You are on page 1of 11

REPLEKTIBONG

SANAYSAY

GROUP 7
Ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ang
replektibong sanaysay ay isa sa mga tiyak na uri ng
sanaysay may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay.

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip,


nararamdaman, pananaw at damdamin hinggil sa isang paksa At
kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumulat
nito.maihahalintulad ito sa pagsusulat ng journal at academic
portfolio.Ito ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula
nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
Ayon kay KORI MORGAN, guro mula sa West Virginia
University of Akron. Ito ay nagpapakita ng personal na
paglago
Ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o
pangyayari.

Madalas, ibinabahagi rin ng sumusulat ang kanyang


natutuhan at kung paano ito gagamitin sa buhay sa
hinaharap o kaya
Naman kung paano pa pauunlarin ang mga kahinaan hinggil
sa isang tiyak na aspekto.
HALIMBAWA NG MGA PAKSA NA MAAARING GAWAN
NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

• Librong katatapos lamang basahin


• Pagsali sa isang pansibikong gawain
• Praktikum tungkol sa isang kurso
• Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
• Isyu tungkol sa pagkagumon sa pinagbabawal na gamut
• Isyu tungkol sa mga pinag‐aawayang teritoryo sa West Philippine Sea
MGA DAPAT ISAALANG‐ALANG SA PAGSULAT
NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

• Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng


sanaysay.
• Mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga
naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa.
• Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito.
• Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang replektibong sanaysay ay dapat na mataglay ng


Introduksiyon, Katawan, at Wakas o
Kongklusyon.
SA PAGSULAT NG SIMULA

Maaaring mag‐umpisa sa pagsagot sa mga


sumusunod na tanong⁚
Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa?

Paano ito makakaapekto sa aking buhay?


Bakit hindi ito makaaapekto sa aking buhay?
Matapos masagot ang mga tanong, lagumin ang mga sagot sa
loob ng isang pangungusap. Dapat na mapukaw sa atensiyon ng
mga mambabasa.
Maaaring gumamit ng iba‘t ibang paraan ng pagsulat ng mahusay na panimula.
Maaaring gumamit ng kilalang pahayag mula sa tao o quotation, tanong,
anektoda, karanasan atbp.

HALIMBAWA:
Pagpapakilala ng paksa o layunin.
Isulat sa loob ng isang talata.
SA PAGSULAT NG KATAWAN

• Dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnayan sa kaisipan tungkol sa paksa.


• Maglagay ng mga obhetibong datos batay sa na obserbahan o nararanasan.
• Makakatulong nang Malaki kung gagamit ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian
bilang karagdagang datos na magpapaliwanag ng paksa.
• Isulat ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga natutunan, paano umunlad ang
iyong pagkatao o mga gintong aral.
• Magbigay rin ng mga patotoo kung paano nakatulong ang mga karanasang ito.
SA PAGSULAT NG WAKAS O KONGKLUSYON

• Muling banggitin ang tesis o pangunahing paksa.


• Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano ito magagamit
ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap.
Maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa.
Ang replektibong sanaysay isang personal na pagtataya tungkol sa
isang paksa.
YAN LAMANG PO MARAMING SALAMAT

MEMBER⁚ KIM LADIAO


ROSELYN DELACRUZ
CATHERINE VILLAMOSADA
KIMBERLY ESCARTIN

You might also like