You are on page 1of 8

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

BATSILYER NG ELEMENTARYANG EDUKASYON


(BEED – III)

SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

GALORIO, DIVINE GRACE VILLANUEVA


BEEd-III

Modyul 1

PAUNANG PAGSUSULIT

Bago mo simulan ang pag-aaral ng modyul, sagutin muna ang mga katanungan
upang malaman mo kung ano na ang alam mo sa mga paksang tatalakayin dito. A.
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano ang dalawang paraan ng pag-uuri ng panitikang Pilipino?

a. Ayon sa paghahalin

b. ayon sa anyo

2. Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Anu-ano ito?

 Patula
 Patanghal
 Patuluyan

B. Basahin ang mga impormasyon sa bawat bilang at sagutin ang mga tanong ukol dito.
Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

A______ 1. “O pagsintang labis ang kapangyarihan

Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw

Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman

Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.”

a. tula b. talumpati c. talata d. parabula

C______ 2. Ito ay mahabang salaysay na sumasaklaw sa sumusunod na mga sangkap:


tauhan, lugar, balangkas, at mga pangyayari.

a. talumpati b. epiko c. nobela d. awit at korido

C______ 3. Ito ay mga kwentong-bayan na ang mga tauhan ay mga hayop.

a. nobela b. epiko c. pabula d. elehiya

A______ 4. Ito ang maapoy na nobelang sinulat ni Dr. Jose Rizal laban sa mga Kastila.

a. Noli Me Tangere b. Kahapon, Ngayon, at Bukas c. Doctrina Christiana d. A Fly in a


Glass of Milk

A______ 5. Ito ay tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng mga


akda.

a. sanaysay b. alamat c. nobela d. parabula

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C. Isulat sa patlang kung ang anyo ng sumusunod na uri ng panitikan ay kwentong-bayan,


tula, talumpati, dula, maikling katha, o sanaysay.

1.Ang Panday

Kaputol na bakal na galing sa bundok,

Sa dila ng apoy, kanyang pinalambot;

Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok At pinagkahugis sa nasa ng loob.

Walang anu-ano’y naging kagamitan,

Araro na pala ang bakal na iyan;

Ang mga bukiri’y payapang binungkal,

Nang magtaniman na’y masayang tinamnan.

Anyo: _____TULA________________________

2.Leron, Leron Sinta

Leron, leron sinta, buko ng papaya

Dala-dala’y buslo, sisidlan ng bunga

Pagdating sa dulo, nabali ang

sanga Kapus kapalaran, humanap

ng iba.

Halika na Neneng, tayo’y manampalok

Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog

Pagdating sa dulo’y lalamba-lambayog

Kumapit ka, Neneng, baka ka mahulog.

Anyo: __AWITING BAYAN_______________________

3. Mabangis na Kamay – Maamong Kamay

Nagising kay Kulas ang simbuyo ng isang kamalayan, na tila siya


nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay
nagkakahugis sa katotohanan. Kaya malimit na mawala siya sa pagmamasid
sa kanyang anak, sa dimawaring pagkabahala sa dinaranas na buhay nito, sa
pagtitining sa kanyang kalooban na makabuo ng isang pasya kung nararapat
sa simbuyo ng kamalayang iyon. Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng
basura ang kanyang anak sa tambakan sa may puno ng tulay. Itinuon niya
ang kanyang paningin sa mukha at katawang naliligo sa nangingitim na pawis
at sa malalapad na paang bahagya nang maangat sa lupa samantalang
hilahila ng bata ang isang malaking tiklis ng basurang nag-iiwan ng
nagaalimpuyong alikabok.
Anyo: KWENTONG BAYAN/ MAIKLING KWENTO

4 Naghiyawan ang ilang batang naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan.

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

“Arya Ito! Arya Ito…Sumayaw ka, Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw
mooo? Eto ‘yo… Pak! Pak!” at inulan si Arya Ito ng pukol.

