You are on page 1of 9

SANGAY NG MGA PAMPAARALANG LUNGSOD NG PARAÑAQUE

FILIPINO 10 IKALIMANG LINGGO


KWARTER 3
HELE NG ISANG INA SA KANIYANG PANGANAY

Balikan Natin

Gawain 1.

Panuto: Isulat sa loob ng bawat kahon ang mga katangian ng isang Ina.Lagyan
ng paliwanag ang iyong sagot.
Unawain Natin
Basahin at unawain ang tula sa ibaba mula sa Ingles na“A Song of a Mother to
Her First Born” ni Jack H. Driberg

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi ng iyong lahi o naiibang nilalang? 2
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,

Ako’y wala nang mahihiling.

Gawain 2.
Panuto: Piliin sa HANAY B ang titik na kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit sa HANAY A.

HANAY A HANAY B

1. Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.


Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak. A. asawa
B. panalangin
2. Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim. C. sibat

3. Samakatuwid, ako’y lumigaya. D. maliit


Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. E. bagong sibol

3
4. Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.

5. Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,


Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.

Gawain 3. Upang lubos na maunawaan ang binasang tula, subukin mong


sagutin ang mga tanong kaugnay sa binasang akda.

1. Tungkol saan ang tula? Ano ang pangarap ng ina sa kanyang sanggol?

2. Ano ang nangyari sa ama ng sanggol?

3. Bakit ang sanggol ay inilarawan kay Zeus, Aphrodite, sa leopardo at leon?

4. Anong kultura ng mga taga-Uganda ang masasalamin sa tula?

5. Paano ipinakita sa tula ang labis na pagmamahal ng ina sa kanyang anak? Isulat
Ang bawat taludtod na magpapatunay rito.

Ilapat Natin

Gawain 4.
Panuto: Gumuhit ng mga simbolo na kumakatawan sa matimyas
na pagmamahal ng ina sa kanyang anak at ipaliawanag
kung bakit ito ang napili mong simbolo.

4
MGA SIMBOLO PALIWANAG

1.

2.

3.

Suriin Natin

Ang pag-aantas sa mga salita ayon sa tindi ng damdamin o kahulugan ay tinatawag na pagkiklino
o word clining sa Ingles. Hindi lahat ng mga salitang magkasingkahulugan ay pareho ng ibig sabihin.
Kahit na magkapareho ang mga salita sa malawak nitong kahulugan aynagkakaiba pa rin ang mga ito
sa damdamin o ipinapahayag lalo na kung ito ay gagamitin sa pangungusap.

Halimbawa:

Ang mga salitang galit, poot, suklam at inis ay magkakapareho na damdaming negatibo
ngunit nagkakaiba sa tindi nito. Kapag ang mga salita’y iniantas, ito ay gaya ng nasa ibaba. Ang
salitang nasa pinakaibaba ang siyang pinakamababa ang tindi ng kahulugan samantalang ang
nasa tuktok naman ang siyang pinakamatindi.

Poot – matinding galit na halos gusto nang makapanakit


Suklam – matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala
Galit – tumatagal na inis
Inis – tumatagal na tampo

5
Pangungusap:
1. Ako’y nainis sa aking kapatid dahil isinuot niya ang aking bestida nang walang
paalam.

2. Nakaramdam ng galit si Aling Marta sa batang bumunggo sa kaniya kaya tuloy


nahulog ang kaniyang mga pinamili.

3. Sa tuwing nakikita ko ang dati kong matalik na kaibigan, suklam ang aking nararam-
daman dahil ako ang idiniin niya sa kasalanang siya naman ang gumawa.

4. Poot ang aking mararamdaman sa kung sinuman ang mananakit sa aking pamilya.

Ang mga salitang isip, ulirat, diwa at kamalayan

Diwa – kilos at asal


Kamalayan – tumutukoy sa pagiging gising at may alam sa paligid
Ulirat – pakiramdam sa paligid
Isip – tumutukoy sa kaalaman at pag-unawa

Pangungusap:

1. Sa oras na ito’y nalinawan ang aking isip sa mga sinabi ng aking guro.
2. Laging gumagana ang aking ulirat lalo na kapag ako’y nasa ibang lugar.
3. Mahalagang tayo’y may kamalayan sa mga suliraning panlipunan upang batid natin
ang mga hakbang na dapat nating gawin.
4. Ugaliin natin ang paggamit ng ating diwa sa bawat desisyong ginagawa sa ating
buhay.

GAWAIN 6.
Panuto: Isaayos ang mga salita ayon sa tindi ng kahulugan nito. Isulat ang titik A
para sa pinakamababaw, B para sa katatamtaman at C para sa pinaka-
masidhi.

1. 2. 3. 4. 5.

__pangamba __sigaw __galit __titig __tuso

__kaba __hiyaw __suklam __sulyap __ganid

__takot __bulyaw __inis __tingin __sakim

6
Tayain Natin

A. Panuto: Ilahad ang naging bisang pampanitikan sa iyo ng tulang “Hele ng


Isang Ina sa Kanyang Panganay.” Gawin ito sa paraang patalata.

2. Bisang Pangkaisipan (5pts.)


(diwa at kaisipang nakuha sa akda)

1. Bisang Pangkaasalan
(5pts.)
(aral na nakuha sa akda)

3. Bisang Pandamdamin
(5pts.)(nabuong damdamin sa
akdang binasa)

RUBRIK SA PAGBUO NG BAWAT TALATA


Nilalaman 3pts.
Gamit ng wika 2pts.
KABUOAN 5pts.

7
GAWAIN 2
B. Panuto: Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang sumusunod na salita ayon

sa tindi ng kahulugan nito.

1. pagliyag -
2. paghanga -
3. pagsinta -
4. pagmamahal - _____________________________________________________
5. pag-ibig - __________________________________________________________

Likhain Natin

Panuto: Sumulat ng dalawang saknong ng tula na naglalahad ng iyong mensahe


sa kabutihan,pagmamahal pag-aarugang ginawa sa iyo ng iyong INA.
Sundin ang pamantayan sa ibaba.

PAMAGAT

PAMANTAYAN PUNTOS
1.Nilalaman 5
2.Gamit ng wika 5
3.Elemento ng Tula 5
Kabuoan 15

8
9

You might also like