You are on page 1of 11

1

Filipino 10-Q2-W3
Aralin Pagsusuri sa Estilo ng Pagsulat ng Tula

Mga Inaasahan

Sa araling ito, matutunghayan ang tula na mula sa Inglatera. Bahagi rin ng


aralin ang paggamit at pagtalakay sa mga matatalinghagang pananalita.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70)


2. Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)
3. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula
(F10PT-IIc-d-70)
4. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
(F10PU-IIc-d-72)
5. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10WG-IIc-d-65)
Sa iyong pagsisimula, sagutin muna ang unang gawain aking inihanda bago mo
basahin ang paksang aralin. Handa ka na ba!

Paunang Pagsubok
Basahin ang tulang liriko. Maaari ninyo itong panoorin at pakinggan muli sa iba’t
ibang bersyon sa Youtube para sa naka-eengganyong gawain. Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
Dakila ka Inay
(You Great Mother)
Inawit ni Rhodora Silva
Mula nang isilang at magkabuhay Ang isang asawa, mga kasintahan
Ikaw aking Inay Kay daling hanapin
Ang aking gabay Sa balat ng lupa
Sa landas ng buhay ay matatagpuan
Sa aking pagtulog nagbabantay Ngunit ang isang Ina
Kapag lumuluha Pag pumanaw
Ang mahal mong sanggol Upang makita mo
Ika’y dumaramay Muli kang isilang

At kung mayroong karamdaman Dakila ka Inay ko sa akin


Inay ikaw ay luhaan Uliran at dapat mahalin
Ang iyong gagawin Pag ika’nawalay sa aking piling
Ay hindi malaman Ano ang gagawin.

Sa anak mong mahal Ang yaman ay di kailangan


Pag may lamok bubugawin Kung wala ka aking Inay
Masuyo mong hahaplusin Sa mundong ibabaw
Sa buong magdamag Wala kang kapantay
Sa lamig ng hangin Dakila ka Inay
Ako’y yayakapin

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
2

- https://www.youtube.com/watch?v=5y8f1fs7Iqs
1. Ano ang mensahe ng awit?
A. kadakilaan ng ina C. pagmamahal ng ina
B. kasipagan ng ina D. dalamhati ng ina
2. Ang “Dakila ka Inay” ay anong uri ng tula?
A. Tulang Pasalasay C. Tulang Liriko
B. Tulang Padula D. Tulang Patnigan
3. “Ang aking gabay, sa landas ng buhay” ay nangangahulugang .
A. pagsunod sa payo ng ina
B. pagsuway sa nais ng magulang
C. pag-aaruga ng walang kapantay
D. patnubay tungo sa tamang daan
4. Ang anyo ng tulang binasa ay .
A. malayang taludturan C. haiku
B. tradisyonal D. tanaga
5. Ano ang sukat ng taludtod na mula sa tula “Mula nang isilang at magkabuhay”
A. 12 C. 8
B. 10 D. 11
Bago magpatuloy, ikaw ay magbalik-aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa dulang Romeo at Juliet. Sa
pamamagitan ng paglalagay ng letra sa patlang. (A-E). Ilagay ang iyong sagot sa
sagutang papel
1. Ang hamon ni Juliet, “Talikuran mo ang iyong pamilya.”
2. Kapag nakita ka ng sino man sa mga pinsan ko, tiyak na papatayin ka
nila.
3. Nagalak si Romeo nang makita si Juliet.
4. Nagpasakop si Romeo sa kamay ni Juliet.
5. Gagawin ni Romeo ang lahat nang dahil sa pag-ibig

Pagpapakilala ng Aralin

Ngayon naman ay basahin mo ang isang tulang liriko mula sa Inglatera na hango sa
Sonnet 43. Bigyan mo ng pansin ang mga ginamit na malalalim na salita.

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng


isipan at damdamin. Mababasa sa mga tula ang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
Ang soneto ay isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing-apat na
taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na
kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
3

Ang Aking Pag-ibig


(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII
ni Elizabeth Barret Browning)
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Upang lalo mong maunawaan ang tula at awit, narito ang mga elementong higit
na sasagot sa marami pang katanungang nagsusumiksik sa iyong isipan.