Anyo:

5. Laging May Bituin


Isang tala o malaking bituin ang nagsabog ng
liwanag na nagging patnubay ng tatlong
Haring Mago buhat sa Silangan upang
matunton nmang sabsabang sinilangan ng
sanggol na magiging “Hari ng mga Hari.” Sa
paglalakbay sa disyerto, ang mga Haring
Mago ay
tumitingala tuwina sa mga bituin upang di sila
maligaw sa landas na patutunguhan.
Sa gitna ng karimlan, kung ang buwan ay sakmal ng mga ulap, waring ang mga
bituin ang tanging nagbibigay-liwanag at sa gayo’y pumapawi sa karimlang
nakaambang maghari sa kalooban ng tao. Ngunit may mga gabi ring maging ang
mga bituin ay ayaw pakita o ikinukubli ng mga ulap. Gayunman, hindi nawawala ang
ating panalig na ang mga bituin ay naroon pa rin – sa likod ng mga ulap.

Anyo: _SANAYSAY_________________

6. Bagong Pag-asa
Ang kwento ay nangyari sa panahong takipsilim doon sa may gawing iyon ng
Tondo sa Maynila. Sa entresuwelong inuupahan nina Mang Doro, ang dingding
ng bahay ay inunat na karton ng gatas. Isang bangkong mahaba ang nasa tabi ng
nag-iisang bintana sa kanan ng tanghalan. Isang maliit na mesang nagsisilbing
kainan at dalawang bangko sa magkabilang panig ng mesa ang makikita sa
kaliwa ng tanghalan. Nasa ibabaw ng mesa ang isang gaserang aandap-andap
ang liwanag.. Mula sa loob ng bahay ay maririnig ang malakas at
makapangyarihang tinig ni Gng. Bondoc habang ito ay nakapamaywang. Gng.
Bondoc: Kung hindi kayo makababayad nang buo, mabuti pang maghanap na
kayo ng malilipatan. Ba! Kahit ganito ang paupahan ko, e, maraming mag-
uunahan sa pag-upa riyan.
Aling Senyang: Nakikiusap lamang naman po kami. Kung hindi po maaari ay
mangungutang kami para maibigay ang kapupunan.
Gng. Bondoc: Wala akong pakialam ano man ang gawin ninyo. Ang
mahalaga’y bayaran ninyo nang buo ang upa. Treinta pesos, kakalahatiin pa.
Aba! Nasaan naman ang kunsensya ninyo?
Aling Senyang: Bukas ho e papupuntahin ko ang tao ko sa inyo nang maibigay
ang kapupunan.
Gng. Bondoc: A, talagang dapat! Pag wala kayong maibigay, hanggang bukas
na lamang kayo rito. (magmamadaling lalabas ng bahay)

Anyo: ____DULA_

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

I. A. Tukuyin at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.


1. -karaniwang paksa ay pag-ibig _AWIT__
2. -may himig na awit sa dahilang ito ay inaawit habang may sumasayaw__BALAD_
3. -isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig__TALUMPATI_
4. -pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o
pangyayari -editoryal__EDITORYAL___
5. -salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang kakintalan _MAIKLING
KWENTO____

II. B. Hanapin ang kahulugan ng mga salita sa ibaba.


1. Anekdota - A
2. Melodrama - C
3. Komedya - D
4. Trahedya - E
5. Nobela - B

(Pamimilian sa itaas)
A. -mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ng mga maikling salaysaying ito na
ang layunin ay malapagdulot ng aliw at makapagbigay-aral sa mga mambabasa
B. -mahalagang salaysaying mahahati sa mga kabanata
-hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa
mahahabang panahon -maraming tauhan
C. -karaniwang ginagamit ng lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera
D. -gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong
pukawin ang kawilihan ngmanonood -nagwawakas nang masaya
E. tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan

C. TAMA O MALI: Isulat kung tama o mali ang mga pahayag sa ibaba.

TAMA 1. -upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino at matalos ang ating
minanang yaman ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi →
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan

MALI 2. -hayop ang mga tauhan-ang layunin ay gisingin ang isipan ng mga bata
→ Parabula
-salaysay hango sa Bibliya -layunin: makapagbigay-aral sa mga mambabasa →
Parabula
TAMA 3. -"Nasusulat na tala mula sa pinakamabuting kaisipan at damdaming tao."
-- W.J. Long
TAMA 4.-"Ang panitikan ay ang pagpapahayag na damdamin ng tao, sa lipunan, sa
pamanahon, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang lumikha." -- Bro. Azarias →
Kahulugan ng Panitikan
MALI 5. -larong patula sa pagliligaw ng lalaki sa babae → Talumpati

GAWAING PAGKATUTO
I.
Tanungin ang iyong kasambahay o mga nakatatanda sa iyong mga kamag-anakan
kung mayroon silang natatandaang mga balad, awit, korido, at epiko Subukang Ilahad o
isulat ito. Makadaragdag ito sa iyong kaalaman.

