You are on page 1of 2

PAGSULAT REPLEKTIBONG SANAYSAY

SINING NG PAGLALAHAD
- Ayon sa UP Diksyonaryong Pilipino, ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang
bagay, pook , o ideya.
- Ayon naman kay Jose Arogante, Sa Ingles, ang paglalahad ay tinatawag na expository writing . madalas Makita ang
anyong ito sa pagtalakay sa karaniwan nating binabasa sa araw-araw gaya ng mga
 Aklat
 Editorial
 Artikulo sa mga magasin
- Ito ay isang pagpapaliwanag na obhetibo, walang pagkampi, at may sapat na detalyeng pawing pampalawak ng kaalaman
sa paksang binibigyang-linaw nang lubos na maunawaan ng may interes.
- Ilan sa malimit na paggamitan nito ay ang pagbibigay-kahulugan, pagsunod sa panuto, pangulong-tudling, suring basa,
ulat, balita, at sanaysay.

Upang maging mabisa o epektibo ang paglalahad ito ay dapat magtaglay ng sumusunod na mga sangkap o element:
1. Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay
2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan
3. Malinaw at maayos na pagpapahayag
4. Paggamit ng larawan, balangkas, at iba pang pantulong upang madali ang pag-unawa sa ipinaliliwanag
5. Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw ng tao.

SANAYSAY
- Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkilikin”.
- Ito ay yumabong sa sulatin ni Michael de Montaigne (1533-92)
- Bago pa man isilang si Kristo, ay nagsimula na rin ito sa Asya sa pangunguna ni Confucius na sumulat ng Analects, at ni
Lao-Tzy na sumulat naman ng Tao Te Ching. Noon naming ika-4 na dantaon, nakilala si Yushida Kenko ng Hapon na may
katha ng “Tsurezuregusa” o “Mga Sanaysay sa Katamaran.”
- Ayon kay Francis Bacon, ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay.
- Ayon naman kay Paquito Badayos, naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng kaisipan.
Naglalahad din ito ng personal at pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa.
- Ayo kay Alejandro Abadilla, ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay. Ito ay isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad.
- Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling pananaw. Ang pagiging
malinaw, mabisa, at kawili-wiling paglalahad ay makakamtan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin ng. kaisahan,
kaugnayan at diin. Kailangan din ditto ang pagpili ng angkop na pananalita, sariling estilo o pamamaraan ng may-akda.

Dalawang Uri ng Sanaysay


1. PORMAL
- Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-
timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
- Tinatawag din itong Impersonal o siyentipiko sapagkat ito’y binabasa upang makakuha ng impormasyon.
- Tumatalakay sa mga seryusong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pag-unawa sa
paksa. Inaakay ng manunulat ang mga mambabasa sa pag-iisp upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos
pagkatapos.
2. IMPORMAL
- Tinatawag din itong pamilyar o personal at nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may-
akda. Karaniwan itong may himig na parang nakiki-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa buhay. Ito’y
naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay-bulay
at naglalahad ng kanyang kuro-kuro o pala-palagay.

12 Natatanging Uri ng Sanaysay


1. Nagsasalaysay
2. Naglalarawan
3. Mapag-isip o di praktikal
4. Kritikal o mapanuri
5. Didaktiko o nangangaral
6. Nagpapaalala
7. Editorial
8. Makasiyentipiko
9. Sosyopolitikal
10. Sanaysay na pangkalikasan
11. Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan
12. Mapagdili-dili o replektibo

REPLEKTIBONG SANAYSAY
- Ayon kay Michael Stratford, ang replektibong sanaysay ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman
sa introspeksiyon na sanaysay. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman,
pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
- Ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
- Ayon naman kay Kori Morgan, ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang
karanasan o pangyayari. Ibinabagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa mga
karanasang natutuhan o nakuha.

MGA HALIMBAWA NG MGA PAKSANG MAAARING GAWAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY;


1. Librong kakatapos lamang basahin
2. Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
3. Pagsali sa pansibikong Gawain
4. Praktikum tungkol sa isang kurso
5. Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
6. Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamut
7. Isyu sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West Phillipine Sea
8. Paglutas sa isang mabigat na suliranin
9. Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral at marami pang iba

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay
2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip.
3. Tandaan na bagamat nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong
mga naobserbahan o katotohanang nabasa sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat.
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag
ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng talata.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


1. Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa sumusunod na tanong:
 Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa?
 Paano ito makaaapekto sa aking buhay?
 Bakit hindi ito makakaapekto sa aking pagkatao?

- Tandaang ito ay dapat na makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa.


- Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng
kabuoan ng sanaysay. Isulat ito sa loob lamang ng isang talata.
2. Sa pagsulat naman ng katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na
inilahad sa panimula.
- Maglagay sa bahaging ito ng mga obhetibong datos batay sa iyong naoobserbahan o naranasan upang higit na
mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag.
- Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong napagnilay-nilayan o mga natutuhan. Gayundin, kung paano
umunlad ang iyong pagkatao mula sa mga karanasan o mga gintong aral na napulot.
3. Sa pagsulat naman ng wakas/ kongklusyon, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.
- Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong natutuhan sa buhay sa
hinaharap.
- Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay magnilay sa kanilang buhay
hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.

You might also like