You are on page 1of 64

ALAALA NI

LAURA
(Saknong Blg. 41-68)
INIHAHANDOG NG PANGKAT I

Dustin Jerod Convento


Jorelle C. Medina
Trisha R. Racraquin
Xyra Abegail A. Efa
Joanna R. Bacalaoloyo
Camille B. Valencia

II-Gold
I. PAGTUKLAS
A. Mga Gawain
1. Punan ang matrix sa itaas ng mga
hinihinging impormasyon.
Karakter sa teleserye/pelikula na Paano ipinakita ang kanilang
may positibong pananaw sa gitna positibong pananaw
ng kahirapan

1.Budoy Kahit na siya ay may kapanasanan ay hindi


siya sumuko at ipinakita niya na makakayanan
niya ang magapagsubok sa buhay niya na
parang normal na tao.

2. Arriane Kahit na siya ay mahina, ginawa pa rin niya


ang lahat upang makapasok sa top 100 sa
kanilang school.

3.Benjamin Kahit na siya’y bakla ay pinanindigan niya pa


rin ang gusto ng kanyang ama na maging
isang sundalo siya. At dahil sa pagtityaga at
pagtitiis ay nakamtan niya ang maging
sundalo.
2. Paghihinuha. Bakit kailangang magkaroon
ng positibong pananaw kahit na sa gitna ng
paghihirap?

Kinakailangan ito upang mayroon kang


panghuhugutan ng lakas ng loob at
mayroon kang pag-asa na malalagpasan
mo ang kinahaharap mong problema.
3. Anu-ano ang mahihinuha mo sa
salitang PAGLILILO?
Pagtataksil

Panlolo-ko PAGLILILO Pagtatray-dor

Pangangaliwa
II. PAGLINANG
A. Pagbasa ng Teksto
41.
"Katiwala ako't ang iyong kariktan,
kapilas ng langit — anaki'y matibay;
tapat ang puso mo't 'di nagunam-gunam
na ang paglililo'y nasa kagandahan."
42.
"Hindi ko akalaing iyong sasayangin
maraming luha mong ginugol sa akin;
taguring madalas na ako ang giliw,
mukha ko ang lunas sa madlang hilahil."
43.
"‘Di kung ako Poo'y utusang manggubat
ng hari mong ama sa alinmang s'yudad,
kung ginagawa mo ang aking sagisag,
dalawa mong mata'y nanalong perlas?"
44.
“Ang aking plumahe kung itinatahi
ng parang korales na iyong daliri,
buntung-hininga mo'y nakikiugali
sa kilos ng gintong ipinananahi."
45.
"Makailan, Laurang sa aki'y iabot,
basa pa ng luha bandang isusuot;
ibinibigay mo ay naghihimutok,
takot masugatan sa pakikihamok!"
46.
"Baluti't koleto'y 'di mo papayagan
madampi't malapat sa aking katawan,
kundi tingnan muna't baka may kalawang
ay nanganganib kang damit ko'y marumham."
47.
"Sinisiyasat mo ang tibay at kintab
na kung sayaran man ng taga'y dumulas;
at kung malayo mang iyong minamalas,
sa gitna ng hukbo'y makilala agad."
48.
"Pinahihiyasan mo ang aking turbante
ng perlas, topasyo't maningning na rubi;
bukod ang magalaw na batong d'yamante,
puno ng ngalan mong isang letrang L."
49.
"Hanggang ako'y wala't nakikipaghamok,
nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob;
manalo man ako'y kung bagong nanasok,
nakikita mo na'y may dala pang takot."
50.
"Buong panganib mo'y baka nakasugat,
'di maniniwala kung 'di masiyasat;
at kung magkagurlis ng munti sa balat,
hinuhugasan mo ng luhang nanatak."
51.
"Kung ako'y mayroong kahapisang munti,
tatanungin mo na kung ano ang sanhi;
hanggang 'di malining ay idinarampi
sa mga mukha ko ang rubi mong labi."
52.
"Hindi ka tutugot kung 'di natalastas,
kakapitan mo nang mabigla ang lubas;
dadalhin sa hardi't doon ihahanap
ng ikaaliw sa mga bulaklak."
53.
“Iyong pipitasin ang lalong marikit,
dini sa liig ko'y kusang sasabit;
tuhog na bulaklak sadyang salit-salit,
pag-uupandin mong lumbay ko'y mapaknit.”
54.
"At kung ang hapis ko'y hindi masawata,
sa pilikmata mo'y dadaloy ang luha:
napasaan ngayon ang gayong aruga,
sa dala kong sakit ay 'di iapula?"
55.
"Halina, Laura ko't aking kailangan
ngayon ang lingap mo nang naunang araw;
ngayon hinihingi ang iyong pagdamay —
ang abang sinta mo'y nasa kamatayan."
56.
"At ngayong malaki ang aking dalita
ay 'di humahanap ng maraming luha;
sukat ang kapatak na makaapula,
kung sa may pagsintang puso mo'y magmula."
57.
"Katawan ko ngayo'y siyasatin, ibig,
tingni ang sugat kong 'di gawa ng kalis;
hugasan ang dugong nanalong sa gitgit
ng kamay ko, paa't natataling liig."
58.
"Halina, irog ko't ang damit ko'y tingnan,
ang hindi mo ibig dapyuhang kalawang;
kalagin ang lubid at iyong bihisan,
matinding dusa ko'y nang gumaan-gaan."
59.
"Ang mga mata mo ay iyong ititig
dini sa anyo kong saklakan ng sakit,
upang di mapigil ang takbong mabilis
niring abang buhay sa ikakapatid."
60.
"Wala na Laura't ikaw na nga lamang
ang makalulunas niring kahirapan;
damhin ng kamay mo ang aking katawan
at bangkay man ako'y muling mabubuhay!"
61.
"Nguni, sa aba ko! Ay, sa laking hirap!
Wala na si Laura'y aking tinatawag!
Napalayu-layo't 'di na lumiliyag
ipinagkanulo ang sinta kong tapat."
62.
"Sa ibang kandunga'y ipinagbiyaya
ang pusong akin na at ako'y dinaya;
buong pag-ibig ko'y ipinang-anyaya,
nilimot ang sinta't sinayang ang luha."
63.
"Alin pa ang hirap na 'di na sa akin?
May kamatayan pang 'di ko daramdamin?
Ulila sa ama't sa inang nag-angkin,
walang kaibiga't nilimot ng giliw."
64.
"Dusa sa puri kong kusang siniphayo,
palasong may lasong natirik sa puso;
habag sa ama ko'y tunod na tumino,
ako'y sinusunog niring panibugho."
65.
"Ito'y siyang una sa lahat ng hirap,
pagdaya ni Laura ang kumakamandag;
dini sa buhay ko'y siyang nagsasadlak
sa libingang laan ng masamang palad."
66.
"O, Konde Adolfo, inilapat mo man
sa akin ang hirap ng sansinukuban,
ang kabangisan mo'y pinapasalamatan,
ang puso ni Laura'y kung hindi inagaw."
67.
Dito naghimutok nang kasindak-sindak
na umalingawngaw sa loob ng gubat;
tinangay ang diwa't karamdamang hawak
ng buntung-hininga't luhang lumagaslas
68.
Sa puno ng kahoy ay napayukayok,
ang liig ay supil ng lubid na gapos;
bangkay na mistula't ang kulay na burok
ng kaniyang mukha'y naging puting lubos.
B. Mga Gawain
1. Pagpapalawak ng talasalitaan. Ibigay ang
kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit at gamitin sa pangungusap.
a. Naakit si Hans sa kariktan ng iniidolo niyang
aktres.

