You are on page 1of 33

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul


7: SANAYSAY
(Uri, Elemento at Bahagi)
Tagapag-ulat: Bb. Laurice Q. Hermanes
Pambungad
na Panalangin
Kasanayang Pampagkatuto:
Magpapamalas ng pagpapahalaga sa sanaysay bilang isang
akdang pampanitikan.
Mga Inaasahang layunin:
A. Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng mga
pantulong at pangunahing kaisipan.
B. Nahihinuha ang motibo o pakay ng nagsasalita sa
teksto.
C. Nakapagbibigay ng sariling saloobin hinggil sa binasang
teksto.
Balik-aral
Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga kasagutan sa tanong
sa Hanay A. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Hanay A. Hanay B.
____1.Nagpapaliwanag ng mga A. Alamat
pangyayari sa kalikasan na noong B. Gitna
unang panahon ay hindi pa nauunawaan C. Kwentong- bayan
ng tao. D. Mito
____2.Nagpapaliwanag ng pinagmulan E. Simula
ng mga lugar, hayop, at bagay-bagay
sa paligid.
____3. Nasasalamin dito ang likas at
malawak na imahinasyon ng isang
manunulat.
____4. Ito ang bahagi kung saan
napupukaw ang interes ng mambabasa
na ipagpatuloy ang kanyang pagbabasa.
____5. Dapat isaalang-alang dito ang
pagbuo ng pahayag at kaisipan na nag-
aambag sa ikagaganda ng akda.
Trivia
Ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog bilang sangay ng
panitikan ay nagsimula sa mga isinulat nina Jose Rizal sa
kanyang “The Indolence of the Filipino People at The
Philipines”, ang “A Century Hence” ni Marcelo H. del
Pilar, ang naging patnugot at tagapaglathala ng La
Solidaridad at itinuturing na nangunasap angkat ng mga
mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano
Lopez Jaena, Jose Burgos, at Apolinario Mabini.
Pangganyak
Panuto: Sikaping alamin ang mga 1 2 3 4 5 6 7 8
numero na may katumbas sa
alpabetong Filipino na kung saan ang
9 10 11 12 13 14 15 16
A ay 1 hanggang Z na ito ay 28.

Halimbawa: 17 18 19 20 21 22 23
1) 21, 1, 14, 1, 27, 21, 1, 27:
SANAYSAY 24 25 26 27 28
2) 18, 17, 20, 13, 1, 12 -
PORMAL

3) 21, 9, 13, 23, 12, 1- 1 2 3 4 5 6 7 8


SIMULA
9 10 11 12 13 14 15 16
4) 11, 1, 22, 1, 25, 1, 14-
KATAWAN 17 18 19 20 21 22 23

5) 25, 1, 11, 1, 21 - 24 25 26 27 28
WAKAS
Paglinang ng talasalitaan
Sino ako: sipiing mabuti ang pahayag at alamin kung
ano ang tinutukoy nito. Piliin ang tamang sagot sa
kahon.

Halimbawa: Ako ay isa sa bahagi nang sanaysay.


Ako ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung
ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasa.
Sagot: Simula
Simula Michael de Montaigne Wakas

Alejandro G. Abadilla Genoveva E. Matute


Halimbawa:
4.Ako ay isang premyadong manunulat at
1) Ako ay isa sa bahagi nang sanaysay. Ako ang
mananaysay.
pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung
Sagot: Genoveva E. Matute
ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang
binabasa.
5.Ako ang bahaging nagsasara sa talakayang
Sagot: Simula
nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay.
Sagot: Wakas
2) Ako ang lumikha ng sanaysay.
Sagot: Michael de Montaigne

3.Ako ay kilalang makata at mananaysay.


Sagot: Alejandro G. Abadilla
ANG KAHULUGAN NG SANAYSAY
 Ang Sanaysay ay nagmula sa salitang Latin na exaguim, na
nangangahulugang pagtitimbang-timbang. Ito rin ang tawag sa paglalahad
ng sariling kaisipan, opinyon, o kuro-kuro ng sumusulat ng isang bagay o
paksa.

 Ang sanaysay ay tulad ng maikling kwento, nobela, talambuhay,
anekdota,pabula, parabola at dula ay nasa anyong tuluyan na
tumatalakay sa isangpaksa. Ang kaibahan lang ng sanaysay sa genre na
nabanggit ay nailalahadnito ng lantad ang pananaw at kuro-kuro ng
sumulat o may-akda.
Sa Diksyunaryo
Isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging
paksa na higit na maikli at pormal kaysa alinmang akda.
Michael de Montaigne
 Lumikha ng sanaysay
 Pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan
ang mga kaisipan ay maaaring makipagtalastasan sa
kanino mang mga kaibigan o kakilala.
 Kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa ay para sa
sanaysay.

