You are on page 1of 13

9

Filipino 9
Ikaapat na Markahan
Modyul 1
Kaligirang Kasaysayan
ng Noli Me Tangere
Filipino – Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Noli Me Tangere – Kaligirang Kasaysayan ng Nobela

Isinasaad sa Batas republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot ng kagawaran.

School Digitized Task Force in Filipino 9

Manunulat:
Teresa P. Orjalo
Rachel E. Onza
Erika Camille S. Ocampo
Mhelvin A. Abarabar

Tagasuri:
Maria U. Cruz
Marissa M. Mamaril, EdD
Maria Sylvia M. Garcia, PhD
9
Filipino
Ikaapat na Markahan
Modyul 1
Kaligirang Kasaysayan
ng Noli Me Tangere
Alamin
Magandang araw sa inyo mga mag-aaral sa baitang 9. Matapos ang naging makulay
na paglalakbay at pagtalakay natin sa mga akdang panitikan ng Timog at Kanlurang Asya ay
pagtutuunan naman natin ng pansin ngayon ang isa sa pinakadakilang akda at sinasabing
walang kamatayang nobela ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang Noli Me
Tangere.
Inaasahan ko na pagkatapos ng ating aralin ay matatamo mo ang mga sumusunod:
1. Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan
• pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito
• pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
• pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon
sa lipunang Pilipino F9PN-IVa-b-56
2. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akda
F9PB-IVa-b-56
3. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan
F9PT-IVa-b-56
4. Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang binasang akda sa
ilang napanood na telenobela* F9PD-IVa-b-55
5. Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakararami F9PS-IVa-b-58
6. Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik F9PU-IVa-b-58 184
7. Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: paglalarawan, paglalahad ng
sariling pananaw, pag-iisa-isa pagpapatunay F9WG-Iva-b-57

Subukin
Ngayon mga kaibigan, bago tayo magpatuloy sa ating aralin nais ko munang subukin
ang iyong kakayahan. Nakahanda ka na ba?
Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang akdang “Noli Me Tangere” ay isinulat ni _____________.
A. Marcelo Del Pillar C. Gregorio de Jesus
B. Jose Rizal D. Melchora Aquino
2. Ang “Noli Me Tangere” ay nangangahulugang ________________.
A. Huwag Mo Akong Pagtawanan C. Hindi Ako Susuko
B. Matapang ang mga Pilipino D. Huwag Mo Akong Saingin
3. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang __________.
A. pampolitika B. panrelihiyon C. panlipunan D. pampamilya
4. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere.
A. The Roots C. Ebony and Ivory
B. Iliad and Odyssey D. Uncle Tom’s Cabin
5. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
A. HIV B. Kanser C. Dengue D. Tuberculosis
Aralin
Kaligirang Kasaysayan
1 ng Noli Me Tangere
1

Panimula
Muli isang magandang araw sa inyong lahat. Ngayong markahan ay palalalimin natin
ang inyong kaalaman sa Noli Me Tangere. Sinasabing naging inspirasyon ni Jose Rizal sa
pagsulat ng nobela ang mga pilipinong pinagmalupitan ng mga Espanyol. Ang Noli Me
Tangere ay tumatalakay sa layunin ni Dr. Jose Rizal bilang may-akda, kalagayang panlipunan
ng Pilipinas nang panahong isinulat ang akda at epekto ng pagkakasulat ng nobela mula sa
panahon ng Kastila hanggang kasalukuyan.
Halina’t kilalanin ang may-akda at tuklasin ang tungkol sa Kaligirang Kasaysayan ng
akda.

