Professional Documents
Culture Documents
Complete Aralin 1 6
Complete Aralin 1 6
O
M
o
A
R
P
S
D|
1
2
3
8
5
4
3
Complete-Aralin-1-6
Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin
sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
Konklusyon - sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang
kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng
isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito. Dito rin niya masasabi
kung ano ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para
sa lahat.
Halimbawa ng
Replektibong
Sanaysay
Bakit Ako Naging
Manunulat?
Rene
Villanueva
Mapapansin ng sinomang sumusubaybay, kung mayroon man,sa pagsulat ko ng mga
personal na sanaysay, na paulit-ulit ang pagtalakay ko sa paksang ito.Sa isang banda,
indikasyon marahil ito ng matindi kong pagnanais na unawain ang sarili at ipaliwanag
talaga kung ano ang lakas na nagtutulak sa akin para mahalin nang husto ang pagsusulat.
Para pahalagahan ito nang higit sa aking asawa’t mga anak, higit sa aking pamilya at
kaanak, higit sa kahit anopaman sa aking buhay. Maaaring sabihin ng iba na napaka-OA
naman, pero ganoon ko talaga pinahahalagahan ang aking pagsusulat. Masasabi kong ang
akin pagsusulat ang buo kong pagkatao. Sa mga nakaraang sanaysay, lalo na sa librong
(Im) Personal, tinalakay ko na kung paano at bakit ako nagsusulat; kung sino ang mga
unang nakaimpluwensiya sa akin para mahilig sa pagsusulat at sino-sino ang mga una
kong guro sa pagkatha. Ngayo’y gusto ko namang harapin ang isa pang aspekto ng
pagiging manunulat ko:Bakit ako naging isang manunulat? Bakit sa dinami-dami ng
propesyon, dito ko piniling maggugol ng talino at panahon, ng buong buhay ko?
Siguro, dahil mula pagkabata, wala akong naging ibang interes kundi kuwento:
makinig ng kuwento, mag-imbento ng kuwento, magkuwento ng kuwento. Sa pakikinig ng
radyo ako unang nagkamalay kung paano bumuo ng kuwentong may epekto sa sinomang
makarinig. Nang matuto akong magbasa ng Liwayway at mahilig sa panonood ng sine,
lalong tumindi ang hilig ko sa paghabi ng mga pangyayaring sa isip ko lamang nagaganap;
pero parang totoong-totoo!Kalaunan pa ako magkakalakas ng loob na isalaysay sa iba
ang mga kuwentong nasa isip ko. Para dito, pinagpraktisan ko ang aking mga kababata.
Ang mga laro ko sa La Loma noong mga 10 hanggang 12 taong gulang ako ay hindi mga
karaniwang laro ng bata. Mahilig ako sa taguan at habulan; pero hanggang doon
lang.Mas gusto kong tipunin at kuwentuhan ang mga kalaro ko, lalo ‘yung mga mas
bata sa akin. Madalas, isa-isa ko silang pinasasalampak nang pabilog sa akin harapan at
pinapaghahandang makinig sa hahabihin kong mga kasinungalingan. Sa bakanteng lote, sa
tabi ng bahay nina Luisa, na walang pintura at sinunog ng mahahabang tag-araw sa La
Loma, kami nagtitipon. Katapat iyon ng inuupahan a kuwarto sa Halcon, at malapit sa
bahay o kuwarto ng bawat isa sa amin. Sa harapan ng lote ay may basketbulan na
madalas pagdausan ng liga ng mga taga-Halcon. Kahit nakatiwangwang lamang ang
bakanteng lote, iba-iba ang silbi nito para sa aming tagaroon. Hindi lamang ito paraiso para
sa aming mga inosenteng salaysay tuwing hapon, dito rin kami nagtataguan bago
magtakipsilim. Sa gabi, dito rin nag-iinuman ang matatanda at binata na umiiwas
mapagalitan ng kani-kanilang asawa o magulang. Sabing iba, kung hatinggabi ay sari-
saring milagro ang nagaganap sa bakanteng lote. Maraming panganay ng tagaroon ang
sa bakanteng lote ginawa. Ang maluwang na lote ay nababakuran ng mga pinagdikit-dikit na
lumang yero; yupi, kalawangin, maaaring pinagsawaan bilang kulahan o andamyo.May mga
nakatira malapit sa bakanteng lote na madalas na ginagawang tapunan ng basuara ang
solar, kaya nagkalat ang tumpoktumpok ng natuyong basura na sa tuktok ay may
kumakaway na supot na plastik. Kailangan maging maingat ang sinomang naglalakad;
karaniwang may nakangangang lata ng gatas o sardinas na nagbabantang manlaslas ang
matalim na bunganga; bukod sa nagkalat na basag na bote na madalas ikubli ng
mangilan-ngilang kumpol ng tuyot na damo ang nakaumang na disgrasya, at bihirang-
mapansing nakatuping kalawanging yero na sintalas ng blade ang gilid.Kadalasan,
nagpupunta kami sa bakanteng lote makapananghali. Bawat isa sa ami’y tumatakas upang
suwayin ang mahigpit nautos ng magulang na umidlip sa hapon, para mag-umpukan sa
bakanteng lote at makinig ng kagila-gilalas na kuwento. Mauupo ako sa isang
abandonado at nabubulok na taksi na yupi ang tambutso, basag-basag ang salamin,
lugmok ang mga upuang may nag-iigkasang spring at alambre, wala nang pinto sa gilid.
