You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 1

Sangay ng mga Paaralan ng Ilocos Norte


PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG BANBAN

Unang Markahang Pagsusulit


S.Y 2018-2019
Filipino 8

Pangalan: _____________________________ Seksyon: ____________ Iskor: ____________

I. Basahin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?


a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay sa tao.
b. Kathang-isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay.
c. Pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang.
d. Itoý kuwento tungkol sa mga Bathala tungkol sa paglikha ng daigdig.
2. Ang Alamat ay nagmula sa salitang latin na legendus na ang ibig sabihin ay upang

a. maunawaan b. mabasa c. mapakinggan d. maintindihan


3. Paano pumasok ang akdang alamat sa Pilipinas?
a. Sa pagdating ng mga Indones na nagmula sa ikalawang pangkat na may dalang alamat.
b. Mga saling-dila mula sa mga ninuno
c. Binuo lamang ng sinaunang Pilipino.
d. Magagaling ang mga Pilipino kaya naksulat sila ng sariling alamat

4. Ang pinuno ng mga Bikolano ay si Raha Makusog. Mayroon siyang kaisa-isang anak na dalaga, si
Daragang Magayon na ang ibig sabihin ay

a. dalagang tahimik b. dalagang maamo c. dalagang palaban d. dalagang maganda


5. Saan matatagpuan ang Bulkang Mayon?
a. Samar b. Quezon c. Bikol d. Sorsogon
6. Ang ________ ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit sa pangtataboy sa
mga espiritu.
a. Kasabihan b. sawikain c. bulong d. karunungang-bayan
7. Ang akdang ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso sa kilos ng isang tao.
a. kasabihan b. bugtong c. palaisipan d. sawikain
8. Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao
a. Palaisipan b. alamat c. bulong d. kasabihan
9. Ang akdang ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
a. Palaisipan b. bugtong c. kasabihan d. sawikain
10. Maituturing na may pambihirang katangian si Ana dahil sa busilak niyang puso. Ano ang kahulugan
ng salitang nasalungguhitan?
a. Kanais-nais b. pangkaraniwan c. kakaiba d. sikat
11. Natalos ng bata ang kanyang maling ginawa kaya ito humingi ng tawad sa ina.
a. Nalaman b. napagtanto c. nabatid d. nakalimutan
12. Bakit inggit na inggit si Lila Sari kay Bidasari?
a. Dahil siya ay maganada
b. Dahil mabait at palakaibigan ito sa lahat
c. Dahil wala siyang tiwala sa kanyang sarili
d. Dahil nais niyang palitan ang kanyang asawa
13. Ano sa tingin mo ang kadalasang nangyayari sa taong mainggitin?
a. Nagpupursigi para mapantayan ang taong kinaiinggitan
b. Nagtatanim ng sama ng loob sa taong kinaiinggitan
c. Nawawalan ng pag-asang gumanda ang buhay
d. Napapahamak dahil sa maling paraan ng plano sa buhay.

14. Paano ipinakita ni Bidasari ang kanyang kababaang loob kahit nakaranas siya ng pagmamalupit mula
kay Lila Sari?
a. Hindi siya naghiganti o kaya ay nagtanim ng sama ng loob.
b. Ipinaubaya ang lahat ng sultan
c. Nagpatuloy sa paggawa ng mabuti
d. Magalang siyang sumagot

15. Ano ang dapat gawin sa taong naiinggit sa iyo?


a. Sabihing mali ang kanyang nararamdaman
b. Hayaang maunawaan niya ang kanyang maling ginagawa
c. Ipaliwanag sa kanya ang maaari nitong kahantungan
d. Tulungang unawain niya na hindi nakabubuti sa tao ang pagkamainggitin

16. Paano makahahadlang sa pagtagumpay ang pagiging mainggitin?


a. Lalayo ang mga taong nagmamahal saýo
b. Maaaring makasakit sa taong kinaiinggitan
c. Matutuksong gumawa ng maling hakbang magtagumpay lamang
d. Lahat nang kaisipang nabanggit.

17. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga panitikan sa ating rehiyon?


a. Dahil unti-unti na itong nawawala
b. Nagbibigay aral sa buhay ng mga mambabasa
c. Dito masasalamin ang kultura ng bawat rehiyon.
d. Maunawaan ang pinagmulan ng bawat rehiyon

18. Ang haba ng epiko ay mula 1000 hanggang sa ______ na linya.


a. 5, 600 b. 5,500 c. 5,400 d. 5,300
19. Ano ang pinakamahabang epiko sa buong mundo?
a. Mahabharata b. The Necklace c. Noli Me Tangere d. El Filibusterismo
20. Isang elemento ng epiko na may kinalaman sa tauhan sa epiko?
a. banghay b. tagpuan c. elemento d. tauhan
21. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku?
a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig
b. tula na maytig-5 na taludtod ang bawat saknong
c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
d. wala sa nabanggit

22. Sa anong panahon nagsimulang lumaganap ang mga tanaga at haiku sa ating bansa?
a. Katutubo b. Español c. Hapon d. Kasarinlan

23. Ano ang pagkakatulad ng haiku at tanaga?


a. naglalaman ng mga pangyayari.
b. magkapareho ang tunog sa hulihan ng bawat taludtod.
c. Hindi pare-pareho ang pantig sa bawat taludtod.
d. kapwa may sukat at tugma.
24. Isang tula na karaniwang may 14 na linya hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na
kabatiran sa likas na pagkatao.
a. awit b. soneto c. oda d. elehiya
25. Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
a. Awit at korido b. bugtong c. balagtasan d. duplo
26. Ang mga kantahing-bayan ay tuloy-tinig (survival) ng kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila. Alin
sa sumusunod ang inaawit para sa pampatulog ng bata?
a. dalit b. kundiman c. talindaw d. oyayi
27. Ang sumusunod ay Kahalagahan ng pag-aaral ng kantahing-bayan maliban sa isa.
a. Ang mga kantahing-bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.
b. Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng lahing Pilipino.
c. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing sa puso at
kaluluwang bayan.
d. Ang kantahing bayan ay nagpapakita ng pagkalawak ng imahinasyon ng mga
mambabasa/nagsasalita.

28. Sa paghahangad ng kagitna,


isang salop ang nawala. Anong uri ng karungang bayan ito?
a. salawikain b. bugtong c. kasabihan d. palaisipan

29. Ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong, ito ay nangangailangan ng
talas ng isip.
a. Bugtong b. palaisipan c. kawikaan d. sawikain

30. Bugtong: Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.

a. baba b. ngipin c. bunganga d. buhok

II. Pag-iisa-isa
Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.

Apat na Uri ng Tula Magbigay ng halimbawa ng akdang Alamat


31. 36.
32. 37.
33. 38.
34. 39.
35. 40
III. Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan. Isulat ang titik ng tamang
bunga sa patlang ng sanhi.
SANHI BUNGA
____ 41. Napakainit ng panahon a. Kinansela ng Deped ang mga klase
____ 42. May sirang ngipin si Tomas b. Nakatawid ako ng maayos
____ 43. Hindi kumain ng tanghalian si Michael c. Gutom na gutom siya
____ 44. Hindi nag-aral si Danny d. Naaksidente siya sa daan.
____ 45. Napakalakas ng bagyo e. Mababa ang nakuha niyang marka sa pagsusulit
____ 46. Napakalakas ng bagyo f. Pinayagan siyang maglaro sa labas ng bahay
____ 47. Nagtulungan kami g.Sumakay na lamang kami sa traysikel
____ 48. Hindi maingat magmaneho ang lalaki h. Pumunta siya sa dentist
____ 49. Tumingin ako sa kaliwa at kanan i. Binuksan namin ang aircon
sa daan
____ 50. Tinapos ni Ramon ang kanyang j. Madali naming natapos ang gawain
takdang-aralin
IV. Punan ang patlang upang mabuo ang epiko o pinagmulang bayan ng epiko.

Mga Epiko ng Pilipinas

51. Agyu = __________________


52. ___________ = Epiko ng mga Ifugao
53. Bantugan = __________________
54. Maragtas = __________________
55. ___________ = Epiko ng mga Ifugao
56. ___________ = Epikong Panay
57. Ibalon = __________________
58. ___________ = Epikong Mindanao
59. Labaw Donggon = __________________
60. ___________ = Epikong Ilokano
V. Sagutin ang mga sumusunod:

Mula sa mga akdang pampanitikan na tinalakay, alin sa mga ito ang pinakagusto mo?Bakit?
(5 pts.)
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Sa paanong paraan mo mahihikayat ang iba pang kabataan na basahin ang mga akdang
pampanitikan sa Pilipinas (tula, alamat, epiko karunungang-baya)? (5 pts.)
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Inihanda ni:

Gng. Sheryl Ann C. Andres


Guro I, Filipino
Inaprobahan ni:

GNG. MARITESS GLORIA A. SALEM


Punungguro I

You might also like