You are on page 1of 29

Kasaysayan

Ng
Pahayagan
Sa
Pilipinas
(1637) Succesos Felices
Nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas
sa paglalathala ni Tomas Pinpin, isang
Pilipinong manlilimbag ng Sucesos Felices,
isang polyeto (newsletter) sa Maynila.

Natutuhan ni Pinpin ang sining ng


paglilimbag buhat sa mga prayle at mga
intsik ngunit di niya nailagay kung kailan
ang tiyak na petsa ng unang
pagkakalimbag nito at kung gaano kalimit
ang paglabas niyon.

Inilathala niya sa Kastila ang pangunahing


mga kuwento ukol sa mga tagumpay ng La
Naval laban sa mga Dutch sa Ternate.

Nagtagal ito hanggang 1809.

(1799) Aviso Al Publico

Isang Hojas Volantes or "flying


sheets" ang Aviso Al Publico
(Notices to the Public) na
lumitaw noong Pebrero 27, 1799.

Sinasabing ang sukat nito ay gaya ng


isang malaking kwaderno .

Ito ay tungkol sa kampanya laban sa


mga Moslem at pagkabihag ng mga
pirata sa Sulu nang mga hukbong
Kastila sa pangunguna ni Jose
Gomez.
(1811) Del Superior Govierno
Ang kauna-unahang pahayagan sa
Pilipinas na lumabas ng palagian sa
patnugot ni Governador-Heneral
Manuel Fernandez de Folgueras
noong Agosto 8, 1811.

Siya ang naging patnugot at naglathala


dito ng mga gawain ng Spanish Cortes,
pati digmaan ng Espanya at Pransya.

Dahil sa higpit ng sensura ng mga


Kastila hinggil sa mga lathalaing
nakasisira sa kanila, ang pahayagang
ito ay umiral lamang sa maikling
panahon at pagkatapos ng labinlimang
labas ay kusa nang namatay.

(1846) La Esperanza

Disyembre 1, 1846 ay
kinikilalang unang pahayagang
pang-araw-araw maliban lamang sa
araw ng lunes ang La Esperanza
sa patnugot nina Felipe Lacorte
at Evarisco Calderon.

Malaking bahagi nito ay mga


talakayang pampilosopiya,
panrelihiyon, at pangkasaysayan.

Tumagal ito ng tatlong taon at


nagbukas upang maging pangaraw-
araw na pahayagan.
(1847) La Estrella
Nahinto na ang publikasyon noong 1849.

(1848) Diario de Manila


Sa patnugot ni
Felipe del Pan
at tumagal
hanggang 1852.

(1849)
El Instructor Filipino El Despertador
Ang El Isntructor Filipino y may lingguhang paglilimbag samantalang
araw-araw naman ang El Despertador na di naglaon ay nagsama’t
naging isa, subalit tumagal lamang ng ilang buwan at araw.

(1850) Diario de Avisos y Noticias


Ang paglilimbag nito ay tumagal lamang ng ilang buwan at linggo.

(1851) El Observador Filipino


Hindi man nakatala kung ito ay linguhan o arawan ang paglilimbag ngunit
ito ay nakapaglabas lamang ng ilang isyu at naglaho na.

(1852) Boletin Oficial de Filipinas


Mula sa dating Diario de Manila isinaayos itong muli at pinangalanang
Boletin Oficial de Filipinas.
Binigyang oportunidad nito ang kanilang mga sabskrayber na
mailathala ang kanilang patalastas nang hanggang anim na linya lamang.
Ito ay tumagal hanggang taong 1860.
(1858) El Comercio
Isang pahayagang pang-hapon
mula sa patnugot ni Ulpiano
Fernandez at kalunan ay
pinamunuan ni Gobernador
Heneral Soler y Ovejero.

(1859) Ilustracion Filipina


Unang nailathala noong March 1, 1859 at naglabas ng dalawang beses na
isyu kada buwan. Ito’y tumagal lamang hanggang Disyembre 15, 1860.

(1861) Gaceta de Manila


Mula sa dating Boletin de Oficial ay
muling nirebisa ang mga nilalaman ng
pahayagang ito at pinangalang
Gaceta de Manila.

Ilang opisyal ng pamahalaan ang


inobligang magsabskrayb dito ni
Gobernador Henral Blanco.

Naglalathala dito ng mga batas


militar para sa 8 lalawigan ng Luzon,
mga patalastas ang gobyerno, opisyal
na kautusan, mga court orders at iba
pang mahahalagang impormasyon.

Ito ay nanatili hanggang Agosto 8,


1895 limang araw bago tayo sakupin
ng mga Amerikano. Dahil sa ito’y
namayagpag ng 38 taon at
itinuturing na pinakamatagumpay na
pahayagan sa panahon ng mga Kastila.
(1862)
La Espafia Oceanica
Una itong pinangalanan na Revista de Noticias y Anuncios  noong
1861 na di kalaunan ay naging La Espafia Oceanica .

El Catolico Filipino
Ito ang tinaguriang kauna-unahang relihiyosong pahayagan
mula sa patnugot ni Mariano Sevilla.

