidyu na may kinalaman sa isang mock trial,
upang mas maunawaan ng Mabuti narito ang gabay sa pagsulat o paggawa ng
mock trial.

Sa paghahanda ng Mock Trial, mahalaga ang mga sumusunod:


1. Pagbuo ng iskrip sa isasagawang Mock Trial
2. Mga Tauhang gaganap ng mahahalagang papel tulad ng;
a) Mga abogado ng dalawang panig
b) Naghahabla o nagrereklamo
c) Pinag-uusig o inirereklamo
d) Taga-media
e) Alagad ng batas
f) Hukom
g) Klerk
3. Pagpapabatid ng prosesong isasagawa sa loob ng hukuman tulad ng:
a) Tuwirang pagtatanong
b) Kawing-kawing na pagtatanong (cross-examination)
c) Pangwakas na argument
Narito naman ang mga dapat isaalang alang sa proseso ng Mock Trial na dapat
ipaloob sa iskrip Na bubuuin:
1. Bago ang paglilitis
a) Pagpapabatid ng lahat ng impormasyon tungkol sa kasong lilitisin
b) Pagbuo ng mga tanong para sa cross examination
c) Pagsulat ng mga dapat sabihin
2. Habang nagaganap ang paglilitis
a) Pagtiyak na ang lahat ng kaganapan ay maayos na naisasagawa
b) Pagtiyak na malinaw na naipahahayag ng bawat isa ang kanilang sinasabi
c) Pag-iwas sa pagbibigay ng sariling opinyon o palagay

Handan na ba kayong sumulat ng iskrip ng isang mock trial? Halina’t subukan natin.

8
Gawain 6

Sumulat ng isang Iskrip ng Paglilitis (Mock Trial) hinggil sa mga pangyayaring


naganap sa Hapag-kainan sa Ikatlong Kabanata. Bigyan ito ng angkop na pamagat.

____________________________
Pamagat

Mga Tauhan:
Lugar ng Pinangyarihan:

Pamantayan sa pagbuo ng iskrip.


Paraan ng paglalahad 50%
Paggamit ng wika 30%
Kaangkupan sa paksa 20%
100%

Buod
Ang mayamang kultura ng mga Asyano ay di mapapantayan. Isa sa kulturang
ito ay ang panitikan na kumakatawan sa pangaraw-araw na pakikipamuhay ng mga
mamamayan sa bansang pinagmulan. Sa pagsusuri natin sa akda, ang mga tauhan
at pangyayari ay may malaking kaugnayan sa kasalukuyang panahon, sa madaling
salita ito’y nagyayari sa tunay na buhay. Bilang isang mag-aaral ng pagsusuri,
mahalagang maiuugnay mo ito sa sariling buhay at sa kasalukuyang panahon.

Binabati kita at natapos mo ang modyul na ito. Nawa’y natutunan mo ang


mga kaalamang tinalakay dito at ang pagpapahalaga sa mga gagawing
pagdedesisyon sa buhay.

