You are on page 1of 40

Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga

karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa


kasalukuyan (F8PB-la-c-22)
Nakikilala ang akdang pampanitikan na
lumaganap sa panahon ng katutubo tulad ng
Karunungang-bayan.

LA Naiuugnay ang mahalagang kaisipang napaloob sa


YU mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa
tunay na buhay.
NIN

Napahahalagahan ang aral na nakuha mula sa


akda.
Sino ang sumulat sa tulang
binasa?
Ano ang pamagat ng tulang
binasa?
Maganda ba ang mensahe ng
tula? Patunayan.
Gumamit ba ang tula ng
karunungang-bayan?
“Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda”
Karunungang-Bayan
Salawikain

Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may


kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang
nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap
pakinggan kapag binibigkas.
HALIMBAWA

• Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

• Ang sakit ng kalingkingan damdam ng buong


katawan.

• Ang bulsang mapagbigay, hindi nawawalan ng


laman.
Sawikain

Salita o grupo ng mga salita na patalinghaga. Ito’y di


tuwirang naglalarawan sa isang bagay.
HALIMBAWA

• Balat-sibuyas - Madamdamin

• Dalawa ang bibig - Masyadong madaldal

• Butas ang bulsa - Walang pera


Kasabihan

Ang Kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y


hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak kahulugan.
Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa
mga kasabihan.
HALIMBAWA

• Walang umaani ng tuwa na hindi sa hirap nagmula.

• Tulak ng bibig kabig ng dibdib.

• Putak, putak batang duwag. Matapang ka’t nasa


pugad.
Bugtong

Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng


paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at may
lima hanggang labindalawang pantig.
HALIMBAWA

• langit sa itaas, langit sa ibaba, - Niyog


tubig sa gitna

• Kaisa-isang plato kita sa - Buwan


buong mundo

• Tumingin ka sa akin ang - Salamin


makikita mo’y ikaw din.
Palaisipan

Anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng


mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang
suliranin.
HALIMBAWA

• Sa isang kulungan ay may limang baboy inaalagaan


si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?

• Ano ang makikita mo sa gitna ng dagat?

• Nasa isang karera ka, ikaw ay nasa ikaapat na puwesta.


Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong puwesto. Anong
puwesto mo na ngayon?
Bulong

Pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit


o pangontra sa kulam, engkanto at masamang espiritu.
Pahayag na may kinakausap.
HALIMBAWA

• “Tabi, tabi po, Ingkong.”

• "Nagnakaw ka ng bigas ko, Umulwa sana mata


mo, mamaga ang katawan mo, patayin ka ng mga
anito.
Panuto: Isulat ang salawikain ,sawikain, bugtong,
kasabihan, palaisipan o bulong ayon sa pahayag ng
bawat bilang.

1. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa


simbahan din ang tuloy.

Sagot: Salawikain
2. Isang hukbo ng sundalo dikit-dikit ang
ulo.

Sagot: Bugtong (Walis Ting-ting)


3. Kung ano ang itinanim, siya ang
aaninihin.

Sagot: Salawikain
4. Sa tingin pa lang, tila di makabasag
pinggan ang kapatid niya.

Sagot: Sawikain
5. May sampu kang manok, hiningi yung
dalawa. Yung dalawa mong manok na
ipinamigay nanganak ng apat. Ilan na
lahat ang manok mo?

Sagot: Palaisipan
6. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.

Sagot: Bugtong
7. Ang tumilaok siyang nangitlog.

Sagot: Kasabihan
8. Tabi, tabi po apo. Alisin mo ang sakit
ng pamilya ko.

Sagot: Bulong
9. Lawit na ang dila ni tatay sa
kakatrabaho.

Sagot: Sawikain
10. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: Bugtong
1. Makabuluhan ba ang pag-alam sa
mga karunungang bayan? Bakit?
2. Ano ang epekto sa’yo ng iyong
kaalaman at pag-unawa sa mga
karunungang-bayan?
3. Sa iyong palagay, nararapat bang
panatilihin at paunlarin ang panitikang
ito na pamana ng ating mga ninuno?
Ipaliwanag.
Takdang-aralin

You might also like