Ibong Adarna- isang uri ng korido.

Ang Ibong Adarna ay umiinog sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego at


Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na
dumarapo sa puno ng Piedras Platas sa Bundok Tabor.  Kailangang makuha ang

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ibon upang mapagaling ang kanilang amang si Haring Fernando na noon ay


dinapuan ng sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot.  Ang
mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa
sakit ng hari.  Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa
pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe.  Ngunit ito'y hindi sapat sa
haharapin nilang mga pagsubok.  Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na
mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa maamong awit
ng Adarna at maiputan sila nito.  Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim
ng Ibong Adarna sa isang matandang ermitanyong nasalubong sa daan.  Binigyan
din ng mahihiwagang gamit ng matanda ang prinsipe, upang mabihag ang ibon at
mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid.  Ngunit nagtaksil sina
Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng
bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang
malalim na balon.  Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria,
at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig
si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya
Juana.  Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang
muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo.  Nagtagumpay
muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa
kahariang nakamit niya.  Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang
tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan.  Waring ginamit
lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na
pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.

II. Paggawa ng Infomercial


Gumawa ng isang sariling maikling video presentation (3-5 minuto) na nagpapakita ng
maikling kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas.. Maaaring gawing sanggunian ang lekturang
ibinigay ng guro.

III. A. Sagutin ang mga sumusunod.


1. Ano ang tawag sa paraan ng paghahalin ng panitikan sa pamamagitan ng dila o bibig?
 Ang paraang ito ay tinatawag na pasalin-dila. Ang pasalindila ay ang
paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao.

2. Sino ang nagdala ng imprenta sa ating bansa? Ano ang kahalagahan ng imprenta sa
ating panitikan?
 Ang mga kastila ang nagdala ng imprenta sa ating bansa. At mahalaga ang
mga imprentang ito sa ating panitikan dahil nakakatulong ito upang
mapadali o mapabilis ang lahat ng mga gawain sa mga paaralan,
opisina,mga mag aaral at iba pang mga gawain na kakailanganin ang
imprenta.

3. Sa kasalukuyang panahon, anu-anong makabagong paraan ng paghahalin ng panitikan


ang karaniwang ginagamit? Makabubuti ba ito o hindi? Ipaliwanag.
 Sa ating kasalukuyang panahon ang mga makabagong paraan ng
paghahalin ng panitikan ay na atin ng karaniwang ginagamit ay tulad ng
mga pick-up lines, hugot lines, vlog, at iba pa, sa pamamagitan ng mga
teknolohiya. Sa tingin ko makabubuti naman ito sa atin dahil tayo ngayon
ay nasa makabagong panahon, mabilis na nag babago ang panahon at ang
kailangan nating gawin ay sumabay sa mga nuuso ngayon. Tulad nalang
ng makabagong pag hahalin ng mga panitikan.

B. Sagutin ang mga sumusunod.


1. Ano ang tatlong uri ng panitikan ayon sa anyo?

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

a. Patula
b. Patuluyan
c. Patanghal

2. Ano ang pagkakaiba ng bawat isa?


 Ang anyong patula ay saknungan na ang bawat taludturan ay maaaring
may bilang o sukat at ang mga pantig ay magkakasintunog o may mga
magkakatugmang pantig sa hulihan. Maaari rin namang itong maging
malaya at mawala ang pantig na magkasintunog sa hulihan at ganoon din
ang bilang o sukat ng taludturan.
 Ang anyong patuluyan naman ay tulad lamang sa pang-araw-araw na
takbo ng pagsasalita o mga kaisipan ang paglalahad. Sa halip na
pasaknong ang mga taludtod, ito ay patalata.
 Ang panitikan ay nasa anyong patanghal kung ito’y isinasadula sa
entablado, sa treatro o sa daan o saanman. Ito’y maaaring patula o
patuluyan, dahil ang diyalogo nito ay nasusulat sa alinman sa dalawang
anyo ng panitikan.