9
Tayahin

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan at isulat sa patlang ang


tamang sagot.
A. Kilalanin kung Tama o Mali ang salitang may salungguhit. Isulat ang
tamang sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
___________ 1. Isa sa mga tauhang gaganap ng mahahalagang papel sa mock trial
ay ang hukom, klerk, at alagad ng batas.
___________ 2. Pagpapabatid ng prosesong isasagawa sa loob ng hukuman ay isa
sa paghahanda ng mock trial.
___________ 3. Bago ang paglilitis kailangan ang isulat ang mga dapat sabihin
___________ 4. Pagtiyak na ang lahat ng kaganapan ay maayos na naisasagawa
___________ 5. Pag-iwas sa pagbibigay ng sariling opinyon o palagay
B. Bilugan ang titik ng tamang sagot ayon sa hinihiling.
1. Siya ang naghanda ng isang piging bilang pasasalamat sa mahal na birhen para
sa maluwalhating pagbabalik ni Crisostomo galing Europa.
a. Kapitan Tiago b.Tenyente Guevarra c.Padre Damaso d.Elias
2.Ang kalye sa Binondo, na tinatawag ngayong Juan Luna, kung saan matatagpuan
ang bahay ni Kapitan Tiago.
b. Anluwage b. San Diego c.San Juan d.Europa
3.Ilang taong namalagi si Crisostomo sa Europa para mag-aral?
a.10 taon b.5 taon c.7 taon d.8 taon
4.Ikinuwento niya kay Crisostomo kung bakit namatay ang ama nito, gayundin ang
pagkakapiit nito.
a. Kapitan Tiago b. Padre Sibyla c.Laruja d. Tenyente Guevarra
5.Sa hapunan, hinamak niya ang mga ginawa at naranasan ni Crisostomo sa
Europa.
a. Padre Salvi b.Padre Sibyla c.Donya Victorina d.Padre Damaso
6.Ang tawag sa magkabilang dulo ng mesa.
a. upuan b. kabisera c. dulo d. magkabilaan
7. Ano ang parte ng manok ang nakuha ni Padre Damaso na syang nagpapasidhi ng
kanyang pagkainis kay Crisostomo Ibarra?
a. Pitso b.leeg at pakpak c.paa ng manok d. ulo ng manok
8. Ito ay isang manuskrito na isinulat ni Crisostomo tungkol sa kung paano
nakasama sa kasiyahan ng hapunan ang isang leeg at pakpak ng manok.
a. Mi ultimo Adios b. Estudios Coloniales c. Noli Me Tangere d. Coloniales
9. Siya ang nagbigay suhestyon na dapat maupo si Padre Damaso sa kabilang dulo
ng mesa dahil siya ang matagal nang kaibigan ni Kapitan Tiago at siya din ang
kumpesor ng pamilya nito
a. Padre Sibyla b. Don Tiburcio c. Kapitan Tyago d. Laruja
10. Ang nararamdaman ni Padre Damaso kay Crisostomo Ibarra dahil sa nag-iinit
nitong talakayan.
a. kasiyahan b. inggit c. takot d. inis

10
Susi sa Pagwawasto

Subukin /Tayahin
A.
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama
B.
1.A 6.B
2.A 7.B
3.C 8.B
4.C 9.A
5.D 10.B

Balikan
1. Pormal
2. Di-pormal
3. Pambansa
4. Pormal
5. Pabalbal

Tuklasin
Gawain 1 - Nasa pagpapasya ng guro ang kawastuhan sa mga sagot
Suriin
Gawain 2 - Nasa pagpapasya ng guro ang kawastuhan sa mga sagot
Gawain 3- Nasa pagpapasya ng guro ang kawastuhan sa mga sagot
Pagyamanin
Gawain 4 - Nasa pagpapasya ng guro ang kawastuhan sa mga sagot
Isaisip
Gawain 5- Nasa pagpapasya ng guro ang kawastuhan sa mga sagot
Isagawa
Gawain 6- Nasa pagpapasya ng guro ang kawastuhan sa mga sagot ayon sa
pamantayan sa pagbuo ng iskrip.

11
Sanggunian
Panitikang Asyano – Ikasiyam na Baitang, Gabay ng Guro sa Filipino. Unang
Edisyon. DepEd-IMCS, Pasig City, pp., 141-142. 2014.

Internet

https://tl.cathedralcollege.org/defenderte-en-la-corte-12870

https://www.google.com/search?
q=larawan+na+nasa+korte+&tbm=isch&ved=2ahUKEwjIlYze7JbwAhULJqYKHfuWA
xgQ2cCegQIABAA&oq=larawan+na+nasa+korte+&gs_lcp=CgNpbWcQA1CJO1imR
WC8SmgAcAB4AIABVYgBrwSSAQE3mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&s
client=img&ei=qgqEYMiYKovMmAX7rY7AAQ&bih=674&biw=1403&hl=en-
US#imgrc=mK1uYsSjUfpilM

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
12

You might also like