Balikan
Gawain 1. Naaalala Mo Ba?
Panuto: Ilahad sa tsart ang mga mahahalagang aral na natutunan mo sa mga nakaraang
aralin sa ikalawang markahan

Akda Mahalagang Natutunan

____________________________________
Tanka at Haiku __________________________________

____________________________________
Ang Hatol ng Kuneho
__________________________________

Ang Kababaihan ng ____________________________________


Tawiwan: Nagyon at Noong __________________________________
Nakaraang 5o Taon

____________________________________
Niyebeng Itim __________________________________

____________________________________
Munting Pagsinta __________________________________
TUKLASIN
Mabuti at nakatatak pa sa iyong isipan ang mga mahahalagang aral na nakapaloob sa
akda sa nakaraang mga aralin. 2
Subukin naman natin ngayon kung gaano mo na kakilala si Dr. Jose Rizal sa
pamamagitan ng gawain.
Handa ka na ba?

Gawain 2
Panuto: Sa pamamagitan ng concept map, magtala ng mga salita na maaaring maiugnay o
makapaglarawan kay Rizal.

Magaling at mayroon ka nang kaalaman tungkol kay Rizal. Alamin naman


natin ngayon ang ilang mga mahahalagang tala tungkol sa kaniyang buhay.

Jose Protacio Rizal


Si Jose Rizal ang pambansang bayani ni Pilipinas. Isa siyang doktor, makata, henyo,
dalubwika at iba pa.Isinilang siya noon ika-19 ng Hunyo, 1861. Siya ay pampito sa labing-
isang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Ginamit ng pamilya ni Rizal ang
apelyedong Rizal na nangangahulugang “luntiang bukirin”noong ika-21 ng Nobyembre 1849
alinsunod sa kautusan ni Gobernador-Heneral Claveria.
Ang kanyang inang si Teodora ang naging unang guro ni Rizal. Hindi lamang pagbasa
pagsulat at pagbilang ang natutuhan niya sa kanyang ina kundi maging ang pagdarasal at
pagsagot sa mga dasal. Siyam na taong gulang siya ng ipinadala siya sa Binan at nag-aral sa
ilalim ng pamamahala ni G. Justiniano Aquino Cruz. Pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral
sa Ateneo Municipal de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas at siya ay nagtamo ng notang
sobresaliente. Nagtungo rin siya sa Europa upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Sa murang edad pa lamang ni Rizal ay mahilig na siyang magsulat at isang patunay rito
ay ang kanyang tulang “Sa Aking mga Kababata”. Bukod pa riyan ay marami pa siyang mga
akda tulad na lamang ng “Para sa mga Kabataang Pilipino”, “Junto Al Pasig”,Sa mga
Kababayang Dalaga sa Malolos” at marami pang iba. Napabantog naman si Rizal dahil sa
kanyang nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” na sinasabing may malaking
ambag sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas. Ang “Mi Ultimo Adios” o Huling Paalam ay ang
huling isinulat ni Rizal.
Naging makulay rin ang naging buhay pag-ibig ni Rizal. Si Leonor Rivera ang
sinasabing unang pag-ibig ni Rizal. Ang napangasawa naman ni Rizal ay si Josephie
Bracken.
Itinatag niya ang La Liga Filipina noong Hulyo 3, 1892 na may layuning magkaroon
ng pagbabago sa pamahalaan ng Pilipinas3 sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at
hindi paghihimagsik at gumamit ng pen name o sagisag na panulat na Laong Laan-diyaryong
tagalog at Dimasalang-Masonic name.
Ipinadakip siya ni Kapitan-Heneral Despujol at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo
7, 1892. Siya ay kinasuhan ng rebelyon, sedisyon at pakikipagsabwatan para ipataob ang
pamamahala ng mga Kastila. Hinatulan siya na mamatay sa pamamagitan firing squad. At
noong Disyembre 30, 1896 ay binaril siya sa Bagumbayan.

Suriin
Gawain 3.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita.
1. Sobresaliente -
2. Dalubwika -
3. Makata -
Gawain 4
Panuto: Magbigay ng sariling pananaw ukol sa mga natalakay na mahahalagang pangyayari
kay Rizal.
1. Paano mo ilalarwan si Dr. Jose Rizal? Masasabi mo ba siyang tunay na henyo? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

2. Sumasang-ayon ka bang si Dr. Jose Rizal ang ating pinakadakilang bayani? Bakit oo
at bakit hindi?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Nakilala na natin nang lubusan si Dr. Jose Rizal kaya’t dadako naman tayo
ngayon sa Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere. Bakit nga ba isinulat ni Rizal
ang nobelang ito? Ano-ano ang naging ambag nito sa ating lipunan?