b.Ang pakikihamok na kanyang ginawa ay hindi


nagustuhan ng dakilang ina.

c. Sinisiyasat mo ba ang labas-pasok sa inyong


bakuran?

d. Si Mario ay nag-apuhap ng pera ng siya ay


masagasaan na matuling sasakyan.
e. Mahirap masawata ang tao sa bisyong nasimulan
sa murang edad pa lamang.
Pangungusap:
a. Kagandahan- Ang kagandahan ng kalikasan ay parang
ikaw aking minamahal.
b. Paglaban- Ang kanilang paglaban ang naghatid sa
kanilang tagumpay.
c. Sinusuri- Bawat detalye ng kanyang ulat ay kanyang
sinusuri.
d . Naghanap- Naghanap ang magkasintahan ng isang
perpektong lugar para sa kanilang dalawa.

e. Mailayo- Kinkailangang mailayo ang isang tao sa mga


masasamang bagay habang bata pa.
2. Madamdaming pagbasa ng
Saknong 41-68.
3. Pag-unawa sa binasa.
a.Tukuyin ang naaalala ni Florante na
ginagawa ni Laura kung siya ay
nakikipaglaban.
Pahihiyasin
Sinisiyasat ni
nito ang
Laura ang
kanyang
tibay at kintab
turbante ng
ng armas ni
iba’t ibang
Florante.
palamuti.

Kung hindi
Pagkatapos matalastas,
niyang lumaban, dadalhin si
susuriin ni Laura Florante sa
si Florante kung hardin at
ito’y may sugat. bibigyan niya ito
ng bulaklak.
b. Bigyan ng sariling pakahulugan ang winika ni Florante
“Katiwala ako’t ang iyong kariktan
kapilas ng langit anaki’y matibay
tapat ang puso mo’t at di nagunam-gunam
na ang paglililo’y nasa kagandahan.”

Sinasabi bang taglay ni Laura ang kagandahang


may paglililo?Sang-ayon ka ba rito?Bakit?

