You are on page 1of 5

11/11/22, 7:25 AM PAGSULAT SA FILIPINO - ST. LUCY OF ROME - https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/3597495?

lesson_id=…
Home

PAGSULAT SA FILIPINO - ST. LUCY OF ROME


FINAL TERM - IKATLONG LINGGO

PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Mabuting araw sa iyo, ito ang ikatlong linggo ng iyong pag-aaral sa Pinal na Termino ng asignaturang ito. Noong nakaraang linggo, iyong pinag-aralan ang
Pagsulat ng Posisyong Papel na kung saan nagkaroon ka ng sapat na impormasyon upang mailahad nang wasto ang iyong paninindigan at paniniwala sa
buhay. Sa Posisyong papel, mahalaga ang pananaliksik at pangangalap ng datos upang magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa paksang tatalakayin.
Para sa linggong ito, panibagong aralin ang iyong pag-aaralan, ito ang Pagsulat ng replektibong sanaysay.

Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng ating paksa` para sa linggong ito upang maisagawa nang buong husay ang naiatas na gawain. Pagbutihan
mo!

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/3597495?lesson_id=17570498&section_id=67089741 1/5
11/11/22, 7:25 AM PAGSULAT SA FILIPINO - ST. LUCY OF ROME - https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/3597495?lesson_id=…

Pagbati para sa iyo! Mahusay ang iyong mga sagot sa katanungan na nasa itaas. Iyan ay may kaugnayan sa ating aralin sa linggong ito. Palagay ko
ay handa ka na para sa ating paksa. Simulan na natin ang talakayan.

ANG KAHULUGAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang pagsulat ng Replektibong sanaysay ay makatutulong upang higit pang maunawaan ng isang tao ang kanyang sariling damdamin. Bago mo pag-
aralan ang pagsulat ng replektibong sanaysay, iyo munang pag-aralan at unawain ang kahulugan ng Replektibong Sanaysay. Ano nga ba ang isang
Replektibong Sanaysay? 

Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng sulating pampanitikan nasa uring tuluyan o prosa. Ito ay nangangailangan ng sariling opinyon o
perspektibo tungkol sa isang paksa. Dahil hindi ito pormal na sulatin, maaaring maging masining ang tagasulat sa kanyang mga pananaw at
damdamin.
Maaaring makasulat nito hinggil sa isang itinakdang babasahin, lektyur o di kaya mga karanasan ng isang tao. Ang pagsulat ng isang repleksyong papel ay nakabatay
sa reaksyon, damdamin o pagsusuri ng isang tao batay sa kanyang karanasan.
Bagamat ito ay maaaring maging isang impormal na sanaysay, nangangailangan parin ito ng Introduksyon, Katawang malinaw at lohikal, at Kongklusyon.
Tandaan mo na sa isang replektibong sanaysay, madalas na ginagamit ang mga unang panauhan sapagkat nabanggit nga kanina na ito ay nakabatay sa sariling
kaisipan, damdamin at karanasan ng isang tao. Nakatutulong ang pagsusulat ng isang Replektibong Sanaysay sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagmuni-
muni. 

Panuto:
Upang subukin ang iyong sarili kung naunawaan mo ang pagpapakuhulugan ng replektibong sanaysay, sagutin mo ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat lamang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto, MALI naman kung hindi wasto. Kumuha ng malinis
na papel na iyong gagamitin bilang sagutang papel.
1.    Ang replektibong sanaysay ay Reflective Paper sa Ingles
2.    Ang replektibong sanaysay ay isang piksyon na sulatin
3.    Ang replektibong sanaysay ay maaaring pormal o impormal na sulatin
4.    Ang iyong reaksyon, damdamin at opinion ay maaaring isulat bilang replektibong sanaysay
5.    Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay gumagamit ng ikalawang panauhan
 

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/3597495?lesson_id=17570498&section_id=67089741 2/5
11/11/22, 7:25 AM PAGSULAT SA FILIPINO - ST. LUCY OF ROME - https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/3597495?lesson_id=…
Nasagutan mo ba nang wasto ang mga pahayag?

Ngayon ay mayroon ka nang sapat na kaalaman tungkol sa mga batayang kahulugan at paglalarawan tungkol sa Replektibong Sanaysay. Ngayon naman ay iyo
nang pag-aaralan ang aktuwal na pagsasagawa nito. Aalamin mo naman ngayon kung ano ang mga bagay na kailangang mong maisaalang-alang upang makabuo ka ng
isang mahusay at epektibong Replektibong Sanaysay. 

