You are on page 1of 12

FILIPINO-10

Unang Markahan – Modyul 3


Mga Akdang Pampanitikan
ng Mediterranean
(SANAYSAY)

Kagawaran ng Edukasyon ●Republika ng Pilipinas

1
Aralin
Sanaysay: Bahagi at Elemento
1
 Pangkalahatang Ideya

Ang Aralin 1 ng Modyul 3 ay tungkol sa Bahagi at Elemento ng Sanaysay. Ito


ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito tutulungan kang mas
mapayabong at mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa sanaysay.
Sa mga araling iyong mababasa at masusuri, makikita mo ang nais ihayag ng
akda sa mga mambabasa. Maiuugnay ang sariling karanasan sa akda. Mababatid
mo rin na sa pamamagitan ng akda, ang iyong kaalaman ay magagamit mo upang
mas maintindihan mo ang iyong sarili.
 Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
1. nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.
F10WG-Ic-d-59;
2. nasasaliksik ang mahahalagang impormasyon gamit ang silid-aklatan,
internet, at iba pang batis ng mga impormasyon. F10EP-Ia-b-28
 Dating Kaalaman
Maaaring ikaw ay pamilyar na sa sanaysay ngunit kailangan mo pa ring
balikan ang iyong natutunan hinggil sa parabula upang mas mapayabong mo pa ang
iyong kaalaman patungkol sa sanaysay.
Bakit mahalagang pag-aralan ang parabula? Paano natin malalaman na ang
isang akda ay parabula?

 Paglalahad
 Pagbuo ng Konsepto

Ang SANAYSAY ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Ang salitang
“sanaysay” ay nagmula sa salitang “sanay” at “salaysay.” Kung pagdurugtungin ang
dalawa, puwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o masasabi ng isang
“sanay” o eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay
tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga
impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw. Maaari ring
pagbasehan ang mga pangyayari sa paligid sa pagsulat ng sanaysay.

Ang sanaysay ay mayroong tatlong mahahalagang bahagi o balangkas.


1. Panimula. Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o
pananaw ng may-akda. Nakapaloob din dito ang taglay na elemento ng sanaysay na
kung saan makakapag-isip ang mambabasa kung dapat pa niyang ipagpatuloy ang
pagbabasa.

1
2. Gitna o Katawan. Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan.
Dito din nagpapahayag ng mensahe ang may-akda.
3. Wakas. Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at
katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.

Mga Elemento ng Sanaysay


Tema. Ang tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat
bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito.
Anyo at Estruktura. Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang
sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang
maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa
mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.
Kaisipan. Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema. Halimbawa:
Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong kapaligiran.
Wika at Estilo. Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay
nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng
simple, natural, at matapat na mga pahayag.
Larawan ng Buhay. Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay,
masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-akda. Halimbawa:
Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali.
Kontento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, nanglilimos sa mga
dumaraan..
Damdamin. Naipahahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang
damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at
kaganapan.
Himig. Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya,
malungkot, mapanudyo at iba pa.
Uri ng Sanaysay
Pormal. Ito ay tumatalakay sa isang seryosong paksa at nangangailangan ng
masinsinang pag-aaral at malalim na pang-unawa sa akda.
Di-pormal. Tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan at pang-araw-araw.
Binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan at mga
napapansin sa paligid lamang.
Ang SANAYSAY ay sulating gawain na kung saan ito ay kadalasang
naglalaman ng mga pananaw, opinyon o kuro-kuro ng isang awtor o may-akda
tungkol sa isang paksa. Inihahayag ng may-akda ang kanyang damdamin sa mga
mambabasa sa pamamagitan ng pagsusulat at ito rin ay isang uri ng
pakikipagkomunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid ang saloobin sa isang paksa
o isyu. Kung sa Ingles pa, ito ay tinatawag na essay.
Nahahati sa tatlong bahagi o balangkas ang sanaysay. Mayroon itong
panimula at nakapaloob dito ang pangunahing kaisipan patungkol sa paksa. Ang

2
pangalawang bahagi ng sanaysay ay ang katawan at dito makikita ang pagtalakay
sa mahahalagang puntos tungkol sa paksa o tema at nilalaman ng sanaysay. Dito
rin ipinapaliwanag nang mabuti ang mahahalagang bagay sa paksa upang lubos na
maunawaan ng mambabasa ang sanaysay. Ang huling bahagi ay ang wakas. Dito
isinasara ang talakayan na naganap sa katawan ng sanaysay.