El Pasig
Pahayagang Kastila na minsay nasasamahan ng mga artikulong
Tagalog upang magbigay edukasyon sa mambabasa. Dalawang
beses sa loob ng isang buwan ito kung maglathala ngunit
di rin nagtagal at tuluyang nawala.

(1863)
La Oceana Catolica El Correo de Filipinas

(1864) Boletin del Ejercito

Ito ay pahayagang
nakatutok sa
mga sandatahang lakas
at di gaanong
binigyang interes
ng publiko kaya
tuluyan rin naglaho.
PANAHON NG HIMAGSIKAN
(1865)
El Povenir Filipino
Labindalawang taon (1865-1877)
na nakipagsapalaran ang pahagayan
na ito na laging muntik-muntikanan
nang bumagsak dahil sa hindi
pagkakasundo ng mga patnugot.

Naging babasahin ito ng mga


mambabasang tumututok sa
linguhang bull fighting na
pinangungunahan ni Lorenzo
Sanchez (isang bantog na toreador)
na nagsimula noong June 10, 1871.

Revista Mercantil

Isang linguhang pahayagang


pang-komersyo na
pinangunahan ni Joaquin
de Loyzaga na di kalaunan
ay nakipagsanib sa El
Commercio bilang
kontributor.
(1866) Pevista de Administracion
Si Joaquin de Loyzaga rin ang nagpasimula ng pahayagang ito
na kung saan lahat ng patnugot at mga kontributor ay
pawang empleyado ng pamahalaan.
Sa kanila rin nakapokus ang interes ng mga artikulo ngunit
tumagal lamang ng ilang buwan.

(1868) El Diario de Avisos


Unang nakapaglathala ng sipi noong Pebrero 1, 1868 at
naging huli na noong Oktubre 11, 1869.

(1869) El Comercio
Isang pahayagang pang-hapon ang muling binuo ni Joaquin de
Loyzaga at Francisco Diaz Puertas gamit ang kaparehong pangalan
(El Comercio) ng pahayagang unang lumabas noong 1858.
Kasabay man ng Diario de Manila at El Porvenir, ang El Comercio ang
may pinakamatatag at episyenteng naglathala ng pahayagan sa buong
kalupaan sa loob ng 56 taon (1858-1925) nang may parehong pangalan.
Ito ang pinakaprogresibong pahayagan noong panahon ng Kastila na
binili ni Senator Ramon Fernandez at isinamansa La Opinion. Ang unang
patnugot nito at si Joaquin de Loyzaga at nang pumanaw siya, si Francisco
Diaz Puertas ang pumalit. Nang siya ay pumanaw na rin ay si Jose de
Loyzaga na anak ni Joaquin de Loyzaga ang naging patnugot.

(1874) El Travador Filipino


Naglathala ng mga tula ng isang beses sa loob ng isang linggo.

(1875)
Revista de Filipinas El Oriente
Linguhang pahayagan na naglalathala Linguhang pahayagan na
ng mga kaalamang may kaugnayan sa naglalathala ng ibat’ibang
agham at mga literaryong gawain. mga rebyu at ilustrasyon.

(1876)
Boletin Eclesiastico
El Correo de Manila del Arzobispo de Manila
(1877)
La Oceania Española El Avisador de Manila
Pumalit sa El Povenir at Nabuo ilang buwan matapos
nagpatuloy hanggang 1899. maganap ang Treaty of Paris

La Ilustracion del Oriente La Catalan


(1878) La Lira Filipina
(1879)
Revista del Liceo-Artistico-Litrato de Manila
Naglathala ng linguhan at di naglaon ay naging dalawang beses sa loob ng
isang buwan na may huling isyu noong Disyembre 1881.
(1880) Diario de Filipinas
Tumagal lamang ng anim na buwan.

(1881)
La Linterna Ecuestre Boletin de Avisos
Naglathala ng linguhan ngunit Naglathala ng dalawang beses sa
sandaling panahon lamang. loob ng isang linggo ngunit
panandalian lamang din.
(1882)
Boletin de la Real Sociedad Economica
Filipina de Amigos del Pais
Ito ang pahayagang nakaukol sa Agrikulturang mga sulatin at anunsyo
buwan-buwan na tumagal hanggang 1899.

Revista Filipina de Ciencias y Artes Revista del Liceo


Mga pahayagang nagsara rin matapos ng labindalawang isyu dahil sa
kakulangan ng interes nang mga tao sa Sining at Agham.

Boletin de la Libreria Espafiola


Naglathala lamang ng ilang isyu at sa pinakahuli ay nakasaad na ang
kanilang paghinto at mga pananalitang "Here we have another
demonstration of how few people in the Philippines read"
PANAHON NG PAGBABAGO
Diariong Tagalog
Ikaapat na pahayagang
lumabas sa taong 1882 na may
islogang "It is possible to
love the Philippines without
hating Spain and to love
Spain without hating the
Philippines.“ Ito’y tumagal
lamang ng limang buwan
at sinasabing hindi ito
nakahimok ng malaking
bagahdan ng tagapagtangkilik
sa nasabing ideya ng islogan.

