You are on page 1of 8

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 9

I. Layunin : Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Nakasasagot ng mga katanungan batay sa akdang binasa. (PP9PB-llb-1.3)
Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan na parang mga
taong nagsasalita at kumikilos. (F9PB-llc-46)
Muling naisusulat ang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito.
(F9PU-llc-48)

Paksang Aralin
Paksa: Panitikan “Ang mag-inang palakang puno” isang pabula
Sanggunian:
Ikalawang Edisyon : Pinagyamang Pluma (Wika at Panitikan sa Mataas na Paaralan) Aklat 1
Internet: https://www.youtube.com/watch?v=IrzcFeQZ0P0
Kagamitan
Laptop, Cellphone, PowerPoint Presentation
c. Values: Pagsunod at paggalang sa magulang

III: Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Isa sa mga mag-aaral ay mangunguna sa
Maaari mo bang pangunahan ang ating panalangin.
panalangin ?

2. Pagbati

Magandang Umaga/Hapon sa lahat!


Magandang Umaga/Hapon rin po Binibini!
3. Pagtatala ng mga lumiban sa klase

Mayroon bang lumiban sa araw na ito? Tagasubaybay ng klase: wala pong lumiban sa
araw na ito.

B. PAGGANYAK: 3 – 2 – 1

Umpisahan natin ang klase sa pamamagitan


ng pagbabahagi ng inyong kaalaman
tungkol sa bansang Korea. Sa slide na
ipapakita ko sa inyo sa powerpoint
presentation ay may nakatala na bilang na
kailangan ninyong punan ng impormasyon.
Pindutin ang “Raise hand” icon kung nais
sumagot ang unang mag pop-up sa akin ay
siyang unang tatawagin. Handa na po!
Handa na ba ang lahat?
/Ipapakita ang slide/

3 – Tatlong bagay na pumapasok sa isip


mo kapag naririnig ang bansang Korea K-Pop , Kimchi, BTS

2 – Dalawang bagay o lugar nan ais


mong makita sa korea Seoul at Jeju Island po

1 – Isang tanong tungkol sa bansang Korea


na nais mong hanapan ng kasagutan. Bakit nahati sa dalawang bansa ang Korea?

Mahusay! Tila napakarami ninyong


nalalaman tungkol sa bansang Korea.

C. Paglalahad

Ano kaya ang kinalaman ng Korea sa


aralin natin ngayong araw? Siguro po ay ito ang bansang pinagmulan ng
panitikan na ating tatalakayin ngayon.

TUMPAK!
Ito nga ay nagmula sa bansang Korea.
Upang madagdagan pa ang kaalaman Ninyo
patungkol sa bansang Korea ay may
ibabahagi pa akong mahahalagang
impormasyon.

Alam niyo ba na ang bansang Korea ay


Dating tinatawag na “Choson” na nanga-
ngahulugang “Lupain ng mapayapang
Umaga” Bakit po tinawag ito na Lupain ng
mapayapang Umaga?

Dahil noong nagsimula ang sibilisasyong


Koreano sa pagtatag ng kaharian ng
Choson ay naghahari ang kapayapaan sa
Buong kaharian ngunit hindi ito tumagal
At nahati ito sa tatlong kaharian:
Ang Paekche, Koguryo at Silla.

Sa kasalukuyang panahon nahahati sa


Dalawa ang bansang Korea ang Hilaga
At Timog Korea. Magkaiba ang ideolohiya
Ah, kaya po pala ito nahati sa dalawa dahil
At Sistema ng pamahalaan na umiiral sa
hindi sila magkasundo.
Dalawang bansa

Tama. Gayunpaman, ang kanilang kultura


At paniniwala ay hindi nagkakalayo.
Pareho itong Malaki ang pagpapahalaga
Sa Pamilya.

Sa kanilang sinaunang panitikan ang


Kanilang mga pangunahing tauhan ay mga
Hayop. Kaya ang tatalakayin nating
Panitikan sa araw na ito ay may kaugnayan
Sa hayop. May ideya na ba kayo kung
Anong uri ng panitikan ang ating
Tatalakayin?
Pabula po!
Tumpak!
Isang pabula ang ating tatalakayin
ngayon, Ano nga kasi ang isang
pabula? Pakibasa ang nasa slide.
Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya
mga bagay na walang-buhay ang gumaganap
na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong
at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon.
May natatanging kaisipang mahahango mula sa
mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga
moral na aral para sa mga batang mambabasa.
Salamat..

D. Pagtalakay

Sa akdang tatalakayin natin ay


masasaksihan ang mag-inang palakang-
puno at kung paanong sa abot ng
makakaya ng ina ay pilit niyang
inuunawa at itinutuwid ang anak
Masasalamin dito ang pagpapahalaga
ng magulang sa kanyang anak na kahit
ilang beses sumuway ay pinapatawad
at inuunawa pa rin.