 Mga Gawain
Gawain 1: Punan Mo! Punan nang wastong salita ang patlang upang mabuo ang
kaisipan ng araling tinalakay.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang 1._____________ ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Ang salitang
“sanaysay” ay nagmula sa salitang “2._________” at “3.___________.” Kung sa
Ingles pa, ito ay tinatawag na 4.___________.

May dalawang uri ng sanaysay, ito ay ang 5.__________ at 6._________________.


Nahahati sa tatlong bahagi o balangkas ang sanaysay. Ito ay ang 7.____________,
8.___________ at 9.____________. Ang tema ay itinuturing ding 10.____________.

 PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sasagutang papel.

1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak


na paksa.
a. dula B. maikling kuwento C. sanaysay D. tula
2. Elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng
damdamin.
A. damdamin B. himig C. kaisipan D. tema
3. Bahagi ng sanaysay na kung saan inilalahad ang pangunahing kaisipan o
pananaw ng may-akda.
A. gitna B. kasukdulan C. panimula D. wakas
4. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-aaral.
A. di-pormal B. nilalaman C. pormal D. tema
5. Bahagi ng sanaysay na kinapapalooban ng kabuuan ng sanaysay.
A. gitna B. panimula C. tema D. wakas
6. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-
araw-araw at personal.
A.di-promal B. panimula C.pormal D. tema
7. Elemento ng sanaysay na nakaaapekto sa pagkaunawa ng mga mambabasa.
A. anyo at estruktura B. kaisipan C.tema D. wika
8. Bahagi ng sanaysay na kung saan makikita ang pagtalakay sa mahahalagang
puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay.
A. katawan B. panimula C.tema D. wakas
9. Elemento ng sanaysay na itinuturing ding paksa.
A. anyo at kaisipan B. himig C. tema D. wika at estilo
10. Ang katumbas ng sanaysay sa Ingles ay tinatawag na __________.
A. essay B. fable C. speech D. story

3
Aralin
Alegorya ng Yungib
2
 Pangkalahatang Ideya

Saklaw ng Aralin 2 ang pagtatalakay sa akda na pinamagatang Alegorya ng


Yungib ni Plato na isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Ang wikang ginamit ay
kumikilala sa iba’t ibang antas pangkaisipan ng mag-aaral.
 Layunin
Sa pagtatapos ng modyul na ito,ikaw ay inaasahang:
1. naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media. F10PN-Ic-d-64;
2. natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan. F10Pt-Ic-d-63; at
3. nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.
F10WG-Ic-d-59.
 Dating Kaalaman
Napag-alaman mo sa nakaraang leksiyon ang tungkol sa kahulugan ng
sanaysay, bahagi at elemento ng sanaysay. Upang masukat ang iyong natutunan,
punan ang hinihingi sa grapiko tugkol sa uri ng sanaysay at ang katangian nito.

 Paglalahad

Basahin Mo!

Ang Alegorya
ngYungib ni Plato
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

Mababsa at makikita sa: PANITIKANG PANDAIGDIGAN: FILIPINO 10,


PAHINA 32-35 O sa internet

 Pagbuo ng Konsepto
Nasasalamin sa sanaysay na ito ang pagiging malikhain at ang malalim na
pakahulugang mensaheng ikinintal ni Plato sa ating isipan.Si Plato ay isang pilosopo
(Philosopher) na sumulat ng Alegorya ng Yungib na iyong binasa ay gumising sa
atin sa reyalidad ng buhay na tayong mga tao na nandirito sa mundo ay parang
isang tao na nasa loob ng isang yungib o kuweba habang nakagapos at nakaharap
sa dingding.
Nais ni Plato na gumising tayo at palayain ang ating mga sarili sa mga bagay
bagay na gumagapos o kumukulong sa atin na nag-uudyok upang tayo ay
malugmok na lamang sa yungib na ating bilangguan. Nais ni Plato na makita natin
ang katotohanan ng bagay bagay.