4
PAGYAMANIN
Pagyamanin

ALAM MO BA . . .

ang “Noli Me Tangere” ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal? Hango sa


Latin ang pamagat nito na may kahulugang Huwag mo akong salingin o hawakan. Sinipi
ito mula sa Ebanghelyo ni San Juan 20:17 sa bagong tipan kung saan sinabi ni Jesus kay
Maria Magdalena na “Huwag mo akong salingin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa
aking ama.” Mas madalas itong tinatawag na Noli at ang salin nito sa Ingles ay Social
Cancer. Kun titignan ito ay isang nobelang panlipunan na tumatalakay sa kanser ng
lipunan
Nais ilarawan ni Rizal sa kaniyang akda ang kawalang pag-asa sa ikagagaling ng
bayan sa naturang karamdaman. Isinulat niya ito upang gisingin ang mga Pilipino at ang
mga susunod pang salinlahi sa kanilang kalagayan at kung maaari nila itong lunasan,
malaman ang sariling kapintasan at kahinaan nang sa gayo’y kanilang maiwasan at
maiwasto ang kamalian.
Musmos pa lamang siya ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na kondisyon ng
Pilipinas dahil sa pang-aalipin ng mga Espanyol. Sa sarili niyang bayan sa Calamba ay
unti-unting namulat ang kaniyang mata sa kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino.
Nasaksihan niya kung paanong ang matandang lalaki ay hinahagupit ng mga guardia civil
kung hindi wasto ang pagsaludo sa kanila, kung hindi nag-aalis ng sombrero kung sila’y
mapapadaan sa harapan nila, ang pagmamalupit sa mga babae at maging sa mga bata.
Naging biktima rin ng kalupitan at kawalang katarungan ang pinakamamahal niyang ina.
Ang mga pangyayaring ito’y nagpakilala kay Rizal na nangangailangan ng malaking
pagbabago ang kaniyang bayan- pagbabagong sa pamamagitan lamang ng karunungan at
edukasyon matatamo. Kaya ng mabasa niya ang aklat na “The Wandering Jew” (Ang
Hudyong Lagalag) at “Uncle Tom’s Cabin” ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng
isang nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa
kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol.
Kaya bago matapos ang taong 1884, sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo’y
natapos niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat sa Paris noong 1885
at natapos ang sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng
nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Hindi madali para kay Rizal na maipalimbag ang nobela dahil sa kakapusan sa pera?
Mabuti na lamang at pinahiram siya ng salapi ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola na
taga San Miguel Bulacan kaya’y naipalimbag ang 2,000 sipi ng nobela sa Berlin Alemanya
noong Marso 29, 1887.

Gawain 5 Sa Antas ng Iyong Pang-unawa


1. Bakit isinulat ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere?
5
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Paano nakaimpluwensiya ang nobelang Noli Me Tangere sa isipan at paniniwala ng
mga Pilipino sa panahong ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano ang mga pagsubok na naranasan ni Dr Jose Rizal bago isulat ang at habang
isinusulat ang nobelang Noli Me Tangere? Sa iyong palagay, paano nakatulong ang
mga pagsubok na ito sa buhay ng may-akda?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Ibigay ang iyong damdamin at naging pagbabago sa iyong pananaw kay Dr. Jose Rizal
matapos mong malaman ang pagtitiis na kanyang ginawa mabuo lamang ang Noli
Me Tangere para sa Sambayanang Pilipino?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Patunayan ang kasabihang “ Kakambal ng paghihirap at pagtitiis ang tagumpay.”
Paano mo maihahambing sa kasalukuyang panahon ang kasabihang ito.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 6:

Panuto: Ilarawan ang Kondisyong Panlipunan sa panahong isinulat at pagkatapos maisulat


ang Noli Me Tangere sa tulong ng graphic organizer.