Mayroon akong inihandang videoclip


ng buod ng pabulang ating tatalakayin
Bago Ninyo ito panoorin ay may
iiwanan muna akong katanungan sa
inyo na inaasahan kong inyong
masasagot kapag napanood Ninyo ang
akda.
“Bakit mahalagang sumunod sa mga
sinasabi ng magulang?”
Paalala, magtala kayo ng mahahalagang
pangyayari habang kayo ay nakikinig at
nanonood.

Handa na ba?

Handa na po.

/Pagpapanood ng Videoclip/
Opo.

Nagustuhan niyo ba ang pabula? Nakakalungkot po at nakakainis.

Anong masasabi Ninyo sa


napanood/napakinggan ninyong
pabula?

Tunay naman na nakakalungkot ang


nangyari sa inang palaka at nakakainis
ang nagging pag-uugali ng anak na
palaka.

Ngayon, upang mas maunawaan Ninyo


ang may mga inihanda akong
katanungan sa inyo.
Sa mga nakaraan nating pagkikita ay .
binigyan ko na kayo ng permanenting
grupo. Ito ay gagamitin natin ngayon sa
ating diskusyon sa pamamagitan ng
estratehiyang NUMBERED HEADS
TOGETHER. Batid kong alam niyo na
ang gagawin dahil ginawa na rin natin
ito sa mga nakalipas na diskusyon.

Maghanda na.

Unang katanungan, Paano ilalarawan


ang sumusunod:
a. inang palaka
b. anak na palaka
c. Samahan ng mag-inang palaka

Lahat nang nasa Ikatlong bilang ay Unang grupo : maunawain at mapagmahal


magbukas ng mikropono.
Ikalawang grupo: pasaway at matigas ang ulo
Ikatlong grupo : magulo dahil laging hindi
sumusunod ang anak na palaka sa kanyang
ina.

Mahusay!
Ikalawang tanong: Anong ugali ng anak
ang kilalang-kilala ng inang palaka?

Lahat nang nasa unang bilang ay


magbukas ng mikropono.
Una, Ikalawa, Ikatlong grupo: binabaliktad po
ang pinapagawa sa kanya ng kanyang ina

Tama!
Paano nakaapekto sa ina ang ugaling
ito ng anak?

Lahat nang nasa ika-anim bilang ay


magbukas ng mikropono Una, Ikalawa, Ikatlong grupo: Labis po itong
namroblema at nagkaroon ng karamdaman.

Tumpak!
Sa iyong palagay, dapat bang sisihin
ang anak na palaka sa nangyari sa
kanyang ina? Pangatwiranan ang iyong
sagot.
Unang grupo: Opo, dahil sa sobrang tigas ng
Lahat nang nasa ikalawang bilang ay kanyang ulo ay namroblema ang kanyang in
magbukas ng mikropono
ana naging dahilan ng pagkakasakit nito.
Ikalawang grupo: para sa akin po hindi po
dapat sisihin ang anak, dahil may parte na
mayroon din kasalanan ang inang palaka. Sa
sobrang bait niya ay hindi niya tinuturuan ng
leksyon ang anak kaya patuloy ito sa ganoong
ugali.
Ikatlong grupo: Opo, dahil bilang isang anak
tungkulin natin na sumunod sa ating magulang
lalo na kung ito ay makakabuti sa atin. Hindi
ito ginawa ng anak na palaka kaya dapat lang
na siya ay sisihin.

Mahusay na pangangatwiran. Lahat


kayo ay may punto sa inyong mga
kasagutan.

Huling katanungan, Anong mensahe


ang nais iparating ng pabula sa mga
anak?

Lahat nang nasa ika-pitong bilang ay Unang grupo: lagi po dapat tayong sumunod sa
magbukas ng mikropono ating magulang

Ikalawang grupo: Kung anong inuutos ng


magulang ay ang gawin, huwag itong
babaliktarin.

Ikatlong grupo: huwag nating bigyan ng sakit


ng ulo ang ating magulang dahil hindi natin
alam kung anong epekto nito sa kanila.

Magaling! Tama lahat ng inyong


kasagutan.

Ang pangunahing tauhan sa ating


akdang tinalakay ay mga hayop. Gamit
ang estratehiyang 3-MINUTES-
REVIEW ang inyong grupo ay
bibigyan ng tatlong minuto upang pag-
usapan ang kabisaan ng paggamit ng
hayop bilang tauhan sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga katanungan na
makikita sa slide presentation. Ang
lider ng grupo ang siyang pipili ng
maglalahad ng inyong napag-usapan.
Maari kayong mag-usap sa kanya-
kanya ninyong group chat. Opo!
Malinaw at naiintindihan na ba ang
gagawin?

Ang tatlong minute ay nagsimula na.

