You are on page 1of 5

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

1
Replektibong Sanaysay

Replektibong Sanaysay

Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo:


 Nailalahad ang kahulugan ng sanaysay
 Naipaliliwanag ang kahulugan at kalikasan ng replektibong sanaysay
 Naipapakita ang kaibahan ng replektibong sanaysay sa tradisyonal na
sanaysay.
 Nakasusulat ng replektibong sanaysay upang mapaunlad ang
pagpapahalagang pampagkatao.
 Nagbibigay ng saloobin sa pamamagitan ng pagsulat ng replektibong
sanaysay gamit ang media para sa epektibong pakikipag-ugnayan sa
mga nakakasalamuha sa social media

Simulain para sa iyo:


Sa ating buhay ay laging may lungkot, saya, pagkakataong nagbibigay ng
lakas ng loob at iba pa. Kaya naman iyong alalahanin at isalaysay ang mga
pangyayaring negatibo o positibo na iyong naranasan na hindi mo kalian man
malilimutan gayundin ang iyong mga natutuhan.

MGA KARANASAN DAHILAN KUNG BAKIT ARAL NA NATUTUHAN NA


HINDI MALILIMUTAN HANGGANG NGAYON AY
NAGAGAMIT SA ARAW-
ARAW

  

  

Course Module
Talakayin at unawain:
Ang sanaysay paglalahad ng mga saloobin, pananaw, kuru-kuro, opinyon o
anumang nais palitawin na ideya. Kaya naman madalas ang nilalaman nito ay
subhetibo. Likas naman talaga sa sanaysay ang tipikal, patalata, maikli, at
maideyang pagtalakay ng mga paksa. Sa kabilang banda, ang iba’t ibang
kayarian at anyo ng isang sanaysay ay sadyang nakakalito para sa
nagsisimulang magsulat ng sanaysay. Kaya naman dapat na alamin muna ang
paksa, tema, pinagkukunan ng mga ideya at itinatampok sa ganitong sulatin.
Gaya na lamang ng lakbay-sanaysay na sa konseptong paglalakbay at
pagkuha ng mga ideya mula sa pinuntahang lugar. Ang larawang-sanaysay na
nakabatay sa larawang ginamit gayundin ang replektibong sanaysay.

Kahulugan at Kalikasan ng Replektibong Sanaysay


“Hindi sapat ang magkaroon lamang ng karanasan upang matuto. Kung
walang repleksyon o pagninilay mula sa naranasan ay madali lamang itong
malilimutan, o ang potensiyal na pagkatuto ay mawawala. Ito ay mula sa
nararamdaman at kaisipan at nag-uugnay mula sa ginawang paglalahat o
konseptong nabubuo. At mula sa konsepto o paglalahat na nabuo ay
nagagamit ito nang epektibo.” (Gibbs, 1998)
Dapat lamang na bigyang layunin at hanapin pa ang mas malalim na dahilan
kung bakit kailangang matutuhan ang mga bagay-bagay upang sa paggamit
ng mga natuklasan ay mas maging epektibo ang paggamit ng mga natutuhan.
Kaya naman upang maitatak sa ating isipan at maibahagi ang konseptong
natuklasan ay mainam itong isinusulat. Sa sanaysay ay may tinatawag na
replektibong sanaysay.

Ang replektibong sanaysay ay pagsulat ng mga ginagad na mga ideya,


konsepto at katotohanan sa pamamagitan ng pag-iisip nang malalim,
repleksyon o pagninilay mula sa mga naranasan o nararanasang
pagkakataon. Ito ay oportunidad upang mapalawak ang kaisipan sa mga
ginagawa o mula sa mga taong nakakasalamuha sa pamamagitan ng
pagninilay sa iyong karanasan o magkaroon ang isang indibidwal nang mas
malawak pang perspektibo mula sa ibang tao at teoryang nabuo.
Maaari ring ang replektibong sanaysay ay pagsusulat ng mga ideya na may
kaugnayan pa sa isa pang ideya. At sa bawat pagtuklas ng mga ganitong
prinsipiyo at kaugnayan ng mga bagay-bagay ay siyang pagkatuto pa lalo ng
isang tao.
Nasa obhektibong layunin ng pagsulat ang ganitong anyo ng sanaysay
sapagkat mula sa mas malalim na naisip ng manunulat ay ibinibigay niya ang
sariling hinuhang mga kaalaman.
Ayon kay Moon (1999) may mga layunin kung bakit kailangang magnilay o
magkaroon ng repleksiyon. Nagninilay o nagkakaroon tayo ng repleksiyon
upang:
 Maproseso ang ating sariling pagkatuto
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
3
Replektibong Sanaysay