4
Sinasalamin sa Alegorya ng Yungib na mas may mararating ang isang tao
kung hindi niya gagawing bilanggo ang kanyang sarili upang makatuklas ng mga
bagay-bagay o kaalaman na makatutulong sa kanya upang mas yumabong pa ang
kanyang kaalaman at upang mas matuklasan pa niya ang kanyang sarili.Sa bawat
kadiliman na nararanasan ng bawat tao, mayroon pa ring liwanag na gagabay sa
landas na tinatahak ng tao.
Sinulat din ni Plato ang Alegorya ng Yungib upang magturo sa bawat isa sa
atin ng mabuting asal sa mga tao at magbigay ng komento tungkol sa kabutihan at
kasamaan at pagpapalaya sa ating sarili sa mga bagay na bumibilanggo sa atin at
tingnan ang kabilang anggulo ng buhay na kung saan makakamit ang tunay na
kahulugan ng buhay.
 Mga Gawain

Gawain 1: Suri Sanaysay! Gamit ang grapikong presentasyon, suriin ang balangkas
ng sanaysay na tinalakay.

Ang Alegorya ng Yungib

Tanong Sagot

Paano sinimulan ni Plato ang


kanyang sanaysay?

Ano-ano ang naging pananaw


ni Plato sa tinalakay niyang
paksa?

Paano nagbigay ng
kongklusyon si Plato sa
kanyang sanaysay?

 PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sasagutang papel.

1. Isang pilosopo na sumulat ng “Alegorya ng Yungib”.


A. Aristotle B. Plato C. Pythagoras D. Socrates

2. Sa akdang “Alegorya ng Yungib”, sa tingin mo ilang tao ang nag-uusap?


A. dalawa B. isa C. lima D. tatlo

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang pagmasid?


A. paghirap B. paghumaling C. pagliyab D. pagmasdan

5
4. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito, “Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na
akala”.
A. Ang pagtitiis ay makatutulong sa ating upang makaligtas at kung
hahayaan nating maaliw tayo sa mga huwad na mga akala maaari natin
itong maipanganib.
B. Ang taong hindi marunong magtiis ay gustong aliwin ang sarili Sapagkat
takot siyang masaktan.
C. Marunong magtiis sa mga bagay-bagay at huwag itong madaliin kaysa
maaliw sa mga huwad na akala.
D. Nagtitiwalang ang lahat ng kasawian ay may pag-asa.
5. Sa pamagat ng sanaysay na “ALegorya ng Yungib”, anong kaisipan ang agad
agad na pumapasok sa iyong isipan.
A. pagkabilanggo C.pagkakaroon ng magandang hinaharap
B.pagkakaroon ng edukasyon D.paglaban sa karapatan
6. Ano ang kasingkahulugan ng salitang mahumaling?
A. magkagusto B. magliyab C. magningas D. magsanay
7. Tukuyin ang angkop na paggamit ng pangungusap gamit ang salitang nagliliyab.
A. Nagliliyab ang angking kagandahan ni Flor.
B.Nagliliyab ang kasiyahan ni Sheena.
C.Nagliliyab sa galit si Aliya nang malaman niyang dinaya siya.
D.Nagliliyab sa tuwa si Anna nang siya ay natumba.
8. Ang sanaysay na “ALegorya ng Yungib” ay isang ________ na uri ng sanaysay.
A. di-pormal B. pormal C. walang tema D. walang wakas
9. Ang nag-uusap na tauhan sa sanaysay ay sina ______________________.
A. Aristotle, Sosrates at Glaucon C. Plato, Aristotle at Glaucon
B. Socrates at Glaucon D. Socrates at Plato
10. Ano ang kasalungat ng salitang mahirap?
A. dukha B. maralita C. mayaman D. pobre

Aralin Ekspresyon sa Pagpapahayag sa


3 Konsepto ng Pananaw
 Panimulang Ideya
Ang Aralin 3 ay tungkol sa ekspresyon sa pagpapahayag na tutulong upang
mahasa ang mga mag-aaral sa pagpapahayag ng mga konsepto ng pananaw.
Saklaw ng araling ito ang pagbibigay ng reaksiyon sa mga isyung pandaigdig
 Layunin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
1. nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda.
F10PB-Ic-d-62;
2. natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig. F10PD-Ic-d-63; at
3. naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang
nakapaloob sa binasang akda sa pamamagitan ng brain storming. F10PS-Ic-
d-66.