Alejandro G. Abadilla
 Kilalang makata at mananaysay
 Ang sanaysay ay kuha sa kahulugan ng pasasalaysay na
isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.
 Idinugtong pa niya na walang iniwan sa tulang liriko sa
larangan ng panunugma o pagtula at madalas ay sentido
komon at nasa awtor.
Genoveva E. Matute
 Premyadong manunulat at mananaysay.
 Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay pagtataya sa isang paksa
sa paraang tuluyan at sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan
kuru-kuro, palgay at ng kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw,
magbibigay kaalaman o magturo. Idinugtong pa niya na ang sanaysay ay
isa na sa mga anyong higot na nagpapaisip, nagpapalawak ay
nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay sa isipa’t
damdaminng-bayan.
Dalawang Uri ng Sanaysay
1. Sanaysay na Pormal
 Gumagamit ng mga salitang pormal at pili ang paksa. Maingat ang
pagtalakay nito at ginagamitan ng pagsusuri. Angkin din ng sanaysay na
pormal ang malinaw na balangkas at anyo at naayon sa mga kaisipang
obhetibo
Ang pormal na sanaysay ay:
1. pumupuna o pumupuri
2. naglalahad ng mga namasid sa mga bagay, tao, at mga pangyayari
3. nagpapagaan sa mga paksang pang-agham
4. nagpapahiwatig ng mga paglilinaw ng mga puntos at parangal.
Tatlong Anyo ng Pananaliksik Para sa
Sanaysay na Pormal

A. Scholarship Research
- anyong naglalayong mangalap ng
datos.
B. Kritisismo
-karaniwang matatagpuan
sa anlohiya’t dyornal
C. Pagsasateorya
- nangangailangan ng
pananaliksik.
2. Sanaysay na Di- Pormal
 Maaaring pumaksa sa anumang bagay. Ito ay may himig na pakikipag-usap
sa mambabasa. Maaaring nanunudyo, nagpapasaring, o nagbibigay ng mga
talinghaga na hahamon sa isip ng mga mambabasa. Ang paksa’y personal, magaan
at karaniwang masasaya.
 Nagmimithing mangganyak, magpatawa o kay ay manudyo o magsilbing
salamin sa lahat ng mga saloobin at kondisyong pansikolohikal ng mga
mambabasa.
 Tinitingnan ng di-pormal ang mga bagay-bagay sa paraang suhetibo mula
sa personal na antas, malapait sa karanasan ng may-akda at lubog na lubog sa
kamalayan ng tao.
Ang mga sanaysay na di-pormal ay maaaring:
sanaysay na personal
dyornal
larawan-sanaysay (photo-essay)
talumpati
payo sa anyo ng liham

kwentuhan (prose poem)


artikulong pamperyodiko
Mga Tiyak na Uri ng Sanaysay

1. Pasalaysay 7. Nagpapaalala
2. Naglalarawan 8. Editoryal
3. Mapag-isip, di-praktikal 9. Makasiyentipiko
4. Mapagdili-dili 10. Sosyo-historikal
5. Kritikal o mapanuri 11. Sanaysay na pankalikasan
6. Didakto o nangangaral 12. Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan
Mga Bahagi ng Sanaysay
1.Simula/Panimula
 Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung
ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay
dapat mapukaw na ng may-akda ang damdamin ng mga mambabasa.

2.Gitna/Katawan
 Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang
isinulat ng may-akda. Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti
dito ang paksang tinatalakay o pinag-uusapan.

3. Wakas
 Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng
sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay sa paksang pinag-usapan
Halimbawa ng Sanaysay:
Online learning sa New Normal ng Edukasyon