El Foro Juridico Re’vista deLegislacion y Jurisprudencia


Isa sa pinakaimportanteng pahayagan ay itinayo ni Jose Maria Perez Rubio.
Ito ay nakadisenyo para sa sirkulasyon ng mga abogado at patnubay para sa
mga hustisya at kapayapaan. Ipinasara ito ng Gobernador Heneral noong
1888 dahil umano sa kawalan ng lisensya sa pamahalaan Matapos ang ilang
taong pakikipaglaban sa korte ay muli itong binuksan noong 1893 sa pangalang
Consultor de los Jueces de Paz,
ngunit di naglaon ay nagsara dahil sa pagkamatay nang nagtayo ng pahayagan.

(1884)
El Eco de Vigan
Unang pamprobinsyang pahayagan na inilathala sa labas ng Maynila
ngunit nahinto rin sa parehong taon.

La Semana Elegante
Itinayo noong ika-1 ng Marso 1884 ni Pedro Groizard na may panulat-kamay
na “Larra”. Dahil sa mga eksposisyon at negatibong laman lagi ng pahayagan,
ito’y nagdulot ng kaguluhan at may dalawampung linggo bago tuluyang isinara.

El Povenir de Visayas El Eco de Panay


Itinayo sa Iloilo ni Diego Jimenez, isang agresibong manunulat nang pahayang
ito na nagsisiwalat ng ibat’ibang katiwalian na naging dahilan upang magkaroon
siya ng maraming kaaway. Noong 1886 ay itinayo rin nya ang El Eco de Panay
na nagpatuloy hanggang sa masakop tayo ng mga Amerikano noong 1899.
(1886)
El Povenir de Visayas (Cebu)
Itinayo sa pinakamantandang syudad ng Pilipinas ni Eduardo Jimenez,
kapatid ni Diego Jimenez, ang lingguhang pahayagan sa Cebu na tumagal
hanggang sa panahong bago masakop ng Amerikano ang bansa.

El Chiflado Manila Alegre El Temblor


Manalilla La Puya
Mga agresibong pahagayan na nagsulputan mula 1885 hanggang 1886.

La Regeneracion -Katolikong pahayagang itinayo noong Oktubre 1886.


Diario Catolico El Fenix
(1887)
Ito ang panahon ng sinasabing pagbabago mula sa impluwensya ng pamumuno
ni Gobernador Heneral Eulogio Despujol na naging liberal sa pamamahala.

La Opinion
Pahayagang naglalathala ng hayagang
pagsalungat sa mga prayle ,
pagpapaalis sa arsobispo at paghingi
ng reporma sa pamumuno ni Benito
Quiroga na sinundan ni Jesus
Polanco na tumagal hanggang 1889.
Ito ay muling binuhay noong
1890 sa pangalang
El Eco de Filipnos.

La Voz de Espafia
Binuo noong ika-4 ng Hulyo bilang pangontra sa mga pahayag ng
La Opinion sa patnugot ni Agustin Alfonso Moseras. Nang magretiro si
Mosares kalaunan ay pinamunuan ito ni Jose dela Rosa. Noong 1892
pinangalanan itong La Voz de Española sa pamumuno nina Federico at
Antonio Hidalgo at may islogan na "The Philippines by Spain and for Spain“.
(1888)
La España Oriental
Itinayo ni Manuel Schiednagel bilang pamahayagang laan sa pagbibigay
papuri sa mga Espanyol ukol sa nagawa nila sa bansa gaya ng tungkol sa
relihiyon, edukasyon at kung anu-ano pang ikinabuti nang buong sambayanan
dulot ng kanilang pamamahala. Tuluyang natalo at nadaig nito ang La Opinion.

Revista Catolico
Hunyo 1888 lumabas ang pahayagan na may isyu sa dalawang lenggwahe
na di kalaunan ay naging dalawang beses na lamang na isyu sa loob
ng isang buwan hanggang 1896.

Revista Popular de Filipinas


Pahayagang pang-relihiyon na lumabas nang linguhan na nagsimula noong
Setyembre 1888 na may halong mga anunsyong sibil. 1896 ang huling isyu.

El Enuciador Ilonggo
Nabuo rin noong Marso 1888 ngunit di rin nagtagal.

(1889)
La Correspondencia de Manila
Ibinenta at inilako sa kalsada sa halagang 2 sentimo ngunit
umiral lamang ito ng tatlong buwan.

Boletin de la Camara Comercio de Manila


Itinayo ng kumpnyang The Manila Chamber of Commerce na nagpatuloy
hanggang sa panahon ng mga Amerikano hanggang sa tuluyang mawala .

Gaceta Notarial El Ilocano


Sinimulan ni Isabelo delos Reyes noong Hunyo
Sinimulang ng Mayo 1889 1889 bilang neytib na pahayagan ng mga
at Ilocano na may halong wikang Espanyol.
nagpatuloy hanggang 1896. Dalawang beses kada-buwan maglabas ng isyu.