Sa isa sa mga pinto ako mauupo, habang nakaupong nakapaligid ang mga nakababata
kong kalaro sa damuhan sa naharapan.
amahusay Madalas
essay s sa buong Quezonna
C ykabilang sina Elvi,
Hanggang ngayon ang ang magpipinsang
sina Sara, Menchu, at Napol, ang mga Rimorin na sina Oting at Momoy, at ang
magkakapatid na Villegas. Minsan, may mga hindi kami kakilala na nakikiumpok sa
paligid; pero lagi silang nasa dulo, ilang tao ang layo mula sa kalarong nasa pinakadulo ng
sirkulo. Pero hindi namin sila itinataboy, bagaman walang bumabati sa kanila.Hinahayaan
naming silang tumawa nang malakas, kung may nakatatawa sa kuwento. Pero kahit kailan,
walang nagtatanong o nagkokomentaryo sa kanila. Kadalasan ang mga ikinukuwento ko ay
yaong kuwentong naririnig ko sa radyo o nababasa sa Liwayway. Mga tungkol sa kapre
at higante, mga mamahalilng bato na sinlalaki ng mais o prutas, mararangyang palasyo,
mga puting kabayong may pakpak at alpombrang lumilipad. Pinakapopular sa lahat ng
kuwento ko ang alamat ng butiki, na minsang kong napakinggan sa radyo.Gustong-gusto
nila ang kuwento dahil madula, may halong romansa tungkol sa relasyon ng anak at
magulang. Saka buong husay ko ring naikukuwento; iniiba-iba ko ang aking boses, kung
minsa’y inaarte ko ang ilang tagpo.Gumagawa pa ako ng sound effects kapag
ikinukuwento ko ito.Hinahampas ko ang tagiliran ng taksi para gayahin ang kulog.
Pinapasagitsit ko ang boses ko para gayahin ang kidlat. Tungkol sa isang pangit na
kampanero na umibig sa isang napakaganda ngunit malupit na dalaga ang alamat. Para
subukan ang pagmamahal ng kampanero, hiniling ng dalaga na ihandog sa kanya ng
binate ang puso ng ina. Dinukot ng binate ang puso ng ina: nagtatakbo siya sa
pagmamadaling makarating sa dalaga para ibigay ang sariwa pa at pumipintig-pintig na puso
ng magulang.Ngunit sa pagmamadali, natapilok ang kampanero at nadapa. Napahiyaw ang
binata na namilipit sa kirot ng naipit na ugat, ngunit hindi niya nabitiwan ang sisikdo-sikdong
puso. Sa katahimikan ng gabi, malumanay at buong pag-alalang nagsalita ang puso ng ina:
“Napaano ka, anak ko? Lagi ka sanang mag-iingat. Hayo, bunso ko! Tumindig ka at ang
sinta mo’y naghihintay na sa iyo.” Kung nang nakaraang gabi ay nakapakinig ako ng “Gabi
ng Lagim,” ang kuwento ko’y tiyak na may lumalangitngit na pinto, bumubukas na kabaong,
at asong umaalulong sa hatinggabi. Tiyak ding bago matapos ang kuwentong katatakutan,
maghihiyawan ang lahat at magkakaripasan ng takbo. Kung minsan, nag-iimbento rin ako
ng sarili kong kuwento. Pero mas madalas, pinagtatangi-tangi ko lamang ang mga
kuwentong naririnig, nabasa o napanood ko. Kahit gayon, pakiramdam ko’y orihinal at
mula sa sariling henyo ang pang-aliw ko sa aking mga kababata. Alam kong bilib na bilib
sila sa akin; hindi nila alam na mas bilib na bilib ako sa sarili ko. Sa high school ang unang
premyong natanggap ko ay para sa on-thespot storytelling-contest ng Children’s Museum
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
and Library Incorporated (CMLI). Mga taga-public schools ng Maynila, Pasay at Quezon
