You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

April 28,2023

I.Layunin:
Sa Pagtatapos ng Talakayan ang mag-aaral ay inaasahang makamitang mga sumusun
od:

a.Natutukoy ang diwang nakapaloob sa kwento


b.Naiuugnay ang mensahe ng akda sa totoong buhay at,
c.Naiuugnay ang sarili sa katangian ng pangunahing tauhan

II.Paksang Aralin
Paksa:Isang Dipang Langit ni Amado Hernandez
Sanggunian: http://jmsinoy.blogspot.com/2016/12/isang-dipang-langit-ni-amado-v-
hernandez.html
Kagamitan:Laptop,Ball,Cartolina,Powerpoint presentation

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

A1.Panalangin
Maari ba tayong tumayo upang
manalangin?
Binibini maari mo bang pangunahan ang
panalangin?
Panginoon maraming salamat po sa araw
na ito na muli ninyo kami g tinipin sa
eskwelahang ito upang matuto.Maraming
salamat po sa mga biyayang natatanggap
namin sa araw araw.Gabayan niyo po
kami sa lahat ng oras at patawad din po sa
mga nagagawa naming kasalanan ito
lamang ang aking samot dalangin sa
pangalan ni hesus.Amen.

A2.Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga din po guro!
Bago tayo magsimula,nais ko munang
ipakilala ang aking sarili.Ako nga pala sa
Bb.Rosielyn Dizon ang inyong magiging
guro sa araw na ito kaya naman aking
inaasahan ang inyong mga kooperasyon
para sa ating talakayan.
Opo Bb.
A3.Pagtala ng lumiban
Mayroon bang lumiban sa araw na ito?
Wala po Bb.
Mahusay!

B.Pagbabalik Aral

Ngayon ating balikan ang ating nakaraang


aralin.Maari niyo bang alalahanin ang
ating talakayan nung nakaraan?
Ang ating talakayan nung nakaraan ay
tungkol sa maikling kwento
Tama!Ano nga ba ang maikling kwento at
ano ang kahulugan nito?
Ang maikling kwento ay isang anyo ng
panitikan ng may layuning mag salaysay
ng isang maselan at nangingibabaw na
pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan
Tama !Tunay ngang naaalala niyo pa ang
huling talakayan.

C.Pagganyak
Mayroon ako ditong inihandang mga
larawan at ito ay inyong oobserbahan
pagkatapos ako ay magtatawag ng
estudyanteng magsasagot kung ano nga
ba ang kaniyang naobserbahan batay sa
larawang nakita.Maliwanag bai yon?

Kung ikaw ang nasa sitwasyon na ito


makakaya mo ba?Ano ang
mararamdaman mo? Sa tingin kopo hindi sapagkat mahirap ang
mamuhay sa loob ng
kulungan.Nakakalungkot ngang isipin kung
ako ang nasa sitwasyon na iyan

D Pagpapakilala sa Aralin

Batay sa inyong mga nakita ano ang


impresyong inyong nakita sa larawan?
Batay sa aking nakita Ito tungkol sa
bilangguan o sa taong nabilango na
nawawalan ng pag-asa

Tama ito ay tungkol sa Isang taong


nabilanggo na nais ng sumuko ngunit
mamaya makikilala natin siya kung ano
nga ba ang mga naranasan niya sa loob
ng bilangguan at paano niya nalampasan
ang malungkot na buhay sa bilangguan

E.Pag-alis Sagabal

Bago tayo dumako sa ating paksang aralin


mayroon ako ditong inihandang
sasagutin.Hahanapin niyo lamang ang ibig
sabihin ng mga salita sa kahon. Gawain:Hanapin mo ako!
Panuto:Hanapin sa kahon ang ibig sabihin
ng mga salita at ilagay ito sa sagutang
papel.

Dungawan. Kuta. Tanikala

Birang. Puno

1.Pagkakasala
2.Kulungan
3.Itim na panakip sa ulo
4.Bintanang Rehas
5.Kadena

Sagot:
1. Puno
2. Kuta
3. Birang
4. Dungawan
5. Tanikala
F.Pagtalakay sa Paksa

Ngayon naman dumako na tayo sa


kwentong ( tula nga anak ko hahahah )
ating babasahin at ito ay
pinamagatang”Isang Dipang Langit”na
isinulat ni Amado Hernandez.Ngunit bago
tayo magsimula kilalanin muna natin si
Amado V. Hernandez.

Si Amado V. Hernandez ay kilala sa


sagisag-panulat na Amante
Ernani,Herminia Dela Riva at Julio
Abril.Nakilala ang kaniyang kahusayan
noong panahon ng amerikano.Tinagurian
siyang National Artist in Literature dahil sa
kaniyang angking kahusayan sa larangan
ng panitikan.Nginit minsan din siyang
nakulong dahil sa salang sedisyon at
habang nasa kulungan ay naisulat niya
ang Isang Dipang Langit na isa sa mga
pinakamahalaga niyang tula.

Handa na ba kayong makinig at matuto?