La Alhambra
Binuo noong July 3, 1889 ni Jose Moreno de Lacalle, isang mayamang
abogadong Espanyol na naglathala ng mga sulatin sa sining , agham at sosyal
na interes. Dalawang isyu kada buwan ang paglathala na umiral hanggang
ika-30 ng Hunyo 1890.
Anales de Agricultura
Unang lumabas noong ika-27 ng Hulyo 1889.

La Solidaridad
Unang lumabas noong
ika-15 ng Pebrero, 1889
sa Madrid Spain na
ginastusan ni Dr. Pablo
Riazares mula sa patnugot
ni Graciano Lopez Jaena.
(1890)
La Caneco El Papelito Mercantil
Ika-21 ng Hunyo 1890 ang unang isyu ng La Caneco, ngunit di rin
nagtagal sa industriya tulad rin ng nangyari sa El Papelito Mercantil.

Patnubay Nang Catolico


Unang Tagalog na publikasyon noong Abril 1890 sa patnugot ni
Pascual H. Poblete, ngunit di rin nagtagal.

El Avisador Filipino
Ika-5 ng Abril 1890 ang unang lathala ngunit isang buwan lamang
tumagal.
El Resumen
Ika-10 ng Hunyo, 1890 ang unang lathala at nakatuon sa pulitika.

El Domingo
Ika-3 ng Agosto, 1890 ang unang lathala at huli na ng Oktubre..

El Pajaro Verde
Ika-4 ng Setyembre, 1890 ang unang labas sa patnugot ni Vicente Garcia
Valdez. Ito ay inilathala sa luntiang papel na may mga ilustrasyon at paalaala
upang maglibang ng mga mambabasa at makalimot sa kanilang mga problema.

La Lilliputense
Ika-6 ng Nobyembre, 1890 nabuo na may lingguhang isyu patungkol sa
mga kabataan ng bansa. Huling lathala ay noong ika- 12 ng Marso, 1891.
La Lectura Popular
Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo
delos Reyes na naglabas lamang ng ilang isyu.

(1891)
El Bello Sexo -Pahayagang laan para sa mga kababaihan.

El Asuang La Illustracion Filipina


Mga lingguhang pahayagan na maiksing panahon lamang naglathala ng mga isyu.

(1893)
 Bukod sa Boletin Oficial del Arzobispado na muling naglathala,
may mga bagong pamahayagan din ang umusbong tulad ng
El Ejercito de Filipinas, El Consultor del
Profesorado, Madrid-Manila, Toda en Broma,
El Foro Administrativo, La Pavera,Periodico Festivo,
La Puya (naglathala ng may kaugnayasn sa Pilipinas) , Los Miercoles
(naglathala ng isang isyu lamang) , Revista Mercantil de
Filipinas, Polichinela (naglathala lingguhang isyu) and the
Boletin de la Companiia de Explotacion y
Colonizacion de La Isla de Paragua. 
(1894)
Apostolado de la Prensa, naklathala sa Tagalog. El Heraldo
Militar, sumunod ay lingguhng pahayagang tinawag na El Ejercito de
Filipinas. Manila-Santander, Boletin Oficial Agricola
El Consultor de Municipios, Manalilla-Sport (buwanan),
La Legislacion (dalawanng beses kada buwan maglabas ng isyu at ukol sa
pahalan at korte ang nilalaman), El Municipio Filipino (patnugot-
Isabelo de los Reyes) at Apostolado de La Prensa.(itinayo ng mga
prayle para sa mga pangrelihiyong gawainsa wikang Tagalog) El Album
Militar (itinayo ng sundalong opisyal). El Cinfe and Sorpresas-
Chicago ay dalawang komiks na itinayo ngunit nawala rin ng sumunod na
taon. El Espafiol na naglathala hanggang 1898.
(1895)
 Boletin del MuseoBiblioteca sa patnugot ni Pedro A. Paterno na
bumalik mula Espanya. Boletin Oficial del Ministerio Filipino,
na nakatuon sa edukasyon at mga propesyon ang nilalaman . La
Exposition, La Campana, La Mosca at La Vida
Industrial de Filipinas na itinayo ni Jose Martin Martinez 
(1896)
Ang Kalayaan
Kauna-unahang rebolusyonaryong
pahayagan ng Kataastaasang Kagalang-
galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan. Na itinayo noong ika- 18 ng
Enero, 1896 Naglalayon itong ipahayag
sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng
mga prayle at mga kastilang opisyal
upng makapag-organisa ng isang
rebolusyon. Nakalathala rin sa mga
artikulo ng pahayagan ang ilang
ebedensya upang makahikayat
nang mambabasa. Itinuturing itong isa
sa pinakamahalagang pahayagan sa
Kasaysaynng Pilipinas.