City ang kalahan ko. Nakakuha ako ng silver medal. Kuwento naman ng buhay ni Judge
Pedro Tuason ang unang literary contest na pinanalunan ko. Kinse anyos ako nang mag-
uwi ng premyong isang daang piso at karangalang pinak i t
it . pagsusulat ay hindi talagang
kong marahil pangit ang mga draft na nasulat ko, at pagkakataon iyon para mas pagbutihin
ko ang pagsusulat)
Bilang pangwakas: Bakit ako naging manunulat? Siguro naging manunulat ako dahil
lagi akong interesado sa buhay ng iba. Noong araw, ang pakiramdam ko ay laging mas
makulay at mas kapanapanabik ang karanasan ng iba kaysa sariling kong karanasan. Ito
ang nagtulak sa akin para maging mapagmatyag sa buhay ng iba. Para mahilig sa
pagbabasa ng kuwento, sa pakikinig ng drama sa radyo at sa panonood ng sine.
Sapagkat akala ko’y kailangan kong laging manghiram ng kuwento ng iba para
magkapagkuwentong kapanapanabik. Wala akong sampalataya sa sarili kong kuwento,
kahit sa buhay ng mga kaanak ko. Laging mas maganda ang kuwento ng ibang tao. Laging
mas madula ang karanasan ng iba. Bata pa ako’y alam ko na na ang mga tao ay bukal ng
magagandang kuwento. Nito na lamang nakaraang mga huling taon ko natanto na hindi
pala ako natatanging tao. Hindi pala ako isang taong lubhang kaawa-awa. Na tulad ng iba,
magmamay-ari rin ako ng maraming magagandang kuwento. Ang ganitong realisasyon
ang naghatid sa akin upang maupo sa gilid ng isang balon. Sa wakas, nagawa ko ring
dumukwang sa bunganga ng isang malalim at tunay na bukal ng mga salaysay: ang sarili
kong balon ng mga kuwento; na mahigit limampung taon nang binubukalan, dinadaluyan
ng sari-saring salaysay na naghihintay lamang na dukwangin at salukin, upang
maisaboy, makapagpasariwa sa iba. ( Mula sa
https://www.scribd.com/document/352704798/Bakit-
Ako-Naging-Manunulat).
Pasulat na Gawain Blg. 1/ Written Output no.1
Basahin at suriin ang “Bakit Ako Naging Manunulat?” ni Rene Villanueva sa pamamagitan
ng graphic organizer.
Pamagat
Layunin sa pagsusulat
Estilo sa pagsulat/ Paglalarawan kung paano nagsulat ang manunulat
Paraan kung paano nagsimula ang manunulat
Paraan kung paano nagsulat ng katawan
replektibong sanaysay ang manunulat
Paraan kung paano tinapos ng manunulat ang replektibong sanaysay
Mahalumigmig pa ngunit unti - unting gumagapang sa aking katawan ang init at banta
ng haring araw. Sakay ng van na ipinakiusap namin sa kapwua hiker namin na idiretso
na ang sasakyan sa Tanay, Rizal. Aakyatin namin ang bundok na sinasabi ng ibang
hiker na tinaguriang “the magical mountain.” Sa Sta. Cruz, Laguna ang aming tagpuan,
kung kaya madilim pa ang paligid ay agad na kaming umalis ng kapuwa ko hiker na si
Chriselle. Dahil sa paliko-likong bus, paliko-liko rin ang bituka ko. Nagbabanta ito ng
isang malakihang pagbulwak sa aking harapan. Ngunit ako ’ y alerto, alerto bente
kuwatro. Sa kasamaang palad, puro duwal ang nangyayari. Animo’y may etiketa ang
bituka ko. Aayaw bumulwak ng lugaw hangga ’t may nakakakita. Nang kami ’ y
makababa na, saka umagos at pumutok ang sikmurang nagnanais magpahayag ng
kaniyang panlilimahid
layas, hindi naman sa iyo bagsa bus
l na
.” kaniyang
l l nasakyan.
