You are on page 1of 2

Pangalan:________________________________________________ Taon at Pangkat:_________________

Guro:______________________________________________________Set:__________________________

Filipino
Unang Markahan – Modyul 3:
Panitikang Asyano-
Tula ng Pilipinas

ISANG PUNONGKAHOY
NI:JOSE CORAZON DE JESUS

Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


Ako'y tila isang nakadipang krus; Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Sa napakatagal na pagkakaluhod, Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Organong sa loob ng isang simbahan Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Ay nananalangin sa kapighatian, Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Habang ang kandila ng sariling buhay, Naging krus ako ng magsuyong laing
Magdamag na tanod sa aking libingan... At bantay sa hukay sa gitna ng dilim

Sa aking paanan ay may isang batis, Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis; Panakip sa aking namumutlang mukha;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, At iyong isipin nang nagdaang araw,


asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; isang kahoy akong malago't malabay;
at tsaka buwang tila nagdarasal, ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
Ako'y binabati ng ngiting malamlam! dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

Ang Guryon
NI:ILDEFONSO SANTOS

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon


na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas
at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

Gawain 2
Panuto:Hanapin mo ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A sa mga salitang nasa Hanay B. Isulat ang titik
sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
_____1.Malabay a. Malabo
_____2. Nunukal b.Mayaman
_____3. Taghoy c. Hinagpis
_____4. Malamlam d. Lilitaw
e. Mayabong
Gawain 4. Ikonek Mo!
Panuto: at isulat ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap. Piliin sa hanay
saranggola ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Hanay (Ulap) Hanay (Saranggola)
1. Bihira ang nagpapalipad ng guryon a. lubid
sa panahon ng pandemya.
2. Tibayan ang pisi sa pagkahawak upang
di-lagutin ng hanging malakas. b. mahina
3. Maingat naming pinalipad ang guryon
upang di-tuluyang sumubsob sa lupa. c. kumiling
4. Ang buhay ay guryon, marupok at malikot. d. saranggola
5. Tuluyang umiikit ang saranggola, kasabay sa
paglipas ng ating panahon. e. dumausdos
f. malakas
Gawain 5. Pagsusuri sa sarili
Panuto : Gamit ang talahanayan sa ibaba sagutin mo ang mga hinihinging impormasyon ayon sa nabanggit sa
tula.

Ang dalawang bagay na aking natutuhan ay … Ang dalawang bagay na nakapagpaantig sa aking
damdamin ay …
1. 1.

2. 2.

Gawain 7. Bahay-Kubo ko, Tula Mo!


PANUTO: Mula sa iyong pahayag sa loob ng mga dahon sa Gawain 6, lumikha ng sariling tulang malaya na may 2-
3 saknong na nagpapahalaga bilang isang Asyano. Isulat ito sa loob ng bahay-kubo.

PAMANTAYAN PUNTOS
Pagkakabuo 10
 Angkop at wasto ang mga
salitang ginamit
 Pagkakaugnay-ugnay ng mga
ideya
Nilalaman 10
 Mensahe
 Orihinalidad
Hikayat 10
Kabuoan 30

You might also like