You are on page 1of 5

Introduksyon

Pagsulat

 Isa sa mga makrong kasanayan na dapat malinang ng isang indibidwal.


 Sa pang-araw-araw na gawain sa paaralan, isa ang pagsulat sa mabisang paraan ng pagkatuto ng
mga mag-aaral maliban sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at panunuod.
 Gamit ang pagsusulat, naibabahagi ang tungkol sa sarili, ang pagtingin at pagtanaw sa mundo,
maging ang mga bagay na maaaring kapulutan ng aral.
 Ang pagsulat ng photo essay at repleksibong sanaysay ay isang gawain na hahamon sa kasanayang
pampag-iisip.

Aralin 1: Pagsulat ng Photo Essay


Photo Essay

 Koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari, nagpapaliwanag ng partikular na konsepto, o magpahayag ng damdamin.
 Hindi limitado ang paksa (maaaring ito ay serye ng mga imahen sa mataong bangketa, o tahimik at
payapang bukirin o maaari ring isa itong tungkol sa natatanging tao o mga kakaibang pangyayari
maaaring pangyayari sa buhay ng isang tao o pangyayari sa kalikasan).
 Katulad din ng ibang sanaysay na gumagamit ng teknik sa pagsasalaysay.
 Ang kaibahan sa ibang sanaysay ay gumagamit ng larawan ang photo essay na inihahanay at
inaayos ang pagkakasunod-sunod upang magbigay ng kwento o hindi kaya ay magpakita ng
emosyon.
 Kombinasyon ito ng potograpiya at wika dahil gumagamit ito ng mga angkop at katanggap-
tanggap na salita.
 May mga photo essay  na binubuo lamang ng mga larawan, mayroon din namang larawan na may
kapsyon at larawan na mayroong maikling sanaysay.
 May mga nagsasabing photo essay ang isang sulatin kung ang kalakhan nito ay teksto at
sasamahan lamang ng ilang larawan.
 Mayroon din namang nagsasabing ang mga larawan dapat ang lumutang at hindi ang mga salita.
 Kung ang ibang sanaysay ay nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga
salita sa pagsulat ng photo essay  ay damdamin at kaisipan ay makikita na agad sa mga larawan.
 Sa anyong ito, ang mga larawan ang nagkukwento at ang teksto o sanaysay na nakasulat ay
suporta lamang sa mga larawan.

Tandaan: Kahit may mga mensaheng inilahad ang larawan, kailangan pa rin ng teksto upang matiyak na
tama ang impormasyon o ang mensaheng nabatid ng mga mambabasa sa photo essay na isinulat. Sa
ganitong paraan, maiiwasan din ang pagkakaroon ng maling interpretasyon sa sulatin.
Aralin 2: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Replektibong Sanaysay

 Ang replektibong papel o mapagmuning sanaysay ay isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay o


pagninilay.
 Sa pamamagitan nito, natutuklasan dito ang sariling pag-iisip, damdamin, o opinyon tunkol sa
isang paksa, pangyayari, o tao at kung paano ka naapektuhan ng mga ito.
 Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay humahamon sa mapanuring pag-iisip.
 Ang pagsulat nito ay nakabatay sa pagpapahayag ng manunulat ng sarili niyang pananaw batay sa
kaniyang karanasan, hindi kinakailangan na humiram ng kaisipan at sumangguni pa sa ibang akda.
 Ang pagkakaroon ng repleksyon hindi lang sa ating sarili maging sa ibang tao, bagay o pangyayari
ay makatutulong upang hindi na natin magawa pa ang mga naunang pagkakamali.

Bakit mahalaga na matutuhan ang pagsulat ng replektibong sanaysay?

1. Nakapagpapahayag ng damdamin at may natutuklasang bago tungkol sa ating sarili, kapwa, at


maging sa kapaligiran.
2. Hinahasa rin ang kasanayan sa metacognition o kakayahang suriin at unawain ang sariling pag-
iisip.
Ayon kina Di Estefano, et al (2014) - magiging mas mabisa ang pagkatuto mula sa sariling
karanasan kung lalangkapan ito ng repleksyon.

 Nangangahulugan lamang na kung magkakaroon tayo ng repleksyon sa mga bagay na nangyayari


sa buhay natin, mas mabisa ang ating pagkatuto.
 Lubusan nating nakikilala ang ating sarili sa pagmumuni-muni, kung gayon, mas nakikita natin ang
ating mga kalakasan at kahinaan.
 Ito rin ang nagiging daan upang mapagbuti ang ating mga sarili.

KATANGIAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang mahusay na replektibong sanaysay kakikitaan ng sumusunod na katangian:

1. Personal at subhetibo ngunit may sinusunod na direksiyon.


a. Maaaring mas malaya ito kaysa sa ilang akademikong sulatin na ating tinalakay ngunit
kinakailngan pa rin isaalang-alang ang gamit ng wika maging ang bahagi ng sanaysay
– introduksyon, katawan at konklusyon.
2. Hindi limitado sa paglalarawan o paglalahad ng kuwento ngunit nangangailangan ng mataas na
kasanayan sa pag-iisip.
3. Gumagamit ng deskriptibong wika
4. Tungkol sa sarili at ng personal na ideya at opinyon
a. Hindi mo maaaring ilagay ang tungkol sa opinyon ng ibang tao dahil repleksyon mo sa mga
bagay-bagay ang iyong ginawa.
b. Hindi kayo maaaring magkapareho ng iniisip at pinagninilayan.
c. Kung kaya’t sinasabi na higit mong nakikilala ang iyong sarili habang bumubuo ng
replektibong sanaysay.

You might also like