6
 Dating Kaalaman

Maaaring ikaw ay may alam na tungkol sa panibagong aralin ngunit huwag


gaanong magkumpiyansa at kailangan pa ring magbasa at mag-aral ng iba’t ibang
ekpresyon sa pagpapahayag sa konsepto ng pananaw.
Sa araling ito ay marami kang matututunang ekpresyon sa pagpapahayag.
Kaya’t ihanda ang iyong isipan sa araling ito.
 Paglalahad
Basahin Mo!
Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag sa Konsepto ng Pananaw
Mabasa at makikita sa: PANITIKANG PANDAIGDIGAN: FILIPINO 10, PAHINA 39-40
O sa internet

 Pagbuo ng Konsepto
Nasasalamin sa paksang tinalakay na kailangan ding pag-aralan ang
patungkol sa mga ekspresyon sa pagpapahayag sa konsepto ng pananaw sapagkat
maaari rin itong magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay upang maiwasto ang
pagbibitiw ng pangungusap at paglalapat ng naaayon na ekspresyon sa pakikipag-
usap.Marami sa atin ang kadalasang nagkakamali sa paggamit ng wastong
ekpresyon sa pagpapahayag ng konsepto kaya’t nararapat lamang na napag-aralan
o mapag-aralan ang ganitong aralin.
Nahahati sa dalawa ang ekpresyon ng pagpapayahag. Ang una ay ang
ekpresyong nagpapahayag ng pananaw, dito nakapaloob ang ekpresyong iniisip,
sinasabi o yaong pinaniniwalaan ng tao at tumitiyak ito sa taong pinagmulan o kung
sino ang pinagmulan ng pananaw. Halimbawa: Ayon sa Department of Health
(DOH), napakabilis ng paglaganap ng virus na kung saan ito ay nakakahawa at
nakamamatay. Kalakip din dito ang paggamit ng ayon, batay, para, sang-ayon, sa
paniniwala at marami pang iba na kung saan ito ay nagpapahayag ng
pinaniniwalaan o iniisip ng tao. Ang ikalawa naman ay ang tinatawag na ekpresyong
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw. Dito naman
nakapaloob ang pagpapahiwatig ng pangkalahatang pananaw ng isang tao.
Halimbawa: Samantala, mamamayan ang problema kung bakit mas dumarami ang
kaso ng Covid-19 sa bansa dahil sa pagiging pasaway nila. Kalakip naman dito ang
paggamit ng sa isang banda, sa kabiang dako, samantala at iba pa.
Sa paggamit at pagpapahayag ng mga ekspresiyon mangyaring siguraduhin
lamang ang wastong paggamit nito at pakinggan din kung naaayon ba ito sa
paglalahad o pagbitiw ng pangungusap.
Mga Gawain
Gawain 1: Isip-isip! Punan ng angkop na ekspresyon ang bawat pahayag upang
mabuo ang Konsepto ng Pananaw sa bawat bilang. Pumili ng sagot sa loob ng
kahon.

7
Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng
Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko

1. _____Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga


tinapay na tatlong araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating
katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
2. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao
sa sunod-sunod niyang laban ay nangangahulugang
maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa
pagboboksing.
3. _____Ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga
proyekto ng pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon
ng ilang politiko.
4. _____Department of Social Welfare and Development,
mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na
internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang
isang bata.
5. _____mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang
pinakabatang miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng
climate change sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa
tamang pangangalaga ng mundo.
 PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa
sagutang papel.
1. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Ano ang
tamang ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa aking palagay B. Sa ganang akin
C. Sa kabilang dako D. Sa paniniwala
2. _______ maraming mga magulang, madali lamang ang trabaho ng isang guro.
A. Inaakala B. Sa paniniwala C. Sa aking pananaw D. Sa tingin ng
3. ___________ Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino.
A. Alinsunod sa B. Ayon sa C. Batay sa D. Sang-ayon sa
4. ___________ ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay
isang kayamanan na kahit sino man ay hindi mananakaw nino man.
A. Ayon sa B. Batay sa C. Sang-ayon sa D. Sa paniniwala ko
5. _____________, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang
pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa krimeng
nagaganap.
A. Akala B. Palagay ko C. Sa ganang akin D. Sa tingin
6. ___________, mahalagang ipaglaban at ipabatid sa mamamayan “ang
kahalagahan ng pamilya.”
A. Batay sa B.. Palagay ko C. Sa ganang kaniya D. Sa tingin
7. ____________, masasabing mahalaga ang ganitong hakbangin para sa isang
maunlad na bansa.
A. Sa aking akala B. Sa isang banda C. Sa palagay ko D. Sa tingin ko
8. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod
niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang
kaniyang karera sa pagboboksing.