ANYO NG TULA

1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may
malalim na kahulugan.
2. Berso Blangko - tulang may sukat bagamat walang tugma.
3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang
ito ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng
mga kabataan.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
4

ELEMENTO NG TULA

1. SUKAT – ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.


Halimbawa:
Isang/a/araw,/ang/i/na/ko’y/ na/ki/ta/ kong/ na/ma/mang/law/(may 15 pantig)
(hango sa “Ang Pamana” ni Jose Corazon de Jesus)

2. TUGMA – ito ay ang pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa huling salita
sa bawat taludtod na siyang nagbibigay ng angkin nitong indayog o himig. May
dalawang uri:
a.) Hindi Buong Rima (assonance) – paraan ng pagtutugma ng tunog na ang huling
salita sa bawat taludtod ay nagtatapos sa patinig. Maaaring magkakatulad ang mga
patinig sa isang saknong o kaya’y dalawang magkasunod o salita.
Halimbawa:
Munting kahirapa’y mamalakhing dala
Dibdib palibhasa’y di gawing magbata
Ay bago sa mundo’y balang kisap-mata
Ang tao’y mayroong sukat ipagdusa
(hango sa “Ang Laki sa Layaw” ni Francisco Baltazar)

b.) Kaanyuan (consonance) – paraan ng pagtutugma ng tunog na ang huling salita sa


bawat taludtod ay nagtatapos sa katinig.
Halimbawa:
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung pano kita pinakamamahal?
Tuturuan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
(hango sa “ Ang aking Pag-ibig” salin sa Filipino ni Alfonso O. Santiango)

3. TALINGHAGA – tumutukoy ito sa paggamit ng iba’t ibang uri ng tayutay.


Halimbawa:
Ito ba ang lupang aking aangkinin
Na tira-tirahan ng apoy at talim?
Ito ba ang manang aking bubungkalin
Na sambutong taon at nagngangangang libing?
(hango sa “Tinig ng Darating” Teo S. Baylen)

4. TONO/INDAYOG – ito ang diwa ng tula na tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng


mga salita gaya ng pagtaas-pagbaba ng tinig, pagbagal at pagbilis, pagbibigay diin,
seryoso o malumanay atbp.
Halimbawa:
Ibig kong kung ikaw ay may iniisip
Sa ulo mo’y ako ang buong masilid
Ibig kong kung iyong mga mata’y tumititig
Sa balintataw mo ako’y mapadikit;

(hango sa “Ang Pagtatapat” ni Lope K. Santos)

5. SIMBOLO – tumutukoy ito sa mga salitang ginagamit sa tula na nag-iiwan ng


kahulugan sa mapanuring kaisipan ng mambabasa.
Halimbawa:
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
(mula sa “Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus)
Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating araling tinalakay. Maaari
munang sagutin ang mga sumusunod na gawain.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
5

Mga Gawain
Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan
Ibigay at gamitin sa pangungusap ang kahulugan ng mga matatalinghagang
salita na ginamit sa tula. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. buong taimtim -
Pangungusap:
2. kasingwagas ng bayani -
Pangungusap:
3. di makayang bathin -
Pangungusap:
4. masusupil ng iba -
Pangungusap :
5. parang nanamlay -
Pangungusap:

Gawain 2 Mga Tanong

Sagutin ang mga tanong batay sa tekstong iyong binasa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Tungkol saan ang tula? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig?
3. Sa iyong palagay, sino ang nagsasalita at kinakausap sa tula? Patunayan
4. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matalinghagang salita upang
maihatid ng may-akda ang mensahe sa mambabasa?
5. Kilalanin ang may-akda sa tulong ng saknong sa ibaba. Para sa iyo,
kahanga-hanga ba siya o isa itong kabaliwan? Ipaliwanag.

“ Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.”

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

✓ Kumpleto ang ibinigay na sagot. 3 –dalawang pamantayan lamang


✓ Mahusay ang pagpapaliwanag
✓ Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan lamang

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
6

Gawain 3 Pagsasanay Panggramatika


Matapos mong namnamin ang mensahe ng awit at mga tulang binasa, atin
naman ngayong suriin ang mga ito ayon sa taglay nitong mga elemento. Gamitin ang
grapikong presentasyon sa ibaba at ang mga impormasyong inihanda ko para sa iyo
upang madali mo itong maisagawa. Ilagay ang sagot sa hiwalay na pap

Rubriks sa Pagwawasto: Isang puntos bawat pamantayan

✓ Naibibigay ang hinihingi sa bawat elemento


✓ Maayos ang paglalahad ng mga ideya
✓ Naipaliliwanag ang mga kaisipan

Magaling! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang palawakin


ang iyong kaalaman.

Ang aking
Sukat Tugma Tono Simbolo Talinghaga
Pag-ibig

Dakila ka
Sukat Tugma Tono Simbolo Talinghaga
Inay

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang tulang liriko, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Liriko ang tinatawag ng mga Griyego sa tulang inaawit sa saliw ng lira.