, l l Sa ittabi
i i ngt l poste
. Sa hindinaganap
maipaliwanagang
na
pagkakataon. Hindi talaga mat l r l , r
lahat. Naging lababo ang poste, nananahimik at naging l taga-ilaw
l . Iti igil ang van sa mismong
ng isang kawan.
Nakiramay sa akin ang poste. Siya ang sumambot ng alboroto ng aking bituka. Siya
ang naging saksi sa kahirapan at kaartehan ng aking bituka ng maglabas ng likidong
nabuo dahil sa pagewang-gewang na bus. Matapos ng karumaldumal na paggawa ng
kasaysayan sa kalsada ng Sta. Cruz na tiyak na ikatutuwa ng mga ligaw na asong ulol
dahil sa libreng lugaw na maaari nilang himurin. Sumakay na kami ng van. Napatapat ako
sa ikatlong linya ng upuan, sa bandang bintana. Ngunit kahit na kapiling ko na ang
bintana at ang katayua ’y umaayon na sa akin; patulo’y na nangulit ang nagngangalit
kong bituka dahil sa kaniyang pagkakaalog. At sa patuloy na pagkakaalog siya ay
nagrebelde. Nagpapahayag nanaman ng pagbulwak, ng isang rebolusyon, ng isang
pagbalikwas sa may- ari ng katawan at waring nagsasabing “ ika’ y
ay mag ayas Mag a abas nanaman mag a abas ngun h nd ma u oy
u oy ang pagbubuhos ko ng a ozca do pu o duak wa ang bu wak n
hindi sa pagmamayabang ngunit kahit maikli ang aking mga biyas, ako ang
pinakamabilis na hiker sa aming grupo (ang team Bulibulies).
Ang Pambungad Na
Mga Tanawin
Matapos ang mahabang oras na pagkakapirmi ng aking pigi sa upuan ng van (
mabuti na lang at hindi naging flat ang pigi ko, ‘yung sa kasamahan ko kasi nasira ang
foam sa pigi. Siguro fake ‘yung nabiling pampalake ng puwet). Narating namin ang
Tanay, Rizal. Para kaming nasa oven toaster, maalinsangan; buti na lamang at
alerto ako. Nakasuot ako ng long sleeve. Tinalakay sa amin ng tour guide na si
Manong Jun ang mga pupuntahan namin. Una, ang Tinipak river, isang mahiwagang
ilog na may iba’t ibang limestone. Mt. Marmara, ang bundok para sa mga nagsisimula
pa lamang umakyat at ang Mt. Daraitan para sa mga bihasa ng umakyat ng bundok.
Samantala, isa pa rin sa maaaring pasyalan ang Tinipak cave. Nagpasya ang buong
grupo ng team Bulibulies na maglakad papunta sa camp site na ayon kay mang Jun,
aabutin ng tatlumpung minuto. Habang naglalakad kami nakakita ako ng mga ninuno
ng bato ni Darna. Sobrang puti, maputi pa kay Snow White at dinaig ang hita ni
Angelica Jones. Malakas maka - glutha ang mga bato doon. Sa sobrang puti para
silang mga namuong pulbos pero may kintab lalo’t higit kapag naaarawan.
Nagtataglay ang bato ng iba’t ibang hugis. Nalibang kami magpakuha ng larawan.
Ilang minuto pa’y sumalubong sa amin ang isang batis. Bumungad sa amin ang
karatula na “Bawal dumihan, iniinuman ito”. Ito pala ang batis na puwedeng kuhaan
ng tubig. Limitado lamang ang kuryente at tubig kung kaya sa nagnanais makamura
at kung hindi naman languyin ng mga umiindayog na bulate ang iyong tiyan, puwede
na ang tubig sa batis. Sa kasamaang palad, nasayang ang dala kong blower at
plantsa. Inakala ko kasi na tulad ng mga nakaraan naming napuntahan, (katulad
ng bundok sa Dolores, ang Mt. Banahaw at iba pa) madali lamang ang access sa
kuryente.
Isang Pagbisita Sa Kuwebang
Maraming Nakalawit
Matapos naming itayo ang tent at matapos makapananghalian, agad kaming
dumiretso sa Tinipak cave. Para kaming paniki. Inaalalayan kami ni manong Jun
pagbaba. Malamig, kasinlamig ng ex ko sa akin. Madilim at ang tanging gabay lamang
ay ang nirentahan naming headlamp. Nanginginig ang paa ko dahil baka may makapa
akong kakaiba at kapuwa namamasyal din sa kuweba bukod sa amin. Pero nilinaw
naman ni Manong Jun na ibang kuweba ang pinagkukutaan ng mga ahas. Sinara daw
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
ang kuwebang iyon para ireserba sa kanila. Ibig sabihin “Off limits, only snakes are
allowed”. Sa kalagitnaan ng kuweba, sinalubong kami ng mga stalactite at stalagmite.