8
A. Ayon sa B. Batay sa C. Sa tingin ng D. Sa palagay ng
9. _____Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga
bata ang paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa
developmental stage pa lamang ang isang bata.
A. Ayon sa B. Batay sa C. Sa ganang akin D. Sa isang banda
10. ____________ isang kritiko, ang isyung-pangkalikasan ay hindi binibigyan nang
seryosong tuon ng pamahalaan.
A. Akala B. Ayon sa C. Sa aking akala D. Sa tingin

Aralin
Ang Ningning at ang Liwanag
4
 Pangkalahatang Ideya
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito ay
mas lalo mo pang mabigyan ng mas malalim na kahulugan at maintindihan ang nais
ipabatid ng isang sanaysay.
Sa mga araling mababasa at masusuri mo, makikita ang nais maipabatid ng
akda sa mga mambabasa. Maiuugnay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa
pansariling karanasan at sa karanasan ng iba na nabatid at nasaksihan.
Mapapatunayan mo rin sa pamamagitan ng akda na ang liwanag ay mas mainam na
hanapin natin sa ating sarili kaysa sa ningning na bumubulag sa ating sa maling
landas.
Sinasaklaw ng modyul na ito na kahit na anong uri ng sitwasyon na
kinakaharap natin ay madali natin itong malampasan. Ang mga
salitang/lenguwaheng ginamit ay madali mo lang maintindihan. Ang mga leksyon ay
inayos alinsunod sa tamang pagkakasunod-sunod ng kurso. Subalit ang
pagkakasunod-sunod nito ayon sa iyo nang nabasa ay maaaring di magkapareho
dahil sa batayang aklat na gamit natin ngayon.
 Layunin
Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:
1. naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung
pandaigdig. F10PU-Ic-d-66; at
2. nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.
F10WG-Ic-d-59.
 Dating Kaalaman
Tinalakay natin sa nakaraang leksyon ang tungkol sa ekspresyon sa
pagpapahayag sa konsepto ng pananaw. Tinalakay din sa nakaraang leksyon ang
tungkol sa Alegorya ng Yunigb na kung saan nagbigay sa atin ng aral na huwag
nating ikulong ang sarili bagkos ay huwag matakot at dapat palayain ang sarili sa
mga bagay na bumibilanggo sa atin na makatuklas ng mga bagong bagay na
maaaring mayroon tayong matutunan at maaaring mapayabong pa ang kaalaman.
Dapat ay palayain ang sarili sa mga bagay na pilit bumibilanggo sa sarili na
ikinahahantong ng tao sa pagkasawi o di kaya ay pagkawala ng tiwala sa sarili.
Kung gusto mong yumabong ang iyong kaalaman at mas maging mabuting
tao, huwag hayaang ikulong at ikalugmok ang mga bagay na pilit sumisira sa sarili

