You are on page 1of 3

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

FILIPINO 12
Seksyon: St. Monica Petsa: November 26, 2021

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;

a. Nakikilala ang replektibong sanaysay bilang akademikong sulatin ayon sa


katuturan, layon, at gamit;
b. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan at kaalaman sa pagsasakatuparan ng
mahusay na pagninilay; at
c. Nakasusulat ng isang mahusay at malinaw na replektibong sanaysay
d. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin

A. Paksa : Replektibong Sanaysay


II. PAKSANG B. Kagamitan: Powerpoint presentation
ARALIN C. Sanggunian : Quipper at Pinagyamang Pluma (Filipino sa Piling Larangan)
Panimulang Gawain:
III. PAMAMARAAN: Panalangin
Pagtala ng lumiban sa klase
A. Pagganyak Pagbabalik-aral

Bakit mahalaga ang magnilay sa paggawa ng isang repleksiyon?

 Replektibong Sanaysay
B. Paglalahad ng Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Replektibong Sanaysay
aralin Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Ang replektibong sanaysay ay isang uri ng sulatin na naglalahad ng ideya,
C. Pagtatalakay konsepto, atkatotohanan sa pamamagitan ng repleksiyon o pagninilay mula
sa mga naranasan onararanasang pagkakataon. Ito ay oportunidad upang
mapalawak ang kaisipan sa mga ginagawa o mula sa mga taong
nakasasalamuha sa pamamagitan ng pagninilay sa iyong karanasan o
magkaroon ang isang indibidwal nang mas malawak pang perspektibo mula
sa ibang tao at teoryang nabuo.

Layunin at Gamit ng Replektibong Sanaysay


Ang pangunahing layunin ng pagsulat ng replektibong sanaysay ay magsiyasat sa
mga karanasan, magnilay-nilay sa mga aspektong positibo at negatibo ng mga ito, at
makabuo ng isang pakay o pasya upang maiwasto o mapaunlad ang bunga ng
kaniyang mga karanasan sa mga susunod na pagkakataon (Villanueva at Bandril;
Constantino, Batnag, at Zafra, 2016)

Narito ang ilang dahilan sa halaga ng pagninilay o pagkakaroon ng repleksiyon


ayon kay Moon (1999):
• maproseso ang ating sariling pagkatuto
• magbalik-tanaw sa ilang bagay—sariling asal, mga nagawa, o produkto ng inasal ng
isang indibiduwal mula sa ibang tao (halimbawa: sanaysay, aklat, pagpinta, at iba
pa)
• makabuo ng teorya mula sa mga naobserbahan
• mapaunlad ang sarili
• magkaroon ng sariling desisyon at maresolba ang sariling suliranin
• mabigyan ang sarili ng kalakasan at kalayaan bilang isang indibidwal

Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nagsasangkot ng plano sa pagsulat ukol


sa mga maaaring isagawa kung sakaling maganap muli ang isang karanasan o mga
maaaring isagawang hakbangin kaugnay sa mga natutuhan ng isang manunulat.
Kung kaya, maisasakatuparan ito batay sa sumusunod (UEfAP, 1999-2020):
• matatalakay nang malinaw ang karanasan, nabasa, napanood, o napakinggan
• maipababatid ang mga nakalap na impormasyon
• mailalahad ang mga pilosopiya at karanasan
• maipararating ang pansariling karanasan at natuklasang resulta sa tiyak na paksa

Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay


Panimula
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensiyon ang
panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda. Ito ang
unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakukuha ng pansin ng
bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay

Katawan
Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng
sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema
at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos
upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.

Wakas
Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng
sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema
at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos
upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.