 Mabalik tanaw ang ilang bagay—sariling asal, mga nagawa, o


produkto ng inasal ng isang indibidwal mula sa ibang tao (halimbawa
sanaysay, aklat, pagpinta at iba pa)
 Makabuo ng teorya mula sa mga naobserbahan
 Mapaunlad ang sarili
 Magkaroon ng sariling desisyon at maresolba ang sariling suliranin
 Mabigyan ang sarili ng kalakasan at kalayaan bilang isang indibidwal.
Kaya naman malaking bagay ang replektibong sanaysay upang magkaroon
tala ng kaugnayan ang tao sa kanyang ginagawa, layunin at mas malalim na
pampagkatuto.

Bahagi ng Replektibong Sanaysay


Panimula
Tulad ng mga salaysayin ito ay pagpapakilala ng pinakapangunahing ideya.
Inilalahad dito ang salaysayin o paglalarawan ng mga pangyayari bilang
introduksyon ng replektibong sanaysay.
Sa simula pa lamang ay nangangailangan na ito ng pamukaw upang
magkaroon ng dating sa mga mambabasa.

Katawan
Dito naman inilalahad na ang mga pangyayari at mga realisasyong
ibinabahagi ng isang manunulat. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga
natamong aral at mga pagbabago. Minsan maaring magkaroon ng metapor
upang mas nakakawili at masining ang pagpapahayag ng replektibong
sanaysay.

Kongklusyon
Sa bahaging ito ay pagbibigay ng manunulat ng kahalagahan ng isinasalaysay.
Maibabahagi rin dito ang mga suhestiyon (direkta man o hindi) ang
pagpapabuti ng kaalaman, aral, konsepto o paglalahat.

Suriin:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Kailangan bang laging paglalarawan ang gamitin sa pagsulat ng


replektibong-sanaysay? Pangatwiranan.

Course Module
2. Anong kakayahan ang nililinang sa pagsulat ng replektibong-
sanaysay?

3. Bakit kailangang matutuhan nang tulad mong mag-aaral ang ganitong


uri ng sulatin?

4. Ibigay ang positibong dulot na maibibigay ng replektibong-sanaysay


sa:

SA IYO SA IYONG KAPWA SA ATING LIPUNAN

1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

5. Ipaliwanag ang pahayag ni Gibbs na “Hindi sapat ang magkaroon lamang ng


karanasan upang matuto. Kung walang repleksyon o pagninilay mula sa
naranasan ay madali lamang itong malilimutan, o ang potensiyal na pagkatuto ay
mawawala.”

Gawain:
Pasulat
Maraming pangyayari ang nararanasan ng bawat isa. Nakakapagtaka,
nakakagulat at kung anu-ano pa mang reaksyon. Magbalik-tanaw sa mga
pangyayaring naranasan mo o ng ibang tao. Ilahad mo ang kuwento, mga
dahilan at mga napagtanto mo o mga realisasyon mo para sa iyong sarili o
iyong buhay.

Kaugnayan sa Media
Bumuo ng isang grupo at gumawa ng isang replektibong sanaysay. Gawin
itong mas masining sa pamamagitan ng paggawa ng isang bidyong may
artistikong representasyon ukol sa isinulat na replektibong-sanaysay.
Ang hakabangin ay ang mga sumusunod:
 Gumawang replektibong-sanaysay ukol sa pagpapahalagang
moralidad sa panahon ngayon.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
5
Replektibong Sanaysay

 Magsagawa ng isang bidyong may artistikong representasyon ukol sa


isinulat na replektibong-sanaysay.
 May isang taong magbabasa ng nasabing replaktibong-sanaysay
habang sumasabay sa bidyo. (irekord ito)
 Siguraduhing magkaugnay ang konsepto ng bidyo at ang isinulat na
replektibong-sanaysay.
 Ibahagi sa kahit na anong social media at sa klase ang nasabing bidyo.

References:
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS
Publishing House, Inc. Quezon City
Reflective Writing Guidance. Retrieved from:
http://www.exeter.ac.uk/fch/work-experience/reflective-writing-
guidance.pdf

Course Module

You might also like