Sa bandang dulo ng kuweba, masisilayan ang animo ’ y jacuzzi. “ May pa- jacuzzi
si Mayor”. Parang binuhusan kami ng isang timbang tubig na galing sa refrigerator
ng kami’ y tumubog dito. Medyo
napangiwi lang ako, kasi puro madidilim ang litrato ko dahil wala ngang ilaw sa
loob. Lalo ng naging puwedeng pang- Nobyembre ang mga larawan ko, baka
sabihin ng mga tao, isang white lady naglalagi na sa kuweba ng Tanay, Rizal.
Hinahanap ang bagong kumareng black lady dahil kaaway ang dating kumareng
red lady. Nag-agawan kasi sila sa pulang lipstick. Hindi pa hagap ng Meralco ang
mga kuweba, ibig sabihin hindi pa talaga nila napapanindigan nang buo ang diyalogo
nilang “may liwanag ang buhay”. Buti na lang ayaw ng mga paniki sa liwanag. Kapag
nga naman maliwanag, magkakabayaran pa sila sa kuryente, tapos magkakasilipan
sila panggagawa ng paniki na tulad nila, mawawalan sila ng privacy. Wala kasi silang
private room kaya kung madilim kahit sila ang nagsisilbing kurtinang palawit-lawit
sa itaas ng kuweba, puwede na. Nadami naman sila kapag madilim. Bigla ko tuloy
naisip. Nadami kaya ang tao kapag napapadalas ang brown-out sa isang lugar?
Nadami kaya ang buntis? Ito kaya ang isa sa dahilan kung bakit nataas ang
populasyon?
Ang Mahiwagang Ilog at
Ang Babala
Matapos naming mapapunta sa kuweba, dumiretso kami sa “Tinipak Rock
Formation”. Ito ang isa sa pinakang atraksyon bukod sa Mt. Daraitan. Walang katulad
ang mahiwagang ilog kung saan may mga batong tanging sa ilalim lamang ng dagat
matatagpuan ngunit sadyang nakabuyangyang lamang sa ilog. Ito ang
pinakakakaibang ilog na aking nakita sapagkat namumutawi ang mga puting bato
at ang iba’y animo’y stalagmite. Ngunit ang nakakapagtaka’y wala gaanong isda
sa ilog. Para bang may babalang restricted area ang ilog, bawal ang kahit sinong
isda. Gayundin ang pagkakaiba-iba ng temperatura ng tubig, depende sa iyong
kinatatayuan. Sa isang bahagi ay may maligamgam na tubig samantalang sa
kabilang bahagi naman ay sobrang lamig. Hindi rin kayang maipaliwanag ni manong
Jun kung bakit ganoon ang kondisyon ng ilog. Ang tanging inuulit-ulit lamang niya ay
ang pagbabawal kunin ng kahit anong maliliit na bato sa ilog. Baka raw kasi
“magalaw” kami. Baka may sumunod sa aming van na hindi naman namin kasakay.
Baka mamaya may katabi na kaming ibang nilalang at maging kasambahay pa namin.
Sinunod naman namin si manong. Nag-pose na lamang ako sa mga bato sa gitna ng
ilog na animo’y si Dyesebel. Sobrang nga lang lakas ng agos ng tubig, kung hindi ako
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
kakapit sa mga bato, sa liit kong ito baka madala ako at matuloy ang pagiging sirena
ko. Kayang-kayang dalhin ang biyas na tulad ko, dangan nga lang likas na
magaling akong kumapit. Magaling naman talaga akong kumapit sa lahat ng bagay
kahit sa relasyon, siya lang talaga ang bumitaw.Naisip ko lang, pinangarap ko talaga
na maging modelo ng kalikasan. Masarap kayang mag - pose na ang kaligiran mo ay
kapaligiran. Dangan nga lamang wala talagang nagtatangkang kumuha sa akin.
At parang wala rin naman akong naririnig na mga maniniyot (photographer) na
ninanais pang umakyat ng bundok para lamang kumuha ng larawan.