ANG PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


 
Hindi basta-basta ang pagsusulat ng isang Replektibong sanaysay. Upang lubos mo pang mapaghusay ang iyong kaalaman tungkol sa Replektibong Sanaysay,
narito ang ilang tips na kailangang mong isaalang-alang sa pagsulat nito. Ang mga sumusunod ay inilahad ni Maggie Mertens.
 

     Mga Iniisip at Reaksyon

- Sa pagsulat ng isang Replektibong Sanaysay, ilahad mo kung ano ang iyong saloobin o reaksyon sa iyong nabasa o karanasan. Ipaliwanag mo lamang nang
malinaw ang iyong damdamin hinggil dito. Huwag maglalahad ng mga ideya na wala namang kaugnayan sa iyong nabasa o karanasan. 

     Buod

- Hindi ito isang simpleng buod lang. Ang Replektibong Sanaysay ay isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip mo. Bagamat ito ay isang impormal na sulatin,
hindi pa rin angkop dito ang paggamit ng mga impormal na wika. 
 

Organisasyon                                                                                                                                                                                                                                             
                         -  Gaya nga ng nabanggit kanina sa unang bahagi ng pagtalakay ng paksang ito, nangangailangan parin itong maisaayos nang wasto tulad ng ibang
mga pormal na sanaysay. Ang isang replektibong sanaysay ay higit pa ring mapabubuti kung ito ay mayroong Introduksyon, Katawan at maging Kongklusyon.

Maliban sa mga iyan, makatutulong din sa iyo ang pag-alam sa iba’t ibang mga gabay sa aktuwal na pagsulat ng isang Replektibong Sanaysay. Aralin at unawain
mo ang mga ito nang mabuti.
 
MGA GABAY SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
 

Upang lalo mo pang mapagtibay ang iyong kaalaman sa pagsulat ng isang Replektibong Sanaysay, narito naman ang mga gabay na maaari mong isaalang-
alang kapag nagsusulat ka na ng iyong Replektibong sanaysay. 

Isa
1. hanggang dalawang pahina lamang.
      Hindi naman masama kung aabot ito ng tatlong pahina. Ngunit kung ang iyong isinusulat na Replektibong Sanaysay ay lalampas
sa tatlong pahina, ito ay labis na.
Huwag
2. magpaligoy-ligoy.
        Dahil sa hindi mahaba ang isang Replektibong Sanaysay, inaasahang hindi na magpapaligoy-ligoy pa ang isang manunulat.
Mainam na ilahad na lamang nang direkta kung ano ang nais na ipahiwatig.
Maaaring
3. gumamit ng wikang pormal o kumbersasyunal.
      Tandaan lamang na sa pagsusulat ng isang Replektibong Sanaysay, kailangang ang wikang iyong gagamitin ay wikang madaling
maunawaan sa kabila ng pagiging pormal at kompleks ng anyo nito
Magbigay
4. ng halimbawa.
      Malaking tulong ang pagbibigay ng halimbawa o aplikasyon ng mga konseptong natutunan mula sa mga karanasan. Basta’t
tatandaan mo lamang na ang halimbawang iyong gagamitin ay mayroon pa ring kaugnayan sa paksa ng iyong isinusulat. 
Maaaring
5. simple lang ang wika o tono.
     Sa pagsusulat ng isang replektibong sanaysay, maaaring simple lamang ang wika at nagpapatawa o magaan ang tono, ngunit hindi
ito nangangahulugang hindi ito magiging seryoso. 
Isaalang-alang
6. ang mga tuntunin sa gramatika, baybay at pagbabantas. 
    Sa anumang uri ng akademikong sulatin, kailangan maging maingat pa rin sa paggamit ng wika. Kailangang siguraduhing iwasan
ang pagkakaroon ng mga pagkakamali sa gramatika at maging sa pagbabaybay ng mga salita. Nakababawas kasi ito sa pagiging
epektibo ng isang sulatin.

Banggitin
7. ang mga sanggunian.
        Kung gagamit ng mga impormasyong galing sa website, libro at iba pa, siguraduhing mababanggit sa papel ang mga
pinaghanguan ng mga ito. Maaaring sa huling bahagi ng sulatin o sa mismong katawan nito.

Upang lubos mo pang maunawaan ang talakayang ito tungkol sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay, narito ang isang halimbawa ng isang Replektibong
sanaysay: 

Ang Buhay

-Bb. Hazel Donnabelle M. Fontanilla

Ang buhay ay ang pinaka-magandang ibinigay sa atin ng Diyos. Ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang pagkaka iba-iba, gaya ng panlabas na anyo,
pag-iisip, katayuan sa buhay, pananaw, relihiyon, at katangiang loob. Sa bawat natatanging katangian na meron ang bawat isa ay lumalabas at lumilitaw
parin kung sino talaga tayo.