3. Anu-ano ang uri ng anyong patula? Ibigay rin sa bawat anyong patula ang iba’t ibang uri
nito.
 tulang pasalaysay – ito ay naglalarawan ng mga tagpo o pangyayaring
mahahalaga sa buhay.
 Ito ay may tatlong uri: epiko, awit at kurido, at balad.
b. tulang paawit at kurido ay may iba’t ibang uri rin. Ito ay ang awiting
bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, at oda.
c) tulang dula o pantanghalan ay may limang uri – komedya,
melodrama, trahedya, parsa, at saynete d) tulang patnigan ay may
tatlong uri – karagatan, duplo at balagtasan.

4. Anu-ano ang tatlong uri ng tulang pasalaysay? Paghambingin ang bawat isa.

 Ang tatlong uri ng tulang pasalaysay ay ang Epiko ito ay nagsasalaysay ng


kagitingan ng isang tao na hindi kapani-paniwala at puno ng kababalaghan. Ito
ay nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa
panganib at kagipitan. Awit at korido tungkol sa mga paksang may kinalaman
sa mga dugong bughaw na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo na
dala ng mga Kastila. Pinapaksa rin ang tungkol sa pagiging maginoo at
pakikipagsapalaran. At ang Balad ito ay may himig na awit dahilang ito ay
inaaawit habang may nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa
kasalukuyan ay napapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim
hanggang walong pantig.

PAGTATASA
I. Punan ng tamang sagot ang patlang.

1.Pasalindila ang tawag sa paraan ng paghahalin sa pamamagitan ng dila o bibig.


2.Nang matutong magsulat ang ating mga ninuno, ang panitikan ay kanilang inukit o
iginuhit sa mga balabak ng kahoy.
3.Ang mga Kastila ang nagdala ng imprenta sa Pilipinas.
4.Sa pamamagitan ng imprenta, napabuti ang Pasalinsulat na paghahalin.
5.Pansalintroniko ang maaaring itawag sa makabagong paraan ng pagsasalin ng
panitikan tulad ng paggamit ng cassette tape at compact disc.
6.Ang Patuluyan ay anyo ng panitikan na ang salitang ginagamit ay pangkaraniwan o
pang-araw-araw at nakasulat sa pormang patalata.

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

7.Ang Patanghal ay anyo ng panitikan na maaaring patula o patuluyan subalit kailangang


maipalabas sa tanghalan o dulaan.
8–10 Ang tatlong anyo ng panitikan ay Pasalindila, Pasalinsulat at Pansalintroniko.

II. Pagtambalin ang mga uri ng tulang nasa hanay A sa kanilang kahulugang nasa hanay B.
Isulat ang sagot sa patlang.
A B
G_____ 1. Elehiya a. debateng isinatula
A_____ 2. Balagtasan b. mahabang tulang inaawit o binibigkas at
patungkol sa mga kababalaghan o di-
pangkaraniwang pakikipagtunggali ng
pangunahing tauhan
E_____ 3. Dalit c. tulang dula na nakatutuwa ang pangyayari
D_____ 4. Trahedya d. tulang dula na malungkot ang wakas
C_____ 5. Komedya e. tulang patungkol sa relihiyon
B_____ 6. Epiko f. larong batay sa singsing na inihulog ng prinsesa sa
dagat
F_____ 7. Karagatan g. tulang tungkol sa nagdadalamhati

III.. Sagutin ang palaisipan.

Pababa Pahalang
1. tulang tungkol sa bukid 3. tulang 14 ang taludtod
2. awit tungkol sa relihiyon 5. tulang tungkol sa isang yumao na
4. pahayag ng isang papuri o 6. awit na tungkol sa pag-ibig, kawalang panaghoy
pag-asa, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at
kalungkutan

1. PASTORAL
2. DALIT
3. SONETO
4. ODA
5. ELIHIYA
6. AWITING BAYAN

PANITIKAN NG PILIPINAS FIL LIT 111

You might also like