You are on page 1of 4

Mala-masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Baitang 9
Ika-22 ng Mayo, 2023

Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


 Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring
naganap sa buhay ng tauhan (F9PN-IVd-58);
 Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang,
sa kasintahan, sa kapuwa at sa bayan (F9PB-IVd-58); at
 Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito (level
of formality)
(F9PT-IVd-58).

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga pangunahing tauhan sa kabanatang tinalakay.
2. Nasusuri ang antas ng Wika batay sa pormalidad na gamit.
3. Nailalahad ang mga aral na napulot mula sa kabanatang binasa.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Crisostomo Ibarra
Kabanata 34: Ang Pananghalian
B. Kagamitan: tulong biswal, telebisyon, laptop, powerpoint presentation
K. Sanggunian: Filipino 9 Ikaapat na Markahan Modyul 4

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a.1 Pagbati
- Magandang umaga mga mag-aaral!
a.2 Panalangin
- Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin
sa klase.
a.3 Pagtala ng lumiban sa klase
- Sino-sino ang mga lumiban sa ating klase ngayon?
(Itatala ng guro ang mga lumiban sa tseklist)
a.4 Balik-Aral
- Sa pagsisimula ng bagong aralin, tayo muna ay magbalik-aral hinggil sa
ating huling tinalakay. Ano ang ating tinalakay noong nakaraang linggo?

B. Paglinang na Gawain
b.1 Pagganyak
4 Pics 1 Word!
-Magpapakita ng apat na larawan ang guro at ipapahula kung anong uri ng pagkain
ang kanilang mabubuo.
- Ang ating ginawang aktibidad ay may kaugnayan sa ating talakayan.

b.2 Paglalahad
- Ang ating tatalakayin ngayon ay ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni
Crisostomo Ibarra Kabanata 34: Ang Pananghalian at ang Antas ng Wika Batay sa
Pormalidad na Gamit.
Alamin muna natin ang ating mga layunin sa pagtatapos ng talakayan.
(Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral na magbabasa ng layunin.)
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga pangunahing tauhan sa kabanatang tinalakay.
2. Nasusuri ang antas ng Wika batay sa pormalidad na gamit.
3. Nailalahad ang mga aral na napulot mula sa kabanatang binasa.
b.3 Pagtalakay
-Ipapanood ang e-comics ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni
Crisostomo Ibarra Kabanata 34: Ang Pananghalian
- Tatalakayin ang sa klase ang Kontekstuwal na Pahiwatig.
-Pagkatapos ay kanilang sasagutan ang sumusunod na katanungan.
Pag-unawa sa Tinalakay
Kabanata 34: Ang Pananghalian
1. Sino ang magiging panauhin ni kapitan tiyago?
2. Sino ang dumating ng patapos na ang pananghalian?
3. Ano ang dahilan ni Ibarra sa tangkang pagsaksak kay padre Damaso?
-Tatalakayin sa klase ang antas ng Wika batay sa pormalidad na gamit.
C. Pangwakas na Gawain
c.1 Paglalapat
Panuto: Suriin ang mga salitang nasa loob ng kahon. Pangkatin ang mga salita ayon sa
antas ng pormalidad ng gamit nito. Kopyahin ang talahanayan sa hiwalay na papel at
isulat ang sagot dito. (Pagbatayan ang unang halimbawa.)

Inay itay ‘pa erpat

‘ma katipan mudra jowa

Bf/gf haligi ng tahanan ilaaw ng tahanan uyab

Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal


Halimbawa:bahay Tahanan Balay Haus Balur
Ama
ina
kasintahan

Panuto: Kopyahin sa hiwalay na papel ang pormat sa ibaba at punan ito ng mga
angkop na sagot.

Like ko I-share I believe…


I got it

Tatlong bagay na Ako bilang isang


Mga natutuhang
natutuhan ko sa nagmamahal ay naniniwala
nais ibahagi sa
aralin na makapangyarihan ang
iba
pag-ibig dahil
c.2 Pagpapahalaga
- Bakit mahalagang pag-aralan ang Antas ng Wika batay sa pormalidad na
gamit?
c.3 Paglalahat
- Bilang pagtatapos sa ating natalakay. Maaari nyo bang ilahad sa klase ang
ating mga tinalakay ngayong araw na ito?
(Magtatawag ng mag-aaral na siyang mabubuod sa mga tinalakay)

IV. PAGTATAYA
Panuto: Pumili ng isang kabanatang tinalakay at ibuod ang kabanatang napili.

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa mga kabanatang nagpapakita ng
kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang sa kasintanhan sa kapwa at sa bayan.

Inihanda ni:
RONAN R. AÑONUEVO
Student Teacher

Iniwasto ni:

MARJORIE F. ECALDRE
Cooperating Teacher/ Teacher I

You might also like