Maihahalintulad ko ang sarili ko sa isang halaman na Makahiya. Dahil ako ay may natatanging ugali na ipinagkaloob sa akin at mayroong napaka-daming
kwento at impormasyon na maaari ninyong malaman tungkol sa akin, dahil alam ko na ang mundo ay mapang husga, kaya hindi ko maalis sa sarili ang
pagka-mahiyain. Kaya kung minsan ay mas minamabuti ko na manahimik na lamang. Sa paglipas ng panahon kasabay ng aking pagtanda at mga
karanasan ko, napagtanto ko na ako pala’y hindi na dapat pang mahiya na gaya nito. May mga panahon na kailangan kong magsalita sa harap ng aking
mga kamag-aral kaya lamang ako ay pinangungunahan ng aking kaba at hiya. Una, sa aking pagkakakilanlan, dahil hindi na nila kailangan na alamin kung
sino ako, basta sabihin lamang na “ako yung tipo ng babae na kalog” tiyak ako agad ang sasagi sa isip nila. At meron pa yung pagkaka-taon na yung iniinis
ko sila pero imbis na mainis sila sakin ay natatawa nalang sila sa kakulitan ko.

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/3597495?lesson_id=17570498&section_id=67089741 3/5
11/11/22, 7:25 AM PAGSULAT SA FILIPINO - ST. LUCY OF ROME - https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/3597495?lesson_id=…
Sa buhay maraming bagay nagkakaiba-iba ang bawat indibidwal. Nasa sa atin na ito kung paano natin ito gagamitin sa makabuluhang bagay para sa ikaka-
unlad ng ating mga sarili.

Nakuha mula sa https://janpersonb.wordpress.com/2018/10/14/replektibong-sanaysay/  Oktubre 25, 2021.

Kung ating papansinin ang halimbawa na nailahad sa itaas, mapapansin ang paggamit ng mga simpleng salita sa pagpapaliwanag. Ito ay nagbibigay ng
mga halimbawa base sa sariling karanasan ng may akda upang lalong maintindihan ng mambabasa ang tinutukoy nitong punto. Hindi rin maikakaila na ito
ay derektang paglalahad ng mga impormasyon upang maging kumbersasyonal ang tono ng akda. Ang paggamit ng wastong bararila, pagbabantas at
pagbabaybay at tumutulong din upang maging malinaw at madaling intindihin ang replektibong sanaysay na isinulat.

At iyan lamang ang mga gabay sa pagsulat ng isang Replektibong Sanaysay na maaring makatulong sa iyo upang makasulat ka ng isang mahusay at epektibong
Replektibong Sanaysay.
 

PAGLALAHAT
1.

Kung iyong iisipin, napakabuti ng naidudulot ng pagsulat ng isang Replektibong Sanaysay sa isang tao sapagkat ang pagsusulat nito ay maaaring
makatulong upang higit mo pang mainitindihan o maunawaan ang iyong sarili. Makatutulong din ito upang iyong mapaunlad ang iyong kakayahan na
makapagmuni-muni.

 
Para sa pagsulat ng replektibong sanaysay, lagi lamang tandaan ang mga titik na:

 
I- sa hanggang dalawang pahina lamang ang replektibong sanaysay.
           S- ikaping magbigay ng mga halimbawa.
I- wasan ang paligoy ligoy.
P- ormal o kumbersasyonal ang wikang gagamitin.
I-saalang alang ang mga tuntunin sa gramatika, baybay at pagbabantas.

 Nawa’y naunawaan mo nang lubos ang iyong pinag-aralang paksa para sa linggong ito. Ngayon ay maghanda ka na para sa isang pagsusulit. Pagbutihan
mo! 

MGA SANGGUNIAN:

Nailimbag na Aklat:

     Bernales, R., Ravina, E., Pascual, M., Oliva, E., Soriano, J. (2018). Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon, Philippines: Mutya Publishing House Inc. 

     Constantino, P., Zafra, G., Batnag, A. (2018). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Manila, Philippines: Rex Publishing

Sangguiang Elektroniko

    Naquila, R. (2019, March 17). Replektibong Sanaysay. (99+) (PDF) Replektibong Sanaysay | Ranz Naquila - Academia.edu

     Elcomblus, C. (2022, February 22). Pagsulat ng Replektibong Sanaysay. Replektibong Sanaysay (elcomblus.com)

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/3597495?lesson_id=17570498&section_id=67089741 4/5
11/11/22, 7:25 AM PAGSULAT SA FILIPINO - ST. LUCY OF ROME - https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/3597495?lesson_id=…

https://usl-tuguegarao.neolms.com/student_lesson/show/3597495?lesson_id=17570498&section_id=67089741 5/5

You might also like