You are on page 1of 6

 Ang Replektibong sanaysay , ayon kay Michael Stratford,

isang guro at manunulat ay isa sa mga tiyak na uri ng


sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na
pagsasanay.
 Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na
naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa
isang paksa at kung paano ito nakakalikha ng epekto sa
taong sumusulat nito.
 Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal kung saan
nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at
nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o
pangyayari.
 Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia
University at University of Akron, ang replektibong
sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang
tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.

 Madalas ibinabahagi rin ng sumulat ang kanyang mga


natutuhan at kung paano ito gagamitin sa buhay sa
hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang mga
kahinaan inggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Replektibong Sanaysay
1.) Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman
ng sanaysay.
2.)Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap nang
gamitin ang mga panghalip na ako,ko, at akin sapagkat ito ay
kadalasang nakasalig sa personal na karansan.
3.) Tandaaan na bagamat nakabatay sa personal na karansan,
mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga
naobserbahan o katotohnang nabasa hinggil sa paksa upang higit na
maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
4.) Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay
kabilang sa akademikong sulatin.
5.) Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw
at medaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o
kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa.

6.) Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng


sanaysay, introduksiyon, katawan at konglukusyon.

7.) Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.

You might also like