Iba pang mga pahayagang nalathala sa taong ito ay The Boletin de


Estadistica de la Ciudad de Manila sa patnugot ni Padre
Faura at iba pang mga paring Heswita bilang opisyal na publikasyon at nagtagal
hanggang 1902 na di kalaunan ay naging wikang Ingles ang ginamit , El
Correo,  El Cosmopolita na naglathala ng dalawang kopya kada
El Noticiero de Manila
buwan sa loob ng anim sa buwan lamang at
bilang pahayagang pang-hapon. La Hoja Dominical, itinayo naman ng
mga paring Dominikano. Lumabas din ang mga pahayagang Tagalog tulad Ang
Pliegong Tagalog na itinayo ni Juan Atayde na ayon sa kanya ay
marapat lamang na magkaroon ng pahayagang nakalathala sa
wikang ito at hindi puro sa Kastila na lang.
(1898)
La Independencia
Ang La Independencia ay itinayo
ni Henenal Antonio Luna sa tulong
ng kanyang kapatid na si Joaquin
noong September 3, 1898 . Isa ito
sa pinaka-importanteng pahayagan
sa panahon ng rebolusyon.

Iba pang mahahalagang pahayagan ng taong ito ay ang La Libertad na


itinayo noong ika-20 ng Hunyo sa patnugot ni Clemente Jose Zulueta.

The Newspaper La Republica Filipina na itinayo sa


Mandaluyong, Rizal noong ika-15 ng Setyembre sa patnugot ni
Pedro A. Paterno at di kalaunan noong opisyal na pahayagan ng pamahalaan
noong 1901 ng sumulat si General Douglas Mac Arthur bilang
Sekretaryo ng Digmaan ng mga panahong ito.

El Heraldo de la
Revolicion Filipina
Ika-29 ng Setyembre 1898
- inilathala sa Malolos
Bulacan sa unang
pagkakataon ang El
Heraldo de la Revolicion
Filipina. 
Ito ay naging opisyal na
publikasyong pahayagan sa
panahong may rebolusyon
sina Heneral Emilio
Aguinaldo.

Ika-29 ng Disyembre 1898 - inilathala sa Jaro


La Revolution Iloilo na naglalayong ipaglaban ang mga
karapatan ng Pilipino.
PANAHON NG AMERIKANO
(1899)
Columnas Volantes
Ika-24 ng Marso, 1899 – ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa, Batngas. 
Ito ay naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at mga sandathang lakas.
Ito ay binuo ng mga propesyunal na nabibilang sa
samahang Club Democratico Independiente.
Noong Nobyembre 18, 1899 - ang mga pahayagang ,
Filipinas Ante Europa at El Defensor de Filipinas,
ay inilathala sa Barcelona Espanya sa patnugot ni Isabelo de los Reyes.

Bounding Billow
Inilathala rin ang kauna-unahang
pahayagang Amerikano kung saan
inihahayag ang pagkapanalo ni
Heneral Dewey at pagsaugpo niya
sa pwersang Amerikano sa Manila
Bay. Ito binubuo ng apat na pahina
at may habang labindalawang
pulgada at walong pulgada na lapad.
Mabibili ito sa halagang 25
sentimong ginto kada sipi at ito’y
naglatha at gumawa ng maraming
kopya bilang alaala na rin sa
nasabing tagumpay.

The Manila Times


Ang unang pangaraw-araw na
pahayagan sa panahong mga
Amerikano na ang namamahala sa
bansa. Una itong isinaayos noong
ika-11 ng Oktubre 1898 ngunit
1899 na maging istablisado sa
patnugot ni Thomas Cowan at
negosyanteng si George Sellner.
(1900)
El Grito del Pueblo El Renacimineto

EL GRITO DEL PUEBLO EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang)


(Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni itinatag ni Rafael Palma noong 1900
Pascual Poblete noong 1900

Manila
Daily Bulletin
Isa rin sa mga
pangaraw-araw na
pahayagan noong 1900
na tinatangkilik natin
magpahanggang ngayon.

El Nuevo Dia Kahulugan nito’y ANG BAGONG ARAW


na itinatag rin ni Sergio Osmeña noong
1900.
PANAHON NG MGA HAPON
(1941 - 1945)
Sa panahong ito, tatlong pahayagan lamang ang umiral. Ito ay ang
The Daily Tribune, Manila Bulletin at Daily Herald.

Nabuo rin ang TVT o mas kilala bilang Taliba-La Vanguardia-Tribune at


DMHM o bilang Debate-Mabuhay-Herald-Monday Mail kasabay ng patuloy
na pagusbong na rin ng Magasin at Komiks na Liwayway na lumutang bago pa
man manakop ang mga Hapon sa bansa.
PANAHON NG LIBERASYON
(Pebrero 1945)

Naging masigla ang paglabas ng mga pahayagan

Lumabas ang Magasin na


Yank, Daily Pacifican,
The Stars and Stripes
at pinaikling edisyon ng
Times at Newsweek.
Lumabas na rin ang ibat’ ibang mga pahayagan tulad
ng FREE PHILIPPINES sa Leyte

Mga peryodikong patagong nalimbag ay


ng lumitaw upang maghayag

Bagong Buhay Voz de Manila

Filipino Observer Guerilla

Freedom Philippine Press

Balita Comet Courier


• Nanalo si Manuel Roxas bilang pangulo noong
Abril 1946. Ang natalong dating pangulo ng
Commonwealth na si Sergio Osmena ay nagtatag
ng Morning sun.