Dugo Sa Pagitan Ng Kaliwa’t Kanang
Hakbang ni Darna
Napag-usapan ng buong grupo na matulog nang maagap dahil sa alas dos ng
madaling araw kami magsisimulang umakyat ng bundok. Ngunit sadyang malamig,
daig pa ang aircon at may libre kaming chore na mga kuliglig. Nagising kami ng alas
kuwatro na ng madaling araw. Agad - agad naghanda kami ng mga gagamitin sa pag -
akyat. Nakaramdam ako ng pagtulo sa ibabang bahagi. Sinilip ko sa palikuran at
confirm!
“Paano ako
aakyat?”
“Kaya ko
ba?”
“Baka abutin ako ng pagsusungit ng puson at
gulugod habang umaakyat?”
Uminom ako ng gamot na magpapaamo ng masungit kong dysmenorrhea. Sumama
ako. Gamit ang aking headlamp at sa pamamagitan ni Manong Jun, unti-unti na
naming nilakad ang daan patungo sa tuktok ng Mt. Daraitan. Hinahabol namin ang
sea of clouds kaya nais sana naming bilisan. Ngunit ang isa naming kasamahan ay
may mahinang tuhod, sa batang edad; nirarayuma na siya. Dapat pala nag-eskalan
siya bago umakyat, dahil sa patigil-tigil kami sa pag-akyat kung kaya medyo
maaraw na ng marating namin ang tuktok. Tinatawanan ako ni Manong Jun habang
naakyat. Sa halip daw kasi na uminom ako ng tubig sa bawat station pagpupulbo ang
anaw sa aas ng bundok na am ng k na o oonan Ma a anaw mo n
ginagawa ko habang naghihintay sa aming mga kasamahang nahuhuli naman at
hinihingal sa pag-akyat. Kakaiba raw ako sa lahat ng umakyat. Akala niya kasi
hindi na talaga ako sasama dahil nagkaroon ako, pero ako pa nga ang nauna.
Kadalasan daw kasi sa mga umaakyat na mayroon, nagpapahatid din sa kaniya
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
bulateng daan sa buong Rizal. Parang sa snake and ladder, ‘yun nga lang medyo
nabusog ang sawa kasi sobrang haba. Inabot pa naman namin ang sea of clouds
kahit medyo maliwanag na, dangan nga lang kakaunti na sila. Nagkuha kami ng
larawan sa pinakangtuktok. Matitilos ang mga bato kahit sa bundok. Hindi ko
maintindihan pero kahawig ito ng mga stalactile at stalagmite sa kuwebang
pinuntahan namin. May kaitiman nga lang ang mga matitilos na bato pero para
talaga silang magkamag-anak. Nag-pose na lang kami sa pinakang tuktok ng
matatalas na bato. ‘Yun tipo bang makapagpahanga na nasa mismong pinakaitaas
talaga kami ng bundok, kita talaga sa camera ang ibaba ng bundok. Kita, kahit
yung daan na parang sawa. Sa pagkakataong iyon, masarap magkunwaring si
Darna. Siguro dahil nasa kaitaasan ako ng bundok. Natutuwa ako dahil ang lugar
na kinalalagyan ko ay hindi naaabuso ng pagmimina. Sa palagay ko kasi ang mga
bato, ang uri ng lupa na mayroon sa Daraitan ay mapagkukunan pa ng yaman. Higit
kaysa sa inaakala nila. Pero hindi ko maintindihan kung ako ba ang may pagkakaintindi
sa salitang yaman o sila. Nakakatuwa kasi na kahit hindi na nila makuhanan ng ginto
ang lugar, nananatili pa rin silang mayaman. Mayaman dahil bukod sa may mangilan-
ngilang mga turista ang napunta, hindi nila naaabuso ang kapaligirang sadyang
ibinigay para sa kanila dahil sa pinahahalagahan talaga nila ito. Wala sa kanila ang
kapitalistang pag-iisip na maaaring pagminahan ang kanilang lugar. Naisip ko tuloy
yung iba ko pang bundok na napuntahan, medyo naabuso na ng tao. Yung mismong
katawan ng bundok na inaakyatan, naduhagi na ang lupa kaya wala ng tumutubo. Ito
ang dahilan kaya may mga bundok na sadyang pinasasara upang mapanumbalik ang
pagiging luntian ng lupa. Kung may kapangyarihan nga ba ako na protektahan sila,
kung ako nga ba si Darna kaso ang ikli ng hita ko. Bagong bersyon ako ni Darna.
