You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
Palo, Leyte

San Joaquin National High School


San Joaquin Palo, Leyte

DAILY LESSON LOG ( Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo)

Guro Ma. Darlene M. de Paz Baitang/Antas Grade 9


Petsa February 23, 2023 Asignatura Filipino
Oras 7:45-8:45 (Aquamarine) 10:00-11:00 (Diamond) Markahan Ikatlo
8:45-9:45 (Garnet) 11:00-12:00 (Pearl)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling
akdang tradisyonal ng Silangang Asya.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; isang
halimbawang elehiya. F9PB-IIIb-c-51

II. NILALAMAN Elehiya


III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian “Filipino Modyul: Learning Package Baitang 9”
1. Mga pahina sa gabay ng guro
2. Mga pahina sa kagamitang pang
mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, TV, chalk, powerpoint, modyul

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at / o Paghahanda
pagsisimula ng bagong aralin 1. Panalangin (maaring tumawag ng mag-aaral para sa gawain ito)
2. Paghahanay/pag-aayos sa mga upuan.
3. Paglalahad ng mga alituntunin.
4. Pagtsek kung sino ang liban sa klase.
5. Pagbalik-aral sa nakaraang talakayan.

Ipatukoy kung alin sa mga larawan ang maiuugnay sa mga


parabulang napag-aralan nila.

1. 2. 3. 4.
B. Paghahabi sa Layunin ng aralin Ipaliwanag ang kanilang pangkalahatang sagot mula sa balik-aral na
ginawa at i-ugnay sa kasalukuyang talakayan.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Italakay ang kahulugan ng elehiya at ang mga element nito.
bagong-aralin.
Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng
pagbubulaybulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing
damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay. May
katangian ang elehiya. Ito’y tula ng pananangis, pag-alaala, at
pagpaparangal sa mahal sa buhay na ang himig ay matimpi,
mapagmunimuni, at di-masintahin.

Elemento:
a. Tema- ang kabuoang kaisipan ng elehiya.
b. Tauhan- mga taong kasangkot sa tula.
c. Kaugalian o Tradisyon- nakikita ang nakaugalian o isang
tradisyong masasalamin sa tula.
d. Wikang ginagamit- maaaring pormal o di-pormal
1. Pormal- ay standard na wika na naghahatid ng mahahalagang
kaisipan o kaalaman sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng
mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang
tinatalakay.
2. Di-pormal- ay karaniwang salita na ginagamit sa pang-araw-
araw na usapan.
f. Simbolo- gumagamit upang ipahiwatig ang isang kaisipan o
ideya. g. Damdamin -tumutukoy sa emosiyong nakapaloob sa tula.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ipabasa ang elehiya sa Kamatayan ni Kuya mula sa Bhutan na
paglalahad ng bagong kasanayan # 1 isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte at ipasagot ang mga
tanong sa ibaba.

1. Ano ang tema ng binasang tula?


2. Paano ipinadama ng may akda ang labis niyang
pagdadalamhati sa tula?
3. Ibigay ang nais ipahiwatig ng bawat saknong ng binasang
akda? 4. Bakit mahalaga sa sumulat ng tula ang mga alaalang
iniwan ng kaniyang kapatid? Ganito rin ba ang pagtuturing mo sa
mahal mo sa buhay?
5. Anong mga simbolo o sagisag ang ginamit sa akda?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ipabigay ang kanilang nararamdaman tungkol sa akdang binasa sa
paglalahad ng bagong kasanayan # 2 pamamagitan ng pag-pantomine o paggalaw nang hindi
nagsasalita.
F. Paglinang sa Kabihasaan GROUPINGS:
Hatiin ang klase sa dalawang grupo at ipagawa ang sumusunod na
Gawain.

1. Kung kayo ang nasa katayuan ng nagsulat ng tula, ano ang


mararamdaman mo nang malaman mo ang saglit na
pagkawala ng iyong kapatid?
2. Pumili ng kanta na maaari mong i-alay sa kapatid mong
yumao na at ipresenta ito sa harap ng klase.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw Gabay na Tanong:
na buhay 1. Kung ikaw ay gagawa ng isang elehiya, sa anong
pagkakataon ng buhay mo ang nais mong isulat? Bakit?
H. Paglalahat ng Aralin Magtawag ng mag-aaral at ipabuod sa klase ang tinalakay sa araw
na ito.
Panuto: Sa isang buong papel, sagutin at gawin ang sumusunod na
V. Pagtataya ng Aralin tanong.

1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon upang makausap


muli ang Kuya na namayapa doon sa tula, ano ang
sasabihin mo sa kanya? Ipahayag ito sa pamamagitan ng
paggawa ng isang liham na nangangaral.
I. Karagdagang gawain para sa takdang Gawain:
aralin at remediation Panuto: Gamit ang Fishbone Teknik, lapatan mo ang ibabaw na
tinik ng mga damdaming kasama pa ang iyong mahal sa buhay at sa
ilalim naman ay damdaming wala na o namayapa na ang mahal mo
sa buhay.

VI. Mga tala


VII. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy pa sa remediation
E. Alin sa istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyonan sa tulong ng aking
punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
aking kapwa guro.

DepEd Order no. 42, s. 2016

Inihanda ni:
Iwinasto ni:
MA. DARLENE M. DE PAZ
Guro sa Filipino GEMMA P. OTIVAR
Master Teacher

Pinagtibay at Sinang-ayunan ni:

FLORDELIZA R. VERUNQUE
School Head

You might also like