•Nagtatag naman si Mauel Roxas ng Daily News


at Balita bilang pahayagan ng partidong Liberal

•Ang Manila Times na dating lingguhan ang


paglathala ay naging tabloid noong ika-27 ng
Mayo, 1945.

•Naibangon naman muli ni Joaquin P. Roces ang


The Times.

•Nagpatuloy naman ang paglalathala ng mga


pahayagang pangaraw-araw sa wikang Ingles
tulad ng Business World, Malaya, Manila
Bulletin, Manila Standard Today, Philippine
Daily Inquirer, Philippine Star, The Daily
Tribune at Manila Times.

•Gayundin ang mga tabloid na abot-kaya ng masa


tulad ng Abante, Balita, Bulgar, People’s
Journal, People’s Taliba, Tempo, Pilipino Star
Ngayon at Saksi Ngayon.
Kasaysayan
Ng
Pahayagang
Pangkampus
Sa
Pilipinas
Ang Pagsisimula ng College Editors
Guild of the Philippines (1931-1945)
Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag.
Mula paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi,
mga balita sa radyo, telebisyon, at pahayagan ang kaulayaw ng paningi't
pandinig ng mga mamamayan.

Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay,


mapaindibidwal o ng buong sambayanan. May kakayahan itong
makapagbigay ng impormasyon, makapang-impluwensya ng pananaw o
makapagmulat, makapagpakilos at makapagpalaya. Isang demokratikong
karapatan ang makapagpahayag sa garantiya ng Saligang Batas ng
mamamayan. 

Ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay itinuturing na


pangunahing institusyong nagtataguyod ng karapatan sa pamamahayag
pangkampus. Sa loob ng mahabang pitumpu't limang taon, nagkaroon ng
mahalagang papel ang organisasyon sa kasaysayan ng pamamahayag, ng
kilusang kabataan, at ng lipunang Pilipino. 