2. Ang tulang liriko ay may himig awit pa rin hanggang ngayon bagama’t
pinatutunayan ng makata na hindi na kailangan ang isang lira o anupamang
instrumento upang siya’y umawit. Nakalilikha siya ng musika sa pamamagitan
ng pagsasama-sama ng mga salita. Palibhasa’y matindi siya kung
magdamdam, ang kaniyang mga salita at damdamin ay nalilikha ng tunog na
maaliw-iw at nakagagayuma.
3. Ang tula o panulaan ay isang anyo ng panitikan na pinagyaman ng mga
tayutay. Binubuo ito ng mga saknong, tugma, talinghaga, tono at simbolo.

Ngayon ay ilalapat mo na ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat


ng tula.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Sumulat ng isang tula tungkol sa mga taong iyong pinahahalagahan at
lapatan ito ng himig at tono. Gumamit ka rin ng mga matatalinghagang salita.
Isulat ito sa hiwalay na papel.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
7

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng saknong: 20 – nasunod ang lahat ng
pamantayan
✓ Kasiningnan ng tula/Liriko. 18 – dalawang pamantayan
(paggamit ng matatalinghagang ang naisagawa
pananalita) 10 – isang pamantayan lamang ang
✓ Himig/melodiya nasundan
✓ Mensahe

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at unawain ang tula. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Piliin at
isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
Isang Punongkahoy
ni Jose Corazon de Jesus
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako’y tila isang nakadipang kurus, sa
napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Organong sa loob ng isang simbahan ay
nananalangin sa kapighatian habang ang
kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan…
Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit ang
pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa
mo ri’y agos ng luhang nunukal; at
saka ang buwang tila nagdarasal, ako’y
binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ang aking narrating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing At
bantay sa hukay sa gitna ng dilim
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao’y hindi na matuwa!
At iyong isipin nang nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago’t malabay;
Ngayon ang sanga ko’y krus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.
(http://aubrey22.blogspot.com/2017/03/pagsusuri-sa-tulang-isang-punong-kahoy.html)

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
8

1. Anong anyo ng tula ang binasa .


A. tradisyonal C. blankong bersyo
B. malayang taludturan D. may sukat walang tugma

2. Ano ang simbolo ng “Isang Punongkahoy” .


A. pag-ibig C. tao
B. buhay D. kalikasan

3. Sa ikatlong saknong unang taludtod, “Sa aking paanan ay may isang batis” ang
batis ay nangangahulugang .
A. luha C. tubig
B. tuwa D. lungkot

4. Ang sukat at tugma ng saknong sa ibaba ay


At iyong isipin nang nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago’t malabay;
Ngayon ang sanga ko’y krus sa libingan,
Dahoon ko’y ginawang korona sa hukay.
A. May 12 pantig at may tugma C. May 12 pantig at hindi buong rima
B. May 12 pantig at walang tugma D. May 12 pantig at kaanyuan

5. Anong mensahe ng tulang sa mambabasa?


A. Masalimuot na buhay
B. May hanganan ang buhay ng tao
C. Ang buhay ay maraming pagsubok
D. Ipaubaya natin ang ating buhay sa diyos ama

Pagninilay

Sumulat ng isang spoken poetry na nilapatan ng himig


at tono. May mga mungkahi akong paksa na iyong pagpipilian o may sarili kang paksa na
naiisip. Gumamit ng mga matatalinghagang salita. Isulat ito sa
hiwalay na papel.
1. Pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa iyong mga magulang

2. Labis na hirap na dinanas para makamit ang tunay na pag-ibig

3. Epekto ng covid sa ating edukasyon ngayon

4. At iba pa

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng talata: 20 – nasunod ang lahat ng
pamantayan
✓ Kasiningnan ng tula/Liriko. 18 – dalawang pamantayan
(paggamit ng matatalinghagang ang naisagawa
pananalita) 10 – isang pamantayan lamang
✓ Himig/melodiya ang nasundan
✓ Mensahe
✓ Kabuuang Pagtatanghal

Napakahusay ng iyong ginawa, binabati kita! Maaari ka nang maghanda


para sa susunod na aralin.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
9

FILIPINO 10
SAGUTANG PAPEL
Quarter 2- Week 3
Pangalan: Guro:

Baitang at Seksyon: Petsa:

Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Mga Gawain
Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

1.

2.

3.

4.

5.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
10

Gawain 2 Pagsagot ng mga Tanong

1.

2.

3.

4.

5.

Pangwakas na Pagsusulit

Pagninilay

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
11

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like