Hybrid ni Darna at Teletubbies. Matapos ang halos kalahating oras na pagtambay sa
tuktok, nagdesisyon na kaming bumaba. Sa kalagitnaan ng station ng aming pagbaba
nakasalubong namin ang grupo nina Mark. Inaasar siya ng kaniyang mga barkada
na kunin ang aking numero at nagtanong din naman siya kung ano ang aking numero
ngunit tulad noong nakaraang gabi. Ngumiti lang ako sa kaniya gayundin sa kaniyang
mga kasamahan. Sabay sabi ng aking isipan. “Habulin mo ako, habulin mo ako”
Lig
pit Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
Partikular na lugar na
pinuntahan
Layun
in
Batay kina Constantino at Zafra (2016), ang isang rebyu ay isang mapanuring
pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain (tulad ng tula, dula, pelikula, musika,
sayaw) o ng isang gawang akademiko ( tulad ng aklat o artikulo ng produkto ng isang pag -
aaral o saliksik). Ang isang rebyu ng gawang malikhain ay naglalaman ng una batayang
impormasyon sa gawa, at pangalawa, pagsusuri ng rebyuwer sa gawa.
Pagsus
uri
Mula pa rin kina Constantino at Zafra (2016), ang pagsusuri ang tampok na
bahagi ng isang rebyu. Sa pamamagitan nito, naipapahayag ng rebyuwer ang kaniyang
pagninilay, pananaw,at paghuhusga tungkol sa gawa. Ang babasa naman ng rebyu ay
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
Ang Repertoire ng
Gawa
Batay kina Constantino at Zafra (2016) ang repertoire o katangiang ito ay maaaring
maikategorya sa dalawa: ang pangkalahatan at ang partikular sa anyo ng gawa. Ang
pangkalahatang repertoire ng isang pelikula halimbawa, ay maaaring tumukoy sa
nilalaman, tema, paniniwala, at pagpapahalagang karaniwang mahahalaw sa naratibo ng
kuwento nito. Tungkol saan ang pelikula? Ano ang dinedebelop na ideya ng pelikula tungkol
sa paksa? Ano - ano ang paniniwala o
3 2
(Mula kina Constantino, P. at Zafra G. (2016) Mga larawan sa talabang nangyayari sa
pagitan ng rebyuwer at manlilikha. Rex Book Store).
Makikita sa unang larawan ang paglalarawan sa pangkalahatang repetertoire na
mula sa gawang malikhain kung saan ito ay binubuo ng nilalaman, tema, paniniwala, at
pagpapahalaga samantalang ang partikular na repertoire ay binubuo ng pamamaraan,
kumbensuyon, elemento, estratehiya, etknik, at genre o anyo. Ipinaliwanag naman ng
ikalawang larawan na kahit ang rebyuwer ay may repertoire na tinataglay rin at katulad sa
gawang malikhain nahahati ito sa dalawa. Katulad ng nauna, nahahati ang
pangkalahatang repertoire ng rebyuwer sa pananaw, kaisipan, paniniwala, at
pagpapahalaga samantalang ang partikular na repertoire ng rebyuwer ay ang
kaalaman tungkol sa iba’t ibang pamamaraan ng gawang malikhain.
Hakbang o Proseso na Ginagawa ng Rebyuwer:
Batay kina Constantino, P. at Zafra G. (2016) ang mga sumusunod ang hakbang o proseso
na ginagawa ng rebyuwer:
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
Sangguni
an:
Constantino, P. & Zafra, G. (2016). Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Rex Book Store.
Rebyu ng Pelikulang Second Chance ni Ferl Diane S. Siño
I. KWENTO O
BANGHAY
II.
TEM
A
Maganda at mahusay ang tema ng pelikulang ito na talaga namang makikita ng mga
manonood na pinag-isipang mabuti. Ang tema ay angkop para sa lahat kung saan
ipinararating nito na ang lahat ng tao ay nagkakamali ngunit hindi iyon sapat na rason o
dahilan upang layuan at iwanan natin sila, bagkus ito dapat ay maging dahilan upang
matulungan natin sila dahil lahat ng tao ay may karapatang mabigyan ng pangalawang
pagkakataon para maitama at maiayos ang kanilang nagawang pagkakamali.
III. KARAKTER AT
PAGGANAP
Nabigyan naman ng dalawang artistang ito ng hustisya ang mga karakter na kanilang
ginampanan at naiatang sa kanila. Hindi nila binigo ang mga manonood sa kanilang pag-
arte at nahigitan pa nila ang ekspektasyon sa kanila ng mga tao. Kapansin-pansin din ang
dedikasyon ng mga aktor at aktres na gumanap dito bukod sa mga bida. Maliit man ang
gampanin ng ilang artista, nakatulong pa rin ito upang maiparating ang maayos na
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
mensahe o koneksyon ng bawat tauhan sa mga pangyayari at nasuportahan nila ang takbo
ng kwento ng pelikula.
