You are on page 1of 10

10

FILIPINO-10
Ikalawang Markahan – Modyul 3
TULA: “Ang aking Pag-ibig”
Tulang Pandamdamin

(Pampanitikan sa Kalunranin)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

1
Aralin
Ang Aking Pag-ibig
1
 PANGKALAHATANG IDEYA
Ang aralin 1 ay naglalaman ng akdang “Ang Aking Pag-ibig” mula sa Italy na isinalin
sa Filipino ni Alfonso O. Santiago. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa kahalagahan ng
angkop at mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita sa pag-unawa mo sa tula na
tatalakayin gayon din ang paraan ng paglalarawan nito. Sa araling ito matatagpo mo ang
isang uri ng panitikang ikalalawak ng iyong kaalaman at kaugalian sa lipunan, sa bayan, sa
pamilya at sa iyong kabuuan bilang isang tao.
 LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang;
1. Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70)

TUKLASIN

Sa bahaging ito ay pakinggan/ basahin ang isang awitin. Pansinin ang estilo ng makata sa
tulang ito.

Awit Kay Inay


Mula sa awit ni Carol Banawa

May hihigit pa ba sa isang katulad mo Lahat nang buti nya ang laging hangad
Inang mapagmahal na totoo mo
Lahat nang buti ay naroon sa puso Patawad ay lagi sa puso mo....
Buhay man ay handang ialay mo Walang inang matitiis ang isang anak
Walang inang matitiis ang isang anak Ika'y dakila at higit ka sa lahat
Ika'y dakila at higit ka sa lahat
Ang awit na ito
Ang awit na ito ay alay ko sa iyo Ay alay ko sa iyo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika'y nag-iisa Ikaw lang sa mundo Ikay nag-iisa ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas ganyan ang Ang may pusong wagas ganyan ang
tulad mo tulad mo

Lahat ibibigay lahat gagawin mo


Ganyan lagi ikaw sa anak mo

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral ay basahin mo muna ang mga dapat tandaan sa
paggamit ng modyul na ito.

2
Tunghayan ang kasunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth
Barret Browning ng England (hango sa Sonnet 43).

ANG AKING PAG-IBIG


(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret
Browning Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito
ng mga bayaningMarunong umingos sa mga papuri.
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing Na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming
banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita.

SURIIN
Ang TULA ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin sa malayang pagsusulat. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang
naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan.
May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko, tulang
pasalaysay, tulang padula at patnigan.
Ang SONETO na iyong binasa ay nasa anyo ng tulang pandamdamin o tulang liriko.
Ito ay may tiyak na sukat at tugma na kailangang isaalang-alang. Binubuo ito ng labing-apat
na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.

GAWAIN 1: Lantad-Damdamin

Panuto: Ilahad ang damdaming naghahari sa Awit Kay Inay at Ang


Aking Pag- ibig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Awitin Kay Inay Ang Aking Pag-ibig


1. 4.
Damdamin

2. 5.

6.
3.

3
PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat ito sa hiwalay
na papel.
1. Isang uri ng tula na ipinahahayag ang mga saloobin at
damdamin ng makata.
A. tulang pasalaysay B. tulang patnigan
C. tulang liriko D. tulang padula
2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na
taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
A. Alegorya B. haiku C. soneto D. tanaga
3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
A. pag-ibig sa ama/ina B. pag-ibig sa kaibigan
C. pag-ibig sa kapatid D. pag-ibig a kasintahan/ asawa
4. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tulang liriko o
pandamdamin liban sa _.
A. Elehiya B. epiko C. oda D. soneto
Para sa bilang 5 at 6
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Ng


kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
-Ang Aking Pag-ibig

5. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona ng tula?

A. Mapagtiis B. mapagkumbaba C. masayahin D.


mapagmalasakit
6. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kanyang pagmamahal at
pagsinta sa taong kanyang iniibig sa pamamagitan ng
A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
B. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
C. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
D. pagpapahiwatig ng nararamdaman
7. Alin sa mga sumusunod na mga tula ang may tiyak na sukat at tugma?
A. Oda B. elehiya C. awit D. soneto
8. Sa awit na “Awit Kay Inay” anong damdamin ang lumulutang para sa mga
ina?
A. pagdadalamhati B. pangungulila C. pagkabigo D. pagmamahal
9. “Malibing ma’y lalong iibigin kita” Ano ang nais ipahiwatig sa huling taludtod
ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”?
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig
C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig

4
10. “Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang
kahambing” Ano ang ipinahihiwatig ng taludtod na ito?
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig
C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig

Aralin
Elemento ng Tula
2
 PANGKALAHATANG IDEYA
Ang Aralin 2 ay tungkol sa mga elemento ng tula. Nailalantad ang kagandahan ng
isang tula dahil sa mga elementong taglay nito..
Mahalaga sa isang makata na ang kanyang tula ay may magandang kaanyuan dahil
naipakikita rito ang kanyang pagiging malikhain at matiyaga. Mababasa sa araling ito ang
tulang nakapalooban ng mga elemento.

 LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nasusuri ang mga elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)

TUKLASIN

Panuto: Bigkasing mabuti at unawain ang halimbawa ng elehiya.

Panitikang Pandaigdig, DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina


190 at Teacher’s Guide page 72-75.
Babang-Luksa
Salin mula sa Kapampangan ni Olivia P. Dante sa isang “Pabanud” ni
Diosdado Macapagal
https://www.facebook.com/notes/2850072631902859/

SURIIN

ELEMENTO NG TULA
1. Sukat. Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod.
2. Tugma. Ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat
saknong.
3. Tono. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.
4. Simbolismo. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga
mambabasa.
5. Talinghaga.Ito’y matatayog na diwang ipinahihiwatig ng makata.

5
GAWAIN 1: Panuto: Suriin ang elemento ng tulang Ang Aking Pag-ibig at Babang-
Luksa gamit ang talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel. (2 puntos bawat sagot)
1. Ang Aking Pag-ibig

Sukat Tugma Tono Simbolo

2. Babang-Luksa
Sukat Tugma Tono Simbolo

PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.
1. Elemento ng tula na tumutukoy sa matatalinghagang salita, mga
salitang may malalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay
A. Kariktan B. taludtod C. sukat D. tugma
2. Ang sumusunod ay mga 6lement ng tula liban sa _.
A. Kariktan B. sukat C. taludtod D. tugma
3. Anong 6lement ng tula ang pagkakapareho ng tunog sa huling
salita ng bawat taludtod?
A. Kariktan B. taludtod C. sukat D. tugma
4. Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang sinasagisag ng ibon ay
A. Digmaan B. kalayaan C.pangarap D. pag-Ibig
5. Dinatnan ng sigwa. Sa literal na pagpapakahulugan ang tinutukoy nito ay
A. Bagyo B. pag-Asa C umaga D. problema
6. Ano ang sukat ng mga taludtod sa bahagi ng tula ni Baltazar?
” Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad Sa bait at muni, sa hatol ay salat”
A. Lalabindalawahin B. wawaluhin C. lalabing-animin D. walang tiyak na sukat
7. Ano ang sukat ng tulang Babang-luksa?
A. Lalabindalawahin B. wawaluhin C lalabing-Animin D. walang tiyak na sukat
8. Tungkol saan ang tulang Babang-luksa?
A. pag-iibigan ng magkasintahan
B. tungkol sa pagiging makabayan
C. pagbabalik-tanaw sa alaala ng isang mahal sa buhay
D. sakripisyo ng isang magulang
9. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga mambabasa.
A. Simbolismo B. Tono C. Sukat D. Tugma
10. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.
A. Simbolismo B. Sukat C. Tono D. Tugma

6
Aralin Matalinghagang Pananalita
3 sa Tula
 PANGKALAHATANG IDEYA
Nakadaragdag ng kapamigatan at kagandahan ng isang katha ang paggamit ng
pananagisag at mga matatalinghagang pananalita. Alamin sa araling ito kung paano ginamit
na sangkap ang mga ito sa pagpapaganda ng isang tula.
 LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula (F10PT-IIc-
d-70).

TUKLASIN

Panuto: Suriin ang halaw na bahagi ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” at


“Pamana.” Itala ang mga matatalinghagang pananalitang ginamit.

Panitikang Pandaigdig, DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina


191 at Teacher’s Guide page 72-75.
“Ang Aking Pag-ibig” at “Pamana.” ni Jose Corazon de Jesus
https://www.wattpad.com/159337585-grade-10-filipino-module-ang-
pamana

ANG KARIKTAN NG TULA


Isa sa mga elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan ang tumutukoy sa
paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at
mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad at iba pa.
Pagsanib ng Gramatika at Retorika
Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi
tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng
isang tula. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag nang patayutay o
tayutay.
Ang TAYUTAY ay nagbibigay ng mabisang kahulugan upang maging maganda at
makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag sa isang tula. Kaya’t mainam na magsanib ang
gramatika at retorika. Tamang gamit ng mga salita at pagkakabuo ng mga pangungusap na
sasabayan ng matatalinghagang pahayag na magpapaganda sa isang tula.
MGA URI NG TAYUTAY
1. Pagtutulad o simile. Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay,
pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang,
kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.
2. Pagwawangis o metapora. Ito ay katulad ng pagtutulad, naghahambing ng dalawang
bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.
3. Pagmamalabis o hyperbole. Pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang
nais ipahayag.
4. Pagtatao o personipikasyon. Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang
buhay.

7
GAWAIN 1: Panuto: Salungguhitan ang matalinghagang pananalita/tayutay na
makikita sa bawat saknong ng tula at tukuyin ang uri at ang kahulugan nito.

1. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga
bayaning Marunong umingos sa mga papuri. (Ang Aking Pag-ibig)
Uri ng Tayutay _
Kahulugan_

2. Para ng halamang lumaki sa tubig, Daho’y nalanta munting di madilig,


Ikinaluluoy ang sandaling init, Gayon din ang pusong sa tuwa’y manaig.
(Florante at Laura)
Uri ng Tayutay _
Kahulugan_ __

3. Lumuha ang langit at ang mundo ay nanliit kumakaway sa bakod


ang anghel na nakatanod. (Saranggola ni Pepe)
Uri ng Tayutay _
Kahulugan_

PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata. Anong uri ng tayutay ang
ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
2. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw. Anong uri ng tayutay
ang ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
3.Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga. Anong uri
ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
4. Kasinlaya ito ng mga lalakingDahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri.
Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?
A. Pagwawangis B. Pagtutulad C. Pagtatao D. Pagmamalabis
5. Anong uri ng tayutay ang naghahambing ng dalawang bagay
ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing?
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao
6. Ito ay nagbibigay ng mabisang kahulugan sa tula upang ito’y maging
maganda, makulay at kaakit-akit
A. Sukat B. Tagpuan C. Tayutay D. Tugma
7. Anong uri ng tayutay ang paglilipat ng katangian ng isang tao sa
mga walang buhay?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
8. Anong 8lement ng tula ang nagtataglay ng malalim o hindi tiyak na kahulugan
at sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng isang
tula?
A. Sukat B. Tono C. Talinghaga D. Tugma

8
9. Anong tayutay ang gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
10. Anong tayutay ang gumagamit ng eksaherasyon sa paglalarawan sa tula.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao

Aralin Paksa ng Tula AngPamana


4 ni: Jose Corazon de Jesus

 PANGKALAHATANG IDEYA
Magagandang damdamin at larawan ang mapupukaw sa mambabasa ng tula kung
marangal at makabuluhan ang paksa. Ang mga mararangal na tema ng tula ang maikikintal
sa isipan ng mambabasa na maaaring magsilbing tanglaw at sulo sa kanilang buhay na
tinatahak.

 LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
(F10PU-IIc-d-72)
2. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula
(F10WG-IIc-d-65)

TUKLASIN

Basahin ang isang elehiya at pansinin ang paksang ginamit


ng makata.
Panitikang Pandaigdig, DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 191 at
Teacher’s Guide page 72-75.
“Ang Aking Pag-ibig” at “Pamana.” ni Jose Corazon de Jesus
https://www.wattpad.com/159337585-grade-10-filipino-module-ang-
pamana

SURIIN
PAKSA-Ito ang tema ng tula tumutukoy kung tungkol saan ang isang
tula/ kaisipan ng buong tula.Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo,
kabayanihan, kalayaan, katarungan , pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan, sa
kapwa at marami pang iba.

9
GAWAIN 1: Panuto: Bilang isang anak, ano ang iyong sagot/tugon sa ikinikilos at sinasabi
ng isang ina sa tulang “Ang Pamana”. Isulat ito sa pamamagitan ng isang liham. (10 puntos)

PANAPOS NA PAGTATAYA
Tama o Mali
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang T kung ang pahayag ay tama at M
naman kung ito ay mali.
_1. Ang paksa ng tula ay tumutukoy sa kabuuang kaisipan ng tula.
_2. Ang tema ng tula ay tumutukoy sa matatalinghagang
pananalita at kariktan ng tula.
_3. Ang paksa ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay tungkol sa mapait
na karanasan ng may-akda sa pag-ibig.
_4. Ang Babang-luksa ay may temang kawili-wili.
_5. Ipinapakita sa tulang pamana na lahat ay gagawin ng isang
magulang para sa ikabubuti ng kanyang anak.
_6. Nasaalamin sa tula na ang tanging naitugon ng kanyang
anak sa kanyang magulang ay ang pagiging ganid at
materyalestiko.
_7. Ang paksa ng tula ay kinakailangang hango sa buhay o
sariling karanasan ng makata.
_8. Sa pagsulat ng isang tula kailangang hitik sa mensahe na
ipinapahayag sa kakaunting mga salita.
_9. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga paksang halaw lamang sa
imahinasyon o guniguni ng makata, kinakailangang batay sa
namasid o naranasan ng makata.
_10. Ang tulang Pamana ay isang halimbawa ng tulang
liriko o pandamdamin.
SUSI SA PAGWAWASTO
ARALIN-1 ARALIN-2 ARALIN-3 ARALIN-4
Gawain-1 Gawain-1 Gawain-1 Gawain-1
-Nasa guro ang -Nasa guro ang -Nasa guro ang -Nasa guro ang
pagpapasya pagpapasya pagpapasya pagpapasya

PANAPOS NA PANAPOS NA PANAPOS NA PANAPOS NA


PAGTATAYA PAGTATAYA PAGTATAYA PAGTATAYA
1. C 6. C 1. A 6. A 1. A 6. C 1. T 6. M
2. C 7. B 2. C 7. A 2. D 7. D 2. M 7. M
3. D 8. D 3. D 8. C 3. D 8. C 3. M 8. T
4. B 9. D 4. B 9. A 4. B 9. A 4. M 9. M
5. C 10. B 5. A 10. C 5. B 10. C 5. T 10. T

10

You might also like