Mga hakbang sa pagsulat ng replektibong sanaysay


• Mag-isip ng isang pangyayari o sitwasyon na maaaring maging paksa ng
replektibong sanaysay. Kapag nakapili na ng pangyayari o sitwasyon,
tanungin ang sarili ukol sa naramdaman patungkol dito, paano ito
nakaapekto (o hindi naging malaking usapin) sa iyong buhay at bakit?
Makatutulong ito sa pagbuo ng tesis o paksa, na magsisilbing pangunahing
tuon ng iyong sanaysay.
• Magsagawa ng mind mapping . Isulat ang tesis o paksa at bilugan ito. Sa
pagkakataong ito, isa-isahin ang mga pangunahing argumento at naiisip na
magpapatibay rito at makatutulong sa mga mambabasa na masundan ang
pag-unlad ng mga kaisipan at karanasan.
• Sumulat ng matibay at kaakit-akit na panimulang talata. Ang panimula ay
dapat nakaaya-aya upang mabilis na makuha ang interes ng mga
mambabasa.
• Ihayag ang mga argumento, kaisipan o ideya, at mga maibibigay na
halimbawa sa hanay ng mga talata. Magbigay-diin lamang sa iisang tesis o
paksa, o karanasan, gayundin sa mga pagninilay-nilay, sa bawat talatang
isusulat.
• Sa unang pangungusap ng bahaging kongklusyon, lagumin ang lahat ng mga
kaisipan sa panimula at katawan. Isipin ang iyong mga natutuhan at
pakinabang ng mga ibinahaging karanasan sa iba. Tapusin ang sanaysay sa
isang retorikal na tanong na humahamon sa mga mambabasa na mag-isip ng
tugon, kung sakaling mangyari din sa kanila ang naibahaging karanasan o
sitwasyon.
D. Paglalapat

E. Paglalahat ● Ang replektibong sanaysay ay isang uri ng sanaysay na nagbibigay ng


pagkakataon sa manunulat upang magbalik-tanaw, magsuri, at makapagnilay-nilay
sa kaniyang mga karanasan at naging tugon o asal sa mga ito. Sa pamamagitan nito,
natutulungan nito ang manunulat upang maging tapat at bukas sa tuwing susulat
ng anomang uri ng sulatin.
● Nais ng sanaysay na suriin ang sarili upang matiyak na lumalago ang kaalaman,
karanasan, at saloobin na makadaragdag sa kalipunan ng karanasan ng isang
manunulat.
● Ang replektibong sanaysay ay naglalaman din ng mga makatotohanang
impormasyong may layong maglahad, maglarawan, magsalaysay, manghikayat, at
mangatuwiran

Sagutin ang sumusunod, ipaliwanag gamit ang sariling pangungusap.


IV. PAGTATAYA 1. Ano ang pangunahing layunin sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
2. Ano ang pangunahing silbi ng pagsusulat ng replektibong sanaysay sa
pagpapaunlad ng sarili ng manunulat? Ipaliwanag.
3. Ano-ano ang kahalagahan ng pagninilay-nilay o pagbubulay-bulay ng isang
manunulat? Paano ito nagiging mabisang sangkap sa matagumpay na
pagsulat ng replektibong sanaysay? Talakayin.
4. Bakit mahalagang makapagtakda pa rin ng layunin sa pagsusulat ng
replektibong sanaysay?
5. Sa paanong paraan naisasakatuparan ng isang replektibong sanaysay ang
kakayahan nitong makapagturo o di kaya’y makapanghikayat sa mga
mambabasa nito? Talakayin.
V. TAKDANG Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
ARALIN 1. Ano ang kahalagahang pagsasanay sa pagsulat ng replektibong sanaysay
sa mga susunod na pagsasanay sa iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin?
2. Sa iyong palagay, ano ang mga balakid na kinakaharap ng isang
nagsusulat ng replektibong sanaysay? Magbigay ng mga halimbawang
sitwasyon.
3. Sa iyong palagay, paano nagiging kapaki-pakinabang ang pagsusulat ng
replektibong sanaysay sa pagpapaunlad ng kaalaman kaugnay sa iyong
piniling strand? Magbahagi at magtalakay.

Inihanda ni : Jova Bhon C. Bautista


Guro sa Filipino

You might also like