F I L I P I N O S A P I L I N G L A R A N G - A K A D E M I K
| 13
IV.
ISKRI
P
V.
SINEMATOGR
APIYA
VI.
MUSIK
A
VII.
EDITIN
G
IX. ARAL AT
PAGPAPAHALAGA
Tunay ngang maraming aral ang mapupulot sa pelikulang ito gaya na lamang ng ang
pagpapatawad ay isang bagay na nakapagpapalaya sa iyo dahil kapag ang tao ay
nagpatawad mas gumagaan ang buhay. Isa pa ay huwag parating pairalin ang ego at pride
dahil kung mayroong taong importante ay mas iiral dapat ang pagmamahal para sa taong
iyon kaysa sa ego at pride. Ipinahihiwatig din ng pelikulang ito na kahit anong pagtatago
ang gawin mo sa katotohanan, lalabas at lalabas pa din ito kaya mabuting sa una pa
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lang ay sabihin na kung ano ang problema dahil walang mabuting naidudulot ang
pagsisinungaling. Ipinakita rin sa pelikula na sa kahit ano mang relasyon, huwag hayaang
sirain ito ng sariling ambisyon at pagmamahal sa pera. At panghuli ay hindi masusukat o
mahuhusgahan ang isang tao base lang sa kanyang
pagkakamaling This document is available free of charge on StuDocu.com
nagawa.
maling nagawa dahil lahat naman ng tao ay nagkakamali at may karapatang mabigyan
ng pangalawang pagkakataon para maitama ang
X. REKOMENDASYON
( Mula sa
- A narrative review explains the existing knowledge on a topic based on all the published
research available on the topic.
- A systematic review searches for the answer to a particular question in the existing scientific
literature on a topic.
empirical article -
(original research)
- Based on experience and observation, rather than systematic logic. (according to
MedicineNet.com)
The articles contain original research (such as scientific experiments, surveys and research
studies). A list of references or sources is provided at the end of each article. An editorial
board, composed of experts in the field, reviews articles to decide whether they should be
accepted; this is also known as "refereed," "peer-reviewed," "professional," "scholarly", or
"academic".Uses a specialized vocabulary for that field ( mula sa
https://libguides.lib.msu.edu/c.php?g=96527&p=626576).
a conceptual paper doesn’t present original data…but it must present an original
concept. It synthesises knowledge from previous work on a particular topic, and
presents it in a new context to provide a springboard for new research that will fill
knowledge gaps.Conceptual papers shouldn’t follow the status quo; they need to show
how moving beyond the current norm will enhance knowledge.Most researchers have
experienced the struggle to get a conceptual paper published. I’ve co- authored two
conceptual papers and I’m currently battling to get a third into existence. All have
been more difficult to get through peer review than any of the data papers I’ve published (
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
Sanggunian:
Constantino, P. & Zafra, G. (2016). Filipino sa
Piling Larang (Akademik). Rex Book Store.
https://ecologyisnotadirtyword.com/2018/06/21/ho
w-do-you-review-a-conceptual-paper/).
https://libguides.lib.msu.edu/c.php?g=96527&p=626576
https://www.editage.com/insights/what-is-the-difference-between-a-research-paper-and-a-
review-paper
ttps://www.editage.com/insights/what-is-the-difference-between-a-research-paper-and-a-
review-paper)
https://guides.rider.edu/types/theoretical)
Batay kina Constantino, P. at Zafra G. (2016) ang posisyong papel ay isang sulatin na
nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang
makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensiya para
suportahan ang paninindigan. Karaniwang maikli ang posisyong papel, isa o dalawnag pahina
lamang, upang mas madali itong mabasa o maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat
silang pumanig sa paniniindigan ng sumulat ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay
tumutulong para maging malay ang mga tao sa magkaibang pananaw tungkol sa isang
usaping panlipunan.
Isyu: Ano ang panlipunang isyu ang gustong gawan ng posisyong papel?
kolehiyo
Paglalahad ng unang katuwiran ng kabilang Ano ang iyong kasagutan sa
panig ukol sa isyu. unang katuwiran?
Sanggunian:
Constantino, P. & Zafra, G. (2016). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Rex Book Store.