Grabe ang epekto ng COVID-19 pandemic sa larangan ng edukasyon sa


buong mundo at ang anyo ng bagong normal sa edukasyon ay malayong malayo sa
dating normal. Sa ayaw man o sa gusto ng mga titser, magulang, estudyante at mga
opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon, CHED at Tesda, mas dadalas at magiging
pangunahing pamamaraan sa paghahatid ng karunungan ang “online learning”
na dati’y madalang gamitin. Hindi na uubra ang dating normal na tanging sa silid
paaralan lang maghaharap ang guro at mga estudyante upang maganap ang
edukasyon. Ang online learning ay gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay at
maghaharap sa dalawa sa pagsasalin ng karunungan at kasanayan, at sa tagisan at
palitan ng kuro-kuro.
Sinabi ni Cathy Li ng World Economic Forum, na mas epektibo ang online
learning kesa sa pag-aaral sa loob ng silid paaralan.
Mas natatandaan ng estudyante ang 25-60% ng kanilang natutuhan online
kumpara sa 8-10% lang kung sa silid-paaralan ito itinuro. 40-60% ang nababawas
na oras para matutuhan ng bata ang isang aralin sa online learning. Ito raw ay dahil
kayang balik-balikan ng bata ang aralin, puedeng lumaktaw at umabante sa ibang
konsepto batay sa sariling kakayanan ng bata. Hindi nababagot ang bata sa bagal
ng pagtuturo ng titser sa silid paaralan.
May distance o remote learning kung saan mananatili sa bahay ang mga
estudyante upang aralin ang mga learning modules na ipapadala sa kanila ng titser
gamit ang teknolohiya tulad ng email, viber, telegram, at FB PM. Maaari din bahay
bahayin ng titser ang paghahatid ng mga modules na ito. Maaari din gumamit ng
TV at Radio learning broadcast upang maihatid ang aralin sa mga bata. Sa Inglatera,
mga sikat na atleta at artista ang kanilang isinama dito para mahikayat ang
estudyante na manood at makinig sa mga learning broadcasts. Pagkaraan nito,
maaaring mag video conference o virtual meeting o di kaya bibisita ang titser sa bahay
ng estudyante para magkaroon ng “one on one” sa estudyante.
May “blended learning” o pinaghalong online at distance learning. Mayroon din
“flipped classroom”, isang uri ng blended learning kung saan manonood ang mga
estudyante sa online lecture, magbabasa ng mga itinakdang aralin, may video chat
ang mga magkaklase upang talakayin ang aralin o magtulong-tulong sa
pagsasaliksik sa internet ng mga materyales na kailangan upang lalong luminaw,
lumawak at lumalim ang kanilang pagkaunawa sa mga konsepto na tinatalakay
Kailangan maglaan ng pondo ang pamahalaan, nasyonal at lokal, sa pagbili
ng mga desktop, laptop, at mobile devices para sa estudyante at mga guro. Dagdag
pa rito ang paglalaan ng pondo para sa training ng titser sa pagsasalin ng kanilang
ituturo sa digital format at kung paano gumamit ng mga devices para mag upload ng
mga aralin na ginawa nila. Ang lesson na pang isang oras sa silid paaralan ay
kailangan kinisin upang magkasya sa loob ng 15- 30 minuto lamang sapagkat ito
ang pinaka epektibong online session, ayon sa University of Peking.
Ayon kay Antonio Contreras (Manila Times, Mayo 7,2020), noong 2017, 80%
ng mga Pilipino na ang edad ay 18-24 ay nakakapag-online. Sinabi ni Contreras na
malaking hamon paano mabubuksan ang isipan ng age group na ito na ang internet
ay tagapaghatid din ng edukasyon at hindi lamang ito kasangkapan ng libangan,
aliwan at pakikipag ugnayan sa mga FB friends at mga followers nila. Minungkahi
niya na pagsamahin ang edukasyon at libangan sa pagdisenyo ng mga programa sa
online at offline learning sapagkat “learning should be fun”.
Sabi ni Alfred Mercier, dapat maging masayang karanasan ang pag-aaral
upang hindi makalimutan ng mag-aaral ang kanyang natutuhan. Kung susundin ng
DepEd, CHED at Tesda ang mungkahi ni Contreras, hindi mababagot ang mga
batang mag-online para mag-aral. Ang bagong normal sa edukasyon ay dapat
maging isang masayang karanasan ng bata at titser.
Paglalahat
Ibahagi sa klase ang emoticon na angkop sa iyong damdamin sa
katatapos na aralin at ipaliwanag kung bakit iyon ang ang iyong
damdamin sa natutuhan na aralin.
Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral , bakit mahalagang pag-aralan at
malaman ang tungkol sa sanaysay?
Maikling pagsubok
Panuto: Alamin kung ano ang tinutukoy ng pahayag. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang wastong sagot sa
sagutang papel
Sanaysay
1. Ito ang salitang Latin na pinagmulan ng sanaysay.
Sagot: Exaguim Exaguim
2.Pinakagamitin sa halos lahatng larangan ng mgamamamayan-
pampulitika,panlipunan, pang-edukasyon,atb. Michael de Montaigne
Sagot:Sanaysay
3.Ang nagsabi na ang sanaysay ay isa na sa mga anyong higot na Genoveva E. Matute
nagpapaisip, nagpapalawak ay nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo
at nagpapatibay sa ispa’t damdamin ng-bayan. Sanaysay na Pormal
Sagot: Genoveva E. Matute
4.Gumagamit ng mga salitang pormal at pili ang paksa.
Sagot: Sanaysay na Pormal
5.Ang nagsabi ng kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa ay
para sa sanaysay.
Sagot: Michael de Montaigne
Takdang-aralin
Sumulat ng sariling sanaysay na may kaugnayan sa pag-ibig.
Ang sanaysay na gagawin ay dapat sumunod sa mga pamantayan:
May 3 talata (simula, gitna at wakas)
May 5 Pangungusap bawat talata.
Organisado at may malikhaing ideya o kaisipan.
Maraming Salamat.

You might also like