Talasan natin ang ating mga mata at ang
ating pandinig ng sa gayon ay
maintindihan natin ang tula.dahil mamaya
kayo ay sasagot sa aking inihandang mga
tanong.
Gabay na Tanong
1.Ano ang nais Ipabatid ni Amado V.
Hernandez sa mambabasa sa pag sulat
ng Isang Dipang Langit?
2.Ano ang damdaming nangingibabaw sa
tula?
3.Bakit pinamagatang Isang Dipang Langit
ang tula?

“Isang Dipang Langit”


Ni:Amado V.Hernandez

Ako’y ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong
luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na


yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang


magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng
punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang
batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –


bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog


at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang
gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

Ito po ay tungkol sa mga taong


Batay sa inyong napakinggan Tungkol nakukulong na nawawalan na ng pag-asa.
saan kaya ang tula?

Mahusay!

Ngayong napakinggan niyo na ang


Tula,kaya niyo na bang sagutin ang mga
gabay na tanong?Mayroon ako ditong
isang bola at ito ay inyong
pagpapasapasahan, ako ay
magpapatugtog ng isang kanta kung Sagot
kanino huminto ang bola siya ng sasagot 1.Nais niyang ipabatid ang kalagayan ng
ng aking katanungan. ibang tao na ikinulong at tinatrato na
parang hayop .
2.Labis na pagkalungkot at kawalan ng
pag-asa ang naramdaman ng sumulat .
3.Ito ay pinamagatang Isang dipang Langit
dahi lang munting dungawan na maliit na
mayroong liwanag ang nag silbi niyang
pag-asa na huwag siyang susuko sa
buhay sapagkat sa huli ay matatanaw
niyang muli ang labas ng kulungan.

Mahusay Talaga ngang inyo ng


naunawaan ang ating binasang
Kwento.Napakahirap ang makulong kaya
dapat tayo ay magpakabait gumawa ng
mabuti araw araw ng sa gayon ay hindi
natin sapitin ang sinapit ng sumulat ng tula

G. Paglalahat
Gawain

At ngayon upang subukin ang Gawain:Ilarawan at ihambing


inyong natutuanan sa Tulang tinalakay Panuto:Ilarawan ang katangian ng tauhan
natin kanina ay magkakaroon tayo ng sa tula at ihambing ito sa inyong
aktibidad. sarili.Bibigyan ko lamang kayo ng limang
minuto upang magsagot ilagay ito sa
malinis na papel at ipasa sa akin.

Sagot:
Pagiging matatag dahil kahit ano mang
Maliwanag ba iyon?Maari na kayong pagsubok sa buhay ay patuloy pa din
magsimula. akong lumalaban at hindi ako nawawalan
ng pag-asa katulad na lamang ng tauhan
sa tula.
Mahuhusay maraming salamat sa inyong
Pagbabahagi..Tama nga na huwag tayong
mawawalan ng pag-asa sabi nga Habang
tayo ay nabubuhay ay may pag-asa.

H Paglalapat

Kung gayon anong aral ang inyong


natutunan sa kwentong binasa? Ang aral po na aking natutunan sa kwento
ay lahat ng problema at pagdurusa na
ating kinakaharap ay mayroong katapusan
bastat huwag tayong mawawalan ng pag
asa.

Napakahusay!Salamat sa iyong
pagbabahagi ng sagot.Bakit Mahalagang
pag aralan ang ganitong kwento? Dahil ito ay kapupulutan ng aral na
nagagamit natin sa kasalukuyan at
hinaharap.Dapat tayong gumawa ng
mabuting asal para sa kapakanan ng ating
sarili lalo na sa ating pamilya at sa gusto
pa nating gawin sa ating buhay.

Mahusay maraming salamat sa iyong


pagbabahagi.Lagi niyong tatandaan na
habang tayo ay nabubuhay ay mayroong
pag-asa kaya naman tayo ay
magpakatatag sa ano mang hirap na ating
maranasan.

IV.Ebalwasyon
May inihanda akpoditong pangkalahatang gawain.
Gawain:Hanapin mo ako
Panuto:Hahanapin mo lang ang Ibig sabihin sa Kahon.Bibigyan ko lamang kayo ng
limang minuto para sagutan ang Tanong.

Balasik Tiwalag Muog

Atungal Asod
1.Kalupitan o kabagsikan
2.Nauukol sa pagiging Malaya
3.Matibay na Taguang bato
4.Malakas na iyak ng Hayop
5.Sunod sunod na pagdakot at paglamutak ng isang bagay

V.Takdang Aralin

Gumawa ng Tula Tungkol sa Pag-Asa at ito ay inyong itatanghal bukas isa-isa.

Pamantayan

Orihinalidad- 30%
Nilalaman at Pamamaraan-40%
Pagkamalikhain-10 %
Pananalita-20 %
Kabuuan-100%

Inihanda ni

ROSIELYN P.DIZON

Gurong nagsasanay

Iniwasto ni

AILEEN MELODY M. DE VERA

Gurong Tagapayo

You might also like