6
Isaisip
Gawain 7
Panuto: Punan ang patlang batay sa iyong sariling pag-unawa sa Noli Me Tangere
1. Mahalagang pag-aralan ang Noli Me Tangere sapagkat _______________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Bilang kabataan, maipapakita ko ang aking pagpapahalaga sa akdang Noli Me


Tangere sa pamamagitan ng _____________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isagawa
Gawain 8
Panuto: Bumuo ng sariling konklusyon kung bakit sa tingin mo ay mahalagang matutunan ng
mga kabataang katulad mo ang Noli Me Tangere.

7
TAYAHIN
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. . Kailan ipinanganak si Dr. Jose Rizal?


A. Hunyo 19, 1861 B. Hunyo 20, 1861 C. Hunyo 21, 1861 D. Hunyo 22,
1861
2. Sino ang huling pag-ibig ni Rizal?
A. Josephine Bracken B. Leonor Rivera C.Segunda Katigbak D. Leonor
Valenzuela
3. Kailan binaril si Jose Rizal sa Bagumbayan ( ngayon ay Luneta)
A. Hunyo 19, 1896 C. Disyembre 30, 1891
B. Disyembre 30, 1896 D.Hunyo 19, 1886
4. Ang akdang “Noli Me Tangere” ay isinulat ni _____________.
A. Marcelo Del Pillar C. Gregorio de Jesus
B. Jose Rizal D. Melchora Aquino

5. Ang “Noli Me Tangere” ay nangangahulugang ________________.


C. Huwag Mo Akong Pagtawanan C. Hindi Ako Susuko
D. Matapang ang mga Pilipino D. Huwag Mo Akong Salingin

6. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang __________.


A. pampolitika B. panrelihiyon C. panlipunan D. pampamilya

7. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere.


A. The Roots C. Ebony and Ivory
B. Iliad and Odyssey D. Uncle Tom’s Cabin

8. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.


A. HIV B. Kanser C. Dengue D. Tuberculosis
9. Saan inilathala ni Jose Rizal ang Noli?
A. Pilipinas B. Germania C. Europa D. Bagumbayan

10. Sino ang nagging inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?

a. mga Espanol na minahal ang mga Pilipino

b. mga Pilipinong pinagmalupitan ng Espanol

c. ang kanyang mga magulang


d. ang mga paring Espanol

Karagdagang Gawain
Gawain 9: 8
Alam kong napag-aralan at napanood mo sa you tube ang dulang ” Sintahang Romeo
at Juliet.” Ngayon naman ay subukin mo ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa akdang “Noli Me Tangere”

Noli Me Tangere Sintahang Romeo at Juliet

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad

Binabati kita at natapos mo nang buong husay ang mga gawaing


inihanda ko para sa iyo! Nawa’y tumatak sa iyong isipan ang mga aral na
napulot mo sa araling ito.
SUSI SA PAGWAWASTO
Subukin:

1. B 9
2. D
3. C
4. D
5. B
Gawain 1- Iba-iba ang sagot

Gawain 2 - Iba-iba ang sagot

Gawain 3 - Iba-iba ang sagot

Gawain 4- Iba-iba ang sagot

Gawain 5- Iba-iba ang sagot

Gawain 6- Iba-iba ang sagot

Gawain 7- Iba-iba ang sagot

Gawain 8- Iba-iba ang sagot

Gawain 9- Iba-iba ang sagot

Tayahin

1. A
2. A
3. B
4. B
5. D
6. C
7. D
8. B
9. B
10. B

Sanggunian:
Pinangyamang Pluma 9
Magbaleta, Corazon G. et al. Noli Me Tangere (Sa Bagong Pananaw) ni Dr. Jose P. Rizal,
JO-ES Publishing House, Inc 2006

You might also like