Opo;Hindi po sapagkat hindi naman lahat ng


taong maganda ay kayang nang magtaksil sa
lalaking iniibig niya.
c. Sa tulong ng character profile,
ilarawan si Florante.
FLORANTE

Kalagayang Pisikal
Siya ay matapang at makisig.
Saloobin/Damdamin
Nagmamahal at nasasaktan din.
Kaisipan
Negatibo ang nasa isip niya.
d. Pumili ng isang saknong sa aralin na babasahin nang
madamdamin, bigyan ng opinyon.

Napiling Saknong:
“Alin pa ang hirap na di na sa akin?
may kamatayan pang di ko daramdamin?
ulila sa ama’t sa inang nag-angkin,
walang kaibiga’t nilimot ng giliw.”
Reaksyon:
Kalunos-lunos ang nangyari kay Florante.
Ang nararamdaman ni Florante ay parang ang
lahat ng problema ay nasa kanya na. Parang ang
lahat ng kaligayahan ay lumayo sa kanya.
e. Alin ang higit na ikinalulungkot ni
Florante, ang hirap at panghihina ng
katawan o ang inaakalang pagtataksil ni
Laura?Patunayan.
Hindi iniinda ni Florante ang panghihina ng
katawan niya. Ang iniisip niya habang nakagapos
siya ay si Laura. Iniisip niya ang pagtataksil ni
Laura sa kanya. Nangako sila na sila lang sa
habambuhay. Kaya hindi lubos maisip ni Florante
na magagawa iyon ni Laura sa kanya.
f. Ibuod ang mga pangyayari sa
aralin sa tulong ng rays concept
organizer.
Inilarawan ni Florante ang kanyang paghihinagpis
kay Laura dahil inaakala niya ito’y nagtaksil. Ang
paglilo nito’y nasa kagandahan.

Inilahad niya kung paano siya alalahanin


ni Laura bago siya lumaban at sumabak sa
digmaan.
FLORANTE
Sinabi naman niya kay Aladin kung paano
siya alalahanin ni Laura matapos siyang
lumban.

Inilahad niyang muli ang naranasan niyang hirap sa


gubat. Sinabi niya rin na hinahanap niya si Laura sa
ganong hirap.
III. PAGPAPALALIM
A. Mga Gawain
1. Pagpapaliwanag. Bakit may kanya-kanyang
pananaw ang bawat nilalang sa anumang usapin
sa mundong ito?

Ito’y dahil ang bawat nilalang dito sa mundo ay


may iba’t ibang dahilan kung bakit iyon ang
kanilang pananaw. Maaring ang iba ay dahil
nararamdaman lang nila iyon o kaya’y pinag-
nilay-nilayan nilang mabuti ang usapin.
2. Pagbibigay ng interpretasyon: Ilahad ang
dahilan ng paglililo ng isang tao sa kanyang
kapwa mula sa sarili mong pananaw.

Nagagawa nila ito marahil sa galit na


nararamdaman nila o kaya’y nais nilang
maghiganti upang makabawi.
3. Pagbuo ng pananaw: Kung ikaw si Florante,
paano mo haharapin ang mga pagsubok na
darating sa inyong buhay?Ilahad ang sagot sa
pamamagitan ng staircase strategy.
Pamamaraan 4 – Gagamitin ko ito ng tibay ng loob.
Hindi ako papaapekto sa dulot nitong
kahirapan.

Pamamaraan 3 – Magiging masaya ako sa pagharap nito at


ituturing ko ang pagsubok na madali.

Pamamaraan 2 – Hindi ko daramdamin ang problema upang hindi ako


magtungo sa depresyon.

Pamamaraan 1 – Magiging positibo ako na masosolusyunan ang mga


pagsubok.
4.Pagkilala sa sarili: Alin ang iyong higit na
ikatatakot,ang kamatayan o ang paniniwalang
pinagtaksilan ka ng minamahal? Ipaliwanag.

Kamatayan sapagkat kung ikaw ay nasa isang problema


na, tapos mag-papasok ka pa uli ng ibang problema,
maguguluhan ka. Hindi mo alam kung paano mo
masosolusyonan ang isang problema. Kapag nakagawa ka
ng paraan upang makaligatas kay kamatayan, at least
kung sino man ang nagtaksil sa iyo ay maitatanong mo
kung pinagtaksilan ka ba niya talaga.
5. Pag-unawa sa damdamin ng iba: Ano ang
damdamin mo sa mga taong may positibong
pananaw kahit na nasa gitna ng paghihirap?
Dapat ba silang hangaan? Pangatwiranan ang
sagot.

Mataas ang pagtingin ko sa kanila sapagkat kung


positibo ang iniisip mo kahit nasa gitna ka nang
paghihirap, makakagawa at makakaisip ka nang
paraan upang malagpasan ang problemang ito.
6. Sintesis: Batay sa natutuhan sa aralin, bakit
mahalagang magkaroon ng positibong pananaw?

Mahalaga ito sapagkat isa ito ang daan upang


makalagpas ka sa kinahaharap mong problema at
isa rin itong daan sa pagtitiwala sa iyong kapwa.
Nawa’y may
natutuhan kayo
^_^

You might also like