9
sa halip ay gamitin ito na lakas upang maharap at mapagtagumpayan ang mga
bagay na ikasisira ng sarili.
 Paglalahad
Basahin Mo!
 Pagbuo ng Konsepto
Ang Ningning at Ang Liwanag
(Mula sa Liwanag at Dilim)ni Emilio Jacinto
Mababsa at makikita sa: PANITIKANG PANDAIGDIGAN: FILIPINO 10, PAHINA 38
O Msa internet
Ang mensahe ng ningning at liwanag ay hindi nahihiwalay sa mga pangyayari
na nararanasan ng tao sa kasalukuyan maging noong unang panahon, sapagkat
hindi naman maipagkakaila na may pagkakataong nasisilaw ang tao sa ningning na
hatid ng kasamaan na humahantong sa kanyang pagkasira.
Mainam pa rin na sa kabila ng ningning na pilit bumubulag sa tao ay dapat
hanapin niya ang liwanag na gagabay sa kanya upang hindi malihis sa daang tuwid
at hindi magdadala sa kanya ng kasawian pagdating ng araw.
Hindi sa lahat ng oras ang ningning ang magdadala sa atin sa taas o aangat
sa atin sa taas bagkos minsan ito rin ang nagdadala o humihila sa tao pababa na
kung saan ito pa ang nagiging dahilan ng kanyang kasawian. Kaya huwag
magpasilaw sa ningning na pilit na bumabalot sa sarili na animo ay may magandang
maidudulot sa iyo bagkos ay mas mainam pa rin na hanapin ang liwanag na siyang
gagabay at magdadala at aangat sa iyo balang araw.
Sa kabila ng hirap at pasakit na hatid ng buhay sa tao, huwag mawalan ng
pag-asa sapagkat ang mga hirap na ito at pasakit ay pagsubok lamang upang sa
kabila ng mga pinagdadaanan sa buhay ay matututunan ng tao na hanapin ang
liwanag na gagabay sa kanya at magdadala sa kanya sa tamang landas ng buhay.
Kaya huwag mawalan ng pag-asa sa buhay, sapagkat sa kabila ng lahat ng mga
masasamang nararanasan ng tao ay mayroon pa ring liwanag na gagabay. Tandaan
na sa bawat problemang kinakaharap ng tao ay mayroong solusyon na naghihintay.
 Mga Gawain
Gawain 1: Magkakaroon ng paligsahan ang inyong dibisyon para sa pagbuo ng
photo essay tungkol sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ng alinman sa mga bansa sa
Mediterranean. Nagkataon naman na isa ka sa mga mag-aaral na nakarating sa isa
sa mga bansa nito dahil sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon na exchange
student. Panuto: Bumuo ka ng photo essay tungkol sa isang isyu sa bansang
pinuntahan mo.
Rubrik sa Pagmamarka ng Photo Essay
Pamanatayan 5 4 3 2 1
A. Tumatalakay sa isang kalagayang panlipunan
B. Kumikilala sa kultura ng bansa
C. Naglalahad ng pananaw o kaisipan
D. Sumusunod sa balangkas ng isang sanaysay

INTERPRETASYON
5 Napakahusay 4 Mahusay 3 Katamtamang husay
2 Kailangan pa ng pagsasanay 1 Kailangang baguhin

10
 PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.
1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak
na paksa?
A. dula B. maikling kuwento C. sanaysay D. tula
2. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Ano ang
tamang ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa aking palagay B. Sa ganang akin
C. Sa kabilang dako D. Sa paniniwala
3. Ang sanaysay na “Ang Ningning at Liwanag” ay isang ___________ na uri ng
sanaysay
A.di-pormal B. pormal C. walang tema D. walang wakas
4. Elemento ng sanaysay na itinuturing ding paksa.
A. anyo at kaisipan B. himig C. tema D. wika at estilo
5. Ang sanaysay sa Ingles ay tinatawag na __________.
A. essay B. fable C. Speech D. story
6. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito, “Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad
na akala”.
A. Ang pagtitiis ay makatutulong sa ating upang makaligtas at kung
hahayaan nating maaliw tayo sa mga huwad na mga akala maaari
natin itong maipanganib.
B. Ang taong hindi marunong magtiis ay gustong aliwin ang sarili
sapagkat takot siyang masaktan.
C. Marunong magtiis sa mga bagay-bagay at huwag itong madaliin kaysa
maaliw sa mga huwad na akala.
D. Nagtitiwalang ang lahat ng kasawian ay may pag-asa.
7. ______________, ang pangunahing suliranin ng mundo ay ang pandemiya
na Covid 19 na lumalaganap sa buong mundo.
A. Batay sa B. Sa ganang akin C. Sa hinaharap D. Sa kasalukuyan
8. Sa akdang “Ang Ningning at Liwanag”, ano ang nakasisira at nakakasilaw sa
mata ng tao?
A. ang hangin B. ang liwanag C. ang ningning D. ang ulap
9. Ano ang kasingkahulugan ng salitang pagmasid?
A. paghgirap B. paghumaling C. pagliyab D. pagmasdan
10. _________, kailangang maging handa at alerto ang mamamayan sa kanilang
paligid upang hindi sila madamay sa anumang kaguluhan.
A. Ayon sa kaniya B. Batay sa C. Sa ganang akin D. Sa hinaharap

Susi sa Pagwawasto

11

You might also like