Sa pag-aaral na ito, sisipatin ang pagsilang ng CEGP sa gitna ng mga


pampulitika at panlipunang isyu sa panahon ng pananako
p ng Estados Unidos noong 1931, ang mabilis na pag-unlad bilang isang
organisasyon, hanggang sa pagsasara nito noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Sa pagdiriwang ng ika-80 taon ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP),
mahalagang balikan ang kasaysayan nito upang paghalawan ng insipirasyon at aral. Ang
paggunita sa nakaraan ay pagtingin din nang pagsulong.
Itinatag ang College Editors Guild (CEGP) noong Hulyo 25, 1931, mismong
kaarawan ni Ernesto Rodriguez Jr., punong patnugot ng National, publikasyon ng
National University. Kabilang ang mga pahayagang pangkampus Philippine Collegian
(UP Diliman), Varsitarian (University of Santo Tomas) at Guidon (Ateneo de Manila
University), layunin nitong pagkaisahin ang lahat ng manunulat pangkampus at linangin
ang kanilang kakayahan sa pamamahayag. Nahalal na unang tagapangulo si Wenceslao
Vinzons, punong patnugot ng Philippine Collegian.
Tradisyonal na organisasyon ang CEG noon. Eksklusibo ang kasapian sa mga
patnugutan ng mga publikasyon. Abala ito sa mga journalism trainings, intercollegiate
pageants, relief operations sa mga nasalanta ng kalamidad.
Gayunman, sa maagang bahagi pa lamang ng kasaysayan, makikita na ang
potensyal na papel nito sa lipunan. Noong Disyembre 9, 1932, sa pangunguna ni
Rodriquez at Vinzons, tinutulan ng mga kabataang manunulat ang panukalang
dagdagan ang sweldo ng mga mambabatas sa mababang kapulungan. Mabilis na
lumawak ang kasapian ng CEG. Kinilala ito bilang isa sa mga pinakaprestihiyosong
organisasyon ng kabataan. Nagsilbi itong tuntungan ng mga kabataang nagnanais
makilala sa larangan ng politika at pamamahayag.
Noong 1941, pansamantalang tumigil ang operasyon ng Guild dulot ng Ikalawang
Gyerang Mundyal. Si Vinzons ay sumapi sa HUKBALAHAP at namatay na bayani.
Nanumbalik ang CEGP pagkatapos ng giyera. Naitala noong 1948 ang pakikiisa ng Guild
sa mga mamamahayag sa mainstream media. Sinuportahan ng manunulat pangkampus
ang strike ng mga empleyado ng Evening News bilang protesta sa pagpapatalsik kay
Cipriano Cid at panawagang kilalanin ang Philippine Newspapers Guild.
Pagsapit ng dekada singkwenta, malaki ang naging impluwensya ng makabayang
ideya ni Claro M. Recto sa maraming kabataan. Pagsapit ng dekada sisenta, bunsod ng
matinding krisis pampolitika at pang-ekonomiya sa panahon ni Marcos at ng lumalakas
na kilusang kabataang estrudyante, nagkaroon ng malaking puwang ang progresibong
ideya sa loob ng organisasyon.Hindi naging banayad ang transpormasyon ng CEGP mula
sa isang tradisyonal na organisasyon patungo sa pagiging progresibo. Sa katunayan,
naging maigting ang pagtatalo sa hanay ng kasapian. “Mananatili bang nyutral ang
pamamahayag pangkampus sa panahon ng maigting na paglaban ng mamamayan?
Mananatili bang tagapagtala na lamang ng kasaysayan ang mga manunulat o kailangan
nang pumanig at makilahok? Ano ang papel ng kabataang mamamahayag sa lipunan?”
Sa mga katanungang ito uminog ang debate. Naglathala rin ng mga rebolusyonaryong
artikulo ang mga publikasyong pang-estudyante. Unang lumabas ang Lipunan at
Rebolusyong Pilipino sa Philippine Collegian. Nagre-reprint ng mga artikulo mula sa Ang
Bayan, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang The Bedan (San
Beda College), Guidon, Philippine Collegian, Ang Malaya, at iba pa.
Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong oryentasyon ng Guild.
Dumaluyong ang kilos protesta sa lansangan. Maraming manunulat pangkampus ang
lumahok ang nagpakilos sa mga malakihang mobilisasyon sa panahon ng First Quarter
Storm. Hindi iilang Guilders ang naging kasapi ng Kabataang Makabayan. Tumining ang
papel ng pamamahayag pangkampus bilang alternatibong pamamahayag para sa
mamamayan. Sa panahon ng paghahari ng crony press, maraming publikasyong pang-
estudyante ang nagpapalaganap ng katotohanan sa labas ng kani-kanilang pamantasan.
Ang kabulukan ng gobyernong Marcos na hindi nababasa sa mainstream ay isiniwalat
ng mga pahayagang pangkampus. Dahil dito, binansagan ni Marcos na mosquito  press
ang mga publikasyon. Sa Visayas, inilathala ang mga sulatin ni Jose Maria Sison, Renato
Constantino Sr., Gary Olivar (lider ng Samahan ng Demokratikong Kabataan) sa Weekly
Silimanian (Siliman University), Weekly Carolinian (University of San Carlos),
Sambayanan (Western Institute of Technology), Quill (Southwestern University) at
marami pang iba. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang
tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo
ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng CEGP.”
Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu
ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at
demokratikong interes ng malawak na mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni
Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang
Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang pandarahas sa mga piketlayn at
militarisasyon sa kanayunan.
Masigla ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at
pakikipamuhay sa mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng
mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan.
Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat
ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante,
nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños).
Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, nagsulputan
ang mga underground student publications sa buong bansa. Naging tangyag ang pasa-
bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga
publikasyong naka-mimeographed. Matapang na tinuligsa ng mga ito ang lagim ng
Batas Militar. Maraming manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at
pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang
paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong
pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU)
at Lorena Barros (Advocate, FEU.)
Sa ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang
masa sa pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na
sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging inspirasyon ito sa
muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of College Editors (MACE)
na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod na mga
buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan.
Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan
ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981.
Ang tagumpay ng ito ay bunga ng walang humpay na pag-oorganisa sa hanay ng
manunulat pangkampus. Ibayo ring sumigla ang kilusang kabataang estudyante.
Puspusang itinaguyod ang mga lehitimong kahilingan ng estudyante. Pinamunuan ng
CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at Alyansa Laban sa Pagtaas ng
Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang kampanya sa pagpapabukas ng
mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at pagtatanggal ng military
detachments sa mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement ang pagkilos
na ito. Sa mga punong lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan.
Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno.
Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan
ang gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng
kabataan. Dumagundong ang tagumpay na ito sa buong kapuluuan. Napatunayang sa
kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan, makakamtan ang mga
makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Sa pagkakahalal ni Antonio
Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang
ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang bago,
mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa
isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod
ng Guild bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na
mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa
giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos.
Nilabanan ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan. Masigla
ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa
mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng
CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan.
Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos
lahat ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante,
nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños).
Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, naging
tangyag ang pasa-bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang limitadong
kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Maraming manunulat pangkampus
ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at
Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa
kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel
Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.) Sa
ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa
pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na sinundan ng
serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling
pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of College Editors (MACE) na
nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod na mga
buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan.
Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan
ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981. Ang tagumpay ng ito ay
bunga ng pag-oorganisa sa hanay ng manunulat pangkampus.
Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at
Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang
kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga
mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus. Tinaguriang
Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at
lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag ang mga
estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno.Ilang buwang walang pasok
dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang gobyernong harapin ang isyu
at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng kabataan. Napatunayang sa
kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan, makakamtan ang mga
makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Mariin ding kinondena ng
CEGP ang mga atake sa kalayaan sa pamamahayag. Ilan dito ay ang pagkakasara ng
We Forum at pag-aresto sa mga mamamahayag nito na karamihan ay alumni ng
Guild; ang pag-uusisa ng National Intelligence Board sa manunulat ng Women; ang
pagpapatalsik sa patnugot ng Tempo na si Recah Trinidad; mga kasong libelo laban
kay Domini Suarez at Ceres Doyo at pag-aresto kay Tony Nieva ng Bulletin Today.
Matindi rin ang panunupil sa mga pahayagang pangkampus.. Binisita ng militar ang
tanggapan ng The Work ng Tarlac State College of Technology. Pinatalsik ang mga
patnugot ng Collegian ng Central Luzon State University sa rekomendasyon ng militar
na nakabase sa Nueva Ecija.
Pagsapit ng 1983, ibayong militansya ang ipinamalas ng kabataan mula nang
paslangin si Ninoy Aquino hanggang sa pagbagsak ng diktaduryang Marcos.
Ang pag-aalsa noong 1986 ay nagluklok kay Corazon Aguino bilang bagong pangulo.
Tiningnan si Aquino bilang isang pinunong liberal burges. Pinuri ang Republic Act
7079 o Campus Journalism Act bilang “milestone in the history of the campus press.”
Kabaligtaran ang naganap sa aktwal. Naging epektibong instrumento ang CJA
ng mga kaaway ng kalayaan sa pamamahayag sa pagsupil sa mga pahayagang
pangkampus. Matapos ilabas ang implementing guidelines, naipasara ang
Quezonian, White and Blue, Ang Pamantasan, Blue and Silver, at iba pa. Kung
susundin ang probisyong nagsasaad na hindi mandatory ang pangongolekta ng
publication fee, maipapasara ang halos lahat ng publikasyon kung nanaisin ng
administrasyon ng mga pamantasan.
Nakaligtaan ng CEGP ang mga aral ng DRM. Ang kalayaan sa pamamahayag ay isang
demokratikong karapatan. Iginigiit ito at ipinaglalaban, hindi ikinukupot sa batas.
Iwinasto ang kamaliang ito sa 1996 National Council Meeting. Dito rin nabuo ang
tatlong makatwirang panawagan ng CEGP: (1) Buksan ang lahat ng nakasaradong
pahayagan; (2) Magtatag ng mga publikasyon sa mga pamantasan; at (3) Wakasan
ang lahat ng porma ng panunupil sa kalayaan sa pamamahayag. Bukod sa CJA of
1991, may isa pang malubhang pagkakamali ang CEGP noong 1991. mula sa
patriotiko at demokratikong oryentasyon ng Guild, binago ito sa pagiging Activist
Campus Press. Ang ACP raw ay tinipong mga konsepto at oryentasyon – responsible
journalism, radical campus press, alternative campus press, committed campus
press.
Layunin daw ng ACP na hanapin ng pamamahayag pangkampus ang kanyang
sarili bago ito makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan. Ipinagkamali nitong maaaring
makamtan ang tunay at ganap na kalayaan sa konteksto ng bulok na sisteman
panlipunan. Paglaon nakitang mali ang mismong paghahanap ng bagong oryentasyon.
Nasagot na ang mga batayang tanong hinggil sa tamang ugnayan ng pamamahayag
pangkampus sa lipunan noon pa lamang 1970.
Nang mailatag nang lubusan ang mga naging kahinaan, puspusan din naman ang
naging pagwawasto ng Guild. Nagpanibagong sigla ito sa lahat ng aspeto. Sa ilalim ng
gobyerno ni Ramos, aktibo ang CEGP sa paglahok sa mga isyu ng mamamayan.
Tinugunan nito mula pagtaas ng matrikula hanggang pagtaas ng presyo ng langis,
hanggang dikta ng IMF-Work Bank sa patakarang pang-ekonomiya ng Pilipinas.
Samakatuwid, muli nitong isinabuhay ang patriyotiko at demokratikong oryentasyon.
Ang pinakahuling matagumpay na kampayang sinuong ng Guild ay ang
pagpapatalsik sa korap, kontra-mamamayan at kaaway ng kalayaan sa pamamahayag
na si Joseph Estrada. Isa ang CEGP sa mga unang progresibong organisasyong
nanawagan ng pagpapatalsik kay Estrada.
Sa tagal nang itinagal ng CEGP, itinuturing na itong institusyon ng marami.
Nananatili itong isa sa mga pinakamalawak at pinakamatatag na organisasyon ng
kabataan sa bansa. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito natitinag dahil sa
pagyakap nito sa patriyotiko at demokratikong interes ng kabataan at mamamayan.
Lagi’t lagi itong matatagpuan sa pakikibaka ng mamamayan sapagkat paglilingkod ang
nasa ubod ng nakaraan at kasalukuyan ng CEGP.

http://quod.lib.umich.edu/p/philamer/ACR6448.0001.001?rgn=main;view=fulltext

http://newspaper.philippinecentral.com/

http://cegpst.wordpress.com/about-the-guild/history/

https://www.google.com.ph/search?q=Yank+Philippines&tbm=isch&ei=KavZU6iZHpSMuATWy4CoAg#q=guerill
a+newspaper&tbm=isch&imgdii=_

https://sites.google.com/a/upou.edu.ph/mms-100-final-project-topic-2-old-news-new-news/home-page-1/Ne
wspaper-in-the-Philippines/History-of-newspaper-in-the-Philippines

http://ejournals.ph/index.php?journal=malay&page=article&op=view&path%5B%5D=62

You might also like