Mga katanungan:

1. Sa iyong palagay, mabisa ba


ang paggamit ng mg hayop
bilang tauhan na parang taong
nagsasalita at kumikilos. Oo o
Hindi? Ipaliwanag.
2. Batay sa iyong nagging
karanasan sa pagbasa ng akda,
maaakit pa kaya nito ang mga
mambabasang kasing-edad mo?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

/Tapos na ang tatlong minuto/ Una, ikalawa at ikatlong grupo: Ipinaliwanag


ang kanilang mga napag-usapang sagot sa
Maaari ng magbukas ng mikropono ang kanilang pangkat.
mga napiling magpaliwanag ng sagot ng
inyong pangkat.

Mahusay ninyong nabigyan ng puna ang


kabisaan ng paggamit ng hayop bilang
tauhan.

E. Paglalapat

Ang mga pabula ay karaniwang payak o


simpleng banghay, subalit mahalaga ang
taglay nitong na aral sapagkat
nakapagdudulot ito ng mga aral na
magagamit sa pang-araw-araw na buhay.
Pagkakataon na ng inyong pangkat na
palalimin ito sa pamamagitan ng pagbago
sa mga katangian ng tauhan at iba pang
mahalagang bahagi ng pabula.
-Isulat ang tauhang napili mong baguhin
ang katangian at ipaliwanag kung bakit
ganoon ang gusto mong mangyari.
- Ilahad din ang pangyayaring nais mong
baguhin at sabihin din kung bakit ganoon
ang gusto mong mangyari.

Ang inyong grupo ay bibigyan ng 15


minuto upang pag-usapan ang gagawing
pagbabago sa katangian ng tauhan na
napili. Pagkatapos ay muli itong isulat sa
pagbabagong inyong napag-usapan. Ito ay
ibabahagi Ninyo sa inyong mga kamag-aral
sa pamamagitan ng PAGPAPALITAN NG
DIYALOGO ng mga napiling miyembro.

Ang batayan sa pagmamarka ay ang mga


sumusunod:

Pamantayan Puntos Aking


Puntos
Malinaw na naipakita
ang pagbabagong nais 30
sa katangian ng isang
tauhan
Maayos ang
presentasyon. Akma
ang tono at emosyon sa 20
pagpapalitan ng
diyalogo
Kabuoan 50

Simulan na ang paggawa.


/Makalipas ang 15 minuto ay isa-isa nang
nagtanghal ang bawat grupo/
Presentasyon ng napag-usapan na pagbabago
sa isang tauhan at ilang bahagi ng pabula

Napakahusay na presentasyon. Inyong


nailahad ng mahusay ang ginawa ninyong
pagbabago sa katangian ng tauhan at ilang
bahagi ng pabula.

F. Paglalahat

Tunay na kapupulutan ng aral ang


pabula na ating tinalakay. Ngayon,
muli kong itatanong sa inyo ang
itinanong ko kanina bago kayo
manood ng videoclip.
“Bakit mahalagang sumunod ang anak
sa kanyang magulang?”

Lahat ng nasa ikalimang bilang ay


magbukas ng mikropono
Unang grupo: mahalagang sumunod tayo sa
ating magulang dahil ito ay unang utos ng
Diyos na may kalakip na pangako
Ikalawang grupo: dahil sila ang nagluwal sa
atin sa mundong ito at para sa akin utang ko sa
kanila ang aking buhay.
Ikatlong grupo: Dahil ito ay tungkulin natin
bilang isang anak at ito lamang ang
maibabayad natin sa kanila sa lahat ng
sakripisyo nila para sa atin.

Tama ang inyong mga kasagutan.


Nawa’y magsilbing aral sa inyo ang
sinapit ng anak na palaka. Kaya’t lagi
nating ipadama sa ating mga magulang
na mahal natin sila at huwag natin
silang bigyan ng sakit ng ulo upang sila
ay mabuhay ng mas masaya at hindi ka
magsisisi sa bandang huli kagaya ng
anak na palaka.

Naging maliwanag ba sa inyo ang aral


na nais iparating ng akda? OPO!

Wala na bang katanungan?


Wala na po!
G. Pagtataya
Sa inyong kwaderno, sagutin ang
tanong na ito nang hindi bababa sa 3
pangungusap at hindi hihigit sa limang
pangungusap. Kayo ay may tatlong minuto
lamang para sagutin ito.

1. Sa paanong paraan makatutulong ang


pagbabasa ng pabula hindi lamang para sa mga
bata kundi gayundin sa mga matatanda?

H. Takdang-Aralin

Basahin at unawain ang mga paraan sa


pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa
pahina 207-208 ng inyong aklat. Kung walang
aklat ay maaari kayong magsaliksik sa internet.

Yun lamang para sa araw na ito. Pinagpalang


araw sa lahat!

You might also like